¤Katerina¤Hinamig muna niya ang sarili sa loob ng kanyang Audi bago naisipang lisanin ang kumpanya ni Damon. Even though her heart is aching ay wala siyang planong magpakamatay kaya mas mabuting mahinahon na siya kapag nagmaneho. That bitchy Nicole would be the happiest woman in the whole world kapag nagkataon.Maya maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot noo siya nang mabasa ang pangalan ng caller—'Very Handsome Husband' kaya napasimangot siya. She didn't know she had his number. Ito ba ang naglagay nito doon? Pinili na lang niyang huwag muna itong sagutin at baka kung ano na naman ang masabi niya.She understand she had a spare of mistakes in their marriage too pero wala itong karapatang lumandi ng iba. Nagmaneho siya patungong Lava Cafe, she already called Wilma at nagkausap silang doon na lang magkita.Habang hinihintay niya ito ay panay ang scroll niya sa social media. Dahil sa walang sawang pagtawag ni Damon sa cellphone niya ay naisipan niyang iblock ang lalaki. Na
¤Katerina¤Nagising si Katerina dahil sa labis na pananakit ng kanyang sentido. Sinubukan niyang umunat pero nakaramdam din siya ng labis na pananakit ng katawan, she also realize that her precious cherry was swollen. Muling nagreplay sa utak niya ang nangyari kagabi. She went to the club and got drunk, then she danced and then…and then—"Oh my God!" Bulalas niya at agad napabalikwas ng bangon.The blanket that covered her upper body fell off which made her see the red marks all over her boobs! Napahilamos siya ng mukha at nagsimula ng lumukob ang kaba sa kanyang dibdib.What has she done?!"Good morning little hard headed drunkard wife," bati sa kanya ng baritonong boses.Agad siyang nag-angat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses. There she saw her husband who was also half naked while staring at her intently in the corner.Nakaramdam siya ng labis ng ginhawa nang mapagtantong ligtas siya. She was with her husband and not with another man. Ngayon niya lang din napansin na
¤Katerina¤"Thank you for choosing our company for your business development Mr.Meneses," pasasalamat niya sa matandang lalaki.Mr.Meneses is developing a factory business at laking pasasalamat niya na successful ang naging partnership nilang dalawa lalo na at ito ang unang project niya mula ng mailuklok siya bilang CEO ng kumpanya."No, it's me who will say thank you Mrs.Castellanos. I've heard so many good things about you kaya alam kong magiging maganda ang proyektong ito," nakangiting tugon ni Mr.Meneses.Masayang ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi hanggang sa nagpaalam ang matanda."Congratulations Ma'am Katerina," bati ng kanyang sekretaryang si Lia na kasama niyang nananghalian sa isang restaurant."Thanks Lia," nakangiti niyang tugon."Sure ako Ma'am na pahiya talaga sila Mr.Casayuran at ang anak niya pagkabalik natin sa opisina."Isang proud na ngisi ang pinakawalan niya. Naalala niya pang gusto ni Mr.Casayuran na ito na ang haharap kay Mr.Meneses dahil wala itong tiwala sa
¤Katerina¤It's been days simula ng huli niyang makita ang asawa. Valentino and his team are currently in Visayas kasama si Damon. She misses him so much kahit pa lagi naman itong tumatawag sa kanya. Dahil nababagot siya ay tumingin muna siya sa kanyang social media sites. Hindi niya napigilang hanapin ang account ni Nicole upang tingnan kung anong ganap.Stalker ang peg!Napangiti siya nang makitang deleted na ang mga larawan ni Damon sa instagram nito. So Damon really made true to his promise. Magaan ang loob niyang ibinaba ang cellphone at hinarap ang ibang mga papeles na naroon. Nasa kalagitnaan siya ng pagpipirma nang may biglang kumatok sa kanyang pinto."Come in…"Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kanya ang masayang mukha ng kanyang sekretarya na may dalang malaking bouquet ng mapupulang rosas."Kanino galing yan, Lia?"Takang tanong niya."Kanino pa po ba eh di sa pogi niyo pong asawa," nakangisi nitong tugon.Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at kinuha mula k
¤Katerina¤Patuloy sa pagbuhos ang kanyang luha habang pinapanood kung paano nagpakasaya sa ibang babae ang asawa niya. The lights of the video aren't that clear but she's sure it was Damon together with Nicole sharing a hot and fiery sexual intimacy. Parang pinipilipit ang puso niya dahil sa sobrang sakit habang nanlalabo na ang kanyang paningin."Is the food not here ye—what's wrong, agapi mou?"Hindi siya sumagot sa tanong ni Damon bagkus ay nanatiling nakapako ang tingin niya sa video na isenend sa kanya ng kung sinuman ay hindi niya alam."Damn! Why are you crying, Katerina?"Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa lalaking kaharap. How could he break her heart all the time? Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Paulit ulit kang masasaktan?Kita niya ang naguguluhang ekspresyon nito pero wala siyang lakas ng loob na magsalita. She can feel the numbness of her heart. Napatingin si Damon sa hawak niyang cellphone at marahan itong hinablot. His eyes widened upon seeing the video s
¤Katerina¤Pareho silang walang imik at tanging kalansingan lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining room pero ganunpaman ay ramdam niya ang manaka-nakang sulyap na ipinupukol ni Damon sa kanya. Ilang saglit pa ay narinig niya ang ilang tikhim na pinakawalan ni Damon kaya nag-angat siya ng tingin."Uh…I will be going to Mindanao with dad tomorrow, agapi mou," panimula nito."Oh, is it about the campaign?""Yeah, is it fine with you? I mean, I can refuse dad kung hindi komportable sa'yo na pumunta ako knowing that Nicol—""It's fine, Damon. You can go, walang problema sakin yun," putol niya rito. Naalibadbaran kasi siya tuwing binabanggit ni Damon ang pangalan ng higad na yun."Talagang ayos lang sayo?" Nahihiwagaan nitong tanong kaya tumango siya ulit.Mataman naman siyang pinagmasdan ni Damon na para bang inaarok nito ang takbo ng utak niya pagkatapos ay napailing pa. "I thought pagbabawalan mo ako," bulong pa nito pero dinig na dinig naman niya.Ngumiti siya ng matamis kaya
¤Damon¤Hawak niya ang kamay ni Katerina habang lulan sila ng ambulansya papunta sa pinakamalapit na ospital. She was shot on her chest at marami ng dugo ang umagos mula sa sugat ng babae na labis niyang ipinag-alala.He was brave, dahil narin sa klase ng mundong kinalakihan niya but he can't help himself from getting afraid for his wife's situation. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari. If he was fast enough ay hindi matatamaan ng bala si Katerina. But he was weak! Wala siyang silbi at hindi naprotektahan ang babaeng mahal niya.Fuck!Ramdam pa niya ang panginginig ng kalamnan na para bang bumabalik siya sa nakaraan. Hindi niya maiwasang mapaiyak nang maalala kung paano bumagsak sa kanyang harapan ang mommy niya noon nang patayin ito ng kanilang kalaban sa organisasyon na walang iba kundi ang ama ni Connor na siyang nagsilbing bodyguard ni Katerina."Sir, hanggang dito lang po kayo, hindi po kayo pwedeng sumama sa loob," awat ng nurse sa kanya.Kahit labag man sa kanyang loob ay w
¤Katerina¤Labis na uhaw ang nararamdaman ni Katerina nang magising siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at naaninag ang puro puting kisame na kinalalagyan niya. Nang subukan niyang gumalaw ay napagiwi siya dahil sa pagsigid ng kirot sa kanyang dibdib at saka lang niya naalala ang nangyari sa Miting de Avance.She was shot on her chest by a sniper and bled till she passed out…Lumingon siya sa kanyang tagiliran at nakita si Damon na nakayukyok habang hawak ang kanyang kamay."Damon…" Mahinang anas niya.Agad na nag-angat ng tingin ang asawa at rumehistro ang tuwa sa mga mata nang makitang gising na siya."You're awake, agapi mou!" Bulalas nito at hinalikan ang kanyang kamay. "Anong pakiramdam mo? Masakit ba ng sugat mo? Do you want anything?" Natataranta pa nitong tanong.Tipid siyang napangiti. "I'm thirsty Damon.""W—wait, I'm gonna call the doctor, okay?"Pinindot nito ang intercom at ilang sandali lang ay magkasunod na pumasok ang ilang nurses at mga doctor. Pagkata
Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka
Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o
Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h
Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili
"I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan
Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon
"Oh my God!" Natutop niya ang kanyang bibig sa naging rebelasyon ni Camila. Who would have thought that all this time niloloko lang pala sila ni Valentino? "Papaanong nangyari yun? Does Damon doesn't know this truth too?" Malungkot na umiling si Camila. "I didn't get a chance to tell him, Katerina. Everything happened so fast. On that night, my husband's men betrayed us. They killed my husband in front of me while I was shot. I didn't know how I survived, I just woke up here and I never got a chance to see the outside world again. As Valerian told me, My son is lucky for experiencing dissociative amnesia because of the emotional shock he experienced. Wala siyang naaalala sa nangyari kaya hindi niya ito pinatay bagkus ay pinakinabangan pa." Hindi niya napigilang mapaluha kagay nito. It must've hurt so much for her to live a life without seeing her son. Dqmon suffered with the thought of losing his mother too just because of someone's evilness. "But your husband is his twin. Paano niya
Ilang beses na kumurap ang ginang na nasa kanyang harapan. Confusion was written in her beautiful eyes lalo na at napahigpit ang kapit niya sa mga braso nito."Ikaw nga! I can't be mistaken," maluha-luha niyang sambit. Of all people she will see hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya."Kilala mo ako?" Maya maya ay tanong ng ginang nang makabawi na ito mula sa kanyang reaksyon."Of course! I know you though I've only seen you in pictures, sigurado akong ikaw nga yun pero…how come that you're here? Damon told me your dead a long time ago," kunot noo niyang pahayag.Nang marinig nito ang pangalan ni Damon, umaliwalas bigla ang mukha ng babae. "K—kilala mo ang anak ko? Nasaan na siya at tsaka kumusta na siya?" Sunod sunod nitong tanong. Umalpas din ang masaganang luha mula sa mga mata ng ginang."Ako ang asa—""Shhh…" Putol nito sa kanya sabay takip sa kanyang bibig.Napalingon ito sa pinto kung saan dinig nila ang tunog ng sapatos ng mga paparating. "Mag-uusap ulit tayo sa susunod
Masakit ang ulo ni Katerina nang magising siya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kasalukuyan siyang nakahiga sa isang malambot na kama. Purong puti ang kulay ng silid. Halos wala siyang nakitang ibang kagamitan sa loob bukod sa isang lamesa, upuan at isang aparador.Sapo ang kanyang noo, bumangon siya sa kama. Pinakirandaman muna niya ang sarili bago marahang tumayo at nilapitan ang aparador. May nakahanda na doong mga damit. Para ba sa kanya ang lahat ng iyon? Nasaan nga ba siya sa ngayon? Nadismaya siya ng mapagtantong walang kahit na isang bintana ang silid. Anong klaseng lugar kaya ang pinagdalhan sa kanya?Naramdaman niyang may mga tunog ng sapatos na paparating kaya naman mabilis siyang bumalik sa kama at doon umupo habang hinihintay na bumukas ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Valentino ang pumasok kasama ang ilan sa mga tauhan nito. Nakapaskil sa labi nito ang isang masaya at matagumpay na ngiti."Hindi ka tumupad