Abala ako ngayon sa pag eensayo sa cheering squad tuwing hapon. Madalas na din niya kong sunduin ni Jeho kapag uwian na. It almost a week, simula nang gumaling ito at doon nag umpisa ang lahat kung ano ang kan'yang mga sinabi ay kan'ya naman ginawa. Wala ni isang araw na hindi ito pumalya dahil sa napakasipag nitong manligaw sa 'kin.Minsan, nakakasawa din kasi yung araw araw ang paghatid at pagsundo kahit nagkikita at magkasama naman kami sa iisang tinutuluyan. Iwasan ko man siya ay naroon pa din ito nakasunod sa akin. Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya sa kan'yang gusto na parang isang bodyguard na ayaw akong tantanan. Patungo ako ngayon sa may pamihisan ng mga babae. Naroon na si Brenda at katatapos lang nito magpalit ng damit. Bagong ligo na din ito. Hindi niya ko pinansin nang makasalubong ko siya. Inirapan lang niya ko. Hindi na din niya ko kinakausap simula nang malaman nitong nililigawan ako ni Jeho. Inumpisahan ko ng maglinis ng katawan. Habang patapos na ko,
Kinabukasan, maaga kaming namalengke ni Monette. Nadaanan pa namin yung apartmet ni Jeho. Kay tahimik parang walang tao. Wala din doon yung sasakyan ni Jeho.Asan na kaya siya?Nang matapos na kaming mamalengke at nakarating kami agad sa boarding house, nadatnan naming narito si Jeho kasama si Cassey. Diretso lang ako sa pagpasok sa loob at hindi ko siya pinansin. Alam kong sa akin siya nakatingin pagkadaan ko sa gawi nila dahil kita ng gilid ng aking mata sa pagsulyap nito.Ilang araw na ganito ang set up namin ni Jeho. Nanliligaw pa lang siya sa 'kin, parang ako naman ang nasasaktan kahit na hindi ko pa siya sinasagot dahil palaging na kay Cassey ang kan'yang atensiyon.Simula nang dumating si Cassey, bihira na lang ako magpunta sa apartment ni Jeho. Minsang naglinis pa ko ng kan'yang kuwarto, ang ibang mga gamit nito ay wala doon sa kan'yang cabinet. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Wala din akong mga labahin ngayon at ang linis ng kan'yang laundry area. Minsan, maaga n
"We got a first place in cheering squad! Yes!" natutuwang saad ko sabay buhat niya sa 'kin at may patalon talon pang nalalaman si Jeho."Ibaba mo na ko Jeho!" sabay palo ko sa kan'yang braso dahil ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Halos sa amin na nakatingin ang mga tao dahil sa pagbubunyi ni Jeho sa pagkapanalo namin. Todo support siya sa 'kin. Hay grabe talaga yung saya niya. Yung tipong kasiyahan niya parang ikinasal na kami. Tapos honeymoon agad ang inaantay. Atat na kasi siyang sagutin ko na siya kaya ganun. Grabe kinikilig ako. Hindi lang ako ang kinikilig pati din yung ano. Alam na this.Maingat akong ibinaba ni Jeho. Napahigpit ang yakap nito sa 'kin. Napatingkayad na lang ako dahil sa tangkad nito. Grabe ang gwapo talaga ngayon ng Jeho ko at sobrang bango pa niya. Parang ayaw ko ng humiwalay sa kan'ya. Gusto ko kasi palagi ko siyang inaamoy simula ulo nito hanggang dibdib lang niya. Hanggang lang doon ako. "Mabango ba ko sweetheart?" malumanay niyang tanong. "Oo, sobrang
Jehos POVThis is the first happiest night with the woman I love. Makakatabi ko na siyang matulog dito sa malambot na kama. I want to hug, kiss and to touch her skin everywhere. But when I did that to her. Kumunot agad ang noo niya pagkaharap niya sa akin. "Doon ka matulog sa sahig," kasabay yon ang malakas na pagsipa niya sa akin kaya ako nahulog. Napadaing ako sa sakit sa aking bewang gawa ng malakas niyang pagsipa. Mukhang nabalian yata ako ng buto. Marahas ko siyang tiningnan pagkatayo ko."Why did you do this to me sweetheart? Paano pa ko makakascore nito kung ganito ang ginawa mo sa kin," sabi ko habang hawak hawak ang bewang kong nananakit pati likod ko ay masakit na din."Yan ang score mo. Kulit mo kasing matulog eh. Kung saan saan nakakarating yang kamay mo na yan," inis niyang sabi sa 'kin. Hindi ko siya pinansin at tinungo ko na lang ang sofa at doon nahiga. Ginawa ko na lang pangtakip ang unan sa kanang tenga ko habang patagilid na nakahiga na hanggang ngayon ay nagsasa
Kayrelle POVPagkapaalam ko kay ante Minda. May isang kotseng huminto sa aking harapan. Gumuhit sa aking labi ang ngiti dahil narito na si Lucio. Pero unti unti ko ding itinikom ang labi ko nang makita kong si Brenda ang sakay niyon pagkababa niya ng kotse."Hi Kayrelle!" bungad niyang sabi na may ngiti sa kan'yang mukha. "Sa akin ka na sumabay. Iisang party lang naman ang pupuntahan natin eh. Diba?" sabi nito."Ahm.... May magsusundo na kasi sa akin eh. Parating na din 'yon," sabi ko. "Nauna na si kuya Lucio. Sa akin ka niya ibinilin na makisabay. Halika na at maya't maya mag uumpisa na ang party ni Jeho." Nauna na itong nagtungo sa nakabukas niyang sasakyan. Ayaw ko sanang makisabay sa kan'ya pero ilang sandali na lang ay mag uumpisa na ang party. Walang paatubiling sumakay na din ako sa kotse ni Brenda. Nagulat na lang ako pagkaupo ko nang makita ko na may kasama pala si Brenda pagka on niya ng ilaw."Hi sweetie. Nagulat ka ba?" umiling ako sa may front mirror dahil kita ko nama
SPGPagkadating namin ni Lucio sa boarding house. Nadatnan namin si ante Minda na nakaupong nagmumokmok sa may mesa. May isang tasang mainit na kape sa kan'yang mismong harapan. Hindi niya napansin ang pagdating namin ni Lucio dahil sa pagkakatulala nito.Tahimik akong umupo sa tapat niya at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. Nagulat pa nga ito nang makita niya ko at hindi makapaniwalang nasa harapan niya ko."Kayrelle!" sambit ni ante at maya't maya ay humagulhol na ito sa iyak. Napatayo siya at lumapit na siya sa 'kin saka mahigpit niya kong niyakap. "Salamat at walang masamang nangyari sayo pamangkin ko. Sabi ko sa papa mo na hindi kita papabayaan ngunit naging pabaya ako dahil alam kong ligtas ka naman dito sa lugar na ito. Hindi ko alam na may mga tao pa pala na may masasamang ugali na kaya kang dukutin ka," sabi nito habang masuyo niyang hinahaplos sa aking likuran."Ante, salamat po sa pag aalala ninyo sa 'kin. Pero ayos na po ako dahil wala pong anumang ginawa sa akin ang
Papunta ngayon si Kayrelle sa NBP sa Muntinlupa, Metro Manila. Maaga pa naman kaya mabilis itong nakarating.Hingang malalim habang siya ay patungo sa loob para makapag log in sa information desk na naka assign na pulis doon na kilala na siya dati pa. "Ngayon ka lang nadalaw sa ama mo iha. Lagi kang tinatanong ng papa mo kung nagawi ka dito. Ang lungkot ng ama mo sa t'wing hindi mo siya binibisita." Nalungkot ako sa sinabi ni sir PO4 Ernesto Mulat. Dati rati kasi ay buwan buwan kong binibisita si papa kaya natutuwa siya kapag nakikita niya kong binibisita ko siya. Ang hirap lang sa sitwasyon namin dahil sa pagkakakulong nito ng wala man lang malinaw na ebidensiyang ipinataw na parusa sa kan'ya. Walang laban ang mahihirap kung ang taong nagpakulong sa aking ama ay daig pa sa nakatataas sa lipunan.Narito na ko sa visiting area habang inaantay si papa sa paglabas niya sa kulungan. Maya't-maya ay nagkita din kami. Napatayo ako at niyakap ko siya nang mahigpit."Nakakatampo ka naman ana
SPGLumipas ang isang araw na pananatili ko sa boarding house ni ante. Binalak ko na umuwe muna sa bahay upang maglinis habang inaantay si Jeho sa pagdating. Pero sa pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong narito na pala si Jeho na nagluluto sa may kusina. Hindi ako makapaniwalang nandito na siya agad ni wala nga akong natanggap na mensahe mula sa kan'ya na darating siya.Dahan dahan ang paglapit ko at huminto sa may tapat ng pintuan habang tanaw ko ang malapad na likod ni Jeho. Napangiti ako ng husto dahil natutuwa ang puso ko nandito na ulit siya kahit isang araw lang itong nawala."I know na nariyan ka sweetheart," sabi nito na mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib na para akong aatakihin sa puso anumang oras.Hindi ako makapagsalita dahil balak ko pa naman siyang sorpresahin sana pero ako itong sinorpresa niya."P-Paano mo nalaman na nandirito ako?" tanong ko pagkaharap niya sa akin. Unti unti ang paglapit nito sa 'kin at marahan niyang hinapit ang aking bewang. Nasa mga mata niy