4050(Sera POV)Ngunit sa situation namin, ako dito ang babae, at si Nathaniel ay lalaki… At malakas siya kumpara sa akin. Hindi niya ako pinakawalan… Kundi sapilitan niya akong niyakap, at natigilan ako dahil… sa sinabi niya sa akin na parang isang bulong…“Alam mo bang nagkakamali ka Sera sa ginawa mo? Alam mo bang pagkakamali na magpakasal ka sa akin? Kung akala mo ang pagpapakasal sa akin ay makukuha mo ang nais mo… Dyan ka nagkakamali.”“Nathaniel…” Dahil marahas na hinubad ni Nathaniel ang twalyang nakapulupot sa akin, na mahigpit ko sanang hinahawakan. Tinapon niya iyon kung saan, at naramdaman ko na lamang inangkin na nito ang aking labi, at naging malilikot ang mga kamay niya. Halos gusto nitong makuha lahat ng aking hininga dahil sa marahas niyang paghalik sa akin. Napapatulak ako sa kanya at pilit na pinipigilan ang mga kamay nito&hell
(Sera POV)O magbabago ba ang isipan ni Nathaniel, kung sabihin ko sa kanya na buntis ako? Walang mangyayari kung hindi ko susubukan diba?Kaya nagmadali na akong magbihis. Bumaba na mayroong nakuhang bagong pag-asa at isantabi ang mga negatibong nangyari kanina. Lalo na ang tungkol sa Contraceptive pill na nais ipa-inom sa akin ni Nathaniel.Hinding-hindi ko yun gagawin. Dala lang ata ito ng panlalason ng isipan ni Ate Wilma sa kanya. Lalaban ako… Hindi ko hahayaan na mangyari ito ulit, at masira nga ng tuluyan ang tiwala ni Nathaniel sa akin. Kung ano man ang sinabi ni Ate Wilma sa kanya, alam kong walang katotohanan ang mga yun. Wala kaming relasyon ni Kuya Ruel, at sana naman wag nilang dinadamay ang tao dito. Ate Wilma, kapatid mo pa namang buo si Kuya Ruel… Pasensya na kung nangyari ang mga bagay na ito. At sa tingin ko huli na ang lahat dahil mayroon na akong nararamdaman para kay Nathaniel.
(Sera POV)Akala ko pa naman ang magandang balita na sasabihin ko kay Nathaniel, ay magpapasaya sa kanya ng husto. Ngunit kailangan ko nang itikom ang aking bibig. Dahil mali ang inaasahan ko. Di nais ni Nathaniel na may mabuo sa pagitan naming dalawa.Sorry baby… Hindi ko na muna sa kanya sasabihin ang tungkol sayo… Kailangan muna ni Daddy magpalamig ng kanyang ulo. Saka na lang baby. Baka kapag sinabi ko sa kanya, hindi pa kita magawang maprotektahan. Hindi talaga maganda ang pagkakataon na ito. Saka na lamang…Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Huminga din ng malalim si Nathaniel na para bang nagsisi sa kanyang ginawa. Instant regret kung tawagin. Sana nga…“Sana naman Nathaniel alam mo ang pinagsasabi mo.” At pilit akong ngumiti.“Ang nais ko lang Sera, inumin mo ang gamot. Hindi darating sa puntong ito, kung sumunod ka kaagad
(Sera POV)Pagkatapos ng kasal namin ni Nathaniel, ni minsan hindi nga ako nagawang dalawin ni Papa at Mama sa pamamahay naming mag-asawa. Ayos lang sa akin, dahil akala ko nga nasa ibang bansa sila. Ngunit ano ito… Umuwi ba sila dahil may hindi na naman magandang ginagawa si Ate Wilma? Pero ang sinasabi ni Mama sa akin, parang ako pa ang may kasalanan kung bakit ito ginagawa ni Ate Wilma sa kanyang sarili.“Ma…”“Wag na wag mo akong matatawag na Ma… Dahil sayo, nagkakaganito ang Ate Wilma mo.”“Ma…” Clueless ako. Tama bang sa aking isisi ang ginagawang pagtangkang pagpapakamatay ni Ate Wilma? Mga mata ni Dra. Ruth, kumpirmado na parang sinaktan ko nga si Ate Wilma.Tungkol ba ito sa relasyon namin ni Nathaniel? Hindi ako ang pilit na sumisiksik sa isang relasyon na meron ang dalawang tao. Kundi si Ate Wilma, na para bang nakikita ko na ang tunay niyang k
(Sera POV)“Sino ka para saktan ang anak namin? Napakabuting tao ni Wilma, para saktan mo siya. Hindi magpapatalo sayo si Wilma, kahit nga nagawa mo akong bulagin sa bait-baitan mo. Si Wilma lamang sa pamilya namin ang hindi mo nabulag. Kaya nga pinag-iinitan mo siya ng husto. Dahil hindi mo siya mapaglaruan sa iyong palad. Oo, kasalanan nga namin kung bakit kami hindi nakinig sa sinabi ng anak namin na mahal na mahal niya si Nathaniel. Bakit? Dahil nga binulag kami ni Sera. Gusto niyang gumanti at saktan si Wilma. Pasensya na kung ngayon kong lang naimulat ang aking mga mata sa kasinungalingan mo Sera. Nathaniel, sana ipaglaban mo ang nararamdaman ng anak ko sayo… Wag na wag kang magpapabulag kay Sera. Wag…”Ako nagbait-baitan?Kailan pa naging peke ang ugali ko sa harapan nila?Bakit parang ako ang sinisira nila dahil sa panlalandi ni Wilma sa asawa ko? Bakit ako?
(Sera POV)“Ang masama pa Sera, wala kaming pagkaalam tungkol sa iniibig ng husto ni Wilma si Nathaniel! Inilihim mo yun sa amin. At ng matuklasan namin, sinabi mo pang hindi naman seryoso ang Ate Wilma mo dahil may nanliligaw naman dito!”“Mama…”“Wag na wag mo akong matatawag na Mama! At wag mong itatangi ulit na hindi totoo ang sinabi ko. Sera, wag mo naman kami gawing traydor sa harapan ng ate mo at ng taong mahal niya. Kasalanan mo ang lahat ng ito! Naiinis na talaga ako sayo ng sobra. Umalis ka na! Alis! At baka mapatay pa kita dahil sa ginagawa mo sa anak namin!”Kumpirmado. Binabaliktad nila ako. Nagmamalinis sila sa harapan ni Nathaniel.Ngumiti ako ng mapait sa harapan ni Dra. Ruth para ipadama ko sa kanya, na sasakyan ko ang scripted niyang sinabi para magmukha akong traydor. At magsasalita na sana para depensahan ko ulit ang aking sarili, ng biglang bumangon sa pa
(Sera POV)Nang bumukas ang elevator sa palapag kung nasaan si Ate Wilma, sa hallway kaagad kong nakita sa pinaka-sulok ng dingding at malapit sa pintuan ng silid ni Ate ang phone ko. Kung saan nga ako naitulak ng aksidente ni Papa… Hindi naman ata talaga sadya ni Papa yun, dahil kahit paano nakita ko sa kanyang mga mata ang pagsisi sa nagawa niya.Pinulot ko ang phone ko, at sa labas ko na lang tatawagan si Nathaniel na hindi kaagad ako uuwi. Pinapapunta kasi ako ni Kuya Ruel sa isang home for the agent, may pasyente doon na siyang magiging daan para mahanap ko nga ang tunay kong mga magulang.Aalis na sana ako, ng biglang matigilan ako dahil… Dinig na dinig ko ang malakas na halakhak ni Ate Wilma. Siya yun… Bumalik na ang tunay na Wilma? Anong ibig sabihin nito? Ang masisigla niyang halakhak na parang isang nagtagumpay na Witch sa kanyang plano.At Wilma… Nakikipaglaro ka ba sa
(Sera POV)Pero sa totoo lang, noon pa lang mataas na talaga ang paningin ko kay Ate Wilma. Nirerespeto ko siya bilang isang masipag at magaling na doktor.Ate Wilma, kailangan ba maglaho itong respeto ko din sayo? “Naku naman kasi Wilma, dapat pinaalam mo sa akin ang plano mo para maayos na nangyari yun kay Sera. Eh, di sana nadungisan na nga ng ibang lalaki si Sera bago pa man ikasal sila ni Nathaniel. Kung nangyari yun, tiyak na kamumuhian siya ng Old Master Yao. Edi wala na talaga tayong problema.” Kumpirmado na ang kinakausap ni Ate Wilma sa loob ng silid, ay si Mama…Si Dra. Ruth…Nakakaiyak… Tuluyan na ata nila akong tinalikuran. Nais pa nilang i-tolerate bigla si Ate Wilma sa kanyang ginagawa.“Mom, eh ayaw niyo naman ako sang-ayunan noon sa plano ko para kay Nathaniel. Nagawa pa nga ninyong si Sera ang ilatag sa arrange marriage na hinihing