"I'M HAPPY seeing you and my son fixing your family."Napalingon si Pearl sa mommy ng asawa. Hindi niya napansin ang paglapit nito. "Mom," aniya rito. Matamis itong ngumiti sa kanya.Isa sa ipinagpasalamat niya ang kabutihan ng mommy ni Hycent. Sa dalawang buwan na kasama niya ito ay nakita niya kung gaano nito kamahal ang mag-ama. At ganoon rin sa kanya. Hindi siya itinuring nitong ibang tao. Nung una lamang na hindi pa sila maayos ni Hycent. Pero nang magkaayos sila ay nag-iba rin ang pakikitungo nito. She's really like a mother to her.Kaya minsan naitatanong niya kung bakit nagawa ng tunay na Pearl na lokohin ang asawa nito. Because she could say that Hycent is a husband material. Kaya ipinangako niya sa sarili na aalagaan ang mga ito at hindi niya hahayaan na mapahamak. Kung sakaling magbalik man ang tunay na Pearl. Ipaglalaban niya ang mga ito. Dahil unang-una ay ito ang nang-iwan. Kaya hanggang kaya niya ay ipinaparamdam niya sa asawa ang mga bagay na sinasabi nitong pinag
AFTER 2 YEARS "MOM, I"ll go ahead," paalam ni Hycent sa ina saka siya humalik rito.Nilapitan niya ang anak. "Alis na ako, baby. Very good ka sa school, ok." Hinalikan niya rin ang anak."Bye-bye, daddy." "'Nay, nasaan po si Pearl?" tanong niya nang hindi makita ang asawa sa hapag-kainan.Pasagot pa lang si Nanay Marissa nang saktong pumapasok na ang asawa."I'm here." Lumapit ito sa kanilang anak."Alis na ako," sabi niya."You're not going to eat?"Napahinto siya nang marinig ang tanong ng asawa. Humarap siya rito."Hindi na, may importante kaming investor ngayon. Ayokong ma-late lalo na we need investor," paliwanag niya saka tinanguan ang asawa at tuloy-tuloy nang lumabas.Two years had passed.Dalawang taon na para lang siyang robot. Hindi niya alam pero parang may nagbago. Not to him but to his wife.Yes. Bumalik ito sa dati. 'Yung dating asawa niya. Hindi mawala sa isipan niya ang araw na 'yun. Ang araw na dumating ito mula sa pag-alis kasama ni Abygail.FLASHBACK!"Ang bili
IPINAKILALA ni Noel si Miss Lee sa mga kasamahan nila. Kung pagmamasdan mo ang dalawa ay halatang magkakilala ang mga ito. Pero hindi ipinaalam sa kanya ni Noel ang bagay na 'yun. Kaya humanda ito mamaya dahil talagang gigisahin niya ito. How could he betray him? Naputol ang pagpat*y niya sa kaibigan sa kanyang isip nang siya na ang susunod na ipapakilala nito. Naramdaman niya ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Pinilit niya kasing alisin ang tingin sa babae dahil nagwawala ang puso niya at ang bilis nang pagkabog."And the last one is our beloved ceo." Tinaasan niya ng kilay si Noel. Ang dami pa kasing drama bakit hindi na lang nito diretsuhin. Narinig niyang tumawa ito. " Don't mind him Miss Lee. I want you to meet the CEO of Bustamante Clothing Industry none other than….Mr. Hycent Henry Bustamante," pagpapakilala nito sa kanya.Nalipat ang tingin niya kay Miss Lee. Muli na naman niya nahigit ang kanyang hininga nang matamis itong ngumiti sa kanya. "It's our pleasure to meet you
"WHERE have you been, Reese?" Ang malakas na boses na tanong ang sumalubong sa kanya pagpasok ng kanilang bahay.Reese just rolled her eyes while continuing stepping inside the house."Stop rolling your eyes at me, Reese! And answer me, where have you been?" Bakas na ang inis sa boses nito.Nakanguso naman siyang humalik sa taong nakapamaywang habang ang mga kilay ay magkasalubong na. "Just roaming around the city," sagot niya saka umupo sa mahabang sofa at inalis ang kanyang suot na heels. Pinatong niya ang mga paa sa center table. Sobra intense ng mga kaganapan ng araw na 'yun. "Annie, pakikuha naman ako ng malamig na malamig na orange juice, please," utos niya sa isa nilang kasambahay na pababa ng hagdan. Parang pamilya na rin ang turing nila sa mga ito."Sige po, senyorita." Humarap si Annie sa lalaking hanggang ngayon ay magka salubong pa rin ang mga kilay. "Gusto n'yo rin po ba senyorito?" magalang nitong tanong."No, thanks," tipid nitong sagot kaya umalis na ang kasambahay u
KANINA PA nakatulala si Hycent at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanilang bagong investor. Bago kung tatanggapin niya ang inaalok nito. Pero sino ang sira-ulo ang tatanggi? Pera na ang lumalapit sa kanila. Ang hindi niya maunawaan ay ang kapalit nang pagtanggap nito bilang bagong nilang investor."Baka mahipan ka dyan at tuluyan ka mabaliw," pukaw sa kanya ng taong kanina niya pa pinatay sa kanyang isip. He gave him his daggering looks. "How dare you betray me, Noel!" Bulyaw niya rito na ikinangisi lamang nito."How do I betray you?" nagmamaang-maangan nitong sagot. Kaya mas lalong tumalim ang tingin na binibigay niya rito."Stop acting innocent! Hindi mo bagay g*go ka. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na babae, batang babae ang investor natin. I thought he was an old man," reklamo niya.Mas lalo siyang nabuset nang tumawa si Noel nang malakas. Na para bang nakikipag biruan siya."F*ck you, asshole!" malutong niyang mura rito."Actually I also don't know. Nagulat din ako
PAGKAGISING pa lang ni Reese ay hindi na nawala ang ngiti niya sa mga labi. At mukhang mas mapapadalas ang kanyang magandang umaga."Good morning everyone," masiglang bati ni Reese sa kanyang brother at sister-in-law na nasa harap nang hapagkainan. Saka siya umupo sa kanyang nakalaan na upuan."What is good in the morning?" nakabusangot na tanong ng kuya niya. "A lot of things. Oh, my brother. Why so bitter? Dahil ba sa guestroom ka natulog?" pang-aasar niya rito. Nakita niyang mas sumimangot pa ito pero sh*t lang ang gwapo pa rin. Kumuha siya ng bacon saka nagsimula na siyang kumain."Stop reminding me that. It's all your fault," asar na sabi nito."Stop it, love. Nasa harap tayo ng pagkain. Mag move on ka na. Huwag mong sirain ang araw ni Reese," saway ni Ate Yasmin sa kuya niya. Irap ang naging tugon ng kuya niya na ikinailing ni ate Yasmin habang siya ay natatawa lang."Salamat po, manang," sabi ni Reese nang ilapag nito ang kanyang gatas."What exactly is your plan?" Maya-maya a
KANINA PA nakatanga si Reese mula nang iwanan siya ni Misty sa kanyang table daw. Ang boss-bosan naman niya ay wala naman sinabi sa kanya maliban sa itinuro nito kung saan siya nito itatapon. Pasalamat ito at love niya ito. Pasulyap-sulyap siya sa lalaking kasama niya sa silid na 'yun. Nag-e-enjoy siya sa pabago-bago ng ekspresyon ng mukha nito. May time nakakunot ang noo nito tapos ay biglang magsasalubong ang mga kilay nito. Pero hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhang taglay ng isang Hycent Henry Bustamante.Bigla niyang binawi ang tingin nang bigla itong tumingin sa gawi niya. Kunwari ay inabala niya ang sarili sa kanyang laptop kahit wala naman siya talagang ginagawa. Naramdaman niya ang matiim nitong titig sa kanya. Para tuloy siyang biglang nauhaw. Pakiramdam niya ang tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Kahit hindi siya lumingon ay malakas ang pakiramdam niya na nakatingin ito sa kanya."Mr. Busta-"Ms. Lee-"Magkasabay nilang bigkas sa pangalan ng isa't isa. Kaya naman mabilis
"THANK YOU so much for investing to us, Ms. Lee," muling pasasalamat ni Hycent sa dalaga pagkapasok nila sa loob ng kanyang opisina. Bigla itong humarap sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang naka atras. Kung hindi ay baka nagkabungguan na sila."You're very much welcome, Mr.Bustamante. May I call you by your first name, masyado kasi tayong pormal sa isa't isa," sabi nito. "Sure. Should I call you by your first name, too?" Balik-tanong niya rito.Tumango ito. "That's better then,...Hycent." Parang may kakaibang sensasyong ang gumapang patungo sa kanyang puso. Bakit parang pamilyar ang boses nito. Kung paano nito tawagin ang kanyang pangalan ay parang ang tagal na nitong sinasambit. "You okay?" Nabalik siya sa sarili sa tanong nito."Ye-yeah. I-check ko lang ang mga design para masimulan na." Nagsimula na siyang humakbang palayo rito dahil muli na naman bumalik ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Which he finds strange. "By the way, Hycent. I will be the one to say thank you for
"EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na
MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n
KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s
NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba
HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina
HANGGANG sa makasakay sina Hycent at Reese sa kanyang kotse ay walang nagsalita sa kanila.Hindi malaman ni Hycent kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Divorce na sila ni Pearl. Kailan pa? Paano nangyari? Gustong-gusto niya lingunin si Reese ngunit inaagaw nang paghuhurementado ng puso niya ang atensyon niya. Galit? No! Hindi siya galit sa nalaman kung totoo man 'yun baka nga magwala siya sa tuwa. Pero paano nga nangyari? Napahawak siya sa manibela at napatulala roon. Humugot siya nang malalim na hininga. Ilang beses niyang ginawa upang pakalmahi ang puso niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Reese na ikinabalik niya sa sarili."Ma-mahal," may pag-aalala sa boses nito na tila napuno ng takot. Kaya naman mabilis niyang nilingon ito.Kitang-kita niya ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito. Ang takot sa mga mata nito. Bakit ito natatakot? Iniisip ba nito na galit siya? 'Oh, mahal, you are so wrong, I can't get mad to you.'"Ma-mahal, I can expl
DALAWANG ARAW NA ANG lumipas mula nang mangyari ang malaking rebelasyon sa buhay nina Reese at Hycent. Matapos mawalan ng malay si Marlon ay dinala na muna ito sa clinic na nasa loob din ng headquarters. Habang sila ay nagdesiyon na munang magsiuwi lalo na at naghihintay ang kanilang mga ina. Gusto niya makausap si Hycent ngunit hindi siya hinayaan ng kuya niya at sinabi na hayaan muna ito dahil kailangan pa nito i-proseso ang mga nalaman. At dahil nakaramdam na rin siya ng pagod ay pumayag siya. Nagpaalam lang sila sa isa't isa saka nagkanya-kanya ng uwi.After two days, here she is. Standing outside of their mansion to wait for Hycent. Dalawang araw din na hindi sila nagkita at nagkausap dahil nagkulong lang daw ito sa silid nito. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Nauunawaan naman niya ito kaya naman hinayaan niya na lang muna. Masakit naman kasi malaman na ang itinuring mong anak ay hindi sayo. Kung siya nga na dalawang buwan lang ay sobrang sakit. What more to Hycent who k
LIMA NA LAMANG sila nasa loob ng silid na 'yun. Lumabas na ang mommy ni Hycent at Reese.Katabi ni Hycent si Reese habang magkatabi naman si Rohan at Arsen at nasa kanilang harapan si Marlon.Alam ni Hycent na marami pa siyang kailangan malaman. Mga bagay na may kinalaman siya. Mga bagay na sana hindi wawasak sa kanya.Narinig nila ang pagtikhim ni Marlon kaya napabaling silang lahat rito. Huminga ito nang malalim bago nag-angat ng tingin at dumako sa gawi nila. Makikita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Pero nangingibabaw ang pagkabigo, pagsisisi at pagsuko. Sa isang iglap ay tila itong naging isang maamong tupa. "I met Pearl in an orphanage. I admit I was got attracted by her beauty. And when I saw her light green eyes, an idea came into my mind. Sinimulan kong makipaglapit sa kanya, kinuha ang loob. At hindi ako nabigo, she trusted me or we should say she loved me. I used her feelings towards me to make her do what I want." Umigting ang panga nito at mabilis na binawi an