¤Katerina¤"Ano ba! Bitawan mo'ko!" Pagpupumiglas niya at pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Louella. Nang ayaw siyang bitawan ng babae ay pilit niyang inabot ang buhok nito at hinila nang sa ganun ay makaganti siya. Napasigaw naman si Louella at agad na nabitawan ang kanyang buhok. "Sumusobra ka na ha! Kung ikaw ang gusto niya eh di sana sayo siya nanligaw at hindi sakin!" Bulyaw niya rito saka marahas na binitawan ang buhok ng dalaga dahilan para mapaatras ito. "Eh kasi nilandi mo nga! Ano? Ginamit mo ba yang katawan mo para akitin siya?" Nanlilisik ang mga mata nito at nangangalit ang mga ngipin. "Sigurado akong ikaw ang kusang naghubad ng damit mo para mapansin ka niya dahil magkasama kayo sa iisang bubong diba!" "Hindi ko siya nilandi! Katunayan siya ang naghuhubad ng damit ko para malaman mo, bagay na kahit kailan hindi mo masusubukan sa kanya. Alam mo kung anong dapat mong gawin Louella? Mangarap! Dahil kahit kailan hindi mo matitikman ang alindog at sarap ng boyfriend ko
¤Katerina¤Kanina pa nakaalis ang kanyang kausap subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang tumayo ng kanyang mga paa. Nanghihina siya sa naging usapan nila ni Silvestre. Sa takot niyang baka pwersahin siya ng kanilang bodyguard na pauwiin ay nag-atubili siyang sumama at makipag-usap dito subalit mahinahon ito at nag-suhestyon na kung gusto niya ay sa mataong lugar sila mag-usap na pinaunlakan naman niya. "You need to go home right away Señorita," panimula ng lalaki. Umiling naman siya. "I can't Silvestre, ayoko pang umuwi. Hindi pa sa ngayon at kung pipilitin mo ako ay ganun pa rin ang magiging desisyon ko," matigas niyang tugon. Pinagmasdan lamang siya ng lalaki na parang may gustong sabihin na hindi maisatinig. Silvestre is a fine man. Halos hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Maayos ang pagkakasuklay ng itim nitong buhok at kasing itim ng gabi ang mga mata. Hindi nga niya matumbok kung bakit naging bodyguard nila ang lalaki gayong hindi naman naglalayo ang kakisigan
¤Katerina¤Ilang ulit mang pinahid ni Katerina ang naglalandas na luha sa kanyang mga mata ay napapalitan pa rin ng panibago. Wala itong tigil sa pag-agos simula pa kanina nang sunduin siya ni Silvestre. Mapait siyang ngumiti ng muling maalala ang nasaksihan niya kanina. Tapos na ang pagtakas niya at higit sa lahat ay ang kanyang fairytale. Kumuyom ang kamao niya, hindi pala isang prinsipe si Achilles sa buhay niya kundi isang malaking bangungot. Ang dali niya kasing nagtiwala at bumigay agad sa binata. Naalala niya ang mga sinabi ni Rico, ngayon ay wala na rin siyang mukhang ihaharap sa lalaki dahil sa tama ito sa lahat ng ibinato nitong akusasyon tungkol kay Achilles. Ngayong umalis na siya ay malamang magsasama na si Louella at Achilles. Nang maisip niya ang bagay na yun ay mas lalo lang siyang nasaktan na para bang pinipira piraso ang puso niya. "Señorita we are almost there," anunsyo ni Silvestre. Nag-angat siya ng tingin sa kanilang bodyguard nang mag-abot ito sa kanya ng put
¤Katerina¤Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto siyang umiyak sa bisig ng daddy niya dahil sa samu't-saring emosyong namayani sa kanyang dibdib. Naramdaman na lang niya ang pagyakap ng isa pang bisig sa kanyang likuran at ang mumunting hikbi ng mommy niya. Somehow she felt content with their position. Napapagitnaan siya ng kanyang mga magulang. "I can't wish for anything else now that both of the women I love were here with me. I could even die right now." "Dad!" "Hon!" Sabay nilang saway sa kanyang ama. Tumawa naman ito sa naging reaksyon nila. "Biro lang. Why are you both crying anyway? Mas malakas pa to sa kalabaw oh," pagyayabang nito at inangat pa ang braso upang ipakita ang muscle na ngayon ay halos buto't balat na lang. "I love you, Dad." "I love you too hija." Pagkatapos nilang mag-usap ng kanyang ama ay nagpahinga ulit ito. Naiwan sa loob ang kanyang ina habang napagpasyahan niyang kausapin ang doktor na naka assign kay Eduardo. "Ano pong sabi nyo doc?" Halos
¤Katerina¤"Are you damn serious about it, dad? I thought that Valentino is an old bachelor!" Bulalas niya. How could she be so stupid? Dala ng kanyang emosyon ay hindi siya nakapag isip ng tama at basta na lang naglayas ng hindi alam ang buong katotohanan. Ang bobo niya sa part na yun. May may pinagkaiba nga ba kung alam niyang hindi si Valentino ang kanyang fiance? Will she not run away? Well, hindi siya sigurado sa parteng iyon. "That's what I thought too but then I was surprise when he told me about it and his son would take over their business after he'll get married to you," salaysay ng kanyang ama. Bigla siyang naging curious kung sino ang anak ni Don Valentino at bakit ito nagtatago sa publiko. Is he ugly or does he have disability? "Have you met him, dad? What does he looked like?" Sandaling natahimik ang kanyang daddy, marahil ay inaalala nito ang hitsura ng lalaki. "Uh, I can't remember well because I only met him in a brief moment dahil may importante itong lakad but
¤Katerina¤Makalipas ang ilang araw ay nag utos ang kanyang mga magulang na ipakuha na lang sa mga tauhan nila ang natitira at importante niyang gamit sa isla dahil ayaw na niyang bumalik pa doon. Going back there would just reminisce the pain she felt in her heart. She's afraid to face them and witness the hurtful truth that she's been betrayed by the person she loved. Mas mabuti na iyong hindi na sila magkita pa tutal ay ikakasal na naman siya sa iba at malamang masaya na ito sa piling ni Louella. 'Really Katerina? Always thinking about adding salt to the wounds?' Kastigo ng kanyang isip. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumaba ng bahay nang matanaw na papasok ang kotseng gamit ni Silvestre papuntang isla. Hinintay niya ito sa salas at maya maya pa ay lumitaw na sa pintuan ang gwapong pagmumukha ng lalaki dala ang pamilyar na duffel bag na gamit niya noong naglayas siya. "Kumusta Silvestre, may tao ba sa b
¤Damon¤It's been hours since they entered the club where he used to have fun in the past, as usual lots of alluring women are ogling on their side but unlike before, he wasn't interested in any of them because there is only one woman he wanted for now and this is unusual. He loathes these feelings so as that woman. Funny that he came to the island for revenge for how the woman broke his ego when she escaped their supposed wedding but he was left out once again. Katerina left him without a word and now she's marrying to someone she doesn't know that made the situation really fuck up. "Earth to Damon?" Mula sa pagkakatitig sa shot glass ay napalingon siya sa nagsasalita. It was Rain. Kasalukuyan silang nasa Club Inferno na pag aari rin ng isa sa mga kaibigan nila. "What did you say?" Pasigaw niyang sabi dahil sa lakas ng musika sa loob. "Nicole Petrova is in the country bud," ani ni Rain. Napakunot noo siya. Both families agreed to stay away from each other until the election was
¤Katerina¤Naglalakad siya palabas ng bahay dahil kikitain niya ngayon si Wilma para sa taong pinaimbestigahan niya na walang iba kundi ang kanyang sariling fiance na si Damon Castellanos. Pagkalabas niya ay naghihintay na si Silvestre sa tapat ng sasakyang gagamitin niya. Ipagdadrive siya ng binata dahil may trauma pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari noong nakaraan. Papasok na sana siya nang mapansing may mga pasa at putok sa labi ang kanilang bodyguard kaya hinarap niya ito at sinipat ng tingin. "Anong nangyari sa mukha mo Silvestre?" Nagtataka niyang tanong. Nahihiya naman itong tumingin sa kanya "...napaaway lang po Señorita." "Napaway? Saan naman? Tsaka ang dami nyan ah? Sino bang bumugbog sayo?" Sunod sunod niyang tanong. Nasanay kasi siyang laging malinis ang mukha ng binata mula ng maging bodyguard nila ito at ngayon ang unang beses na nagkaroon ng mga galos si Silvestre. "Uh…This is nothing Señorita, I'm afraid your friend is already waiting for you so we better go,"
Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka
Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o
Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h
Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili
"I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan
Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon
"Oh my God!" Natutop niya ang kanyang bibig sa naging rebelasyon ni Camila. Who would have thought that all this time niloloko lang pala sila ni Valentino? "Papaanong nangyari yun? Does Damon doesn't know this truth too?" Malungkot na umiling si Camila. "I didn't get a chance to tell him, Katerina. Everything happened so fast. On that night, my husband's men betrayed us. They killed my husband in front of me while I was shot. I didn't know how I survived, I just woke up here and I never got a chance to see the outside world again. As Valerian told me, My son is lucky for experiencing dissociative amnesia because of the emotional shock he experienced. Wala siyang naaalala sa nangyari kaya hindi niya ito pinatay bagkus ay pinakinabangan pa." Hindi niya napigilang mapaluha kagay nito. It must've hurt so much for her to live a life without seeing her son. Dqmon suffered with the thought of losing his mother too just because of someone's evilness. "But your husband is his twin. Paano niya
Ilang beses na kumurap ang ginang na nasa kanyang harapan. Confusion was written in her beautiful eyes lalo na at napahigpit ang kapit niya sa mga braso nito."Ikaw nga! I can't be mistaken," maluha-luha niyang sambit. Of all people she will see hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya."Kilala mo ako?" Maya maya ay tanong ng ginang nang makabawi na ito mula sa kanyang reaksyon."Of course! I know you though I've only seen you in pictures, sigurado akong ikaw nga yun pero…how come that you're here? Damon told me your dead a long time ago," kunot noo niyang pahayag.Nang marinig nito ang pangalan ni Damon, umaliwalas bigla ang mukha ng babae. "K—kilala mo ang anak ko? Nasaan na siya at tsaka kumusta na siya?" Sunod sunod nitong tanong. Umalpas din ang masaganang luha mula sa mga mata ng ginang."Ako ang asa—""Shhh…" Putol nito sa kanya sabay takip sa kanyang bibig.Napalingon ito sa pinto kung saan dinig nila ang tunog ng sapatos ng mga paparating. "Mag-uusap ulit tayo sa susunod
Masakit ang ulo ni Katerina nang magising siya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kasalukuyan siyang nakahiga sa isang malambot na kama. Purong puti ang kulay ng silid. Halos wala siyang nakitang ibang kagamitan sa loob bukod sa isang lamesa, upuan at isang aparador.Sapo ang kanyang noo, bumangon siya sa kama. Pinakirandaman muna niya ang sarili bago marahang tumayo at nilapitan ang aparador. May nakahanda na doong mga damit. Para ba sa kanya ang lahat ng iyon? Nasaan nga ba siya sa ngayon? Nadismaya siya ng mapagtantong walang kahit na isang bintana ang silid. Anong klaseng lugar kaya ang pinagdalhan sa kanya?Naramdaman niyang may mga tunog ng sapatos na paparating kaya naman mabilis siyang bumalik sa kama at doon umupo habang hinihintay na bumukas ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Valentino ang pumasok kasama ang ilan sa mga tauhan nito. Nakapaskil sa labi nito ang isang masaya at matagumpay na ngiti."Hindi ka tumupad