KANINA PA nakatanga si Reese mula nang iwanan siya ni Misty sa kanyang table daw. Ang boss-bosan naman niya ay wala naman sinabi sa kanya maliban sa itinuro nito kung saan siya nito itatapon. Pasalamat ito at love niya ito. Pasulyap-sulyap siya sa lalaking kasama niya sa silid na 'yun. Nag-e-enjoy siya sa pabago-bago ng ekspresyon ng mukha nito. May time nakakunot ang noo nito tapos ay biglang magsasalubong ang mga kilay nito. Pero hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhang taglay ng isang Hycent Henry Bustamante.Bigla niyang binawi ang tingin nang bigla itong tumingin sa gawi niya. Kunwari ay inabala niya ang sarili sa kanyang laptop kahit wala naman siya talagang ginagawa. Naramdaman niya ang matiim nitong titig sa kanya. Para tuloy siyang biglang nauhaw. Pakiramdam niya ang tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Kahit hindi siya lumingon ay malakas ang pakiramdam niya na nakatingin ito sa kanya."Mr. Busta-"Ms. Lee-"Magkasabay nilang bigkas sa pangalan ng isa't isa. Kaya naman mabilis
"THANK YOU so much for investing to us, Ms. Lee," muling pasasalamat ni Hycent sa dalaga pagkapasok nila sa loob ng kanyang opisina. Bigla itong humarap sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang naka atras. Kung hindi ay baka nagkabungguan na sila."You're very much welcome, Mr.Bustamante. May I call you by your first name, masyado kasi tayong pormal sa isa't isa," sabi nito. "Sure. Should I call you by your first name, too?" Balik-tanong niya rito.Tumango ito. "That's better then,...Hycent." Parang may kakaibang sensasyong ang gumapang patungo sa kanyang puso. Bakit parang pamilyar ang boses nito. Kung paano nito tawagin ang kanyang pangalan ay parang ang tagal na nitong sinasambit. "You okay?" Nabalik siya sa sarili sa tanong nito."Ye-yeah. I-check ko lang ang mga design para masimulan na." Nagsimula na siyang humakbang palayo rito dahil muli na naman bumalik ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Which he finds strange. "By the way, Hycent. I will be the one to say thank you for
WALONG KATAO silang nasa loob ng meeting room. Ipinakilala si Reese sa anim na taong kinabibilangan ng Designing Team. Reese couldn't explain how happy she was. Meeting some of the fashion designers known already in the country and outside the country. Especially Miss Diva Sales-one of the top ten famous designers. Kaya pala hindi nawala sa taas ang BCi dahil hawak nito ang mga magagaling na designers. Sadyang malaki lang ang nawala sa mga ito ng masunog ang production area. Yes, ito ang rason kung bakit biglang bumagsak ang BCi, ayon sa imbestigasyon ay aksidente ang nangyari pero may mga haka-haka na sinadya upang isabotahe ito. Pero dahil walang sapat na ebidensya ay hinayaan na lang at heto nga nagsisimula muli ang BCi na makabawi. Mabuti na lang at nangyari ang aksidente ng oras ng tanghalian kaya walang nasaktan. Kung hindi malaking problema pa 'yun.Reese was updated to Hycent life. Hindi naman sa nag-stalk siya sadyang gusto niya lang maging updated sa buhay nito. Naging busy
NANG MATAPOS SI Reese na ilabas ang kanyang sakit na nararamdaman ay pinagpasyahan na niyang ayusin ang sarili. Nang masigurado na maayos na siya ay humakbang na siya palabas ng comfort room. Pero laking gulat niya nang makita si Misty na nakatayo sa labas at tila hinihintay siya."Ms. Lee, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito."Ye-yea. What are you doing here?" "Pinasundan po kasi kayo ni Sir Hycent paglabas n'yo po sa meeting room. Ano po ba nangyari? Sobra po kasi nag-alala si Sir, sa katunayan po nandito po siya kanina at gusto na nga po kayong pasukin at baka ano na raw po ang nangyari sa inyo." Inabutan siya ni Misty ng bottle water na tinanggap niya at nagpasalamat. "Where is he?" tanong niya at humakbang na upang bumalik sa loob."Nagpunta po sila ni Sir Noel sa designing department. Pinapasabi niya po na hintayin n'yo raw po sila sa opisina niya." Sumunod ito sa kanya. "Nasa office na rin po ang mga gamit na naiwan n'yo po pati cellphone n'yo, Ms. Lee.""Salamat
ANG MGA SUMUNOD NA ARAW ay naging abala si Hycent sa kanyang trabaho. Ang dami-dami nilang dapat asikasuhin. Mabuti na lang at nandyan si Ms. Lee. Malaki ang pasasalamat niya dahil higit pa sa pagiging investor ang papel nito. "Napapadalas ang uwi mo nang late, minsan naman hindi ka umuuwi." Napalingon si Hycent sa asawa. Gising pa pala ito. Akala niya ay natutulog na ito. Itinuloy niya ang paghuhubad ng kanyang polo. Kakauwi niya lang dahil tinapos na nila ang mga dapat gawin."It's work," tipid niyang sagot at isinunod ang kanyang pantalon na hinubad. Nakita niyang umiwas ng tingin ang asawa. Dalawang taon. Pero pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama niya. Hindi, iba ang kasama niya nang dalawang buwan. Pala isipan pa rin sa kanya ang bagay na 'yun. Iba ba talaga o pinaglalaruan lang siya ng sariling imahinasyon."Magshower lang ako, matulog ka na." Dumiretso na siya sa banyo at nang nasa tapat nang shower ay binuksan niya ito. Ang lamig ng tubig ay hindi naging dahilan upang mak
"WHAT IS IT?" bungad na tanong ni Hycent kay Misty pagkapasok nito sa opisina niya. Nakatutok siya sa kanyang laptop na hindi naman nakasindi. He just needs to make himself busy. "Goodmorning Sir, aga po natin, ah. By the way, coffee, sir? And, your schedule?" tanong nito. Nag-angat si Hycent ng tingin at nakita ang secretary na nakatayo na sa kanyang harapan. "Later for my schedule and yes coffee and milk for Miss Lee." Nakita niyang lumingon si Misty sa table ni Reese. "Nandito na po si Ms. Lee?" nagdududang tanong nito. "Uutusan ba kitang gumawa kung wala siya dito?" Balik-tanong niya. Tumango naman si Misty pero muli na naman nagtanong, "Nasaan po siya kung ganun?" "Comfort room," walang ganang sagot ni Hycent at ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop na black lang naman ang makikita. "Galing po ako sa banyo, wala naman po siya dun. Imposible naman po na hindi kami magkasalubong dahil iisa lang naman po ang-" natigil si Misty sa pagsasalita nang seryoso niya itong tingn
NAGSIMULA NA ang busy day ni Reese sa kumpanya ni Hycent. Dahil nga naghahabol sila at gusto ring mahuli kung sino ang traydor. Marahas na napabuga ng hangin si Reese habang nakapangalumbaba sa may pantry. Kababalik niya lang galing sa lunch break. Sasabay sana siya kina Hycent, Noel at Misty na nagkayayaan. Kaso biglang tumawag ang kuya niyang istorbo kahit kailan at nakikipagkita. Akala naman niya napaka importante. Nagpapalibre lang pala. Walanghiya talaga, pagkakataon na sana niya 'yun upang muling akitin si Hycent.Naalala niya ang sinabi kanina ni Hycent. Stop flirting with him daw. As if naman makikinig siya. Ano pa ginagawa niya sa kumpanya nito? Wala naman ibang dahilan kung hindi ang akitin ito hanggang sa wala na itong magagawa kung hindi maging kanya."Desperada na ba ako?" tanong niya sa sarili. Kanina nang ipinakita ni Hycent ang wedding ring nito. Gustong-gusto na niyang alisin at itapon palabas ng bintanaMabuti na lang at nakontrol niya ang sarili. Nararamdaman niy
"I Will be there, ofcourse," masiglang sabi ni Reese sa kausap sa kabilang linya. Napalingon siya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Hycent. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit umiwas din agad ito. Bumalik ang atensyon niya sa kausap. "I need to go. I have work to do, see you tomorrow sweetheart. I miss you and I love you. Take care, ok. See you tomorrow." She makes a sound like giving the person a kiss before she bids goodbye. Nang maibaba niya na ang tawag ay lumingon si Reese kay Hycent. "Goodmorning, Hycent," bati niya sa lalaki na ang aga-aga ay tila pinagsakluban na ng langit. Badtrip ba ito dahil nag half day siya kahapon. Parang 'yun lang."Morning," ganting bati nito pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Kinuha niya ang bag saka hinanap ang kanyang maliit na salamin. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang sarili sa salamin. "Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Mukha na ba akong zombie? Then, why can't he look at me?" Madrama niyang kausap sa reflection sa salamin.She
"EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na
MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n
KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s
NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba
HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina
HANGGANG sa makasakay sina Hycent at Reese sa kanyang kotse ay walang nagsalita sa kanila.Hindi malaman ni Hycent kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Divorce na sila ni Pearl. Kailan pa? Paano nangyari? Gustong-gusto niya lingunin si Reese ngunit inaagaw nang paghuhurementado ng puso niya ang atensyon niya. Galit? No! Hindi siya galit sa nalaman kung totoo man 'yun baka nga magwala siya sa tuwa. Pero paano nga nangyari? Napahawak siya sa manibela at napatulala roon. Humugot siya nang malalim na hininga. Ilang beses niyang ginawa upang pakalmahi ang puso niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Reese na ikinabalik niya sa sarili."Ma-mahal," may pag-aalala sa boses nito na tila napuno ng takot. Kaya naman mabilis niyang nilingon ito.Kitang-kita niya ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito. Ang takot sa mga mata nito. Bakit ito natatakot? Iniisip ba nito na galit siya? 'Oh, mahal, you are so wrong, I can't get mad to you.'"Ma-mahal, I can expl
DALAWANG ARAW NA ANG lumipas mula nang mangyari ang malaking rebelasyon sa buhay nina Reese at Hycent. Matapos mawalan ng malay si Marlon ay dinala na muna ito sa clinic na nasa loob din ng headquarters. Habang sila ay nagdesiyon na munang magsiuwi lalo na at naghihintay ang kanilang mga ina. Gusto niya makausap si Hycent ngunit hindi siya hinayaan ng kuya niya at sinabi na hayaan muna ito dahil kailangan pa nito i-proseso ang mga nalaman. At dahil nakaramdam na rin siya ng pagod ay pumayag siya. Nagpaalam lang sila sa isa't isa saka nagkanya-kanya ng uwi.After two days, here she is. Standing outside of their mansion to wait for Hycent. Dalawang araw din na hindi sila nagkita at nagkausap dahil nagkulong lang daw ito sa silid nito. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Nauunawaan naman niya ito kaya naman hinayaan niya na lang muna. Masakit naman kasi malaman na ang itinuring mong anak ay hindi sayo. Kung siya nga na dalawang buwan lang ay sobrang sakit. What more to Hycent who k
LIMA NA LAMANG sila nasa loob ng silid na 'yun. Lumabas na ang mommy ni Hycent at Reese.Katabi ni Hycent si Reese habang magkatabi naman si Rohan at Arsen at nasa kanilang harapan si Marlon.Alam ni Hycent na marami pa siyang kailangan malaman. Mga bagay na may kinalaman siya. Mga bagay na sana hindi wawasak sa kanya.Narinig nila ang pagtikhim ni Marlon kaya napabaling silang lahat rito. Huminga ito nang malalim bago nag-angat ng tingin at dumako sa gawi nila. Makikita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Pero nangingibabaw ang pagkabigo, pagsisisi at pagsuko. Sa isang iglap ay tila itong naging isang maamong tupa. "I met Pearl in an orphanage. I admit I was got attracted by her beauty. And when I saw her light green eyes, an idea came into my mind. Sinimulan kong makipaglapit sa kanya, kinuha ang loob. At hindi ako nabigo, she trusted me or we should say she loved me. I used her feelings towards me to make her do what I want." Umigting ang panga nito at mabilis na binawi an