Kumunot ang noo ni Samuel at tumingin sa lalaking nasa harap niya ng malamig na mga mata. "Sino ka?""Mr. Quinn, hindi mo ba ako nakikilala?" Pakiramdam ni Thomas ay ito na ang pinakamagandang biro na narinig niya sa ngayon. "Ang pangalan ko ay nasa buong Merchant City ngayon. Bakit hindi mo pa rin ako kilala? Siguro hindi ako gaanong nagsumikap."Nagsalubong ang mga kilay ni Samuel. "Sino ka?""Hayaan mo akong magpakilala." Tumayo si Thomas at naglakad para tumayo sa harap ni Samuel, bahagyang hinawakan ang kamay ni Samuel. "Ang pangalan ko ay Thomas Howard—ang magiging amo ni Malcolm. Nabanggit niya na siguro ako sa iyo."Sandaling natahimik si Samuel bago napagtanto ang ibig niyang sabihin.Ang lalaking ito, na hindi mukhang lampas sa 30 taong gulang, ay baka ang lalaking sinasabi sa kanya ni Malcolm. Siya ang nagbigay ng bagong pangalan kay Malcolm, ang nagbigay sa kanya ng bagong tirahan, at ang nagtaguyod sa kanya upang mabuhay.Kumunot ang noo ni Samuel."Actor ka lang. Ano
Inangat ni Samuel ang kanyang ulo at tumingin sa lalaking nasa harapan niya na may pagtataka. Maya-maya, tumango siya ng mariin. "Naaalala ko na."Marahil ay hindi niya naaalala si Thomas, ngunit hindi niya makalimutan ang pangyayaring nangyari noong partikular na gabing iyon noong isang taon.Noong panahong iyon, tinutulungan niya ang isang kaibigan na kakakilala pa lang niya noon pa lamang upang palitan ang paglilingkod nito sa simbahan sa labas ng baryo, na inaalagaan ng kanyang kaibigan nang mamatay ang kanyang kaibigan kamakailan. Nagkataon lang na may production team na kumukuha ng pelikula malapit sa village.Noong gabing iyon, katatapos lang ni Samuel sa kanyang trabaho para sa araw na iyon, at ipinadala ng production team ni Thomas si Thomas sa simbahan. Sinabi ng pinuno ng taganayon na nakagat si Thomas ng isang makamandag na ahas, at kailangan niya ng isang babae na tutulong sa kanya upang gamutin ang lason.Napatingin si Samuel kay Thomas at agad na inilantad ang kasinu
"Narinig ko sa assistant ko at sa mga tao sa production team na ikaw ang tumulong sa akin sa paghahanap ng babae noong gabing iyon. Ipinagpapalagay ko na kilala mo ang babaeng iyon, tama?"Ipinatong ni Thomas ang kanyang kamay sa armrest at inalalayan ng isang kamay ang kanyang baba, matikas na nakatingin kay Samuel. "Gusto kong mahanap ang babaeng iyon ngayon. May nalalaman ka ba kung nasaan siya?"Kumunot ang noo ni Samuel. "Una sa lahat, puro aksidente ang gabing iyon; Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. At saka, hindi ako ang naghanap sa kanya para sa iyo. Pangalawa..."Huminga siya ng malalim, at malamig na kumislap ang kanyang mga mata. "Lahat ng nangyari sa pagitan mo at niya ay isang pagkakamali at isang aksidente. Hindi ko kilala ang babaeng iyon, at wala akong contact details niya. Mr. Howard, naghahanap ka sa maling tao.""Ganoon ba?" Halatang hindi ang sagot ni Samuel ang hinahanap ni Thomas. Kinagat niya ang labi para ngumiti. "Father Samuel, sa tingin
Nanlaki agad ang mga mata ni Samuel sa sagot ni Thomas. Alam niyang ipinanganak nga ni Yannie ang anak ni Thomas sa isang ospital, ngunit…akala niya ay namatay na ang bata.Nakunan ng ina ni Yannie na si Mrs. Flores ang sandaling humagulgol si Yannie habang kinakandong ang sanggol sa ospital at ipinost ito sa kanyang social media account. Naalala rin ni Samuel ang caption na isinulat ng ina ni Yannie.[Alam ng bata na hindi siya bagay sa mundong ito at tahimik na umalis.]Sa ilalim ng comment section ng post na iyon, sinagot pa ng ina ni Yannie ang komento ng kaibigan sa pagsasabing lalaki ang anak na pumanaw.Naalala ni Samuel kung gaano siya nagkasala nang una niyang marinig ang balita. Naglaan pa siya ng oras para ipagdasal ang anak na namatay kaagad pagkatapos na umalis sa sinapupunan ng kanyang ina.'Pero bakit parang nakaligtas ang bata, ayon sa sinabi ni Thomas? Paano ito posible?' Huminga ng malalim si Samuel habang nag-iisip. Ipinapalagay niya na malamang na nagsinungalin
Baka nga tama si Joshua; dapat nang umalis si Samuel. Kapag nanatili siya sa Merchant City, patuloy lang siyang aabalahin ng anak niyang si Malcolm… kailangan niya pa rin mag-ingat kay Thomas. Hindi niya mapigilan na isipin na hindi siya hahayaan ni Thomas ng basta-basta pagkatapos nang nangyari kanina. Nagbuntong hininga si Samuel at tumingin siya sa boarding time sa ticket. Ito ay isang flight ticket para bukas, kaya’t may isang araw pa siya para makapag paalam sa lahat. Habang iniisip ito, kinurot ni Samuel ang noo niya at pinag isipan niya ito ng matagal. Sa huli, kinuha niya ang phone niay at nagdial siya sa kanyang phone.… Sa bahay ni Joshua. Sa mga sandaling ito, tinutulungan ni Mrs. Flores si Nellie na mag ayos ng mga design sketch. “Ang galing ng mga sketch na ito! May natural na talento kayo para dito, Princess Nellie!” Tumingin si Nellie sa kanya, ngumiti siya nang marinig niya ang papuri. “Mrs. Flores, gusto niyo po ba na mag design ako ng jewelry para sa
Hindi mapigilan ni Luna na tumawa habang nakikinig siya sa ‘report’ ng anak niya. Sa restaurant, sinabi niya kila Nellie na si Mrs. Flores at ang anak nitong si Yannie ay parehong mga mababait na tao. Naalala ito ni Nellie, at mas nagbigay pa siya ng atensyon kay Mrs. Flores, sa punto na pinapanood niya ang bawat galaw nito. Napuno ng init ang puso ni Luna nang mapagtanto niya kung gaano kabait at maunawain ang anak niya. Habang iniisip ito, ang boses ni Luna ay mas naging maamo at malambing kaysa kanina, at ibinaba niya na ang phone pagkatapos pagaanin ang loob ni Nellie. Pagkatapos niyang itabi ang phone niya, sumandal si Luna sa balikat ni Joshua at sinabi niya ng tila nagmamalaki, “Narinig mo ba ang sinabi ni Nellie? Isa siyang mabuting bata; nakikinig at nagbibigay atensyon siya sa bawat sinasabi natin.” Tumango si Joshua at hinawakan niya ang kamay ni Luna. Gayunpaman, ang mga mata ni Joshua ay nakasingkit habang nakatingin sa harap, tila malayo ang kanyang tinitingna
Kaya’t nagbuntong hininga si Luna, hinawakan niya ang kamay ni Joshua, at sinabi niya ng maamo, “Nag aksaya na tayo ng maraming oras, at nag aalala ako na baka galit na si Sean at Jim sa atin dahil dito.” Isang oras na ang nakalipas, sinabihan sila na nahanap na si Sean, at sinabi pa nila na pupunta agad sila sa hospital sa madaling panahon. Isang oras na ang nakalipas simula nang mangyari ito, ngunit hindi sila nagpakita sa hospital room ni Sean. Kahit na mabait si Sean para hindi ito banggitin, sigurado si Luna na hindi masaya si Sean dahil natagalan sila. Ito ang rason kung bakit naiinip siya na lumabas ng kotse. “Hindi sila magagalit.” Tumawa si Joshua at naglakad siya papunta sa hospital habang magkahawak ang kamay nila ni Luna. Sa loob ng kwarto, inilalarawan ni Sean kay Jim ng puno ng detalye kung paano siya kinidnap. “Sinabi sa akin ni Kate na kailangan niyang umidlip, kaya’t pumayag ako na matulog siya. Tutal, mga kamay ko lang naman ang may sugat, at maayos ang b
Gulat na kumunot ang noo ni Luna. “Ang mga taong ‘yun… ay kinidnap sina Sean at Kate habang binabantayan mo sila?” Dumilim ang ekspresyon ni Luke nang marinig niya ito. Umupo siya ng mas komportable sa upuan niya, nilagay niya ng elegante ang braso niya sa likod ng upuan, pagkatapos ay tumingin siya ng malamig kay Luna. “Bakit gulat na gulat ka?” Tumingin siya sa bintana, kung saan makikita si Kate na sinusuri ng mga doctor sa kabilang kwarto, at kalmado niyang sinabi, “Sinabi ko na kila Jim at Joshua ang tunay na pagkakakilanlan ni Kate, kaya’t sigurado ako na alam mo na rin?” Huminto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. Narinig niya nga talaga si Joshua at ang iba na binanggit ang background ni Kate dati. Si Kate ay mula sa isang mayaman at marangal na pamilya sa Europa, at kahit na umalis na siya ng bayan niya, palihim siyang binabantayan ng pamilya niya. Kapag natuklasan nila na nawawala o kinidnap si Kate, lilipad sila papunta sa Merchant City at hin