Nakaramdam si Jane ng bagay na nakadikit sa kanya. Nilabas niya ang kamay niya para itulak pero hindi niya maitulak.Nagising siya sa kanyang antok, nagkaroon siya ng ‘malaking surpresa’.“Sinong nagpatulog sa yo sa kama ko?”Napatalon sa galit, inabot niya ang kamay niya para itulak palayo ang tao sa tabi niya. Nagulat siya nang itulak siya palayo nito. “Janey, magandang umaga.”Tinitignan ang antok na itsura nito, mas nainis si Jane. “Sean Stewart, nangako kang hindi lalapit sa akin. Sino nagbigay ng permiso sa’yong matulog sa loob ng kumot ko?”Naguluhan ang lalaki sa taranta. “Hindi ko rin alam. ‘Wag kang magalit, Janey.”Mabilis siyang tumayo kaya bumagsak siya sa taas ni Jane.Gulat na napalaki ang mata niya. Nararamdaman niya ang nagiinit niyang mukha. Isang segundo, dalawang segundo, tatlong segundo… Bang!——“Sean Stewart!” nilabas niya ang kamay niya para tuluyan siyang itulak palayo, nakakalat na ang mga kumot sa lapag.“Ikaw—” Umaapoy sa galit ang mata niya sa nak
Sanya.Banyan Tree Hotel.“Relax.” Malanding lumapit sa tenga ng babae, ang lalaki sa matingkad na tuxedo ay marahang nagsalita.Ang babae ay marahang humakbang palayo. Kahit na hindi sinasadyang kilos, hindi pa rin siya nakawala sa tingin ng lalaki.Sa isang iglap, nakahakbang na siya ng dalawang hakbang palikod ng may maginoong fashion. Marahang tumawa. “Jane, masyado kang kinakabahan.”Ang kanyang palad ay kumuyom nang maramdaman niya ang lagkit ng kanyang puso sa kanyang palad. “Malamang, kakabahan ako… Ang taong iyon ay makikilala na ang…”“Sa totoo lang, hindi mo kailangan kabahan. Mayroon pa rin siyang ugaling mag summer break sa Sanya’s Banyan Tree Hotel taon-taon. Madalas siyang nananatili doon ng isang buwan,” sabi ng lalaki ng tahimik sa tono ng Mandarin, na mailalarawan “Jane, hindi mo naman kailangan magmadali papunta rito pagkatapos na pagkatapos makalapag ng eroplanong sinasakyan mo na malayo-layo ang nilipad.”Umiling siya. Kahit ngayong, magulo pa rin ang kan
Ang meeting na ito ay umabot ng halos isang oras.Tulad ng lagi, si Callen Feroch ay nanatili sa dulo ng bar, tahimik na umiinom habang nakikipag usap sa head secretary.Nang lumabas na si Jane sa mga sliding glass door, elegante niyang binaba ang baso at tumayo.“Tara na. Kanina ka pa nagmamadali para maabutan ang eroplano mo at wala ka nang oras para magpahinga. Pagod ka na siguro. Samahan na kita pabalik sa kwarto mo?”“Callen, saglit. Ayaw mo bang makipag inuman sa’kin?”Ngumiti si Michael at tinignan ang glass door na sinasandalan niya.Nang marinig iyon, ang mga nanggigigil na ugat ni Jane ay kumalma. “Kung ganun, hindi ko kayo aabalahin pang magkwentuhan.”Natural, ang kanyang reaksyon ay napansin ni Callen at matalim ang kanyang tingin. Ang malalim niyang pupils ay dumilim ng kaunti pero matalino siyang lalaki. Sadya siyang umatras at hindi na niya pinilit na samahan si Jane pabalik sa kanyang kwarto.“Okay lang,” sabi niya habang nilingon niya ang ulo kay Michael na n
Noong narinig muli ni Callen ang katagang, ‘hunter’, nadiskubre niyang mas ayaw na niya pala ito ngayon kumpara noon.Malinaw ang ipinapahayag ng mga mata ng babaeng nasa kanyang harapan, at siya’y makatuwiran. Sa mga sandaling ito, nakararanas siya ng pagkabalisa.Sinabi ng babaeng wala namang pinagkaiba ang perang ginamit niya noong nakaraan at ang oportunidad na ibinibigay niya rito ngayon.Gustong gusto niyang sabihin na, ‘Oo, mayroong pagkakaiba.’Subalit sa sumunod na sandali, hindi niya kayang ipagtalo… Mayroon ba talagang pinagkaiba?Mataktika itong nagsalita, at ito’y kanyang naunawaan. Kung hindi lang siya ganoong kagaling umintindi ng salita ng mga Tsino, maaari niyang sabihing hindi niya naintindihan ang kanyang narinig.Unti-unting nawalan ng sigla ang kanyang kamay.Walang init ang kanyang mga palad na nararapat para sa isang katawan. Tinitigan niya ang braso ng babae. Napaka-weird naman nito. Manipis lang ang kanyang braso, kung tutuusin kasya pa rito ang kanyang
Wala pang tatlong oras ang inabot bago makarating ang eroplano sa S City. Nang makababa si Jane, pasado a la una na ng madaling araw.Noong nagpatala siya para umalis ng Banyan Tree Hotel, nagmamadali siyang umalis at nakalimutan niyang magbihis. Dahil ang kanyang biyahe ay mula timog patungong hilaga, malaki ang pinagbago ng panahon. Noong naglakad siya palabas ng paliparan, agad na umihip sa kanya ang malamig na hangin.Hindi pa nakakatulog si Vivienne. Paglapag ni Jane ay binuksan nito ang kanyang telepono. ‘Di nagtagal ay bumuhos na ang kanyang mga hindi tinanggap na tawag at sandamakmak na mga mensahe.Hindi dapat inaalala ng puso ang mga bagay na hindi rin naman nakikita ng mga mata. Dumulas ang kanyang kamay ay napunta siya sa susunod.Biglang nag-init ang kanyang nanlalamig na puso.Si Vivienne iyon. “Hindi ka pa natutulog?”“Kalalabas mo lang ba ng eroplano? Hayaan mong sunduin kita.”“Huwag ka nang mag-abala, nakasakay na ako sa taxi.”Inilapag niya ang kanyang telepo
Pumasok sa kwarto ang mga unang sinag ng araw, at tumapat ito sa kobrekama. Mayroon ding mga sinag na tumapat sa mukha ng babae.Bagamat pagod siya mula sa isang flight, hindi rin siya nakatulog agad dahil sa kanyang insomnia. Nakatulog lamang siya noong malamim na ang gabi, at noong sumikat na ang araw, ayaw niya pa munang gumising. Sa isang bihirang pagkakataon, napagdesisyunan niyang matulog na lang muna ngayong araw.Nangati ang kanyang mukha. Nag-unat ito at kinaway ang kanyang kamay dahil siya ay nalilito. Nawala ang pangangati, at bumalik siya sa kanyang pagkatulog. Subalit bumalik nanaman ang nakayayamot na pangangati.Tiniis niya ang antok at binuksan ang kanyang mga mata—Nakatapat ng kanyang mga malalaki na mata ang isang pares ng maliliit na mga mata.Pamilyar ang mukhang malapit lamang sa kanya, pamilyar hanggang...Kumurap at kumurap siyang muli...Ang mahaba at naniningkit na mga matang nakatapat sa kanyang malalaking mga mata ay kumurap at kumurap din.Napuno ag
Habang hindi niya pinapansin ang dismayadong itsura ng kanyang kasama, nag-ayos si Jane, kinuha ang kanyang bag, at umalis.Punong abala ito sa opisina maghapon. Maagang pumasok si Vivienne upang ayusin ang pakikipag-usap nila sa mga Damon. Bandang tanghali na noong nalaman ni Vivienne na abala pa rin ang babaeng ito sa opisina.Inakala niyang ang pakikipagtulungan sa Damon ang dahilan ng sobrang pagtuon nito sa trabaho. Narinig na lamang ni Vivienne sa secretary nito na ipinautos ni Jane sa lahat ng mga secretary na dalhin ang lahat ng mga dokumento sa kanya, gaano man ito ka-importante o hindi.Pinag-isipan ito ni Vivienne at naramdamang may malaking problema rito. May maliit na buksan ang opisina ng presidente. Balak sana nitong kumatok ngunit noong nahawakan ng kanyang kamay ang pinto ay kusa itong bumukas. Noon lamang napansin ni Vivienne na inilalaan ng babae ang kanyang buong lakas sa pagtatrabaho.“Miss Dunn.” Binuksan niya ang pinto, pumasok, at naglakad patungo sa kausap.
Hindi makatulog nang mahimbing ang babae noong gabing iyon. Maya maya’t nagsimulang bumuhos ang ulan sa bintana. Nagpaikot-ikot ito sa kanyang kama at ilang beses din nitong pinilit ang sarili na matulog.Paikot ikot ito sa kanyang kama. Makalipas ang isang oras, gising pa rin ito.Lumabas ito mula sa kanyang kumot, at iritableng nagyapak papunta sa bintana.Isinuot niya ang kanyang dressing gown at naglakad patungo sa sala. Binuksan niya ang telebisyon ay natapat ito sa isang pambatang palabas. Panandalian siyang nawalan ng pokus. Pagkatapos ay naalala niyang matagal tagal na rin siyang hindi nakakapanood ng mga pambatang palabas.Palaging nanood ang taong iyon sa telebisyon sa may sala.Ipinapalabas ang “Pleasant Goat” at “Big Bad Wolf”. Panandalian siyang natulala.Kumakain ng tupa ang mga lobo. Iyon ang batas ng kagubatan. Habang nanonood ito, hindi niya mapigilang isipin ang taong iyon. Ipinapanood niya ito araw araw?May mahinang ingay sa labas.Pumitik ang kanyang tainga
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si