“Steph’s POV”
Alam kong wala akong feelings sa mokong na yun pero bakit ako nakaramdam ng kirot sa aking puso ng malaman ko ang kanyang palihim na pagtataksil sa akin?
No, no, it can’t be… Dahil lang siguro mali ang kaniyang ginagawa kaya ako nakararamdam ng inis, galit, poot, at parang gusto kong manakit ng mga kabit at manlolokong lalaki.
“ANG KAPAL NG MUKHA NIYANG PAGTAKSILAN AKO? SINO SIYA PARA GAWIN ITO SA AKIN?!”
“Siya lang naman ang lalaking pinakasalan mo na hindi mo pwedeng angkinin dahil kasal lang kayo para tuparin ang hiling ng mga magulang nyo,” malumanay niyang sagot.
“Alam ko at hindi ko nakakalimutan yun pero sinabi mo sakin na sa mata ng Diyos at lahat ng tao, KASAL PA RIN KAMI.”
Nakikita kong pinapanood ang niya ako habang nanggagalaiti ko sag alit ngunit wala akong pakialam sa iniisip niy
“Sinong nobya ng kapitan? Ako? Anong sinasabi niya?” Tanong niya sa kaniyang sarili.Napansin naman ni Steph ang mainit na titigan sa pagitan ng kanyang pinsan at ng asawa.Lumingon lang si Steph sa kinaroroonan ng pinsan, “wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil wala akong ginagawang masama hindi katulad ng ibang nagpapatay malisya sa kasalanang nagawa,” malamig niyang sagot sa asawa.Hinablot niya ang bull cap na nakalagay sa ulo ni Steph at galit itong binato kay Mike na sya namang nasalo ng kaniyang pinsan.“DAMN STEPHANIE! MAY ASAWA KANG TAO TAPOS NAKIKIPAGLANDIAN KA SA KAPITAN NA ITO?!” Galit niyang sigaw. Pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo ng mga sandaling yun dahil harap-harapan niya itong nasaksihan.“Sir, hindi naman yata tama na sinisigawan mo yung babae. Hindi natin siya katulad na mga sundalo,” sabat n
“Caspian, wala ka bang balak na bisitahin man lang ang asawa mo?” Tanong ni Heneral Rodrigo sa kanyang anak na chill sa kanyang pagkakaupo sa couch sa loob ng opisina ng kanyang ama.Napahinto sa paglalaro ng cellphone si Caspian ng marinig ang tanong ng ama at tumingin dito, “bisitahin? Kakikita lamang namin kahapon,” tugon niya sa ama.“Hindi mo alam ang nangyari sa asawa mo kahapon?” Tanong nito.Biglang dinapuan ng kaba ang dibdib ni Caspian ng marinig ang tanong ng kanyang ama, hindi niya alam kung bakit parang nakaramdam siya ng concern sa asawa gayong alam niya sa kanyang sarili na hindi naman niya ito mahal.“Anong nangyari sa kanya?” Hindi sya makapaghintay sa isasagot ng ama.“Nahulog daw sa hagdan ng mag-ayos ng Christmas tree sa bahay nyo, bakit hindi mo alam ang nangyayari sa kanya? Hindi ba kayo nagkakausap o tex
“Steph’s POV”“Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sayo, ha? Hindi ako interesado SA-YO. Kaya wag kang umasang maiinlab ako sa babaerong katulad mo,” diin kong sagot sa kaniya. Napansin kong hindi parin niya inaalis ang mukha niya sa akin, “saka pwedeng ilayo mo yang mukha mo sakin. Sobrang lapit mo kasi.”Itinulak ko siya papalayo sa akin ng hindi sya kumibo sa aking sinabi, mahirap na baka maisahan na naman ako ng mokong na ito. Nanakaw na nga niya ang first kiss ko mukhang nagbabalak pang nakawin ang pangalawa.“Narinig ko kay Dad na nahulog ka daw sa hagdan? Bakit ka naman kasi umaakyat dun alam mo namang hindi pa gumagaling ang dati mong injury, dinagdagan mo pa.” Sabi niya. Hindi ko alam kung pinagagalitan ba niya ako o sinisisi niya ako.“Walang ibang gagawa ng pagdedecorate ng buong bahay kaya ginawa ko na,” sagot ko sa kanya.
