ILANG beses nang napamura sa inis ang panganay sa magkakapatid na Monroe na si Abraham nang maalala niya ang ginawa niya kagabi noong mabored na naman siya at inatake ng kapilyuhan niya.
At ang naging target locked pa niya ay si Marilyn na nakita ng mga nakababatang kapatid niya sa madilim na daanan ng San Lorenzo.Nag disguise lang naman siya bilang isang holdapper at nagsuot pa siya ng itim na bonnet maskara para lang maging kapani-paniwala ang pantitrip niya. May dala pa siyang balisong na palagi namang nasa bulsa niya in case of emergency na kung sakali mang may siraulong magtangka sa buhay niya kahit saan man siya magpunta ay mapapatay niya ito.Ang plano lang niya ay takutin si Marilyn na nakita niyang naglalakad sa daan at holdapin ito pero ibabalik rin naman niya kaagad ang kinuha niyang kulay purple na wallet nito na naglalaman ng apat na libong piso pero dahil sa sobrang pagkataranta niya nang masilayan ng buo ang mukha ng dalaga ay hindi na niya naibalik pa ang purple na wallet nito.Gago ka talaga kahit na kailan, Abraham! Ano bang palaging pumapasok sa utak mo at iba ang klase ng mga trip mo? Panganay ka ba talaga sa inyong pitong magkakapatid?Ikaw lang yata ang abogado na part time holdapper din!Sa edad niyang 31 years old ay isa na siyang lawyer at may mga sariling properties na nabili para sa kaniyang lolo at lola at para na rin sa kanyang sarili. Katulad ng mga kapatid niya ay ayaw niya pa ring iwanan ang dalawang importanteng tao na nagtaguyod sa kanila para lamang mapalaki, mapag-aral at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.Ayaw iwanan nina Lola Adele at Lolo Defonsi ang probinsya ng San Lorenzo maging pati na rin ang bahay na kinalakihan nilang magkakapatid kaya hanggang ngayon ay dito pa rin sila nakatira. Hindi niya rin kayang iwanan ang mga ito kahit ang edad niya ay malapit nang lumagpas sa kalendaryo at pwede na ring bumukod at magkaroon ng sariling pamilya.Isa siyang trenta'y-uno anyos na single at wala pang balak mag-asawa. May mga naging girlfriend naman siya noon pero hindi sila palaging nagtatagal ng mga ito dahil sa pagiging workaholic niya.Ngayon ay nakiusap ang kaniyang lolo at lola sa dalawang buwan na bakasyon para makasama siya ng mga ito at ang iba pa niyang mga kapatid na may mga trabaho na rin sa bayan ng San Lorenzo. Dahil mahal na mahal nila ang kanilang lolo at lola ay pinagbigyan nalang nila ang hiling ng mga ito."Anong problema, Kuya Abraham? Napansin kong simula nang makilala natin si Marilyn kagabi ay para kang takot sa kanya, ah?" nakangising sabi ni Levi na kadarating lang.Nasa labas siya ng bahay ngayon at nakatambay sa pinagawa niyang kubo.Bumuntong-hininga si Abraham at hinilot nito ang kanyang sentido. "Bro, alam mo naman kapag nabobored ako, 'di ba? Kung anu-ano nalang ang pinag-gagagawa ko at ngayon ay si Marilyn ang napag-tripan ko at nakakahiya lang talaga!"Sa sinabi niya ay bigla nalang humalakhak doon si Levi."Mukhang alam ko na, ah? Nag disguise ka na naman bilang holdapper, no? Tapos hoholdapin mo kuno si Marilyn at tatakutin?" tanong nito.Inilabas ni Abraham ang kulay purple na wallet ni Marilyn mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at ipinakita ito kay Levi."Tama ka at ito 'yung wallet ni Marilyn na hindi ko na nabalik pa sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa kanya na ako 'yung nang hold-up sa kanya kagabi. Baka isipin pa niyang baliw na ako para gawin ang trip na 'yon kapag umamin ako sa kasalanan ko." ginulo ni Abraham ang kanyang buhok sa inis at galit na nararamdaman para sa sarili."Ibang klase ka talaga, kuya! Pero ano naman kung isipin 'yon ni Marilyn sa'yo? Wala ka namang pakialam sa iisipin ng ibang tao sa'yo, ah?" kuryosong tanong ni Levi."B-basta nakakahiya para sa magandang binibini na ginawa ko ang bagay na 'yon. Tinutukan ko pa siya ng balisong at umiyak siya sa takot nang dahil sa akin."May konsensyang nararamdaman si Abraham dahil sa kaniyang ginawa kay Marilyn. Nakikita niya na mabait at magalang ang dalaga. Kahit mukha rin itong mayaman dahil Taglish ito kung magsalita ay hindi nito hinusgahan ang simple nilang pamumuhay dito sa probinsya ng San Lorenzo.Alam na nilang tumakas si Marilyn mula sa pamilya nito dahil ayaw niyang maikasal sa taong hindi naman niya mahal.Mas lalo pang nadagdagan ang paghanga ni Abraham para kay Marilyn bukod sa may maganda itong mukha at nakakaakit na katawan.Mukhang manika ang dalaga at sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae. Magaganda naman ang naging girlfriends niya ngunit kung ipagkukumpara iyon ay Marilyn ay aangat pa rin talaga si Marilyn."Ang ganda niya, no?" sabi ni Levi dahilan para samaan siya ng tingin ni Abraham."Huwag siya, Levi. Ang dami mo nang babae at hindi mo na siya kailangan pang idagdag sa koleksyon mo." pagbabanta ni Abraham na ikinatawa lang ni Levi."May sinabi ba akong idadagdag ko siya? Ang sabi ko lang naman ay maganda siya, ah? Bakit? Selos ka naman?" pang-aasar pa ni Levi na ikinailing nalang niya.Marilyn, sasabihin ko rin sa'yo na ako ang naging holdapper mo pero sana ay 'wag kang magagalit sa akin sa oras na malaman mo 'yon.Talagang siraulo at bored lang ako kaya ko nagawa iyon.NASA bayan ngayon ng San Lorenzo si Marilyn kasama ang kambal na sina Israel at Gael at namimili sila ngayon ng mga gamit na kakailanganin niya para sa pansamantala munang paninirahan niya sa bahay ng mga ito.Pumayag nalang siyang tumira sa bahay ng mga Monroe ngunit hindi pwede na magtagal siya doon. Naisip niyang dapat pala ay hindi niya tinatakasan ang mga problema niya dahil hindi iyon solusyon para maayos ang kailangang dapat na ayusin lalo na sa pamilya niya at kay Euzon.Bumili lang ng mga kakaunting damit at mga personal hygiene si Marilyn na binayaran ng kambal. Wala naman siyang ipambabayad sa mga nabili niya dahil nanakawan nga siya kagabi sa daan at wala na siyang ni sentimong kusing sa ngayon.Sina Lola Adele, Lolo Defonsi at ang magkakapatid ang nagpumilit na kailangan niyang bumili ng mga gamit para sa pananatili niya sa bahay ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon nalang sa kanila.Pagkatapos nilang mamili ay nagyaya ang kambal na kumain sila sa isang pizza parlor sa bayan pa rin ng San Lorenzo. Kumbaga sa Divisoria sa Maynila ay ang bayan ng San Lorenzo ang trading at buying post ng mga taong naninirahan dito.Pagkapasok nila sa loob ng pizza parlor ay napalingon sa kanila ang mga taong nasa loob rin. Nakakahiya pa at mukhang sila na ang naging center of attraction ng mga ito.Hindi nalang pinansin nina Israel at Gael ang mga tingin sa kanila ng tao at umupo na sila sa isang bakanteng table para umorder ng pizza."Kumakain ka ba ng pizza, Marilyn?" nakangiting tanong ni Israel sa kanya.Ngumiti naman si Marilyn. "Oo naman but veggie pizza was one of my favorite. Nagda-diet kasi ako kaya 'yon lang madalas ang kinakain ko.""Hindi mo na kailangang magdiet, Marilyn. Kahit kumain ka ng kumain at tumaba ka ay maganda at attractive ka pa rin." sabi naman ni Gael dahilan para pamulahan siya ng mukha.Napansin niya na malalim magtagalog ang pitong magkakapatid. Kung sa iba ay cringe iyon, para naman sa kanya ay hindi. Nararamdaman niya ang respeto sa kanya ng magkakapatid na Monroe sa paraan ng pagsasalita ng mga ito."A-ah, ano pala ang natapos niyong course ni Israel?" nagchange the topic na lang si Marilyn para mawala na ang hiyang nararamdaman niya."Bachelor of Science in Information Technology ang tinapos naming kurso ni Israel. Balak naming mag-apply ng trabaho sa mga susunod na buwan dito lang rin sa bayan ng San Lorenzo." nakangiting sabi ni Gael."Wala ba kayong balak na magtrabaho sa Maynila?" tanong ni Marilyn."Wala kaming planong iwanan sina lolo at lola dito sa San Lorenzo, Marilyn. Kahit sila Kuya Abraham, Kuya Exodus, Kuya Diego, Kuya Hakim at Kuya Levi ay wala ring planong magtrabaho sa Maynila kahit may mga job offer sila doon." sagot ni Israel.Talagang mahal na mahal ng magkakapatid ang lolo at lola nila at ayaw nilang iwanan ang mga ito kahit successful na sila sa buhay. Pero sayang rin dahil kung sa Maynila magtatrabaho ang pitong magkakapatid na Monroe ay tiyak na marami pang oportunidad ang darating sa mga ito at baka nga maging artista at model pa sila doon sa Maynila dahil sa angking kagwapuhan at kakisigan nila."Mahal niyo talaga sina Lola Adele at Lolo Defonsi. I'm sure na proud rin silang maging apo kayo." sabi ni Marilyn na ikinangiti ng kambal.Nag-order na sila ng pizza na kakainin nila at Louisiana shrimp pizza ang inorder nila. Pagkarating ng order nila ay nag-umpisa na rin silang kumain."Israel at Gael? Kayo ba 'yan?"Lumingon si Marilyn sa grupo ng mga taong naglalakad papalapit sa kanila. Mukhang mga kaibigan yata ito nina Israel at Gael. Tatlong lalake at isang babae ang magkakasama."Kayo pala," sabi naman ni Gael nang makalapit na ang grupo sa kanila.Bigla namang nakaramdam ng pagkailang si Marilyn nang tignan siya ng mga ito."Sino siya? Girlfriend mo ba, Gael?" tanong nung isang lalake na tila inoobserbahan pa ang kabuuan niya.Hindi naman sumagot doon si Gael."Dito rin kayo kakain, Archie?" biglang pag-iiba ni Gael ng usapan."Oo, pre. Kakatapos lang namin mamasyal sa plaza at itong si Julie ay may plano pa yatang puntahan ka sa bahay nila. Mabuti nalang at nandito pala kayo." sabi nung Archie at bigla nitong siniko ang babaeng kasama nila na maganda at morena.May crush ba siya kay Gael? I can't blame her tho. Gael is a handsome and hunky guy."Manahimik ka nga dyan, Archie. Nakakahiya." pabebe at nahihiya namang suway nung Julie kay Archie.Ang akala ko ay sa Maynila lang may mga pabebe girls, dito rin pala sa probinsya.Tumingin muli kay Marilyn iyong isang lalake na may itsura bago nito binalingan sina Israel at Gael."Pwede bang dito nalang kami sa table niyo? Eight seater naman 'tong table niyo at kasya tayo dito." tanong nung lalake.Tinignan naman nina Israel at Gael si Marilyn para hingin ang permiso nito. Tumango nalang si Marilyn bilang pagsang-ayon.Hindi naman ipinahalata ni Marilyn na medyo nagulat siya nang tabihan siya sa upuan ng isa sa mga lalakeng kaibigan nina Israel at Gael.Nag-order na rin ng pizza ang mga ito at ng dumating na ang order nila ay nag-umpisa na rin silang mag-usap at kumain kasama ang kambal."Ngayon lang kita nakita dito sa San Lorenzo. Taga dito ka ba?"Muntik nang masamid si Marilyn sa iniinom niyang iced tea dahil sa biglang pagtatanong sa kanya ng lalakeng nasa tabi niya.Napansin niya na ngumisi sa kanila ang isa pang lalake na kaibigan rin nito at ng kambal."No. I'm not." sagot ni Marilyn."Woah, inglishera ka pala. Taga Maynila ka siguro. Bakit ka pala nandito sa San Lorenzo? Nililigawan ka ba nung kambal?" nang-uusisang tanong sa kanya ng lalake.Pinigilan ni Marilyn na huwag irapan ang lalake dahil sa pagiging chismoso nito."They were not courting me." tipid niyang sagot."Oh? So, single ka. Ako nga pala si Trevan. Matagal ko nang kaibigan sina Israel at Gael. Mabuti nalang pala at nakilala kita ngayon-""Tapos ka na bang kumain, Marilyn? Umuwi na tayo dahil may gagawin pa pala kami nila Kuya Exodus sa bukirin." biglang sinabi ni Israel na kay Dale naman nakatingin. Seryoso ang tingin nito sa kaibigan."Ah, yes. I'm done eating na rin. Let's go?"Laking pasasalamat ni Marilyn at kaagad na rin silang nakaalis sa loob ng pizza parlor dahil hindi talaga siya sanay na may ibang taong kausap lalo na kung hindi pa niya ito lubos na kilala. Pero sa magkakapatid na Monroe ay naging magaan kaagad ang loob niya sa mga ito kahit kagabi niya lang sila nakilala."Pasensya ka na sa mga kaibigan namin kanina, Marilyn." sabi ni Gael habang nagmamaneho na ito pauwi."It's okay. Kaibigan niyo naman sila kaya ayos lang na kasama natin sila sa table." sabi naman ni Marilyn."Si Julie, matagal na siyang may gusto sa akin pero hindi ko naman siya gusto, e." banggit ni Gael kahit hindi naman niya iyon tinatanong."And why? She seems like a nice girl. She's pretty and kind, too kaya bakit hindi mo siya magustuhan?" tanong ni Marilyn."Hindi naman kasi mapipilit ang isang tao para lang magustuhan mo rin siya. Ang pagmamahal ay kusang mararamdaman 'yan. Kung matagal na akong may gusto kay Julie, sana noon palang ay niligawan ko na siya." bumuntong-hininga si Gael at tutok na tutok ang mga mata nito sa daan habang nagmamaneho.May punto doon si Gael. Bigla nalang niyang naramdaman ang pagmamahal noon nang magkagusto siya kay Gabriel noong mga bata pa lamang sila."Kung sa bagay. Pero, wala ka bang babaeng nagugustuhan ngayon?"Bigla namang lumingon sa kanya saglit si Gael bago ulit nito itinutok ang atensyon sa daan."Kinakapa ko pa kung ano ang nararamdaman ko sa babaeng 'yon, Marilyn pero sa tingin ko ay mas gugustuhin ko nalang na siya ang makatuluyan ko."Hindi alam ni Marilyn ngunit kumabog nalang bigla ng mabilis ang dibdib niya dahil sa sinabi ni Gael."Ganoon rin ako, Marilyn. Wala pa akong babaeng nagugustuhan pero sa tingin ko ay mababago na 'yon." mariin namang sabi ni Israel na nakatitig na sa kanya.What the heck? Bakit kinakabahan at natataranta ako sa sinasabi ng kambal na 'to?-Ajai_Kim"GAB, ang dami mo nang nainom, pre! Mahihirapan na naman akong iuwi ka sa bahay niyo dahil nagpapakalasing ka na naman na parang walang bukas. Tsk!" namomroblema at umiiling na sabi ni Kobe sa kaibigang si Gabriel na halos matumba na sa kinauupuan nila dala ng matinding kalasingan nito."I miss my girlfriend already, Kobe but she left me!" nakangisi at tumatawa namang ani Gabriel. Nasinok pa ito sa huling sinabi."FYI, nililigawan mo palang si Marilyn kaya 'wag kang assuming dyan." sagot ni Kobe."Doon rin naman kami papunta kaya advance na akong mag-isip!" nagawa pang magbiro ni Gabriel kaya pinigilan ni Kobe na huwag matawa.Masyado talagang in love ang kaibigan niya kay Marilyn at alam niya na ganoon rin si Marilyn dito.Nasa bar sila ngayon at sinasamahan ni Kobe na uminom si Gabriel dahil baka mapaano pa ito kung papabayaan niya lang na maglasing. Masyadong nalulungkot ang kaniyang kaibigan sa pagkawala ni Marilyn.Kung hindi lang torpe at mahiyain si Gabriel (mahiyain na siya sa
NGAYON lang napagtanto ni Marilyn kung ano ang ibig sabihin ni Hakim sa mga sinabi nito sa kanya kahapon. Dahil ayaw naman niyang maging assumera kung totoo nga ba ang sinabi nito sa kanya ay nanatili nalang tikom ang bibig niya.Wala pa nga siyang isang buwan sa San Lorenzo ay may ganoon na kaagad na konklusyon si Hakim sa kaniyang mga kapatid? Baka lubos lang naman talagang mababait at nag-aalala para sa kanya ang mga ito dahil nalaman nila ang dahilan ng pag-alis niya sa Maynila.Hindi rin pwedeng mangyari iyon dahil naghihintay lang si Gabriel sa pagbabalik niya.Nasa kusina ngayon sina Marilyn at Lola Adele. Tinutulungan niya ang matanda sa pagluluto ng sinigang na bangus at nilagang baka para sa hapunan nila."Ngayon lang kita tinuruang magluto ng ganitong mga putahe pero magaling ka na kaagad, Marilyn. Madali mong napag-aaralan ang mga bagay-bagay at maganda iyan." nakangiting sabi ni Lola Adele habang hinahalo niya sa kaserola ang sinigang na bangus na niluluto nila. Inilagay
KUNG hindi lang nakakahiya sa ibang mga bisita ni Ezra ay kanina pa nagtakip sa magkabilang tenga niya si Marilyn dahil sa pagkanta ngayon ni Chiena sa karaoke machine.Parang baboy lang na kinakatay ang boses nito sa tuwing bumibirit ito ng high notes at halata rin na nagpapa-impress lang sa boyfriend nitong si Levi na mukhang nahihiya na rin sa ginagawa niya.Kung sa physical appearance ay may maipagmamalaki naman si Chiena pero kung talent ang pag-uusapan, sumali lang ito sa Pilipinas Got Talent ay makakakuha na ito ng perfect red buzzer score.Salamat naman at nakaramdam rin ng pagkapagod si Chiena matapos ng tatlong nakasalang na kanta nito sa karaoke. Marilyn force herself not to laugh nang makita si Levi na hinihilot ang sentido nito at halos hindi na makatingin ng maayos kay Chiena."Do you like my song for you, babe?" nakangiting tanong ni Chiena kay Levi at akmang uupo na sana ulit ito sa kandungan ni Levi nang biglang tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito."Magyoyosi l
ALAS-SINGKO palang ng umaga ay naghahanda na sina Abraham at Hakim para sa pagpalaot nila sa dagat. Sila ang nakatoka ngayon na mangisda at ang mga isdang mahuhuli nila ay kaagad nilang ibebenta sa kilalang buyer ng mga isda na si Mang Diosdado na kaagad rin namang dadalhin nito sa fish port ng San Lorenzo.Ang perang mapagbebentahan nila ay ang pera ring i-dodonate nila sa simbahan nina Lola Adele at Lolo Defonsi.Bukod sa may nai-donate na silang magkapatid noong nakaraang buwan sa simbahan ay gusto pa nilang magbigay ng donasyon ngayon at ang pangingisda ang magandang paraan para magkaroon sila ng pera.May mga sarili naman silang pera sa kanilang mga bank account ngunit mas gusto pa rin nilang mangisda dahil nasisiyahan talaga sila sa tuwing ginagawa nila iyon noong mga bata pa lamang sila kasama ang kanilang Lolo Defonsi.Matapos maayos ni Abraham ang lambat na gagamitin nila at ang iba pang mga kagamitan sa pangingisda ay nagtimpla muna siya ng kape at lumabas muli sa kanilang b
"KUMUSTA ang pagsama mo kina Abraham at Hakim sa pangingisda?" nakangiting tanong ni Diego kay Marilyn habang nasa loob sila ng kubo at kumakain ng banana cue bilang meryenda."Okay naman. I'm also happy dahil nakapag swimming rin ako." sagot ni Marilyn at ngumiti rin ito.Hindi niya kayang sabihin na hinalikan lang naman siya ni Abraham sa kaniyang balikat dahil nakakahiya iyon. Wala siyang ideya kung bakit iyon ginawa ng lalake sa kanya ngunit hindi niya napigilan kanina ang paglakas ng tibok ng puso niya dahil halos magkadikit na ang mga katawan nila nang tinuturuan siya nitong lumangoy sa dagat."Mabuti naman kung ganon. Ah, Marilyn.. may gusto lang sana akong itanong sa'yo." sabi ni Diego na mukhang nag-aalangan pa."What is it? Spill the tea." Marilyn said.Napahawak naman si Diego sa sariling batok. "Itatanong ko lang sana kung may nobyo ka na ba?" he shyly asked.Marilyn stopped for a moment dahil sa tanong sa kanya ni Diego. She never had a boyfriend before.Paano ba makakala
LUMIPAS ang dalawang linggo at naging mabuti at maayos naman ang lagay ni Marilyn sa poder ng mga Monroe. Sa bawat araw na lumilipas ay mas nagiging malapit na siya sa magkakapatid bukod kay Hakim na palaging tahimik at hindi siya magawang kausapin man lang.Likas na talaga sa binata ang pagiging tahimik at kahit na ganoon ay hindi naman maramdaman ni Marilyn na hindi siya gusto nito. Sumasang-ayon naman ito sa mga sinasabi ng magkakapatid patungkol sa kanya. Pero hinihiling niya na sana balang araw ay maging palagay na ang loob ni Hakim sa kanya.Para naman may magawa siya kahit papaano ay tumutulong nalang siya sa pagtatrabaho ng pitong magkakapatid dahil ayaw naman niyang maging pabigat sa mga ito. Kahit hindi nga gusto ng mga ito na magtrabaho siya ay siya pa rin ang nagpupumilit para lang makatulong siya.Hindi naman nakakapagod ang ginagawa niya dahil magagaang trabaho lang naman ang kaniyang ginagawa. Ayaw ng magkakapatid na Monroe na mapagod siya dahil pitong lalake naman raw
LOADING pa rin sa utak ni Marilyn na literal na nagde-date na talaga sila ni Hakim. Ngayong hapon ay niyaya siya ng binata na manood ng sine sa isang kilalang sinehan sa bayan ng San Lorenzo.Maliit lamang ang sinehan pero malawak at malinis naman ang loob nito. Kakaunti lang rin ang mga taong nanonood dahil siguro ay hindi talaga mahilig ang mga tao sa San Lorenzo na mag happy hour dahil mas uunahin pa ng mga ito ang magtrabaho sa libreng oras na mayroon para lang kumita ng pera.Ang horror movie na Scream ang pinili nilang panoorin ni Hakim. Dahil wala namang magandang showing ngayon sa sinehan at ito lang ang interesting panoorin ay iyon nalang ang pinili nila.Marilyn is immune from watching horror movies pero natatakot pa rin siya dahil sa lalakeng katabi niya sa sinehan na hindi niya mabasa kung ano nga ba ang nasa isip nito.Why is he wanted to date me all of a sudden?They are silently watching and Marilyn can't help but to stare at Hakim's face. He's really a handsome and gor
KINABUKASAN ay kumakain sila Marilyn at ang pitong magkakapatid na Monroe sa hapag na walang imikan at may deadly air na nakapalibot sa kanila. Nag-away lang naman ang magkakapatid dahil sa ginawang date nina Marilyn at Hakim na hindi pala ipinaalam ni Hakim sa kaniyang mga kapatid.It's about my time to speak up."Ah, guys.. I'm so sorry about yesterday kung hindi kami nakapagpaalam ni Hakim sa inyo na lalabas lang kami to watch in cinema." she said."Wala kang kasalanan doon, Marilyn. Kung may dapat man humingi ng tawad sa amin ay si Hakim 'yon." seryosong sabi ni Exodus at tumingin ito kay Hakim na patuloy lang sa pagkain."Still, nag-alala pa kayo sa'kin kahapon and I'm kind of guilty about that." sabi ni Marilyn at kinagat nito ang kaniyang ibabang labi."Ayos lang talaga, Marilyn pero sa susunod na lalabas kayo ay magpaalam na kayo sa amin para hindi na kami mag-alala." ani Diego at ngumiti ito sa kanya.She nodded and smiled too. Wala siyang masabi dahil madali ring naiintindih
Puppy loveDo you remember me? I'm your first text-M.U girlfriend and puppy love.I remember meeting you at the home of one of my high school classmates, who is also your cousin.You're so adorable, handsome, and small. You, like me, are shy. You gave your cousin my phone number, and thus began our puppy love relationship.We only communicated via text, and I believe we only lasted two or three weeks. I'm not sure because it happened a decade ago.Being textmates with you makes me happy because I like you and I believe you like me at the time. We're still young and inexperienced in our relationship, and it doesn't matter if we can't see each other in person because we're both shy and introverted.We abruptly ended our relationship because you stated that your studies remain your top priority. I was sad and cried when you broke up with me, as one would expect from a 13-year-old girl experiencing puppy love.It also devastated me to learn that you had a relationship with your girl bestf
Forgotten memoriesRemember when we were kids, and one of my neighbors asked me if I had a crush?I found you attractive but not to the point where I'm crushing on you, and I declared that you're my crush despite the fact that it's a half-hearted decision. This neighbor likes to tease me, and he told you that you're my crush.But I was surprised to see that even though I'm looking at you from afar, you're still looking at me from the porch of your relatives' house.You don't live in our neighborhood and are only visiting your relatives, one of whom is my neighbor, but I'm so glad that whenever I see you, you keep looking at me.I'm always excited to see you, and people around us have noticed that we've been staring at each other from afar for several hours.I had a crush in grade school, but my crush on you grew stronger after you got my number from my cousin.We've been texting for about a month, and I still get excited whenever you come to visit your relatives in our neighborhood.Y
Crossing PathsGail's POVNgayon ay nandito kami ni Justin sa mall kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Yanyan at Josh. Ibinigay ko na rin kay Yanyan ang birthday gift ko para sa kanya at laking tuwa niya nang maibigay ko iyong Barbie na manika na nakatago sa akin at matagal ko nang hindi nagagamit at nabubuksan.Dahil medyo maalikabok na sa loob ang manika ay nilinisan at nilabhan ko pa ang damit ni Barbie at pagkatapos ay inisprayan ko ng Bambini cologne kaya mukhang bago na ito at mabango.Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagpasalamat si Yanyan sa akin dahil sa regalo ko sa kanya. Kapag nakaluwag-luwag talaga ako ay bibilhan ko siya ng bago at mas magandang manika.Nilibre kami ni Justin sa Jollibee at dahil minsan lang makakain ang mga kapatid niya sa isang fast food restaurant ay tuwang-tuwa ang mga ito habang kumakain kami. Kinantahan na rin namin ng Happy Birthday song si Yanyan.Ibibigay ko pa sana kay Josh ang one-piece Chicken joy ko pero pinigilan ako ni Ju
Stavro's Monroe SoulmateGail's POVTahimik lamang akong umiiyak dito sa parke dahil sa ginawa sa akin kanina ni Kuya Franz. Nang wala akong maibigay na pera sa kanya nang manghingi siya ay sinaktan niya na naman ako at pinagsalitaan ng masama.Kulang ang kinikita ko bilang isang dishwasher sa Karinderya na malapit lang sa amin. Wala pa sa minimum ang sahod ko at kailangan ko pa iyong i-budget para sa pambili ng ulam namin, pambayad ng renta sa bahay at pambayad rin ng kuryente at tubig.Wala akong ibang kapatid bukod sa kuya kong sugarol at mabisyo at ang ina naman namin ay wala palagi sa bahay dahil abala siya sa pagsusugal kasama ang mga kumare niya na inaraw-araw na ang pagma-mahjong at tong-its.Ang ama ko naman ay sumakabilang bahay na limang taon na ang nakakalipas nang maghiwalay sila ni Mama at may iba na siyang pamilya. Walang sustento na binibigay sa amin ni Kuya Franz.Pagod na pagod na ako sa buhay ko pero nagtitiis na lang ako dahil saan naman ako pupulutin kung iiwanan
LUMIPAS ang dalawang dekada at ngayon ay masaya na si Marilyn kasama ang kaniyang pitong asawa at walong anak sa mga ito.Being a parent to eight children is extremely difficult because they all have different personalities and interests in life. She is a strict mother, whereas her husbands lavish their children with gadgets and whatever material things they want.Kung may sobrang strict pagdating sa kanila iyon ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Genesis. Overprotective ito sa kanyang mga pamangkin lalo na kay Gaia na nag-iisa niyang anak na babae sa asawa niyang si Hakim.Hanggang ngayon ay single pa rin si Genesis matapos nang huli nitong relasyon kay Katelyn na hindi niya aakalain na pagtataksilan siya at mismo na kay Ezra pa na kaibigan ni Exodus at ang taong pinagkatiwala nila sa asong si Prince na namatay na rin dahil sa katandaan.Nahuli ni Genesis si Katelyn na nakikipagtalik kay Ezra sa loob mismo ng kwarto ng babae at dahil sa nangyaring iyon ay lubos na nasaktan si Gen
Edinburgh, ScotlandNGAYON ay nasa Edinburgh, Scotland si Marilyn kasama ang pitong magkakapatid na Monroe para puntahan ang puntod ng grandparents ng mga ito na namapaya na at para na rin makita ang naiwang kompanya at business nila na pansamantalang pinamumunuan ng mga Scottish Petroleum Engineering graduates na sina Giordani at Colin Henderson na magpinsan din.They are one of Mr. Rory and Freya Monroe's most trusted business associates. Both of these gentlemen hold Bachelor of Science degrees in Petroleum Engineering from the University of Aberdeen.Giordani and Colin are two of the most attractive men Marilyn has ever seen, especially with their captivating eyes and commanding physiques. Giordani is already 31 years old, the same as Abraham, and Colin is 29.Si Mr. Antonelo Fraser ang Scottish lawyer na may hawak ng Last Will and Testament ng magkakapatid bago mamatay ang grandparents ng mga ito sa Edinburgh at katulong nito si Abraham na isa ring abogado sa Pilipinas kung sa paa
MATAPOS masindihan ang kandila at malagyan ng bulaklak ang puntod ni Euzon ay ngumiti sina Marilyn at Gabriel sa isa't-isa. Unti-unti na rin nilang natatanggap ang pagkamatay ni Euzon nang magaan sa loob nila."Are you sure you're leaving tomorrow?" Marilyn asked Gabriel.Tumango si Gabriel. "I chose to work there because my grandparents require financial assistance for their therapy, and I want to move on from everything that happened."Nalulungkot man dahil aalis na si Gabriel para magtrabaho sa amerika at matutukan ang grandparents nito ay hindi na ito mapipigilan pa ni Marilyn. Alam rin niyang isa siya sa dahilan kung bakit ito lalayo.He wishes to forget his feelings for her, and when Euzon saved his life, he felt some guilt toward Euzon's family, who had already accepted his death."How about Pearl? I'm sure she'll miss you; you know how much she loves you, Gabriel." tanong ni Marilyn na sandaling nagpahinto kay Gabriel.Gabriel sighed. "Marilyn, noong una pa lang ay alam kong m
ABOT-LANGIT ang kaba ni Marilyn at wala na talaga silang takas ni Israel dahil na caught on the spot lang naman sila nila Abraham, Exodus, Diego, Levi, Hakim, at Gael na nagtatalik sa loob ng kaniyang kwarto.Hindi niya alam kung bakit pinuntahan siya ng mga ito sa kanilang mansyon nang ganito kagabi pero siguro ay may alam na sila na pinuntahan siya ngayon ni Israel.Sobrang sama ng tingin ng magkakapatid kay Israel na ilang beses nang napalunok dahil sa kaba at tensyon na nararamdaman. Malas nga naman at nakalimutan pa nilang isara ni Israel ang pintuan ng kwarto niya kaya nakapasok ang anim na magkakapatid sa loob.Gusto ng kumilos ni Marilyn para makapagbihis na siya ng damit pero hindi niya magawa dahil medyo masakit ang pagkababae niya gawa ni Israel at mukhang mahihirapan yata siyang maglakad nito dahil isang malaking jumbo hotdog lang naman ang pumasok sa yungib niyang 22 years ng hindi pa napapasok."Ano 'to, Israel? Iniisahan mo ba kami nila kuya? May usapan na tayo tungkol
ONE MONTH had passed, but Marilyn still can't believe Euzon is no longer alive. She still can't believe her one and only best friend died in the arms of their childhood friend, Kobe.Sana nga ay panaginip na lang ang lahat ng mga nangyari nitong nakaraang buwan pero nasa reyalidad sila at ang reyalidad na iyon ay hindi na niya muling makikita at makakasama pa ang matalik niyang kaibigan.Kobe, who is insecure and envious of Gabriel, killed Euzon, who passed away at a very young age. Gabriel would have died if Euzon hadn't intervened.May hindi man sila pagkakaintindihan ni Euzon noong una dahil sa arranged marriage na mangyayari sa kanila, nagkagalitan sa isa't-isa at nasira ang tiwala ni Marilyn sa binata, napatawad naman niya ito kaagad nang unti-unti nang natatanggap ni Euzon na may iba na siyang mga minamahal at iyon ay ang pitong magkakapatid na Monroe.Pagkatapos mailibing si Euzon ay may binigay si Donya Silvana na isang sulat na para daw sa kanya at galing iyon kay Euzon. Dah