“Steph’s POV”
Ibubuka ko sana ang aking bibig ng muli niya akong pagbantaan, “subukan mong ulitin ang tawag sa pangalan ko at makikita mo talagang hahalikan kita.”
“Do you think na natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mo? Well, I am telling you na naiinis pa rin ako dahil ginawa mo sakin yun dahil una sa lahat hindi mo ako pag-aari para basta gawin ang isang bagay na hindi ko ginusto.”
“I don’t think na hindi mo ginusto yun,” duda niyang sagot.
“Are you thinking na ginusto ko rin mangyari yun?!” Galit kong sabi sa kanya.
“Wala akong sinabi na ganyan pero sayo nanggaling yun, ginusto mo nga ba iyun?” pilosopo niyang sagot.
“Ayoko ng kausapin ka,” tinalikod ko ang silya ko sa kanya at humalukipkip saka sumandal sa sandalan nito at pinikit ang aking mga mata para ikalma ang aking sarili sa inis na aking nararamdaman.
“Darling, walang tao dito. G
Matapos ang araw na yun ay hindi nagtanong si Steph sa asawa kung sino ang babaeng nakatagpo nila sa kanilang kinain na lugar. Nakahiga sa malambot na kobre kama si Steph habang iniisip ang mga sinabi at kinilos ng kanyang asawa sa tuwing magkaharap sila. She was confuse dahil sa hindi niya maisip kung ano ba talagang tumatakbo sa utak nito dahil na rin sa pag-iba iba niya ng nasa isip. Hindi niya namamalayang lumalalim na pala ang gabi hanggang sa ang mga mata na niya ang kusang sumuko at pumikit dahil sa pagod sa maghapong nakalipas. Kinabukasan, maagang gumising sa kampo si Caspian at nagtrabaho agad. Tinapos na niya ang kanyang mga gawain sa umaga nang mapadaan si Ivan sa opisina nito at nakita siya nitong umaga pa lang ay nagtatrabaho na ang kernel. “Buddy, bago pang sumisikat ang araw ah. Bakit ang aga naman yata niyan?” Tanong nito ng makita siyang sobrang subsob sa trabaho. &n
“Ayoko sa ospital,” mahinang sambit ni Steph. “Hintayin mo lang kami diyan, Elise,” sabi ni Caspian bago lumabas ng condo nila at sumakay ng elevator. Nasaktan si Steph dahil ang anak pa rin ng commander ang kanyang iniisip sa halip na siya na masama ang pakiramdam. Durog na durog ang kanyang puso habang iniisip niya ang pag-aalala ng kanyang mister sa babae dahil habang bumabyahe sila patungo sa klinika ng doktor ay magkausap pa rin ang dalawa sa cellphone. “Send me to my savior’s clinic,” demanding niyang pagkakasabi kahit bumabaliktad na naman ang kanyang sikmura. He simply glance at her bago niya ibalik ang kanyang paningin sa kalsada. “He doesn’t really care about me, alam kong ginagawa niya lang ito dahil sa kasal lang kami at wala ng iba. I’d better do an action para matapos na itong mga pagpapanggap namin at matapos na ang sakit na ito,” utos ng kanyang isipan s
“Luigi’s POV” Halos mapahagalpak ako ng tawa ng masaksihan ko ang pagpula ng mukha ng asawa ni Steph dahil sa galit matapos kong sabihin na mahal ko ang aking kaibigan. Mabilis siyang lumapit sakin at kinuwelyuhan ako, “don’t you dare try to ruin our relationship, kung hindi masisira ang mukha mo sakin,” pagbabanta niya na nagpatawa sa akin. “Akala ko ba hindi mo mahal si Steph pero bakit parang ayaw mo yatang pakawalan ang babaeng mahal ko,” pang-aasar ko sa kanya. Ayoko na sanang pahabain pa ang usapan naming pero nag-eenjoy akong inisin ang lalaking ito bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagdurog ng puso ng isa sa aking pinakamamahal na kaibigan. Gusto ko ring malaman kung ano bang pumipigil sa kanya para mahalin ang aking kaibigan gayong kita sa mukha niya na may malasakit siya kahit pa man taliwas ang lumalabas mula sa kanyang bibig. “Hindi ko nga siya mahal pero
“I don’t think na hindi ka na nag-aasume pa dahil nakikita ko pa rin na nasasaktan ka dahil sa pambabalewala niya sa feelings mo and that’s the sign that you are still hoping something from him,” sabi ni Luigi sa kaibigan. Nasaktan naman siya dahil sa katotohanang nalaman ni Luigi tungkol sa relasyong meron silang dalawa. “I am trying my best na iignore ang nararamdaman ko for him at kalimutan na lang siya kaya lang…” Napayuko siya at hindi niya masabi ng buo ang nais sabihin. “Kaya lang, the more na lumalapit at nagpapakita siya sayo ng kindness, the more na nasasaktan ka kasi doon sa panahon na yun ikaw umaasa at dun mo siya minamahal. Tama ba ako?” Malumanay na tanong ni Luigi. “Oo,” malungkot niyang pag-amin. Naobserbahan ni Luigi ang pagiging malungkutin ng kanyang kaibigan ng mga nagdaang araw na nakapagpabahala sa kanya dahil hindi siya ganito noon. Madalas siyang nagsasaya kasama ang
Nang maka-withdraw ng pera si Steph mula sa debit card na pinahiram sa kanya ng kanyang kaibigan ay nagmadali siyang maghanap ng establisyementong malapit sa dinaanan ng sasakyang pamilyar sa kanya. Ayaw na niyang mag-isip at manghula dahil gusto na niyang malaman agad ang katotohanan kahit na masasaktan pa siya sa kanyang malalaman. Nang makarating siya sa isang establisyemento na may surveillance camera ay nakiusap siya sa may-ari ng store na kung maaaring makita ang footage ng nakalipas na oras. Matapos ang mahabang pakikipagpaliwanagan niya at pakikiusap ay pinayagan rin siya nito at nakuha niya ang nais niya malaman. Hindi nga siya nagkamali dahil totoo ang kanyang nasaksihan na dumaan, sasakyan nga iyon ng kanyang asawa at kasama nga iyong babaeng tinatawag niyang Elise! Although nasasaktan siya at naiyak siya dahil iniwan siya nito sa klinika ng kanyang kaibigan para lang kay Elise ay
Nabalot ng pangamba si Steph ng sabihin yun sa kanya ng mister. Nais niyang bawiin ang lahat ng lumabas sa kanyang bibig ngunit wala siyang maisip na maaari niyang idahilan. Gulat at halos hindi pa rin siya makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Steph ngunit hindi pa rin nawawala ang matinding galit at sakit sa kanyang puso kahit na nagkamali siya ng pag-approach sa mister kaya wala na siyang magagawa. Muling humakbang si Caspian palapit sa kanya at nakipag-usap ng masinsinan sa kanyang misis na parang sila lamang ang tao sa loob ng bahay. Nakatuon lamang ang paningin nito sa kanyang misis habang nag-aalangan naman si Steph na tumingin ng diretso dito na parang siya pa ang mali sa kanilang dalawa. “Did you just… fall in love with me? Kaya ba selos na selos kang makita kaming magkasama ni Elise?” Maangas na tanong nito dahil sa buong akala niya ay walang lakas na loob itong sagutin ang kany
“Caspian’s POV”Tumahimik ang buong kabahayan ng hinayaan ko siyang umalis, I can say na naging peaceful ang ilang oras kong pananatili sa aking condo ngunit unti-unting nagiging tahimik ang buong paligid dahil sa hindi ko naririnig ang boses niyang ang laman ay puro reklamo.“Anong iniisip mo, kuya?” Tanong ni Elise. Si Elise ay dalawampung taong gulang na anak ng aking commandant noon na aking sobrang hinahangaan dahil sa husay mag-handle sa batch namin at ang nagmotivate sa akin na ipagpatuloy ang aking nasimulan kahit gaano pa ka-tragic ang pinagdaanan ko sa aking naunang pakikipag-engkwentro. Malaki ang utang na loob na aking tinatanaw sa kaniya kaya naman hindi ako pumayag na itaboy si Elise sa aking condo kahit pa kapalit nito ang pag-alis niya.Nawala ang aking pagkatulala ng marinig ang biglaang tanong ni Elise sa akin, “nag-aalala ako para sa asawa ko,” pag-amin k
Sa headquarter ni Caspian dinala ang asawa dahil hindi niya ito napilit na umuwi sa kanila. Tahimik niyang minamasdan ang natutulog niyang misis, kinuha niya ang isang bagong kumot sa kaniyang aparador at ikinumot sa kaniya ngunit nakita niyang inalis ng asawa ang kumot na pilit niyang ibinabalot sa kaniyang asawa.Natutok ang tingin niya sa braso nito na may pasa saka lamang niya naalala na napahigpit pala ang hawak niya sa asawa kanina habang pinipiit niya ito.Hinawakan niya ito at minasdan, marahan niyang minasahe ito ngunit tila nasasaktan siya dahil kumukunot ang kanyang noo at nagsasalita ng mahina.“Ma—masakit…” mahina niyang bulong.Sinuklay ni Caspian ang buhok nito at bumulong, “I’m sorry,” he wanted to kiss her forehead but he stopped.Lumabas siya sa kanyang kwarter na naiinis sa kaniyang sarili, tumingala siya sa malawak na
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban