CHAPTER 25 " Pero... ang akala ko ba'y mayroon tayong kalayaang pumuli ng desisyong para sa sarili nating kaligayahan? " sa nadinig niya kay Estrella, siya naman ngayon ang hindi nakapagsalita dahil tila sinampal siya ng katotohanan dahilan para magising siya. Walang salitang lumabas sa bibig ni Sebastian at nanatili ang mga mata niya kay Estrella na nahihiwagaan sa kaniya. " Pero para sagutin ang tanong mo, wala naman akong balak pakasalan si Adam, " dagdag ni Estrella, " Huwag mo nalang masyadong isipin ang sinabi niya kanina dahil mga bata pa kami noong nag propose siya saakin, wala pa kaming masyadong alam sa mundo kaya walang dahilan para seryosohin ang bagay na 'yon. " Umiwas ng tingin si Sebastian upang magkaroon siya ng pagkakataong isipin ang lalabas sa bibig niya. " Kung ganoon, huwag mo na lang din pansinin ang mga tinanong ko sayo, " ani Sebastian, " at 'yong tungkol sa kasunduan, hindi ko 'yon nakakalimutan. Pinaalalahanan lang kita dahil baka may ibang taong makapa
CHAPTER 26 " Wow, ang ganda ng cellphone mo, Este. Iyan ang bagong labas na model ngayon! " bakas sa boses ni Anna ang tuwa at pananabik nang makita ang bagong cellphone ni Estrella. " Mag picture tayo! " " Ah, sige pero paano ba? Saan ba makikita ang camera? " takhang tanong ni Estrella habang ingat na ingat sa smartphone na hawak niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na makahawak siya ng cellphone subalit sa ganda, laki at nipis ng hawak niya, pakiramdam niya'y anumang oras ay mabibitawan niya. Natatakot siyang hawakan nang matagal kung kaya't inilapag muna niya ito sa mesa at hinayaang turuan siya ni Anna kung paano gamitin ang cellphone na ibinili sakaniya ng asawa. Pagkagising kanina, laking gulat ni Estrella nang makitang may isang paper bag sa harap ng pinto ng kwarto nang siya'y magtangkang lumabas. Kinuha niya ito at sinilip kung anong nasa loob at doon, nakita ang isang puting kahon kung saan nakalagay ang bago niyang cellphone. May sulat na iniwan sa loob at doon rin ni
CHAPTER 27 " Pinatay niya? " takhang tanong ni Estrella nang marinig ang sunod-sunod na beep sa kabilang linya. Binaba niya ang cellphone at nagpakawala nang malalim na buntong hininga. " Busy siguro siya? Bakit ko ba kasi tinawagan? Nakakahiya.Nakaabala pa tuloy ako sa kaniya. " Napatitig si Estrella sa kawalan habang nagsisimulang lunurin ng isipan. Hanggang ngayon, iniisip niya pa rin ang sinabi ng lola niya kanina at kahit wala pa mang sinasabing petsa kung kailan sila pupunta, nanatili pa rin ang takot sa loob niya. Hindi niya nais maranasan na bigla nalang susulpot sa harapan niya ang lola't lolo niya dahil kung nagkataoon, mabubuko ang sikreto niya. Kailangan niya itong paghandaan pero di niya alam kung saan o paano siya magsisimula. Hanggat maaga, kailangan niya ng gumawa ng plano kung paano itatago ang sikretong ito. " Este, iyong nguso mo abot hanggang ibaba. " Napalingon si Estrella sa likuran nang marinig ang boses ni Anna. " Bakit ganiyan hitsura mo? Hanggang ngayon
CHAPTER 28 " Uhm excuse me, may nakaupo ba dito? " tanong ni Azami sa lalaking nakasalamin at abalang nagbabasa sa librong hawak nito. Lahat ng silya sa silid na pinasukan niya ay okupado na at ito na lang ang bakanteng kaniyang nakita. Inalis ng lalaki ang tingin sa librong binabasa para iangat ang tingin sakaniya. " Wala, bakante 'yan, " anito saka binalik ang tingin sa libro. " O-okay, dito ako mauupo, ah? " paalam ni Azami bago ibaba ang bag niya sa silyang katabi ng lalaking may sarling mundo. Tutok na tutok ito sa binabasa niya at natigil lang ito nang dumating na ang professor nila. Gusto niya itong kausapin pero wala siyang lakas ng loob. Natatakot siyang mapahiya lalo na't mukhang di ito interesado makipag-usap sa kahit na sino dahil sa mga nagdaang linggo, madalang lang niya itong makitang makisalamuha sa mga tao. Magkatabi nga sila ngunit may tila pader na nakaharang sa pagitan nila. Minsan naman kung kauusapin siya nito, ang magiging topic nila ay iikot lang sa pin
CHAPTER 29 Pabagsak na isinara ni Sebastian ang pinto ng kotse mula sa passenger seat kung saan siya lumabas. Ang kaniyang mga tingin ay tila nakapako na kung saan nakatayo si Estrella kasama ang kababata nitong si Adam— hindi niya alam kung anong dahilan at nakapatong ang kamay ni Estrella sa ulo nito pero nang maabutan niyang nagkakasiyahan ito sa labas ng mansion, kakaibang emosyon ang naramdaman niya dahilan para siya'y lumabas ng kotse at magtungo sa kinatatayuan ng dalawa. " Anong ginagawa mo rito sa labas? " ang unang lumabas sa bibig ni Sebastian nang tapunan ng tingin si Estrella. " Ah, kumukuha kasi ako ng litrato kanina. Ang ganda kasi ng camera ng cellphone na binigay mo saakin. Napakalinaw niya, " humahangang tugon ni Estrella saka inangat ang hawak niya. " Maraming salamat pala dito, Sebastian. Hindi mo naman kailangan 'tong gawin pero binili mo pa rin ako.Hindi ko pa naman birthday para bigyan mo ako ng regalo pero salamat. Malaking tulong 'to dahil mukhang mapapada
CHAPTER 30 " Ang iyakin mo talaga kahit kailan, Estrella. Para kang bata," ani Estrella sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin. Halos mamaga ang mga mata niya at dumagdag pa ang pamumula ng ilong niya dahil sa tagal niyang umiyak sa harap ni Sebastian. Hindi niya inakala na iiyak siya nang ganoon dahil lang sa napagtaasan siya ng boses nito. Sanay na siya sa pagsusungit ng asawa at mukhang kailangan na rin niyang sanayin ang sariling masigawan ni Sebastian. " Este? Pwedeng pumasok sa loob? " Napatingin si Estrella sa pintuan ng kwaro nang madinig ang boses ni Anna. Tumango siya agad saka tumayo para salubingin ito sa pagpasok. " Anna... " hindi mapigilang humaba ang nguso ni Estrella bago ito yakapin. " Mabuti na lang nandito ka. Damayan mo ako. " " Bakit ano ba kasing nangyari? " takhang tanong nito saka sila naupo sa gilid ng kama para mapag usapan ang nangyari kanina. " Magang-maga ang mata mo. Sabihin mo, sinaktan ka ba ni sir? " " Hindi, ano ka ba? Wala nam
CHAPTER 31 Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa dining area matapos bitawan ni Javier ang mga katagang bumasag sa buong pagkatao ni Anna. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil naalala siya nito o mainsulto dahil ibang imahe pala ang iniwan niya para siya'y maalala nito. Malayo ito sa inaasahan niya. Sa sobrang layo, imposible na niyang maabot." I mean, first time ko kasi makakita ng lumpiang shanghai na idini-dip sa chocolate fountain. As far as I know, ketsup ang ginagamit para sa sawsawan, hindi ba? " inosenteng tanong ni Javier saka nilingon si Sebastian. " Bigla kong naalala 'yong pinsan natin noong first time niya mag-buntis, puro weird combination ang mga pagkain na nire-request niya sa asawa niya—"" Javier, " hindi na napigilan ni Sebastian na sumabat at putulin na ang mga balak pang sabihin ng pinsan niya. " She's not pregnant. " Nagsalubong ang kilay ni Javier saka nilingon si Anna na tila natuod na sa kinatatayuan nito. Hindi maipinta ang hitsura ng
CHAPTER 32 Matagal na pinagmamasdan ni Estella ang isang bento box sa kaniyang harapan matapos niya itong lagyan ng mainit na kanin at ulam na siya mismo ang nagluto at naghanda. Maaga syang gumising para ipagluto ang asawa ng umagahan at ng babauinin nito sa opisina. Alam niyang hindi ito nagbabaon ayon na rin kay Manang Susan, pero ito lang ang naisip niyang paraan para makabawi sa ginawang pagligtas ni Sebastian sa kaniya sa aksidenteng nangyari kagabi. " Hala, teka ikaw ba 'yan, Este? " Napalingon si Estrella sa likuran nang madinig ang boses ni Anna. Halos kagigising lang nito dahil sa gulo ng buhok at tuyong laway na naka-marka sa kanang pisngi niya. " Good morning, Anna. " Nilapitan niya ito at itinuro ang mesa kung saan nakahain na ang kanilang umagahan. " Ako ang nagluto ngayon, pwede mo bang tikman kung ayos lang ang mga putaheng inihanda ko? " " Teka nga, bakit ikaw ang nag luto? A-anong mayroon? " Natatarantang naglakad si Anna patungo sa mesa at umawang ang bibig niy
Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!
EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami
CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s
CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind
CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a
CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr
CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i
CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n
CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a