“Steph’s POV”“Steph, paano kung hanapin ka ng asawa mo?” Tanong ni Aly habang tinutulungan niya akong maghanger ng mga damit ko sa aparador niya. Nakarating agad kami sa apartment ni Aly dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay naming sa Pampanga.Apat na taon ng nagsasarili si Aly sa bahay na ito ngunit nitong mga nakaraang buwan ay nadadalas na siyang tumira sa kanilang bahay dahil na rin sa pagsulpot ng kaibigan ni Mike na si Rico na araw-araw siyang kinukulit ligawan ngunit hindi nga niya ito type kaya naman ay parati niya itong binabasted.“Hindi ako nun hahanapin at katulad nga ng sabi niya ay wala kaming karapatan na makialam sa personal naming buhay at pati na rin ang desisyon,” sagot ko sa kanya.“When do you plan of going back to your house?” Bigla niyang tanong.“Babalik agad, kung gusto mo na akong paalisin s
Magdadalawang linggo na ang lumipas ay wala ng narinig na balita si Caspian sa asawa mula ng huli nilang pagkikita at ang tanging natatandaan lamang nito ay ang huling mga sinabi ng asawa na lalayas siya sa bahay kung hindi papalitan ang door knob.Habang patungo si Caspian sa kanyang opisina ay hindi inaasahang nakasalubong niya ang pinsan ng asawa na kasama ang kaibigan nitong si Rico na pawang mga kapitan, nagbigay galang ang dalawa sa kaniya dahil sa kaniyang mataas na ranggo.“Buddy, hindi yata napapadaan ang pinsan mong si Steph. Kumusta na kaya siya?” Narinig ni Caspian na tanong ng kasama nito habang naglalakad palayo.“Wala akong balita sa kanya,” narinig niyang tugon ni Mike.“Hindi kaya nagkatotoo ang sinabing mong baka naka-wheel chair na siya,” narinig niyang duda ng kasama nitong lalaki.Kusang gumalaw ang mga paa ni Caspian at tu
"Aly’s POV”Umiiyak akong nanakbo sa kinaroroonan ng humagis na sasakyan ni Steph, takot man at puno ng pangamba ang aking dibdib nagpatuloy ako patungo roon kahit nakakatakot ang maaring magiging resulta ng pagbangga nyang yun.Mahigpit ang paniniwala ko sa Diyos ngunit sa mga oras na ito mas lalo akong kumapit ng mahigpit sa kaniya at pinagdasal na sana ay walang masamang nangyari sa aking kaibigan. Ayokong mawala ng basta ang aking naging sandigan noong panahong lugmok ako at iniisip kung san ako dapat tumungo, she showed up everywhere at parating nagbibigay ng payo sa akin kahit na hindi niya mabigyang solusyon ang kanyang mga sariling problema.Si Steph ang pinaka-kakaiba sa lahat ng aking nakilala dahil kahit nanggaling siya sa angkan ng mga mayayaman sa aming bayan ay hindi siya nagpakita ng kaibahan sa kahit kanino at nanatili siya bilang siya.Nanginig ang aking mga tuhod at nanghina ang aking
“Caspian’s POV” Hindi ko akalain na ang tahimik kong mundo ay biglang magugulo. Simula ng maging asawa ko si Steph, ang payapang kong mundo ay biglang nagulo dahil sa mga kalokohang ginagawa niya sa kaniyang buhay at hindi maiiwasan na mag-fire back sa akin ng dahil sa kagagawan niya. Ang kalmado kong puso ay napuno ng pangamba simula ng sumulpot sya sa aking buhay, bigla akong nakaramdam ng takot na noon ay hindi ko nararamdaman sa buong buhay ko sa serbisyo. Ngayon lang… Takot na baka isang araw, dumating sa punto na hindi ko na siya kaya pang protektahan. Takot na baka masanay siya na parati akong nariyan sa kanyang tabi upang siya ay sagipin. At takot… na baka mahulog siya ng lubusan sa akin at yun ang hindi ko maaaring payagan… dahil alam kong hindi ko kayang suklian. Natatandaan ko pa ang araw ng aming kasal, y
“My God, Steph! Bakit ako ang sinisisi mo sa kapahamakang nangyari sayo? Ako ba ang nag-engganyo sayo na pumunta ka dun at makipagkarera?” Iritang tanong ni Caspian sa asawa. “Well, kung hindi ka lang naman tumawag-tawag sakin, hindi sana ako biglang pepreno at ako sana ang nanalo sa kompetisyon namin ng hambog na yun…” Mahinang bulong ni Steph ngunit hindi ito nakaligtas sa matalas na tenga ng asawa. “Ako ba ang may hawak ng manibela? At yung pagkapanalo pa talaga ang iniisip mo ngayon kahit nandito ka na sa ospital at muntik ng mamatay dahil sa karera na yan. My God, Steph, when will you stop making troubles? Napapagod na ako kakaunawa sa mga maling pinaggagagawa mo,” dismayadong reklamo nito. “Siguro kapag huminto ka na rin sa pangba-babae mo,” ngumisi siya saka tinignan ang asawang inis na nakatitig sa kanya, “meaning to say, hindi yun kailanman mangyayari. So please, stop dreaming my dear, husband,” pang-aasar
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban