“No!” sigaw ng isipan ni Stefan sa kanya dahilan para makakawala ito sa kanyang isipang kumakain sa kanyang huwisyo.
Nagulat naman si Eunice sa ginawa ni Stefan na biglaang pagtabi sa kanya nito. “Stefan?”
“Don’t touch me!” mariing saad ni Stefan na bakas ang pagkadisgusto sa mukha nito.
Biglang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib si Eunice dahil sa biglang pagsigaw sa kanya ni Stefan nang sandaling iyon.
“Sorry…” mahina niyang saad sabay yuko para itago ang nasasaktan niyang damdamin.
Pumalatak si Stefan at nag-isang matalim na tingin ang kanyang ibinigay kay Eunice.
“Stop calling my name using your filthy mouth!” mariin nitong saad at matapos noon ay tinalikuran na ni Stefan ang kanyang asawa at tuluyang nagpunta ng nurse station para ayusin ang discharge order nito.
Walang ginawa si Eunice kung ‘di pagmasdan ang imahe ng kanyang asawa naglalakad papalayo sa kanya.
“Tuluyan na ba talagang nagbago ang lahat para sa a
LUMIPAS ang araw ay mas lalong nag-iba ang ugali ni Stefan.“All of you are fired! I don’t need your fucking presence!” sigaw nito sa lahat ng kasambahay at manggagawa sa pamamahay ng mga Salvatore.Hindi naman tumutol ang mga kasambahay at manggagawa sa biglaang pagtatanggal sa kanila ng binata sa kanila dahil nais na rin naman nilang umalis. Hindi na nila magawang maatim ang pagbabagong nangyayari dito kaya mas minabuti na lamang na tanggapin ang kompensasyon na ibinigay sa kanila nito at umalis.Hindi na nila magawang maatim ang pag-uugali ni Stefan na labis na nagbago simula nang mawala si Doña Divina."Eunice, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Ito na ang pagkakataon mo para makakawala sa pagmamalupit niya sa 'yo," wika ni Olga kay Eunice."Tama si Ate Olga, Eunice. Bakit hindi mo na lang iwan si Sir Stefan tutal ang sinasaktan ka lang niya," sang-ayon ni Vicky sabay hawak sa dalawang kamay ng dalaga.Ngumiti si Eunice a
MATAPOS na maihatid ni Eunice ang kanyang ina at sina Vicky at Olga sa terminal ay bumalik siya sa mansyon ng mga Salvatore.Pinagmasdan ng dalaga ang kabuuan ng mansyon at kahit na handa na ang kanyang isipan sa maaaring mangyari ay hindi pa rin mawala sa kanyang katawan ang kaba sa sandaling makita siyang muli ni Stefan.“I don’t want to see your face anymore.”Nanariwa sa kanyang isipan ang malamig na awrang ipinakita ni Stefan sa kanya nang sandaling bitawan nito ang mga katagang iyon. Alam niyang labis ang pagkamuhi nito sa kanya pero kahit na anong pilit at kumbinsi sa kanya ng ibang tao na iwan niya na ang kanyang asawa ay hindi niya magawa. Dahil may parte ng kanyang puso ang nagsasabing kailangan siya nito, may nagsasabing kailangan niya tuparin ang ipinangako niya kay Doña Divina at may parte sa kanyang puso nagsasabing hindi niya kayang iwan si Stefan sa hindi niya malamang rason.Humugot nang malalim na paghin
WALANG ARAW na hindi umuwi nang lasing si Stefan matapos nang nailibing ang kanyang lola. Hindi pa rin nito matanggap ang lahat na nangyari at sa bawat na nagdaan sa tuwing nakikita niya si Eunice ay mas lumalalim ang kanyang galit dito. At sa tuwing nagagalit siya ay paulit-ulit niyang ipinapamukha rito ang kasalanan na ginawa nito at kung minsa’y dinadaan niya sa marahas na pakikipagtalik.“Eunice!” malakas na sigaw ni Stefan nang sandaling makapasok siya ng mansyon at tulad ng dati ay umuwi na naman ito ng lasing.“Eunice!” Muling sigaw ni Stefan na susuray-suray ang paglakad.Nang marinig ni Eunice ang boses ng kanyang asawa ay dali-dali itong naglakad papalapit kay Stefan.“Stefan,” mahinang usal ni Eunice na halatang kagagaling lang sa tulog.“What are you doing? Why aren’t you answering?” galit na tanong ni Stefan nang sandaling nasa kanyang harapan si Eunice na pupungas-pungas.Hindi alam ni Eunice ang kanyang magiging tugon dahil alam niyang anumang rason ang kanyang ibigay a
MATAPOS ang ilang oras na pang-aabuso ni Stefan sa katawan ng kanyang asawang si Eunice ay nakatulog na lamang ito bigla sa sofa.Nanliliit man sa kanyang sarili ay isa-isang dinampot ni Eunice ang kanyang damit at sinubukang itakip sa kanyang katawan kahit na ito’y punit-punit. Nang sandaling iyon habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog dahil sa kanyang kalasingan ay muling nanariwa sa kanyang isipan ang ginawa nito sa kanya sa mga araw na nagdaan. Hindi pa rin niya lubos na maisip na ang sinasapit niya ngayon ay magagawa sa kanya ni Stefan. Alam niyang may pagkamatigas ang ulo nito ngunit hindi niya aakalain na pagbubuhatan siya ng kamay nito.“Stefan…” mahina niyang usal sa pangalan nito. Kasunod noon ay ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Kailan mo ba ako magagawang pagkatiwalaan muli? Kailan mo magagawang maniwala sa akin?”Dahil sa hindi na makayanan ni Eunice ang kanyang pag-iyak at sakit na nararamdaman ay nagtungo siya sa maid’
HABANG abala sa pamimili si Eunice ay wala silang kalam-alam na pumuslit sina Astolfo at Greta sa bahay ng mag-asawa.“I really have nothing to say to you, Gretta! Ikaw lang talaga ang nag-iisang Gretta de Bunco!” pagpupuring saad ni Astolfo na manghang-mangha sa kanyang kapatid.“Kuya Astolfo, hindi ko makukuha ang pangalang ‘yan kung hindi ako magaling,” pagmamalaking tugon ni Gretta.“Woah!” manghang reaksyon ni Astolfo nang napapailing habang napapalakpak. “Ikaw na talaga.” At patuloy pa rin sa kanyang pagpalakpak.Ngumisi lang si Gretta bilang tugon. “Tara na sa loob bago pa makabalik ang babaeng basurang iyon.”“Let’s go!” masayang saad ni Astolfo.Mabilis na pumasok sa kabahayan ang magkapatid at dali-daling dumiretso sa dating k’warto ng kanilang kapatid na si Divina. Nang sandaling makapasok ang mga ito sa k’warto ay agad nilang iginala a
“FUCK!”Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ni Stefan nang sandaling makapasok siya sa k’warto. Hindi pa ito nakuntento at naghagis pa ng vase sa pader na siyang ikinabasag nito at nagkalat ang mga bubog sa sahig.“Fuck!” Muli niyang mura na labis ang panggigigil.You’re such a slut! You weren’t satisfied with killing my Lola, and now you’re having an affair with another man? Eunice, how many times are you going to disappoint me? How many times?Nang manariwa sa alaala ni Stefan ang kanyang binitawang mga salita kay Eunice. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit niya nasabi ang lahat ng iyon kay Eunice.“You really disappoint me!”Napasapo si Stefan sa kanyang noo. Naiinis at hindi maipaliwanag na emosyon ang kumakain sa kanyang buong pagkatao. Nadidismaya siya sa lahat na nangyayari. Hindi niya ito gusto at sa tuwing nakikita niya si Eunice ay
Chapter 37: Office AffairsWALA ng nagbago sa rotation ni Eunice sa bawat araw na darating para sa kanya—gigising, pagsisilbihan si Stefan, tatanggapin lahat na masasakit na salita, pananakit, pang-aabuso, sapilitan na pakikipagtalik, iiyak at matutulog. Sa bawat araw na iyon ay pinipilit niyang mabuhay kahit sobrang nahihirapan na siya—kahit na sobrang naaawa na siya sa kanyang sarili at sobrang nasasakal na sa kanyang dinaranas na halos umabot sa puntong gusto niya nang mamahinga ng tuluyan. Ngunit, takot at ang batang nasa kanyang sinapupunan ang tanging pumipigil sa kanya.Tulad ng dati, naiwan na naman siya sa bahay at ang tanging karamay at ang nakakausap ay ang telebisyon at radyo. At dahil tapos na siya sa kanyang mga gawain ay napagpasyahan niyang buksan ang telebisyon para malibang at mapawi ang kanyang pagod na nararamdaman. Nagsimula siyang maghanap ng palabas sa tv hanggang sa nakita niya ang isang medical drama na ‘The R
ISANG MALAKAS na busina ang umagaw sa atensyon ni Eunice dahilan para bitawan niya ang medical book na hawak niya at mapatayo sa kanyang pagkakaupo. Dali-dali itong naglakad palabas ng mansyon para pagbuksan ng gate ang nagwawala niya na namang asawa.“Fucking bitch! I’ve been waiting here for ages yet you’re too slow to open the fucking gate!” nagwawalang sigaw ni Stefan nang sandaling pagbuksan siya ng gate ni Eunice.“Pasens’ya na, Stefan, may—”Hindi pa man natatapos magsalita si Eunice ay binara kaagad ito ng kanyang asawa.“Is what you are doing more important than opening the gate for your tired husband?” gigil na tanong ni Stefan.“Pasens’ya—”“I don’t need your explanation, you, bitch! What I want is to do what’s more important and that is to make me satisfied! You, idiot!” sigaw ni Stefan.Matapos nito sigawan at laiti
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang