"Hoy! Bawal ang holding hands nanliligaw ka pa lang." Sa gulat ko ay agad kong binawi ang aking kamay na hawak ni Kj. Nahihiya na nilingon ko si Mea at hinila ng bahagya ang kanyang buhok ng maka-upo siya sa aking tabi. " Maling hinala ka te!" ginawaran niya ako ng mapanuksong tingin, hindi pinansin ang sinasabi ko.Napalingon ako kay Kj ng kalabitin niya ako. "Akin na ang kamay mo," nagtataka man ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Ipatong mo sa tuhod ko," sinunod ko ang sinasabi niya. Tinalian niya ng panyo ang pulso ko kung saan banda ang masakit.Kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa kanyang ginawa.Ginawa niya lang ba ito dahil nanliligaw siya? O, baka ganito talaga siya ka maalaga hindi lang sa akin kundi pati sa iba?"Mahigpit ba?" "Ha?" sa subrang tuwa ko hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya."Mahigpit ba ang pagkatali ko?""Ah.Hindi.Sakto lang.Salamat." wika ko at binawi ang aking kamay."Napano ang kamay mo,Ri?" Tanong
"I LOVE YOU TOO."Nanigas ako sa aking kinatayuan. Alam kong biro niya lang iyon pero lintek, subrang lakas ng tibok ng puso ko. Ginulo niya ang aking buhok at nakangisi na tumalikod sa akin upang mag palit ng kanyang damit. Pigilan ko pa sana siya para bawiin ang damit na pinahiram ko ngunit dumiritso na siya sa cr. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang damit,baka ano pa ang isipin non.Arggh!."Pssst!May hindi ka sinasabi sa akin," nang uuyam na wika ni Mea."Bat ka nang gugulat?" Napa hawak ako sa aking dibdib sa gulat."Kayo na ni Kj no?Tapos sinekreto ninyo."" Anong pinagsasabi mo?" " Sus!Kayo na no?"" Walang kami.Ano ba pinagsasabi mo?" Na iinis na ako sa babae na'to.Bakit paaminin niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo."Wala pang kayo pero kinikilig na ako sa inyo.Paano pa kaya kung kayo na. Oh my god! I cannot imagine. " "Aray ko! Ano ba?! " angil ko nang alogin niya ako." Required ba na alogin ang katabi kapag kiligin?"Pinang-gigila
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inasahan. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang naramdaman ko. Ngunit may kaunting disappointment dahil biro lang pala iyon. Pwede naman iba ang rason niya bakit iyong biro pa ang binanggit niya.Hmmp! "Ang bilis mo naman maglakad," reklamo niya."Nagmamadali ako e. Bakit ba!?"Humarap siya sa akin at palalikod na lumakad. Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Huwag mo akong tarayan,naging cute ka lalo." Imbis na mainis ay pinamulahan ako ng mukha.Yumuko ako at nilampasan siya upang itago ang aking namumula na pisngi.Hindi talaga ito pumalya na pakiligin ako kahit sa maliit na dahilan.Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako. Nagmamadali talaga ako dahil gutom na ako, pero dahil sumama itong gwapong asungot na'to ay matagalan ako marating sa bahay nito. "Hanggang dito kana lang," wika ko ng makarating kami sa kanto paliko sa aming barangay.Hindi niya iyon pinansin at nilampasan pa ako. Naiinis na sinundan ko siya.Napatigil siya ng humarang ako sa
Pagkarating ko sa school,sa tindahan ni Ante Mona muna ako tumambay . Si Cristine lang ang nandoon, nakahiga sa upuan, natutulog. Ilang minuto lang ako doon at naisipan kong pumasok sa campus baka nandoon na si Mea at naghihintay sa akin. Huminto ako sa bukana ng gate nang makapasok ako at luminga sa paligid baka nandito siya at naki-tsismis."Ang kulit mo naman e!" rinig ko na reklamo ng tinig nang isang babae."Pumayag ka na kasi," awtomatiko na bumaling ang aking tingin sa kanang bahagi kung saan nagmula ang tinig na iyon.My heart felts heavy when I saw him talking to the same girl he talked last time. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-usapan nila ngunit ramdam ko sa boses nito na desperado siya sa kung ano man ang tinutukoy niya. Na pako sa kanilang dalawa ang aking paningin. Gustohin ko man na umalis ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Kapwa kaming nagulat ng magtama ang aming mata ng lumingon siya sa aking gawi. Ngayon hindi lang mabigat ang aking pakiramdam. Gum
Laking gulat ko ng pag angat ko ng tingin ay nakatayo si Kj sa harapan ko.Naka-igting ang panga ngunit blangko ang tingin sa akin.Hindi ko akalain na sundan niya ako rito. Umupo siya sa upuan nasa aking harapan at kinuha ay kamay ko na namaga. Napa-iktad pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay ang ice bag na dala niya."Aray!" naka ngiwi na daing ko. Tiningnan niya ako ng masama.Tingin na abot sa aking kaluluwa.Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kinabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin."Alam mo naman na masakit yang kamay mo naglaro ka pa. Tingnan mo kung ano nangyari, nagama, " sirmon niya." Ano naman paki-alam mo kamay ko naman to! " Huminga siya ng malalim sa tinuran ko at mariin akong tiningnan.Wala siyang sinabi pero ramdam kong galit siya dahil panay ang pag igting ng kanyang panga.Ano naman ngayon?Tssk!Bahala siya."Tama na," awat ko at hinila ang aking kamay. "Hindi na masakit."Alibi ko kahit masakit pa.Ang g*g* hindi man lang nagpumilit na lagyan pa ng ice
"Tsk! Pa asa. Sabi niya ihatid niya ako," bulong ko at padabog na naglakad.Hindi pa nga kami umabot ng isang araw pinaasa na niya ako, sana hindi nalang siya ng bitaw ng salita kung hindi naman niya tuparin para hindi ako umasa. Kasama niya lang yong Adelah na yon kinalimutan na n ako. Tsk. Mali talaga na sinagot ko siya agad e. "Hindi ako na inform dalawa na pala ang daan pa uwi sa inyo," wika ni Analyn ng maka salubong niya si Kj."Isyu ka na naman," sagot nito at lumapit sa akin. " Akin na, ako na magdadala," wika nito at kinuha ang aking bag.Kunin ko sana ulit pero inakbayan niya ako na aking ikina-bigla. Sandali akong natigilan ng mag dikit ang aming katawan. Nanlamig ako dahil sa kaba ngunit uminit ang aking mukha dahil sa hiya."A-no-," I don't know what to say.Na pepe ako kaya kinuha ko na lang ang kamay niya na naka akbay sa aking balikat."Nahihiya ka?" tumango ako bilang sagot. " Dito na lang.""G*g*!" gulat na sambit ko ng humawak siya sa aking baywang at hinila ako p
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong sinagot ko si Kenneth at naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Ayaw nga lang niya na tawagin ko siyang Kj, kaya Kenneth or Ken ang tawag ko sa kanya. Naiilang parin ako sa endearment na tawag niya."May practice ba kayo mamaya bhe?" "Oo mayroon, bakit?""Hanggang anong oras?" " Isang oras lang daw sabi ng trainor. Mga 5:30 siguro kami matapos. Bakit?"" Baka hindi kita ma ihatid mamaya-, "" Bakit parang natatakot kang sabihin sa akin na hindi mo ako maihatid? "" Baka kasi magalit ka. Magtampo. "Tinaasan ko siya ng kilay.Iyon talaga ang akala niya,na magalit ako?Mag tampo?Dahil hindi niya ako maihatid pa uwi,kung batukan ko kaya siya."Bakit naman ako magalit at mag tampo? Ha?"Tulad ng sinabi ko noong nakaraan, pagkatapos ng Intramurals ay doon niya ako ihatid pauwi kung gusto niya hindi ko siya pipigilan. Walang araw na hindi siya pumalya sa paghatid sa akin pero hanggang sa bukana lang siya ng aming barangay. Hindi pa ako han
Ako iyong tipo ng tao na kontento na sa lahat ng bagay.Kahit lumaki kami na masagana ang buhay ngunit hindi kami sinanay ng aming mga magulang na kung ano ang gusto namin ay kailangan ibigay. Kundi tinuruan kami kung paano maging kontento at kailangan paghirapan ang inaasam namin na isang bagay. Kaya noong nawala si papa sa amin hindi ako nanibago sa pagbago ng takbo ng aming buhay.Mabuti nalang at sinanay ako sa simpleng buhay dahil si mama nalang ang kumakayod para sa araw-araw naming pangangailangan.Kagaya ngayon kontento na ako sa paliwanag ni Analyn sa akin."Sorry talaga pinsan.""Hindi nga ako galit," natatawa na ani ko sa kanya.Hindi naman kase talaga ako galit,na inis lang ako sa kanila kanina."Maganda kasi ang lahi natin e, ayan tuloy maaga kang nagka-jowa."Paano naman nasali ang pagiging maganda ng aming lahi sa pagkeringking ko ng maaga? At saka hindi naman ako maganda. Cute lang. "Umiyak si Diane kahapon sa room namin,nag break daw sila ni Jayvee."" Bakit daw?"" Ew
Si Aldrix ay anak ni Kenneth kay April, apat na taong gulang.I don't know the whole story kung bakit sila nagkahiwalay at kung bakit nasa kanya si Aldrix at hindi kay April.~flashback~"May anak at asawa kana pala bakit gusto mo pang pasukin ulit ang buhay ko. Para ano? Para wasakin ulit ako?" Nanggalaiti sa galit na sambit ko nang malaman kung anak niya pala ang batang lumapit sa akin at tinawag akong nanay. Kung walang bata na naka kandung sa akin baka kanina ko pa ito pinagmumura. Kutang-kuta na siya sa pananakit sa akin tapos gagawa na naman siya ng panibago? Ul*l niya!"Hindi. Ano kasi.""Ano?" singhal ko sa kanya.Tinakpan ko ang tainga ng bata. "F*ck you!" Nagtagis ang ngipin niya ng murahin ko siya sa harap ng anak niya. Ul*l niya. Sapakin ko pa siya e."Ri."May pagbabanta sa boses niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita kong galit ako sa kanya. "Huwag ka munang magalit-,""At bakit hindi?""Teka lang naman. Magpaliwanag ako.""Hindi na. Huwag ka ng magpaliwanag. Wala
It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganon lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganon lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan.Sa nakalipas na anim na taon.Palagi ako nagdadasal na sana,sana isang araw bigla nalang maglaho itong nararamdam ko kasi hindi ko na kaya,gusto ko ng mawala ang ganitong pakiramdam dahil subrang sakit na. Proud ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pinagdaanan ko ay nalampasan ko iyon na walang tulong galing sa iba kundi sarili ko lang at ang panginoon ang aking kasama. Nakapagtapos ako ng koleheyo at naka pundar narin ako ng sarili kong bahay at maliit na sari-sari store . "Ri." Ang malalim nitong boses ang nagpatinag sa aking malalim na pag-iisip.Umangat ang tingin ko
Masakit na nga iyong ginawa niya akin tapos iyon pa ang sasabihin niya. Ipalaglag ko ang bata? Napakawalang-hiya niya. Hindi totoong buntis ako dahilan ko lang iyon baka sakali na iyon ang maging rason para balikan niya ako, ganon ako ka desperada para maging akin siya ulit pero hindi ko naman akalain na ganon ang isagot niya sa akin. Paano kung totoong buntis ako? Edi kawawa ang maging anak ko na may tatay siyang walang kwenta na gusto pa siyang patayin. I blocked him on social media at binura ko ang number niya kahit kabisado ko naman at nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na ito ay hindi na ako muling magparamdam sa kanya, sa kanila.Hindi na rin ako pumasok ulit sa isang relasyon. Na trauma na ako, kung masaktan man akong muli mas piliin kong sa kanya nalang palagi kaysa sa ibang tao dahil isa lang ibig sabihin non hindi ako natuto, wala akong natutunan sa kabila ng ilang lalaki na dumaan sa buhay ko at walang ibang ginawa kundi saktan at lukuhin lang ako.Sa nangyari sa
Yong higpit ng yakap niya ang kanyang mga halik at ang matamis na I love you hudyat na pala iyon na 'yon na ang huling beses na marinig at maramdaman ko mula sa kanya.Dalawang linggo ang lumipas nag text sa akin si Maricel,kaklase ko noong high school tinanong kung kami pa ba ni Kenneth,I said yes kasi hindi naman kami naghiwalay noong gabing yon. "Kayo pa?Pero bakit may kinakasama na siya?Kilala mo si April?Iyan ang kinakasama niya ngayon."Hindi ako nakasagot sa huling mensahe ni Maricel.April?Siya yong virgin niyang girlfriend na nagalaw niya.Natawa ako ng mapakla.Kaya pala hindi na siya nagparamdam sakin after may nangyari samin dahil may kinakasama na pala siya.Ang sakit lang minaHal ko saya ng subra pero all this time virginity lang pala habol niya.Akala ko sapat na,akala ko minahal niya talaga ako pero hindi pala.Kaya ba inalok niya ako ng kasal noon dahil lang sa bagay na ito? Gusto niya akong pakasalan dahil lang sa s*x? At kapag laspag na ay iiwan rin ako? At may i
