Honeylette POV Makalipas ang ilang oras, bumalik muli si Patricia sa silid na kinaroroonan namin. Sa ngayon ay hindi na nito kasama si don Julio at mga tauhan niya. Nakita ko ang walang buhay nitong mukha. Para bang nababagot ito at nag-iisip nang kung anong maari niyang gawin na ikasasaya niya. Samantalang nasa isang sulok lamang kami nina nanay at tiya. Tinawag nito ang isa sa mga tauhan niya. Pumasok ang isang lalaki. "Nariyan na ba siya?” Tanong dito ni Patricia. "Opo, kararating lang." Sagot nang lalaki."Sabihin mong pumasok na kaagad siya dito. Naiinip na ako." Naiiritang utos ni Patricia. "Sige po." Kunot noo akong nakikinig sa pag-uusap niya at nang kanyang tauhan. Sinong kayang dumating ang tinutukoy nila?. "Ma'am nandito na po siya." Napalingon ako sa tauhan ni Patricia nang sabihin iyon. Ngunit nagimbal ako nang nakita ko kung sino ang tinutukoy nito. Nakita ko ang mala-demonyo nitong mukha. Sa akin kaagad naka
Honeylette POV "Daddy!!.." Mula sa kinaroroonan namin ay patakbong lumapit ang kambal, pagkakita ng mga ito sa tinawag nila na daddy. "Ano na-miss niyo ba ang daddy niyo?”"Opo." Masayang sagot ni Lander at Hailey. Sabay yakap nang mga ito. Kinarga nito ang kambal sa magkabilang bisig niya. "Ang dami mo na naman dala. Masyado mong ini-spoiled ang kambal." Saad ko nang makalapit sa kanila. "Hayaan muna. Minsan lang naman ito." Kinindatan niya ako pagkasabi niya noon. Inirapan ko naman ito. Nagsisimula na naman kasi siyang mang-asar. "Bumaba na kayo sa daddy Chelex niyo, masyado na kayong mabigat." Nagsibaba ang kambal mula sa pagkakakarga sa kanila ni Marc. Tiningnan ako ni Marc nang may ibig sabihin. Kung kaya't inatasan ko ang kambal na pumasok na sa bahay. "Mga anak, pumasok na muna kayo sa loob." Utos ko sa dalawang bata. Kaagad naman sumunod ang mga ito sa sinabi ko.Ganito silang dalawa kay Marc sa tuwing dadalaw it
Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m
Honeylette POV Kasalukuyan akong nasa ilalim ng malaking puno na katabi nang bahay namin. Sa ilalim ng punong iyon ay makikita ang isang mahabang upuang kawayan. Samantala naroon din ang isang papag na nagsisilibing higaan namin tuwing tanghali. Halos doon kami namamalagi kapag walang ginagawa, sariwa at malamig kasi ang hangin dito. Minabuti kong magmuni- muni muna dito ngayong gabi. "Anak may gumugulo ba sa isipan mo?.” Bahagya akong nagulat nang biglang may mag-salita sa likuran ko. Nilingon ko si nanay. Nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling ako. Bilang pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang diretso. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mga titig nito. Iba talaga kapag nanay mo, o magulang mo. Kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka magsalita at pilit kang tumanggi, mararamdaman at mararamdaman pa rin nila ang kung anong nararamdaman mo o kung may problema ka bang iniisip. Katulad ko na isang ina na rin. Nararamdaman ko kapag til
Honeylette POV "Kumusta? bakit ngayon lang kayo?.” Tanong ko, pagkalapit ko sa kinaroroonan nina Carlo. Hindi kaagad nakapagsalita si Carlo, para bang may kakaiba sa reaksyon niya. Napatingin ito kay Josh, bago nagsalita. "Uhmmm.. May mahalagang inasikaso kasi ako kahapon. Kaya hindi kami natuloy ni Josh." Saad nito. " Ano naman pinagkaabalahan niyo kahapon?. Parehas kayo ni Josh?.” Kunot noo kong tanong. "Hindi, ako lang, nasa bahay lang si Josh kahapon. U-umuwi akong Batangas." Nag-aalangang sambit ni Carlo. Hindi na ako nagsalita. Siguro ay si Crystal ang ipinunta niya roon. "Siya nga pala may pasalubong ako sayo." Kinuha ni Carlo sa kanyang gilid ang isang kahon at iniabot nya iyon sa akin. "Ano ito?.” Tanong ko habang hawak-hawak ang kahon."Buksan mo." Nakangiting saad ni Carlo. Binuksan ko ang naturang kahon. Nagalak ako nang makita ang laman nito. Kalamay na mais!. Ito ang na-miss kong kainin sa Batangas. "Sal
Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma
Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an
Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu