ALLYSA POV
To the Ohh Em Gee!
Poys na poys ang lola niyo at taas noo na pinapasayaw ko ang aking maganda, at mahabang heyr habang naglalakad sa hallway nitong Villafrancia Universal School.
Gaya ng dati ay napapataas na naman ang kilay ng mga inggetera sa kadyosahan ko. Pero syempre ay hindi ko sila papatulan, dahil ayoko mag-aksaya ng mamahalin kung oras sa kanila. Masyadong balyabol ang taym ko para sa mga drinowing sa uling ang kilay.
Hindi naman ako nagpa ka-dyosa para sa kakapirangot na heyters, kundi para sa libong-libong pans.
Ang Villafrancia Universal School na yata ang pinagpalang skwelahan sa buong Unibeyrs. Isipin mo na mula sa mga kyut na pre-school hanggang sa university ay walang itulak kabigin sa dami ng mga papalicious. Isama niyo pa ang kras ko mula noong nasa pre-school pa ako at hanggang ngayon ay labopmaylap ko pa rin na si Benedict Villafrancia. Kaso pabebe at hindi man lang napapansin ang kagandahan ng lola niyo.
Hay, buti na lang at hinayaan ako ni Cassandra, ang aking wananonli ate na dito magpatuloy sa pag-aaral.
Goodness gracious mag e-enjoy na naman ang mga kumikinang kong eyebags neto sa dami ng pogi arawn.
Ay oo nga pala, bago magkalimutan ay magpapakilala muna ako. I am the prettiest, the sexiest, the intelligent, at nasa akin na lahat nang wala sa inyo na si Allysa Enrile. Joke lang baka masaktan kayo. Dagdag ko na rin ang the gorgeous and lovable younger sister ng all-time model, hot, famous at pantasya ng mga boys dito sa Villafrancia Universal School na si Cassandra Enrile. I am seventeen years of age and in grade twelve, at ngayon ang first day ng pasukan.
Ok payn, pangalawa lang talaga ang alindog ko at si Cassandra talaga ang pers.
Happy ka?
Happy ka ulit?
Isang malaking DUH! with roll eyes.
Sobrang enjoy na sana ng eyebags ko kakatingin sa mga pogi dito habang naglalakad ng bigla na lang akong bumangga.
"Awtsnes Uberlod." Sabay hawak ko sa noo na tinamaan ng hindi ko alam kung ano. Pero syempre sure akong tao siya dahil naka-uniporme, at matangkad. Bakit ba kasi ang daming amoy lupang pakalat-kalat sa paligid. Sino ba kasi'ng herudis ito at ang lakas ng loob na banggain ako.
"Are you ok miss??" Anong ok pinagsasabi nito? kung siya kaya ibangga ko sa six packs abs matutuwa kaya siya? Ang hard kaya ng abs. Shh wag maingay hah! Sorry naman ang tangkad niya o baka sadyang punggok lang talaga ako.
"Mukha ba a-k-ong o---k?" Slowmo yan sabay hina ng boses. Huwait! Ilang beses ko pa kinusot ang mata ko para siguraduhin na hindi ako namamalik-mata.
Siya nga, kahit magka-sore eyes pa ako kakakusot ay ganoon pa rin ang nasa sayt ng pamumungay kong mata.
Si Benedict Villafrancia malabs ang aking wan tro loveydovey.
"My apologies, I am in hurry and I didn't even notice you. Are you hurt?" Hinawakan niya ako sa balikat saka yumuko at inabot ang ilang libro ko na nalaglag.
"Hey, are you ok?" tanong niya ulit sa akin habang ako nakangiti lang sa kanya.
Tulaley kasi ang lola niyo kakatitig para siguraduhin kong si Benedict kaya hindi agad nakasagot. My ghad mga apo, si Benedict nga at hindi replica. Hindi siya statue, wax, o kung ano-ano pa. Totoo siya, siyang-siya nga. As in siya na nga.
Binigyan ko siya ng slowmo with mala Kris Aquino malanding tewe bege semeget.
"Ee nemen. Ekey leng eke enekebe. Negelet leng eke pesensye ne den." Pakiramdam ko ang daming puso ang nagpakalat-kalat sa paligid. Para akong nasa cloud nine nagduduyan at dinig ko na ang kalimbang ng simbahan kasabay ng tanong ng Pari na--
'tinatanggap mo ba ang chaka na 'to upang iyong maging asawa at hindi mo pagsisihan habang buhay?'
Joke lang. Pero gago ýong Pari pag sinabi niya ýon.
"I'm glad you're ok, by the way, Benedict Villafrancia." Sabay lahad ng kanyang kamay na may mahahabang daliri.
Enebe. Bakit ang haba ng daliri?
Pero alam ko naman na siya Bennydear ko. Ýong selpon ko nga punong-puno na ng picture niya na ninakaw ko sa Instragram niya.
"Allysa Enrile," pakilala ko sabay abot ko sa kamay niya. Paksheyt! Isang linggo ko talagang hindi huhugasan ang kamay ko. Mamatay na hahawak dito at diretso na sa impyerno para maging kanang kamay ni satanas.
"Hmm, younger sister of Cassandra, right?" See, kilala niya ako kasi dyosa ako. Mali, kasi assuming ako. Malamang kilala si Cassy sa eskwelahan na 'to. Ano pati siya tanga-hanga na rin ni Cass? Aba'y hindi na makatarungan ýon.
"Yeah!" sabi ko na lang na hindi mawala-wala ang aking seductive smile.
‘Ma-seduce ka sa ganda ko Bennydear, focus on my smile.’
"I see, kaya pala pareho kayong pretty.” Tanginuman, epektib. “Anyway, nice to meet you, Allys, I want to spend more time chit-chatting with you, but I'm in hurry, see you around," paalam niya sabay hawak sa balikat ko at umalis na.
Tama ba ang narinig ko?
Hindi sa pretty, kasi matagal ko ng alam ýon since birth pa.
Ýong sa see you around daw, bes? Magkikita daw kami.
Ibig sabihin ba noon---
"Nasabi ko na ba saýo na ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko?"
"Wag ka nga'ng ganyan, Benedict, kinikilig tuloy ako."
Nagulat ako nang hawiin ni Benedict ang buhok ko na tumakip sa aking mukha. Kasunod ang paghawak sa kamay ko at shems! Hinalikan niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin. Wahhhh. Wait, wait, nag-angat siya ng ulo at nakatingin sa lips ko. Humaygad! hahalikan niya ako. Ayan na hahalikan ako ng prince charming ko.
Eto na----.
"Hoy! Betty La Fea." Shit, may pangit na pumutol sa pantasya ko. Ýon na ýon eh! Makaka-pisil talaga ako ng nanay ng mga bulutong nito.
"Tigidig!" mahaba kong sigaw habang nakahawak sa buhok ko. Napatakip nalang siya ng tenga habang nakapikit. “Nanay ka talaga ng mga butlig.”
"Oo na!” sigaw niya pabalik. “Tanggap ko na nasa mukha ko na ang reyna ng mga tigyawat na nagsusumigaw ng ‘TIGYAWAT AKO, MGA KAIBIGAN TIGYAWAT AKO’ Ano masaya ka na, laitin ko pa sarili ko gusto mo?"
Tinapat ko ang mukha ko sa mukha niya saka ngumiti.
"Masakit ba ma-realtalk, Faith Carmelle Enrile? Ako ba nagalit noong tinawag mo akong Betty? Inistorbo mo na nga ang panaginip kong gising ay nilait mo pa ako." Siya lang naman ang aking everdearest cousin. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi bwesitin ang buhay ko. Ang laging bumabara at istorbo sa lahat ng kasiyahan ko. Sarap sipain pabalik sa sinapupunan ng nanay niya. Patay na pala nanay niya baka sumama wag na lang.
"Bakit ka nagagalit? Totoo naman na kamukha mo si Betty sa itsura mo. ‘Di ba, Iya?" Saka siya bumaling kay Iya para magpakampi. "Tsaka ano ýon nanaginip ka habang nakatayo dito sa gitna ng hallway? Ang lupit mo pala, nag-aadik ka ba? Tamo mo, Iya si Betty oh, nag-aadik." Sabay tingin kay Alliya na nakatulala sa amin.
"’Di ba si Allysa siya, paano siya naging si Betty?" Oh ha! May ganyan kayong mga pinsan? Ýong isa bwesit, ýong isa slow. Siya naman si Alliya Enrile. Iya ang tawag namin sa kanya, at wag niyo na muna siyang kilalanin dahil ganoon din naman wala siyang sense kausap.
"Taray! Apir nga kayong dalawa, total pareho kayong walang kwenta,” sabi ko. “Ikaw tigidig wag ka'ng oa pag napapansin ko ýang loyal mo'ng mga anak, na sina T-I-G-I-D-I-G," sabi ko kay Faith habang isa-isang tinuro ang mga tigyawat niya. "Tamo lalo silang nag-go-glow habang nag-ha-hi ako. Hi mga babies." Hinampas naman ni Faith ang kamay ko.
Oh asar talo.
Binalingan ko si rin Iya na natatawa pa. Tatawa pa, akala mo naman talaga naiintindihan ang dyok ko. Masabi lang may sense nakikitawa pa.
"At ikaw, Iya, di mo kilala si Betty? Si Betty boop na may malaki dibdib at malaki ulo na parang may hydrocephalus pero maliit katawan. Hindi mo ma-gets kasi nga wala silang konek sa akin? Malamang ibang Betty ang tinutukoy ko. Inaaning lang kita para maalog lalo ýang utak mo. Tubig ba laman niyan." Saka ko pinindot-pindot ang noo niya.
Call me harsh, at mayabang. Pero ýan ang aming sariling paraan ng lambingan, kapag nagpurihan kami ay isa lang ang ibig sabihin noon, nagpaplastikan kami.
Dahil wala naman akong mapapalasa sa kanila ay nauna na kaming maglakad.
"Allys!" Habol ni Iya na aktong hahawak sana sa kamay ko. Sheyt, isang linggo ko nga hindi huhugasan tapos siya hahawakan ng walang paalam. Buti na lang at naiwas ko agad ang kamay ko at mabilis na na-i-angat.
"Ano ba, Iya, wag kang hahawak sa akin." Nagtaka naman siya at pati si Faith dahil agad kong niyakap ang kanan kong kamay.
"Over-acting bes, anong meron sa kamay mo? Galing ka'ng banyo no at hindi ka naghugas mabuti kaya amoy yucky pa ýang kamay mo?" Tinaasan ko ng kilay si Faith. Saka iwinawagayway ang kanan kong kamay ko.
"Ikaw lang dugyot at nasa mukha ang ebidensya,” sabi ko saka tinapat ang kamay ko sa mga mukha nila, “Ito, nakita niyo 'to? Malamang nasa tapat ng mukha niyo, itong kamay na 'to ay hinawakan ni Benedict labopmaylayp to the pem-pem back and fourth." May pagmamalaki kong sabi.
"Wee?" Sabay nilang sabi at halatang hindi naniniwala.
"Ayaw niyo maniwala, kasi mga inggetera kayo. Hindi pa kasi nahahawakan ng boylet ang mga kamay niyo." Fliphair kong sabi na may pagmamalaki sa kanila.
"Sino nga ulit walang lalaki?" Inirapan ko ang may kayabangan na tanong ni Faith.
"Whatever, basta, don't touch my hand. Dahil nandiyan si Bennydear ko nakakapit." Saka ako muling tumalikod sa kanila.
"Wag ka maniwala, diyan Iya, assuming yan eh! Siya hahawakan ni Benedict. In her dreams," bulong ni Faith kay Iya. Pabulong daw pero sinadya niya naman na marinig ko.
"Narinig ko ýon," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanila dahil tuloy lang ako sa paglalakad, sila naman nakasunod sa akin.
"Ambisyosa ka kasi!" sigaw ni Faith.
"Bitter ka lang kaya hindi mo matanggap. Palibhasa hindi ka maganda!" sigaw ko din pabalik habang naglalakad kami.
"At least my soon-to-be jowa." May pagmamalaking sagot niya.
"Hindi rin naman magtatagal." Balik ko sa kanya.
"Ýan, yan ang bitter." Sabay halakhak niya ng malakas na akala mo may sinusundo ng kaluluwa sa lupa.
"Hi, Allys."
"Hello po, ate Allys."
"Hoy tumabi kayo, dadaan si Allysa."
Iilan lang yan sa mga nobody nerd at manang na membro ng aking fans. Hindi kayo na-inform? Ako lang ýata ang manang na may pansklab.
Dahil mabait ang lola niyo kaya ngingiti ako at hindi dapat mawala ang flip hair.
"Dami fans, wala naman manliligaw." Parinig ni Faith.
"Choosy kasi ako."
"Choosy daw, sabihin mo walang choices kasi wala talagang nagtatangka."
"Hindi ako nagpapaligaw sa mga cheap gaya ng manliligaw mo."
"At least meron kahit cheap."
"Hoy! Nagtatalo ba kayo?" Sabay kami napahinto ni Faith. Sabay din kami napatingin kay Iya. Sabay din namin siyang inirapan at nagpatuloy sa paglalakad pero this time ay tahimik na kami pareho.
Hanggang sa marating namin ang aming klasrum na hindi namin alam kung saan kaming tatlo uupo. Ang sagot, bahala na si Batman total ay siya naman lagi ang tinatawag pag hindi na kaya.
---------
Nang mapakasok sa loob ng classroom ay agad kaming naghanap ng bakanteng upuan. Sa pinakalikod ay may nakita si Faith na dalawang bakante na agad niyang itinuro, habang ang sinundan nito ay may isang bakante. Agad namin nilapitan ang upuan. Okay na rin kahit hindi magkakatabi at least magkalapit pa rin. Dumiretso na ako sa dulo habang nakasunod ang dalawa. Nauna akong umupo ng walang tanong-tanong at sumunod din si Faith na umupo sa tabi ko habang si Iya ay nanatiling nakatayo. "Oh! Ano pa hinihintay mo, pasko?"tanong ko kay Iya na hindi pa rin umuupo sa bakante na nasa harapan ko. "Saan ako uupo?"Napatampal ako sa noo ko sa katangahan ng pinsan ko. My god! Bakit mo po kami binigyan ng lahi na tatanga-tanga. Ampon ýata ‘to o kaya napalitan sa ospital. Alam niyang may bakante sa harap ko nagtanong pa talaga. "Malamang Iya,alangannaman kumandong ka sa akin. Ayan oh sa harap may isang bakante."Turo ko sa upuan. "Paan
"Hoy chaka, una sa lahat hindi tayo close para tawagin mo akong Betty. Kaya wag ka'ng FC. Ikalawa, si Benedict ang bumangga sa'kin, hindi niya kinaya ang kadyosahan ko kaya siya na ang nagpapansin."Nakangiti kong sabi saka itinapat ang kamay ko sa mukha niya sabay bawi at inamoy ko ng bongga. Singhot kung singhot bes. "Ehmp! Ang bango. Ay hindi ka ba na inform ng nagdaldal sayo na hinawakan ni Benedict ang kamay ko. Ishi-share ko sana saýo ang amoy kaso ayokong hawakan mo ako eh!"Saka ipinaamoy ko kay Iya ang kamay ko."Anong amoy Iya?"Nang-iinis kong tanong. "Hmp! Amoy lalake. Amoy Versace."Malamang pabango ko ýon. Ahaha! Pero versace talaga pabango ni Benedict at noong nalaman ko ýon ay ginamit ko na rin. "See, versace ang pabango ni Benedict. Mainggit ka, Carlita."Nanunukso kong sabi. "Hoy? Ikaw na manang ka namumuro ka na talaga sa'kin. Konti na lang at titirisin na talaga kita." "As if nam
ALLYSA’s POV Kanina pa kami nakaupo dito sa loob ng klasrum pero kahit anino ng professor o maski splitends niya ay hindi namin nakikita at mukhang wala na yatang plano pa na magpakita. Ýan tayo eh, hindi nagpapakita tapos pag sumulpot papa-kopya lang tapos magbibigay ng long quiz. Wala naman itinuro tapos magagalit pag nagkamali ka at dahil studyante ka ay ikaw na lang mag-a-adjust. Galing di ba? Dahil ayoko iburo ang kagandahan ko dito ay napagdesisyonan ko na lang na tumayo. Sa ganda kong ‘to, uupo lang ako dito maubos ang oras? "Hey! Saan ka pupunta?"tanong si Faith sa akin nang bitbitin ko ang bag ko. "Tatae, sama ka?"Sarkastiko kong sagot saka naglakad palabas. Wala naman sumunod sa akin kaya bahala na sila sa buhay nila. Mas masayang magliwaliw mag-isa. Pero kung ang akala nila ay tatae talaga ako. Hell no! May cr sa amin at hindi ako nakakatae kahit saan. Saan
Ang lahat ng inis at pikon na kanina ko pa inipon ay sumabog dahil sa sinabi niya. Of all people sa kanya pa talaga nanggaling na tanga ako, at papansin pa. Tapos sa kanya pa talaga na mukhang ewan ang hitsura. "Hoy babae, ikaw to'ng yuyuko-yuko atbusykakadotdotng cellphone mo tapos ngayonkasalanko nanabunggokita."Pikon kong sabi sabay titig sa kanya mula ulo hanggang paa. Buhok na parang Dora the explorer, malaking salamin, makapal ang kilay kasama na mukha. Palda na hanggang sakong ang haba. Damit na maluwag na ang manggas ay hanggang wrist pa. For short manang na, panget pa. Ok she's a manang, and I thought a manang like her only existed in a book and movie. That a manang like her is quite, lonely, at inaapi pero mukhang iba ang manang na ‘to. "Loko-loko ka pala eh. Nakita mo pala akong nakayuko bakit hindi ka umilag? Tapos ngayon nabangga ka kasalanan ko, at ikaw pa may ganang magalit. Sino kayang tanga sa a
=ALLYSA’s POV= Hayop na lalaking 'yon,pogi sana kaso ang bilis pikunin. Poging pikon ampupu. Pero sa totoo lang at baka sabihin niyo na unfair ang mga dyosa na gaya ko. May ibubuga din naman ng kaguapuhan niya. Mas lamang nga lang si Bennydear ko. Ukiepayn, isang paligo at isang hilamos at hahabol na ang pikon na ýon. Ayan baka sabihin niyo unfair akong dyosa, maldita lang ako pero hindi ako bulag. Sumisipol lang magandang ako hapag naglalakad papunta sa cafeteria nang bigla akong harangin ng tatlong bebe na kinapos ng ganda. Minsan gusto ko na maniwala na stalker sila at hindi lang nila maamin na fans ko sila. Nahihiya lang silang aminin na gusto nila ng selfie kaya dinadaan sa pang-iinis ang pagpapansin. "Well, talagang kinaker mo na ang paglapit sa mga Villafrancia,manangah!"Nagtawanan ang dalawang quack-quack dahil sa sinabi ng leader nila. Pero imbes na patulan sila ay mas minabuti kong magpatuloy sa paglalakad
ALLYSA’s POVGusto ko sana bumalik sa room para sa last subject namin pero mukhang wala naman planong magpakita ang last teacher. Well, kahit naman magpakita siya wala rin naman siyang ipapagawa sa first day kundi introduce yourself lang, tapos attendance, then goodbye.Na badtrip na rin akong tumuloy ng cafeteria dahil sa grupo ng mga bebe kaya sa labas na lang ako mag-kakape. Sinabihan ko na lang ang dalawang paniki na pupunta akong bilyaran. Ýong pinakamalapit sa school.Hinarang pa ako ng guard dahil hindi pa raw oras ng uwian. Pero dahil dyosa ako ay wala siyang nagawa kundi palabasin ako.Joke!Well, isa lang naman ang sinabi ko sa kanya.Wala siyang pakialam kung hindi ako papasok. Hindi siya ang nagbabayad ng tuition ko. At mas lalong hindi anak niya ang babagsak kung babagsak ako.Oh ‘di ba ang very simple lang ng sinabi ko. Pero kung akala niyo ay pinalabas niya ako dahil doon pwes
Matapos maging superhero ay dumiretso na ako sa billiard hall. Wala pa masyadong tao dito dahil. May iilan lang na for sure nag-cutting o hindi rin pumasok na gaya ko. Ang taba ng utak ng may-ari nito. Nagtayo ng bilyaran malapit sa eskwelahan at lahat pinapapasok kahit oras ng pag-aaral.Pero syempre, wala na akong pakialam doon. Business niya ýon eh."Ateng dyosa sa table 8 ako!"sigaw ko sa taga bantay nang tuluyan akong makapasok. Nilapag ko lang sa gilid ang bag saka naglaro mag-isa.Tiningnan ko ang wristwatch ko. May fifteen minutes na lang ako para hintayin si tigidig at Iya dito.Dahil trip ko maglaro ay tinawag ko ang isang lalake na nakaupo sa gilid ng isang table. Kasama yata jowa niya o kalandian lang habang nanonood sa mga kasama. Sana all may kalandian ‘di ba?"Psst!"Sitsit ko sa kanya. Nang lumingon ito ay tinuro niya ang sarili niya."Oo ikaw! Wag kang tanga. Alangan sarili ko ýong tinawag ko,"&n
=ALLYSA’s POV=Napapapikit ako dahil sa silaw ng liwanag na direktang tumama sa mukha ko. Nakakainis! si manang Purin na naman naghawi ng kurtina ng bintana ko para maaga akong magising.Maaga tuloy akong nagising dahil nakisabay pa ang ingay ng alarm clock. Hinampas ko ito ng unan kaya nalaglag sa sahig pero imbes na huminto ay mas lalo pa itong umingay. Tumayo ako saka pinatay ang alarm clock. Ihahagis ko na sana sa basurahan ng saktong naalala ko na hindi pala kami nakapag-usap ni Cassy kagabi dahil wala siya ng dumating ako.Walang konek sa alarm clock sadyang na-alala ko lang.Tss! Kailangan ko na mag-ayos dahil for sure hindi ako tatantanan ng dyosa kong elder dearest sister hangga't hindi kami nakapag-usap ng bongga.Matapos maligo ay pinatuyo ko lang ang buhok ko. Nagbihis ako ng pamatay kong outfit at saka bumaba. Hindi uso suklay sa'kin since hanggang batok lang ang buhok ko. Bangs lang sinusuklayan ko p
"Anongkailangan mo?"tanong ko sa kanya pero sa totoo lang gusto ko ng umiyak dahil siya dapat ang kailangan ko ngayon. I saw the sadness in her eyes. Lungkot, sakit at bigat nang kalooban."Paalisna angeroplanoat bakamaiwananka."I remain cold dahil gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako at hindi ako talunan. "Thank you for coming.Salamatatnagpakitaka at pinalakas mo ang loob niya kahit paanoparalumaban."Ayokong umiyak. Ayoko masaktan, pinipigilan ko ang sarili ko dahil after all si Adrian pa rin ang nasa isip niya kahit ako ang kaharap niya. Pero traydor ang mga luha ko dahil isa-isa silang bumabagsak. "Hindi naman ikaw angipinuntakorito, kaya bakit ikaw angnagpasalamat?"Yumuko naman siya, pero matapos noon ay agad din siyang lumapit saka hinawakan ako sa kamay. Gusto kong itakwil ang mga kamay niya. Pero hindi ko magawa dahil nanabik ako s
=ALLYSA's POV=Looking at him from afar, I realized something.I love him. I really really love him and honestly, I don't want to lose him. Ayokong malayo sa kanya at gusto ko siyang manatili sa tabi ko.Pero paano?Kung everytime na nakikita ko siya ay hindi talaga maiwasan na hindi ako masaktan. He's a living witness of my pain. Para ba'ng everytime I saw him ay kasama na doon ang nakaraan. Ang nakaraan kung paano nasira ang pamilya ko.Nakita ko siya na parang may hinahanap at alam kong ako yon. Hindi ako makapagdesisyon sa sarili ko. While seeing him na papaalis ay unti-unti nagsi-sink in sa isip ko ang nakaraan. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami naging magka-away, nagsigawan, nagbullyhan.Naalala ko ang aming first dance at kung paano namin pareho na witness ang kadramahan ni Cass at B. My first heartbroken na nagpatunay sa kasabihang "crush na nga lang, na brokenhearted pa."But the best part was when we t
=ADRIAN's POV="Pikon."Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at nakita ko si Manang na tumatakbo palapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ay hindi na ako mahalaga sa kanya. Pero nandito siya at nagpakita sa akin.Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mahigpit at puno nang pagmamahal. I heard her crying saying I'm sorry. But as of now it doesn't matter kung ano ang mga sinasabi niya dahil ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito ay pagdating niya. Whats important is she's here. She came."I'm glad you came,"I said while hugging her back. I miss her a lot. God knows paano ko pinanabikan na mayakap siya ulit."Thank you for coming.Akalako hindi
=ADRIAN's POV=Panay ang buntong hininga ko at namimigat ang dibdib ko habang papasok sa loob ng Airport. May kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na wag tumuloy.Ayaw ng puso ko, simple as that.Pero kailangan para sa ikakabuti ko.Nagpalingon-lingon ako sa paligid to check if nandito si Allysa. Baka sakaling dumating siya at kausapin ako pero kahit anino niya ay hindi nagpakita kaya mas lalong bumigat ang hakbang ko."Adrian." Tapik sa akin ni K na sasama sa akin sa Bahrain. "Tara na sa loob, nandoon na mga pinsan mo."Kahit sa pagpasok ay hindi ko inalis ang mga mata ko sa mga taong labas pasok ng pintuan ng airport."Hindi na siya darating, please don't expect at baka masaktan ka lang." I bitterly smile to K saka pinunasan ang luha kong nag-umpisa na naman tumulo.Nang nasa loob na kami ay nakita ko doon ang mga pinsan ko na nag-aabang sa amin. I smiled at them saka sila nilapitan."Ingat k
=CASSANDRA's POV=Nandito ngayon sina Olivia at Anton sa bahay at gustong maka-usap si Allysa. Siguro tungkol na naman ito kay Adrian."Please leave us alone, tama na dahil sobrang pagod na kami."Nakakapagod ng makipag-usap sa kanila. Kaya ko lang naman sila pinakisamahan noon ay dahil kay Allysa at Adrian."We did not come here para mag-umpisa ng gulo Cassy, we came just to ask a little favor. Please, allow us to talk to Allysa."Si Anton na halata na ang pagod sa mukha."Ayaw ko, mahirap ba intindihin yon? So, please leave.""Hayaan mo sila Cass, gusto ko rin malaman bakit sila nandito."Lahat kami napatingin kay Allysa na pababa na ng hagdanan."Allysa."They both smile at kulang na lang magpaligsahan sa paglapit kay Allysa."Anong kailangan niyo?"tanong niya sa dalawa."We came here to ask you a favor, please come to the airport. Makipagpakita ka kay Adrian bukas." Na
"A-Ally-sa."Humihikbi kong tawag sa pangalan niya."Wala ng silbi ang buhay ko. Alam mo ba na ikaw lang dahilan kong bakit ako lumaban. Alam mo ba na ikaw lang dahilan kung bakit ko nilalabanan ang sakit ko. Dahil sa'yo Allysa kaya gusto kong mabuhay ng matagal. Dahil gusto kitang makasama. Pero ngayon na mawawala ka na sa buhay ko. Wala na rin halaga kong mabuhay pa ako. Hindi na ako magpapa-opera at hihinitayin ko na lang ang kamatayan ko."Nang matutunan kong mahalin si Allysa. Alam ko sa sarili ko na siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Pero ngayon na mukhang buo na ang desisyon niya na iwan ako. Sa tingin ko ay wala ng halaga pa ang operasyon at hindi ko na yon kailangan. Maghihintay na lang ako ng kamatayan, dahil parang ganoon na rin naman ang gagawin ko araw-araw kung wala si Allysa sa buhay ko."Sa totoo lan
Mas lalo akong pinanghinaan ng loob nang makita siya.Tinanggalan daw siya ng life support dahil gumagana pa naman ang puso niya. Tanging oxygen lang ang meron siya at iilang aparato. Para lang siyang natutulog. Peacefully sleeping. Sa ICU lang siya nilagay para every now and then ay ma-check siya."Manang."I hold her hand and kiss. Nasa tabi ako ng kama niya."I'm sorry. Patawarin mo ako sa ginawa ko."Umiiyak na ako. Naawa ako sa kalagayan niya. Ako na lang, sa akin na lang mangyari yan. Ang sakit makita na ang babaeng minahal mo ay nasa bingit ng kamatayan. Ang babaeng nagturo pagmamahal ng totoo sayo ngayon ay nahihirapan. Lumalaban para mabuhay at isa ka sa mga dapat sisihin sa nangyari sa kanya."Manang, remember our first met? Binangga kita, kasi para kang tanga na nakayuko. Wala lang gusto lang kitang pagtripan. Pero 'di ko akalain na ikaw pala ang kilabot na manang sa campus. Lagi tayong nag-aaway everytime we met, naiinis ako sayo kasi
=ADAM's POV="Are you ok?" Nasa labas kami ni Iya ng ospital kung saan dinala sina Allysa at Adrian, sa may garden kami tumambay para magpalipas ng oras. Kasalukuyan ng uma-agaw ang liwanag sa dilim."Iya,"tawag ko ulit sa kanya. Siguro malalim talaga iniisip niya dahil hindi niya ako pinapansin.Tiningnan ako ni Iya saka niyakap. Hanggang sa narinig ko na ang paghikbi niya."Shh, magiging ok din siya." Pag-aalo ko saka siya niyakap pabalik. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko. She need to released her pain, she needs me to comfort her dahil sa mga pinagdadaanan ng pamilya niya ngayon.Kusa rin siyang bumitaw nang matapos siyang umiyak."Ka
"Adrian, calm down. I'll bring you to the----""ANSWER ME!" sigaw ni Adrian saka napaluhod sa sahig. Aalalayan sana siya ni Olivia pero hindi niya ito hinayaan na makalapit sa kanya."Stop, wag mo akong hawakan. Your silence means yes to me. How dare you?"Mas lalong humigpit ang kapit ni Adrian sa dibdib niya. Kaya si B na ang bumitaw sa akin at nilapitan si Adrian."Bakit hindi mo pa sabihin ang totoo, Olivia, ang lahat-lahat ng nangyari."Umpisa ulit ni Allysa ng bagong usapan."Stop it Allysa!"sigaw ni Olivia."Why, ayaw mo ba malaman ni Adrian na buhay pa ang mommy niya ay may lihim na kayong relasyon ng daddy niya?"