“Why don’t you rest more pa? Baka pagod ka lang. Balak ko pa naman sana ipakita sayo yung gift ko para sayo kahapon kaya lang nakatulog ka. Iakyat ko na lang dito at iwan ko dyan, nagmamadali kasi ako,” sabi ni Caspian kay Steph.
Nag-okay gesture sa daliri si Steph at muling bumalik sa kanyang kwarto without saying anything to him. She was planning to go out kapag nasiguro na niyang hindi na babalik ang kanyang asawa.
Inihiga niya ang kanyang katawan sa kama at nakinig ng music hanggang sa di niya namalayang nakatulog pala uli siya.
Samantalang si Caspian naman ay nakapag-report na sa kanilang headquarters at naghahanda na para sa bagong papasok na batch na kanilang ite-train sa pagka-officer.
“Buddy, it’s good to see you again!” Sigaw ni Jerome na umagaw ng atensyon ni Caspian. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nagulat ng makita ang kanyang mga kaibigan na naglalak
“Anong nagdala sayo dito at bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong ni Luigi ng masilayan niya ang nakabusangot na mukha ng kanyang kaibigan na si Steph, tumalikod siya upang ayusin ang mga files sa kanyang desk.Inalis ni Steph ang kaniyang sapin sa paa at itinaas ito sa sofa saka inihiga ang sarili roon at malungkot na nakatingin sa kisame. Napabuntong hininga siya bago sagutin ang tanong ng kaibigan, “hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ewan ko pero nahihirapan ako,” reklamo niya sa kaibigang doktor.“Mukhang nakakalimutan mong hindi sakop ng kakayahan ko ang gamutin ang sugatan mong puso dahil sa pag-ibig,” biro niya na sa buong pag-aakala niya ay nagbibiro rin ito sa kaniya.“A-alam ko naman yun… Gu-gusto ko lang ng masasandalan sa panahong mahina ako and I expect you to be my companion pero mukhang mali ako,” narinig ni Luigi ang pagnginig ng boses nito ka
Gulat na gulat sina Caspian ng muli nilang magpakita sa kanila si Beatriz ng umagang yun na sinunod ang payo ni Ivan which is they all did not expect dahil ang kilala nilang beatriz ay walang planong gawin ang ganung bagay. “Se-seryoso ka talaga sa ginawa mo?” Nauutal na tanong ni Ivan sa dalaga na mas lalong lumutang ang ganda sa gupit nitong four by five hair cut na bumagay sa maliit at bilugan nitong mukha. “Oo, at seryosong-seryoso ako na mapaibig at mapapasakin si Caspian Andrew Ardiente,” nakaturo ang kanyang daliri sa kernel nang ianunsyo ito. “Ano naman kung mapaibig mo siya? Hindi naman maaring maging kayo,” sarkastikong sinabi ni Ivan. “Ivan, wag mong sirain ang pangarap ng isang binibini,” natatawang saway ni Lawrence. Napasimangot si Beatriz sa kanila habang walang emosyong nakatingin sa field si Caspian, “pero bakit maaring maging
“O, bakit nakabusangot ang aking buddy?” Tanong ni Ivan ng makita si Caspian na inis sa loob ng kanyang opisina at pawisan. “Buksan mo kasi ang ceiling fan para hindi ka naiinis sa init ng panahon ngayon,” payo ni Lawrence saka pinilik ang switch ng fan. Naglakad ang dalawa papasok sa opisina ng kaibigan at naupo kalapit niya. Wala pa ring imik si Caspian habang ang dalawa ay nakikiramdam lamang sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin. “Naiinis ka pa rin ba dahil kay Beatriz?” Tanong ni Ivan. “Hindi, ba’t naman ako magpapaapekto sa babaeng yun?” Iritable niyang sagot. “Kung hindi ka sa kanya inis, kanino ka naiinis?” Nagtatakang tanong ni Lawrence. Sasagot na sana si Caspian ngunit humahangos na dumating si Jerome sa kanyang opisina upang ibalita ang kanyang nakita sa labas. “Dude, yung asawa mo n
“Steph’s POV” Sinuri ko ang mukha ng babaeng pumasok at tumawag sa asawa ko na nagsasabing hindi siya naniniwala na kasal na si Caspian. Maingat kong minasdan ang mukha niya at nagulat na lamang ako ng maisip ko kung sino ang babaeng ito. Kahit pa man nagpagupit siya ng ganyan kaiksi, walang kolorete sa mukha, at ganito ang pananamit ay kilalang kilala ko ang babaeng nakikita kong ito ay walang iba kundi si Beatriz Ilacad. Siya ang babaeng pakiramdam niya ay inagaw ko ang lahat sa kanya at sobrang laki ng galit sakin sa hindi ko malamang dahilan siguro ay dahil na rin sa palaging ako ang pinipili na mag-advertise ng mga products at ako ang naging ambassador nung nakaraang taon ng isang kilalang product dito sa Pilipinas. Patago kong siniko si Caspian at nang tumingin na siya sa akin saka ako inis na nagtanong, “wag mong sabihin saking girlfriend mo yang babaeng yan?” &n
“Beatriz POV” Nakakainis talaga kung bakit pa sa dinami-rami ng mga babae sa buong mundo ay yung si Stephanie Villamar pa ang pinakasalan ni Caspian. Matatanggap ko pa sanang kasal na siya kung hindi lamang siya sa mortal ko kaaway kinasal. I can’t still believe na may lakas siya ng loob na halikan ang babaeng yun sa harap ko at ipamukha saking totoo nga ang relasyon nilang dalawa! Hindi ako papayag na matalo na naman ako ni Steph. Gagawin ko ang lahat para iwan siya ni Caspian, sisiguraduhin kong hindi siya sasaya at masisira ang buhay niya pagkatapos nito. I am sure na mawawala ang lahat sa kanya maghintay lamang siya. Sa twing naaalala ko ang lahat simula ng dumating siya ay mas lalong tumitindi ang aking galit na nararamdaman para sa kanya. Dahil pagpasok pa lamang niya ng aming industriya ay nakuha na niya ang atensyon ng lahat pati ng endorsers, hindi ko alam kung
Tahimik na nakaupo lamang si Caspian sa loob ng kanyang opisina habang iniisip pa rin ang malambot na labi ng asawa na dumampi sa kanyang mga labi. Nakatulala sa kawalan at malayo ang tingin ngunit nakarinig siya ng katok na nagbalik sa kanya sa reyalidad, nakita niya ang nakatayong pinsan ni Steph sa pinto ng siya ay mag-angat ng tingin. “Uuwi na ang cousin ko, are you planning to send her o si Lui na lang uli ang maghahatid sa kanya?” Prangkang tanong nito. Nagsawalang kibo si Caspian ngunit ng maalala niya ang pagkakayapos ng asawa niya sa binata ay tila nakaramdam siya ng selos ngunit ayaw niya lang itong tanggapin. “Silence means yes for Lui,” narinig niyang sabi nito saka siya tinalikuran. Sumilip mula sa bintana si Caspian at natanaw niya ang kaibigang doktor ng kanyang asawa na hinihintay ang kanyang asawang lumabas. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan saka na
“Steph’s POV” Ibubuka ko sana ang aking bibig ng muli niya akong pagbantaan, “subukan mong ulitin ang tawag sa pangalan ko at makikita mo talagang hahalikan kita.” “Do you think na natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mo? Well, I am telling you na naiinis pa rin ako dahil ginawa mo sakin yun dahil una sa lahat hindi mo ako pag-aari para basta gawin ang isang bagay na hindi ko ginusto.” “I don’t think na hindi mo ginusto yun,” duda niyang sagot. “Are you thinking na ginusto ko rin mangyari yun?!” Galit kong sabi sa kanya. “Wala akong sinabi na ganyan pero sayo nanggaling yun, ginusto mo nga ba iyun?” pilosopo niyang sagot. “Ayoko ng kausapin ka,” tinalikod ko ang silya ko sa kanya at humalukipkip saka sumandal sa sandalan nito at pinikit ang aking mga mata para ikalma ang aking sarili sa inis na aking nararamdaman. “Darling, walang tao dito. G
Matapos ang araw na yun ay hindi nagtanong si Steph sa asawa kung sino ang babaeng nakatagpo nila sa kanilang kinain na lugar. Nakahiga sa malambot na kobre kama si Steph habang iniisip ang mga sinabi at kinilos ng kanyang asawa sa tuwing magkaharap sila. She was confuse dahil sa hindi niya maisip kung ano ba talagang tumatakbo sa utak nito dahil na rin sa pag-iba iba niya ng nasa isip. Hindi niya namamalayang lumalalim na pala ang gabi hanggang sa ang mga mata na niya ang kusang sumuko at pumikit dahil sa pagod sa maghapong nakalipas. Kinabukasan, maagang gumising sa kampo si Caspian at nagtrabaho agad. Tinapos na niya ang kanyang mga gawain sa umaga nang mapadaan si Ivan sa opisina nito at nakita siya nitong umaga pa lang ay nagtatrabaho na ang kernel. “Buddy, bago pang sumisikat ang araw ah. Bakit ang aga naman yata niyan?” Tanong nito ng makita siyang sobrang subsob sa trabaho. &n
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban