Ang pinakamalaking five-star hotel sa Merchant City, ang Starhill Hotel, ay maliwanag at masigla ngayong gabi. Ang mga pangalan nila Luna at Malcolm ay nakaplaster sa malaking banner sa lugar na kita ng lahat. May litrato nilang dalawa na nakalagay sa entrance ng hotel. Ang bawat taong dumaan ay hinahangaan ang litrato. “Bagay na bagay sila! Pero sayang… ang mga binti ni Master Quinn…” May lalaking dumaan lagpas ng litrato at hindi niya mapigilan na magcomento nang makita ito. “Ano ba ang alam mo sa tunay na pagmamahal?” Tumawa ang babae na nakahawak sa kamay ng lalaki. “Tunay na pag ibig lang ang dahilan kung bakit papakasalan niya si Master Quinn sa ganitong panahon.” Tumango at sumang ayon ang lalaki, at pumasok silang dalawa sa pinto. May babaeng nakatayo sa entrance at may suot na puti, ngumiti ito nang marinig ang mga sinabi nila. Hawak niya ang bag niya at elegante siyang nakatayo sa entrance, na para bang may hinihintay siya. Hindi nagtagal, huminto ang isang itim
Inikot ni Malcolm ang wheelchair niya at tumitig siya kay Luna, pagkatapos ay tinaas niya ang kamay niya para tumawag ng waiter. “Bantayan niyo siya.” Ngayong gabi, si Luna ay magiging babae niya, ang fiancee niya! Sa dulo ng hallway sa ikalawang palag ay isang balkonahe. Pumunta si Luna sa balkonahe at nagpahangin siya. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili niya na hindi siya dapat sumuko. Hindi siya pwedeng sumuko. Hindi worth it si Joshua sa kapatawaran at sakripisyo niya! “Nandito ka,” May biglang tumunog na boses ng babae sa likod niya, bumalik sa katotohanan si Luna. Bakit parang… pamilyar ang boses na ito? Tumalikod si Luna ng nakasimangot. Sa likod niya ay isang babae na may suot na red. Ito ay si Bonnie, na siyang matagal niya nang hindi nakita. Sa mga sandaling ito, nakasandal si Bonnie sa railing, may sigarilyo sa labi nito. Tumingin siya kay Luna at sinabi niya, “Ito ang unang beses na nakita kita na sobrang ganda mo.” Parehong gulat at natutuwa si Luna
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito. Tumingin siya sa unang palapag, kung saan nakaupo si Joshua.Walang laman ang upuan ni Joshua, at si Heather lang ang nanatili. Walang masabi si Luna dahil dito. Ngumiti si Luna at lumapit siya kay Malcolm, minasahe niya ang balikat nito habang sinagot niya, “Akala mo ay pinuntahan ko si Joshua dahil lang nakita mo na walang laman ang upuan niya at amoy sigarilyo ako?” Sumingkit ang mga mata ni Malcolm at sinabi niya ng may malamig at masamang tono, “Hindi ba ganun ang nangyari?” Alam ni Luna na hindi natutuwa si Malcolm dahil dito. Tinikom niya ang mga labi niya at sinagot niya, “Hindi. Nakipagkita lang ako sa kaibigan ko kanina.” “Lalaki o babae?” “Syempre babaeng kaibigan.” “Paano ka naman magkakaroon ng babaeng kaibigan sa Merchant City na naninigarilyo?” Tumigil si Luna. “Hindi siya… mula rito.” “Kung hindi siya mula sa Merchant City, bakit pala siya imbitado sa engagement party ko?” Hinawakan ni Malcol
Inasar lang ni Heather si Joshua sa isang bagay, ngunit maraming ihinanda na bagay ang lalaking ito para kontrahin siya! Pinilit ngumiti ni Heather habang minura niya si Joshua sa isip nya. Kung hindi dahil kailangan niyang kunin ang atensyon ni Joshua para hindi ito umalis ng party at sumama sa laban sa pamilya Landry, hindi sana makikinig si Heather sa kalokohang ito! Kung sabagay, ito ang lalaking pumatay sa kapatid niya, si Aura. Tuwing nakikita ni Heather sina Luna at Joshua, wala siyang ibang gusto kundi durugin sila ng pinong pino! Gayunpaman, kailangan niyang pigilan ang kagustuhan niyang ito. Sa sandali na maisip niya ito, kumunot ang noo ni Heather at tumingin siya sa stock market statistics sa phone screen niya. Ano ang nangyayari? Ano ang ginagawa ni Hans? Hindi ba’t nangako si Hans na basta’t wala doon ang atensyon ni Joshua, maibabalik nila ang stock price ng pamilya Landry at mananalo sila sa labang ito? Bakit walang nangyayari? Sumingkit ang mga mata
[Hans, naayos mo na ba ang lahat?][Hans?] Nang makitang walang pagbabago sa mga presyo ng stock ng pamilya Landry kahit na malapit nang magsimula ang party, nagsimulang bahagyang nabalisa si Heather. Nagkunwari siyang ka-chat ni Joshua. Sa lahat ng oras, ang kanyang puso ay nasa kaguluhan. Malapit nang magsimula ang party, at kung mabigo si Joshua na makuha muli ang puso ni Luna, magiging masama ang pakiramdam niya at hindi siya magpapakita ng awa sa kanila. Kapag nangyari iyon, hindi na muling mabubuhay ni Heather ang pamilya Landry, sa kabila ng pagkakaroon ng kaunting pera sa kanyang mga kamay! Sinubukan ang kanyang ginawa, sa kasamaang palad, hindi niya makontak si Hans. Sa wakas… Habang sinusuri ng emcee ang mikropono bilang paghahanda sa pagsisimula ng seremonya— Ang mga presyo ng stock ng Landry Group ay dahan-dahang nagsimulang tumaas! Isang kislap ng tuwa ang sumilay sa mga mata ni Heather. Kahit na si Hans ay hindi nagreply sa kanya, at kahit na ang mga
Si Malcolm ay minamaliit na mula noong siya ay naaksidente. Kapag umakyat siya sa entablado at sinabi sa lahat na hindi man lang sila nagde-date ni Luna... Ano kaya ang iisipin ng lahat sa kanya? Sa sandaling naisip niya ito, nagpakawala ng hininga si Luna at hinawakan ang mga handle ng wheelchair ni Malcolm. "Pumunta tayo sa entablado at magsabi ng ilang salita, kung gayon." Tutal, anim na taon na silang magkakilala ni Malcolm, kaya nasasabi pa rin niya sa kanila kung paano sila nagkakilala. At saka, pagkatapos ng engagement party, opisyal na silang magiging pamilya. Sa sandaling naisip niya ito, ngumiti si Luna kay Malcolm papunta sa entablado. Natuwa ang emcee nang makita ito, at gayundin ang mga manonood, na nagsimulang kumanta ng higit pa. Kinuha ni Malcolm ang mikropono mula sa emcee at sinabing, “Mga binibini at mga ginoo, tama kayo; Nahulog talaga ako kay Luna sa unang tingin. “Anim na taon na ang nakalilipas, ang aking barko ay naglalayag sa karagatan nang maki
Nabaling ang tingin ng lahat kay Joshua nang marinig nila itong magsalita. Bulungan at anasan ang umalingawngaw sa buong silid habang kinukuwestiyon ng mga manonood ang biglang pagsulpot ng lalaking ito. “Sino ang lalaking ito?” “Hindi nyo pa ba narinig? Ito ay si Joshua Lynch, ang lalaking taga Banyan City na muntik nang bangkarotehin ang pamilya Landry pagdating niya sa Merchant City!” “Diyos ko, siya nga! Bakit siya pumunta dito?" "Maaaring bangkarote na ngayon ang pamilya Landry, kaya naparito rin siya para talunin ang pamilya Quinn?" “Ano ang sinusubukan niyang gawin? Ayon sa kanyang sinabi, siya at ang magiging Mrs. Quinn ay tila may kaugnayan…” Napakaingay ng mga bulungan ng mga manonood na halos malunod na nila ang anumang ingay sa loob ng silid. Samantala, sa entablado, mahigpit na hinawakan ni Luna ang mikropono, namumutla ang mukha at pinagpapawisan ang mga palad. Mula nang makita niya si Joshua na nakaupo sa venue, alam niyang hindi nito hahayaan nang mapaya
Kinagat ni Luna ang kanyang labi at pabigla-bigla na pumutol, "Huwag mong subukang gawin, Joshua Lynch!" Pagkasabi niya nun, biglang tumahimik ang buong kwarto. Ayon sa kanyang reaksyon… Hindi man pinlay ni Joshua ang audio clip, nahuhulaan na ng lahat kung ano ang laman. Nagkagulo ang mga tao sa aktibidad habang pinag-uusapan ng lahat ang biglaang twist ng mga pangyayari. Napasulyap ang lahat sa isang maputlang mukha na si Luna na nakatayo sa entablado, pagkatapos ay kay Joshua, na nakatayo sa ilalim ng entablado na may nakakainis na ngiti. Ang mukha ni Luna ay kasing putla ng isang multo. Tumabi sa kanya si Malcolm at hinawakan ang kamay niya nang kunin nito ang mikropono mula sa kanya. Pagkatapos, tinitigan niya si Joshua ng walang imik at sinabing, “Mr. Lynch, alam kong naging item kayo ni Luna, pero matagal na itong nangyari." Napangiti si Joshua. "Masasabi mo bang mahabang panahon ang dalawang linggo, Mr. Quinn?" Nagpakawala siya ng hininga, tumayo, at dahan-dah