Hindi na ko pumasok pagkatapos ng nangyari. Nagkulong na lang ako dito sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.
Binalaan ko na ang sarili ko na wag aasa sa mga pinagsasabi ni Ice, pero naniwala pa rin ako. Naniwala pa rin ako na mahal niya ko. Akala ko totoo yung mga sinabi niya.
Lalo akong napahagulgol ng iyak. Uto-uto kasi ako eh. Nakakainis! Gusto kong sigawan si Ice, gusto kong magalit sa kanya pero naiisip kong wala naman akong karapatan. Sino ba naman ako? Nakikitira lang naman ako sa mansyon nila at pinag-aaral nila ng libre sa school na pag-aari nila.
Agad akong tumayo at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Mugtong mugto ang mata ko. Kahit sa malayuan mo ko tingnan ay halatang halata na umiyak ako.
Hihiga sana ulit ako sa kama nang maramdaman ko ang pag-aalburoto ng tiyan ko. Nagutom tuloy ako dahil sa sobrang pag-iyak.
Tumingin ako sa orasan. Alas otso na pala. Siguro naman ay hindi ko makaka
Nagising ako dahil may naramdaman akong nakadagan sa baywang ko.Ang bango ah! Nakakapanibago. Amoy lalaki yata ang kwarto ko ngayon. Hmm!Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Medyo blurred pa ang paningin ko. Nakakapagtaka, bakit black and white ang kwarto ko?Wait! Black and white?!Kinusot kusot ko ang mata ko. Napasinghap ako nang bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice.Bakit ako nandito sa kwarto niya?! Pinagsamantalahan niya ba ako?!Joke lang! Naalala ko naman na nalasing ako, pero hindi ko na matandaan yung kasunod na nangyari.Tumayo na lang ako sa kama ni Ice at nagpunta sa banyo. Naghilamos muna ako at nagmumog. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kama at humiga sa tabi ni Ice. Tititigan ko lang siya saglit.Tinitigan ko na lang ng maigi ang mukha ni Ice. Mukha siyang anghel pag tulog, pag gising naman parang yelo. Napangiti ako ha
Napatulala ako sa sinabi niya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. May kakaibang sakit akong naramdaman. Sa kanya na mismo nanggaling, totoo nga yo'n."M-may nangyari talaga sa inyo? As in, y-yung parang ginagawa ng mga mag-asawa?" tanong ko habang titig na titig sa kanya. Pakiramdam ko ay maiiyak na ko. Sinasaktan na naman ako ni Ice, lagi na lang.Napaiwas siya ng tingin at umalis sa pagkakadagan sakin. Umupo siya sa kama at napasabunot sa buhok niya."H-hindi ko ginusto yung nangyari Shenna, believe me. If I can just turn back the time, I won't let that mistake to happen. It's nothing to me, she's nothing to me. I'm fvcking drunk that time. I didn't even remember what happened that night. I just woke up beside her, and we're both n-naked." sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako pag tinitigan ko pa siya sa mata."Ganu'n ba talaga ang g-
“Manloloko ka Ice! I hate you! I hate you!” naiiyak na sabi ko. Nakakainis talaga siya! Manloloko!Naramdaman ko naman ang pag-ismid ng katabi ko.“Will you please shut up Shenna. I can't concentrate, you're fvcking loud.” tila naiinis na sabi sakin ni Ice. Napanguso naman ako.“Sorry naman. Nakakainis kasi si Ice eh, manloloko siya.” nakatungong sabi ko. Nagbabasa kasi ako ng wattpad. Naiinis ako sa binabasa ko eh, manloloko kasi si Ice. Natawa na lang ako kasi kapangalan ni Ice yung nasa story.Nandito nga pala kami sa kwarto ko. Nagbabasa si Ice ng kung ano, related sa business. Kaya daw siya dito nagbabasa para mainspired siya kasi katabi niya ko. Kaso ang ingay ko naman“Tss. Dun na lang ako sa kwarto ko.” tumayo si Ice sa kama. Aalis na sana siya kaso hinawakan ko siya sa kamay.“Sorry na. Hindi na ko mag-iingay. Promise!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Ano namang mga nangyari nung wala ako?" tanong ni Tita Amy habang nakain kami."Mom, she's eating." napairap naman ako sa sinabi ni Ice."Hehe, wag niyo na lang pong pansinin si Ice. Nga po pala, marami pong nangyari nung wala kayo." sabi ko at ngumiti kay Tita Amy."Hays. Buti na lang pala nagpunta ako ng Russia. May moments tuloy kayo ni Ice. Pagbalik ko, kayo na." kinikilig na sabi ni Tita Amy."Eh? Hindi pa po kami ni Ice Tita Amy." sabi ko with matching kaway kaway pa ng kamay.Napatingin naman sakin si Ice ng masama."What the heck Shenna?!" naiinis na sabi ni Ice sakin."Manligaw ka muna noh!" sabi ko at binelatan siya. Bahagyang napangiti na lang siya sakin at pinisil ang pisngi ko."Nangiti kana Prince." nakangiting sabi ni Tita Amy."Yeah, thanks to Shenna." sabi ni Ice at ngumiti ulit sakin.***
"Yes! Nagets ko din!" tuwang tuwang sabi ko at napapalakpak pa. I'm so happy!Natutuwang niligpit ko ang mga libro at notebooks."Seriously? Physics is just a piece of cake Shenna." bored na sabi ni Ice at sumandal sa upuan. Mariin na napapikit din siya. Kawawa naman si bebe Ice."Ang hirap kaya. Ikaw na magaling." nakangusong sabi ko."Tss." yun lang ang sinabi niya at tumayo na siya, lumabas na siya ng study room. Teka, saan pupunta yo'n?!Dali dali akong lumabas ng study room at hinanap ng mata ko ang yelong yo'n. Dumiretso na lang ako sa kusina. Napanganga ako nang maabutan ko si Ice na nakain ng ice cream, take note chocolate flavor pa. Tss. Favorite niya talaga yo'n. Mas gusto ko ang vanilla eh.Kumuha din ako ng ice cream sa ref at tumabi sa kanya."Gabi na, ice cream pa din ang kinakain mo." nakasimangot na sabi ko, pero kumain na din ako ng ice cream. Na
Kinabahan ako ng nagmamadaling lumabas ng kotse si Ice. Padabog na isinara niya ang pinto ng kotse, napatalon ako sa gulat dahil akala ko masisira iyon.Dali dali akong lumabas ng kotse at sinundan siya."Get out of my way!" sigaw ni Ice sa mga babaeng nakaharang sa gate. Mukhang natakot naman sila at umalis sa daan.Hinabol ko si Ice at hinawakan ang laylayan ng coat niya."I-ice, ano g-gagawin mo?" tanong ko sa kanya.Marahas na tinanggal nito ang kamay ko sa coat niya at malalaki ang hakbang na nagpunta siya sa room namin. Naglalakad lang siya at natakbo na ko pero hindi ko pa din siya mahabol. Nagtitinginan na samin yung mga tao."Ice! Mali ka ng iniisip!" sigaw ko pa pero dire-diretso lang siya sa paglalakad.Pagkapasok namin sa room ay marami rami na ang tao. Nandoon na din ang Danger Zone at nagtatawanan."Oh! Shenna! Prince!" sigaw ni
Nagdidilig ako ng halaman ngayon, wala kasi akong magawa eh. Mamayang tanghali pa ko dadalaw kina nanay.Pagkatapos kong magdilig, agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo.Habang nagsusuklay ako ay bigla akong may napansin. Kanina pa hindi nalabas ng kwarto si Ice.Kanina, nakapagbreakfast na ko kasama sina Tita Amy at Tito King. Nung una, medyo nahihiya pa ko kay Tito King. Pero naging komportable na ko nung kinakausap niya ko.Pagkalabas ko ng kwarto ko agad akong dumiretso sa kwarto ni Ice. Kumatok muna ako kaso halos nakasampung katok at tawag na ko, hindi pa rin siya nasagot. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at naabutan ko ang impaktong natutulog.Nakatagilid ito at nakayakap sa unan niyang kulay black. Juice ko! Ang dilim talaga lagi sa kwarto niya.Umupo ako sa side ng kama kung saan siya nakaharap. Dahan dahan kong tinapik ang malambot na pisngi niya.
"Hays! Nakakabored naman Ice! Ano bang pwede nating gawin?" tanong ko habang tumatalon talon sa kama ni Ice.Nagbabasa naman ng libro si Ice, librong hindi ko naman maintindihan kung tungkol saan.Mukhang naiirita na sakin si Ice kasi hindi siya makapagconcentrate sa pagbabasa dahil ang likot at ang ingay ko."Get out of my room Shenna. You're distracting me." naiinis na sabi nito.May isang ugali si Ice na nadiscover ko, moody pala talaga siya. May mga time na sweet siya sakin, at may mga time naman na suplado siya sakin. Pero madalas siyang magsuplado sakin kaya iyon, nilalambing ko lang siya, hindi na siya nagsusuplado. Para nga kaming hindi magjowa pag nagsusungit siya eh."Sorry na Ice, naboboring lang talaga ako." nakangusong sabi ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa tiyan. Naramdaman ko nga yung abs niya kasi nakasando lang siya. Kinilig ako hahaha."T