Ang kalangitan ay malinaw at ang araw ay medyo matindi ang sikat. Si Jane Dunn ay binalot ang coat palapit sa kanyang katawan. Ang kalsadang nililinyahan ng puno ay mas kakaunti ang tao ngayon. Gayunpaman, kahit na sinong makasalubong niya ay tinititigan siya ng may kakaibang tingin sa kanilang mukha.“Mayroong bang… kung anong mali sa kanya?”Nilagpasan siya ng isang couple, tumingin sa kanilang likod para sulyapan si Jane bago magusap sa mahinang mga boses. Kahit na kung sila ay hindi naguusap sa harapan ni Jane Dunn, hininaan pa din nila ang kanilang boses.Mga piraso ng pag uusap ng ibang mga tao ang maririnig sa likod ng kanyang ulo. Nasanay na siya sa madalas gulat na ekspresyon ng mga taong madalas na nakakasalubong niya.Tinaas niya ang kanyang ulo at tumitig sa araw na nasa itaas ng kalangitan. Naiintindihan na niya na ang kanyang kasuotan ay nakakatakot sa paningin ng ibang tao sa sandaling iyon.Habang ang lahat ay nakasuot ng short sleeves, pantalon at mga dress, binab
Sa summer ng kanyang ikatlong taon sa middle school, sinabi ni Jane, “Sean Stewart, maging magkasintahan tayo. Aalagaan mo ako.”Ang nakaputing shirt na binata ay tumalikod at tinignan siya gamit ang kanyang malinaw na mata ng phoenix na walang sinasabi. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Hinabol niya ito at hinawakan ang kanyang kamay mula sa likod. “Ang sama mo. Madali lang talaga akong alagaan. Sa tingin mo ba hindi mo magagawa ito?”Hanggang sa ngayon, naaalala pa din ni Jane Dunn ang sagot ng binata..Sinabi niya, “Hindi sa hindi kita kayang alagaan, ngunit ito ay dahil sa hindi ikaw ang tama para sa akin.” Tumalikod siya matapos sabihin ito, hinahayaan siya na hawakan ang kanyang kamay hanggat gusto niya. Hinawakan niya ang kamay nito at naglakad palabas ng school gate.Naalala ni Jane Dunn ang kanyang sarili na nakatingin na magkaugnay na daliri ng sandaling iyon. Ano kanya ang iniisip niyang muli?Ah… Naalala ko na ito ngayon.Sa sandaling iyon, “Kung hindi ako ang t
Nanginig ang puso ni Jane Dunn. Sa sandaling ito, hindi na niya magawang makita ang inosente pero makasariling lalaki na nakatayo sa kanyang harapan.Akala niya na magagawa niyang niyang mainis ito at magawa siyang paalisin matapos sabihin ang mga iyon.Sa halip, siya ngayon ay medyo nahihirapan.Siya ay tuluya ng nagseryoso at sinabi kay Haydn Soros, “Mr. Soros, ang halik kanina ay hindi libre. Tandaan mo magbayad ka, Mr. Soros.”‘Sigurado… ang pagkasabi ko nito ay sapat na?’ Inisip ni Jane Duun.Nakita niya ang lalaki sa kanyang harap na bumitaw ang isang kamay para umabot sa kanyang bulsa. Ng inunat niya muli ang kanyang kamay, inilagay niya ang kanyang palad sa harap ng kanyang mukha at sinabi, “Heto, kuhanin mo ito.”Si Jane Dunn ay nagulat. Hindi pa siya nakasalubong ng katulad ni Haydn Soros dati.Siya ay walang masabi habang nakatitig siya ng blangko sa mga pulang note sa palad ni Haydn Soros. Hindi alam ni Jane Dunn kung ano ang kanyang magiging reaksyon.“...” Binibig
Sa isang screech, mayroong nakakabinging tunog ng pag preno ng kotse. Ang driver ay sumilip sa labas at sumumpa sa galit, “Nababaliw ka ba? Gusto mo bang mamatay, ang Huangpu River ay malapit lang!”“Pasensya na, pasensya na...” Si Jane Dunn ay kaagad humingi ng tawad habang masayang sa parehong sandali. Sa kabutihang palad, ang driver ay prumeno ng sakto sa oras, kung kaya nagtamo lang siya ng maliit na mga galos.Si Haydn Soros ay nakatitig sa driver na may nanlalamig na mata. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ang siyang nakabunggo sa kanya at ngayon nagpapalusot ka pa?”Ang driver ay medyo natakot matapos na tignan ang mabangis na mukha ni Haydn Soros. Sumumpa sa ilalim ng kanyang hininga at sinabi, “Kung kayong couple ay gustong magaway, umuwi na kayo at gawin niyo ito doon. Huwag niyo itong dalhin sa labas. Nababaliw ka na siguro.” Pagkasabi nito, umalis na siya.Kahit na si Haydn Soros ay mabangis, alam niya na ang driver ay hindi dapat sisihin. Tinignan niya si Jane Dunn.
Si Jane Dunn ay talagang wala pang nakikilala tulad ni Haydn Soros!“Hoy, ano ang iyong tinutunganga diyan? Sumakay ka na?”Sa ilalim ng banyan tree, ang nakaputing shirt na lalaki ay nakatayo pa din doon tulad ng kahapon. Subalit, ngayon, mayroon siyang dalang bisikleta.“...”“Tumigil ka na sa pagtunganga. Tara na, sumakay ka na.”“... Bakit ka anditong muli?”Isang nakakasilaw na ngiti ang makikita sa mukha ni Haydn Soros. “Hindi ba ako pwede pumunta dito?”Hindi dahil sa hindi siya pwedeng pumunta, ngunit hindi niya inakala na siya ay magpapakita pang muli sa harap niya matapos ang nangyari kahapon.Si Haydn Soros ay matangkad na tao. Nakatukod ang isa niyang paa sa lapag habang ang kabila ay nasa pedal. Inunat niya ang kanyang mahabang braso at kaagad, hinatak niya ang babae sa kanyang tabi ay inilagay ito sa upuan.Sinubukan tumayo ni Jane Dunn.“Huwag kang gumalaw. Hindi ako responsable kung malaglag ka.”Pagkasabi niya ng mga salitang ito, pumedal siya at ang bisikleta
Inisip ni Jane Dunn na ito ay matatapos lahat pagkatapos ng tanghalian.Malinaw, iba ang iniisip ng kabilang panig.Mayroong bakas ng walang magawa sa mata ni Jane Dunn. “Mr. Soros, nakakain ka na ng beef noodle soup ngayon.” ‘At kumain ka ng tatlong mangkok din!’“Mm-hmm. Ang beef noodle soup ay sobrang sarap.”“...” “Maaari mo na ba akong tigilan na sundan, Mr. Soros?” Bakit ba ang taong ito ay parang madikit na candy?“Sabi ko sayo, Mr. Soros. Kung mayaman ka, dalhin mo ang pera sa East Emperor. Hindi kita bibiguin. Maaari mong gawin ang kahit ano sa akin kung gayon.”Ang gilid ng labi ni Haydn Soros ay kumurba pataas na may nangungutyang ngiti. Sa isang “oh”, sinabi niya, “Maaari kong gawin ang kahit anong gusto ko?”Mayroon nagsimulang magplano.“Oo, mayaman ka, kaya dalhin mo ang pera mo sa East Emperor. Ikaw ay aking kliyente at ang mga kliyente ay mga diyos.”“Oh...” Tumugon siya na may mahabang “oh”, mayroon itong malalim na ibig sabihin. Subalit, si Jane Dunn ay hi
Umalis sila ng East Emperor at sila ay naghapunan.Sa may night market, hinayaan niya si Haydn Soros na hawakan ang kanyang kamay habang naglalakad sila kasabay ng mga tao.Syempre, hindi maiiwasan na mayroong mga kakaibang tingin na napupunta sa kanila.“Saan naman tayo pupunta ngayon?” Ito ay hindi ang daan pabalik sa East Emperor.Si Haydn Soros ay minaneho ang Maserati at dumaan sa ibang ruta.“Malalaman mo pag dumating na tayo doon.”“Hindi ba’t sumang ayon tayo na maghapunan lang?”“Syempre kailangan nating maglakad lakad pagkatapos kumain ng hapunan.”‘... Kahit sino na naniniwala sa mga salitang ito ay talagang walang kamuang muang.’ Inisip ni Haydn Soros sa kanyang puso.Habang ang kotse ay dumadaan sa mataas na highway, si Jane Dunn ay medyo nailang. “Saan ba talaga tayo pupunta.”“Mag iikot lang tayo.”“...”Nakita ni Jane Dunn na si Haydn Soros ay tumatnggi na sabihin sa kanya. Hindi siya makakakuha ng sagot kahit na magpatuloy siya sa pagtatanong.Kaya naman,
Isang itim na Bentley ang huminto sa di kalayuan. Nakatago sa gabi at sa ilalim ng madilim na puno, hindi ito masyadong kapansin-pansin.Sa likuran, gumalang na sinabi ni Alora, "Salamat sa paghatid sa akin, Mr. Stewart. Nauna na ako, Mr. Stewart." Pagkasabi nito, inabot niya at hinawakan ang bukasan ng pinto.Si Alora ay nagbigay ng kaunting lakas at hinila ang hawakan ng pinto. Itutulak pa lamang niya ang pinto nang may umabot na isang kamay mula sa isang anggulo, mahigpit ang hawak sa likuran ng kanyang kamay. Nagulat si Alora at tumalikod para tingnan.Sa tabi niya, ang hindi nakakagulat at kaakit-akit na mukha ni Sean Stewart ay natakpan na ng malamig na hamog. Ang kanyang mga mata ay lampas sa malupit at malas habang nakatitig sila nang maayos… sa labas ng bintana?Hindi sinasadyang sinundan ni Alora ang kanyang titig upang tingnan. Ang mga magagandang mata ni Alora ay biglang nanlaki sa nakikita niya ... Jane? Ang young master ng pamilya Soros?Kaagad na lumabas si Jane Dun
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si