Mayroong bugso ng mga bisita sa Dali Ancient City. Hindi kakaiba para makakita ng preskong mga mukha sa siyudad na sentro ng turismo.Subalit, ito ay nagpapalingon kapag ang lahat sa kanila ay matangkad at maskuladong mga lalaking naka suot ng itim na suit at slacks.Ang babaeng may ari ng tindahan ng tea set ay sobrang intereasdo. “May hinahanap ba kayo?”Random siyang humablot ng isa sa matatangkad na lalaki sa suit na nagmamadaling lumampas sa kanya.Si Dos ay nakita ang kanyang sarili na pinipigilan ng isang babaeng hindi niya kilala.“Kami nga.”“Sino ang hinahanap niyo?”Ayaw magsalita ni Dos, ngunit tutal may taong nagtatanong , tinaas niya ang kanyang phone na may litrato mula sa bar. “Nakita mo ba siya, ma’am?”“Hindi ko gaano makita.” Ang ekspresyon ng babaeng may ari ay nagbago ng kaunti ngunit umiling siya.Tumango si Dos. “Magtatanong ako sa iba, kung gayon.”Kasama ni Ray si Sean, katapat ng homestay kung nasaan tumutuloy si Haydn at Mindy.“”Tutal harapan nati
Ang mga tauhan ni Sean ay nasa Dali pa rin, ngunit ang big boss nila ay matagal nang umalis ng ancient city.Habang papunta, ang gwapong mukha ng lalaki ay tila mahinahon.Gayunpaman, paminsan minsan makikita sa mga kamao niya ang ugat.Nakita ni Ray ang lahat.Inabot niya ang kanyang kamay at tinapik ang likod ng kamay ng kanyang kaibigan. “Kikitain mo ang asawa mo, hindi ang presidente. Huminahon ka.”Siyempre, isang biro lang ito.Mabagal na lumayo ang kotse base sa mga instruction ng navigation system. Habang papalapit na sila sa Memory Homestay at pumasok sa Erhai region, may naging malayo ang lugar.Kumunot ang mga noo ni Ray. “Mali ba ang dinaanan natin?”Siyempre, ang isang homestay ay nababagay sa isang lugar na maraming tao.“Hindi.” Sa tabi niya, tumawa ang lalaki ngunit hindi niya natago ang pag mamaliit sa kanyang sarili. “‘Wag mong kalimutan kung paano siya nakatakas.”Tumahimik si Ray… Paano nga ba siya nakatakas?Naghanap sila sa bawat sulok, at sa bawat pagk
Ang pamilyar na init, ang pamilyar na amoy, ang pamilyar… na takot ay inatake ang kanyang pakiramdam!Nanginig siya sa takot at ito ay nakikita sa paraan ng panginginig ng kanyang mga mata kahit na ang mga ito ay nakasara ng maigi. Kahit na ang kanyang labi ay nanginig habang hinalikan niya ito ng malambing.Ang kanyang panginginig ay umabot sa lalaki sa likod niya. Mayroong sakit sa kanyang mata, kalungkutan, pagsisisi… Simula ngayon, ayaw niyang hayaang umasa ang babaeng ito muli!Ayaw niya siyang makaramdam ng takot muli… Iyon ay talagang kasalanan niya.Ang kanyang malakas na kamay ay umakbay mula sa likod, hinahawakan ang kanyang nanginginig na balikat habang siya ay nakaupo sa chair. Ang kanyang labi ay lalong nanlambot, ngunit mayroong lakas na lumitaw sa kanyang braso, na para bang hindi siya hihinto para protektahan ang babaeng nasa kanyang yakap.Oo, alam niya na siya ay natatakot… ngunit hanggat hindi niya siya tinutulak palayo, paano niya magagawang ayawan ang lasa niy
May mga matang nakatingin sa kanila, mula sa matinding galit na naging matinding pagkairita hanggang sa naging inggit… Ang mga matang ito ay kay Michael Luther.Nakatayo siya sa may hagdanan.Sa sandaling makita niya si Sean Stewart, agad-agad siyang tumakbo pababa. Gusto niyang pigilang ang lahat ng nangyayari, ngunit sa segundong bumalik ang ilaw ng buhay sa mga mata ng babaeng iyon, hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa.Pero bago iyon, kahit anuman ang gawin niya, kahit na makipaglandian siya sa kanya, alagaan siya, o halikan pa siya, hindi siya kumikibo.Nakita niya gamit ang kanyang mga mata na patay na ang babaeng iyon, walang kakibo-kibo na akala mo’y bato sa daan, ‘come to life’ sa sandaling nagpakita sa harapan niya si Sean Stewart.Hindi niya magawang matanggap ang lahat ng ito!Hindi niya matanggap ang katotohanan na isa lang siyang tambay!Nang magsimula ang babae na ihagis kay Stewart ang mga gamit sa paligid na para bang nasasaniban siya, inisip ni Mich
Nanlamig ang mata ni Michael. “Patay ako? Paano mo naman nasabi?”“Dahil hinawakan ko ang bagay na gusto ko?”“Hahahaha… Sabi ko na, hindi ka pa nagbabago. Nagdaan na ang maraming tao, ngunit ikaw ay matigas pa din ang ulo at makasarili pa din!”Bawat salita niya ay puno ng walang katapusang lamig. Ang lalaki na kanyang tinitignan ay may mukha na sobrang pareho ng sa kanya, ang mata ay parehong huis, haba, kitid at panlalamig. Pareho sila ay may magandang kilay at mata na kasing dilim ng gabi. Silang pareho… ay mukhang sobrang pamilyar sa isa’t isa.Gayunpaman, si Michael ay tumingin sa lalaking katapat niya na parang siya ang orihinal na sala. Kung ang salita ay may pisikal na pinsala, gusto niyang punitin si Sean Stewart sa pira piraso, balatan siya, hatakin ang paa’t kamay. Dukutin ang mata, buhusan ng lead ang kanyang tenga at putulin ang kanyang dila!Sa kanyang gulat, si Sean ay hindi galit sa mga salitang iyon. Binigyan niya lang si Michael ng mayabang na tingin “Matigas an
Itinulak ni Michael ang babae palayo. Habang siya'y natataranta, tinitignan ng babae ang nangyayari sa harap, hindi niya alam kung ano gagawin. Hindi niya maintindihan kung bakit yung dalawang lalake ay biglang na lang nakipagsapakan sa isa’t-isa.Pareho silang magaling sa fist-fighting techniques, wala sa kanilang dalawa ang madali labanan.Nandilim ang mukha ni Ray sa galit. Balak niya sanang hintuin ang dalawa, pero mahusay siyang tinulak palayo ni Sean.Kumpara kay Sean, walang kalaban-laban si Ray pagdating sa sapakan. Kaya laking gulat niya nang makita niya si Michael ay kinakayang tumapat kay Sean sa paligsahan ng lakas.Halatang halata na si Michael ay masipag na nagpra-praktis, at hindi man niya kinalimutan hasain ang kanyang Martial Arts.Kaso, may isang bagay na hindi maintindihan ni Michael. Si Sean ay ang tagapagmana ng mga Stewart. Ang kanyang edukasyon at pagsasanay simula nung pagkabata niya ay hindi kayang tiisin ng mga ordinaryong tao.Ang pinaka-malaking pagkak
”Sige, gawin mo at tawagan ang mga pulis. Couple lang tayo na nag-aaway. Tignan natin kung may pakialam ang mga pulis.” Galit, tinitigan niya ang babaeng nasa harapan niya. Tutal hindi na nila mababalik ang nakaraan, kung gayon gagawin niya ang lahat para panatilihin siya sa kanyang tabi. Gusto… niya lang na makita siya araw araw.Sa hindi mabilang na mga ideya na tumatakbo sa isipan ni Sean, ni isang beses hindi niya naisip na ang natitira sa kanyang puso ay isang pagmamahal na nakukuha mula sa kanyang maliit na pagmamakaawa.Tumayo bigla si Michael at biglang kinuha ang malapad na palad na nakakapit sa braso ng babae. Tinulak niya ang lalaki sa harap niya ng malakas. “Bitawan mo siya! Makasarili ka, alam mo iyon? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Ayaw ni Jane na sumama sayo. Ayaw niyang makasama ka sa natitira niyang buhay. Ayaw ka na niyang makita pa kahit kailan! Ang kapal ng mukha mo na gumawa ng mga bagay, ang magaling na President Stewart? Huh?”Si Sean ay nagulat ng siay
”May…” gusto niyang tanungin kung nagkamali siya, kung ito isa lamang hindi pagkakaunawaan. Ang namamaos niyang pagbulong ay napunta sa ibang tao. May panibagong konklusyon.Gumising si Michael at sinabing, “Pasensya na. Hindi ko alam na ang isang tulak ay magdadala ng seryosong kahihinatnan.” May bahid ng pagsisisi sa kanyang mukha. Hindi sosobra, hindi kukulang, tamang halaga lang. Tumingin ang babae sa likod niya at napahinto ng ilang saglit bago siya umiling. “Wala kang kinalaman doon.”Ang malapad na palad ng lalaki na nakatago sa kanyang likod ay bumuka. Walang kinalaman sa kanya, ha? Huli na ang lahat. Ito ay mayroon at dapat may kinalaman sa kanya.Pinakita niya ang nararamdaman ng kanyang puso. Sa biglang “Sss”, nakita sa mukha niya ang kirot.“Ikaw… Anong problema, Mr. Luther?”“Wala naman.” ang lalaki na may kirot sa mukha ay tinakpan ang likod ng kanyang baywang, tila nagsisisi siya na siya’y mahanap. Tiniis niya ang sakit at umiling sa babae. “Ayos lang ako.”“‘Wag k
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si