Warning: Slight SPG. Not suitable for young readers. Masakit. Pero manhid na yata ang puso ko sa paulit-ulit na sakit na dinulot niya sa akin. Binura ko ang mensahe at tiningnan ng masama si Kenneth kung saan siya naroroon. Nang maibalik ko sa kanya ang sim card niya ay lumayo siya sa akin dahil ayaw ni Joy na dumikit siya sa akin. Busy siya sa kanyang cellphone ni hindi niya ako ma sulyapan kahit saglit sa kanyang pagka abala. Nagsisi ako. Sana hindi ko lang binasa ang mensahe at binura agad.Tulala akong nanonood sa mga taong masayang nag sasayawan. Kahit malakas ang tugtog pakiramdam ko sinisigaw sa aking harapan ang mensaheng na basa ko. Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin. Naka ngiti pa ang g*g*."Bhe pahiram ng cellphone mo," malambing na ani nito sa akin."Bakit? Aanhin mo ang cellphone ko? " malamig na tugon ko sa kanya." Titingnan ko lang baka naiwan ang number ni ante diyan wala kasi dito sa akin. "Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.'Talaga ba? Number ng ante mo o b
Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko?Ako ?Ex-girlfriend niya?Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya.T*ng*n* naman!Ang lupet mo Ken. Sobra! Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. P*t*!Ang sakit.Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. T*ng*n*! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero p*t* ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko. Para ano? Para kompermahin na break na kami? G*g* siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .Ilang taon na naman ba ang hintayin ko pa
Akala ko hindi na niya ako ulit iiwan na manatili na siya rito at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral pero sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang desisyon ngunit hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang may sakit na kapatid. Lokong Rose muntik na akong maniwala sa sinabi niyang magtatanan si Kenneth. Maki balita nalang mali pa.May mag tanan bang magpaalam sa jowa niya? Loko. May kapatid si Kenneth na babae, she's a months old now.Bunso nila at may sakit ito sa puso, butas ito nang ipinanganak siya.Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid to the point na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral para lang maka ipon ng pera pang pagamot dito. Isang linggo na mula noong umalis siya. I miss him. Kahit madalas kaming magka text at call iba parin noong nandito siya na nagkikita kami kahit isang beses na isang linggo ngayon wala na kontento nalang sa text at tawag."Fahrhiya may naghahanap sayo.""Ha? Sino?""Basta. Sumunod ka na lang. Nandoon siya sa purok ng Mabini
Tinagurian akong matalino sa klase pero pagdating sa pag-ibig ang b*b* ko hindi na ako natuto, hindi pa din ako natauhan sa ginawa niya sakin, dahil isa lang ang gusto ko ngayon ang maging akin siya ulit.Magkahawak kamay at pareho kaming walang kibo habang naglalakad.Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko naging kontento na ako na nandito siya sa tabi ko. "Hindi ko alam na nag-aral ka pala ulit," basag ko sa katahimikan.Bumitaw siya sa aking kamay at umakbay sakin." Umm, kailangan e."Katahimikan ulit. Ayoko na magsalita at baka ma ungkat ang nakaraan na ayoko ng balikan."Sorry kung ngayon lang ako bumalik, hindi ko kasi kaya na agawin kita sa pinsan ko."Tumingin ako sa kanya. " Sorry-, "Bigla niya akong kinabig papalapit.Mabilis na hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at walang pasabing siniil ng halik ang aking mga labi. Napatunganga ako. Hindi ako gumanti ng halik ngunit kusang bumuka ang aking mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang malayang naka
Akala ko mababaw lang ang pagkagusto ko kay Kenneth na kapag magkaroon ako ng ibang boyfriend ay makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya muling magustuhan pa pero bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Ni hindi ko magawang kumapit sa iba upang makaahon.Tatlong taon na ang lumipas.Tatlong taon na wala akong balita sa kanya. At tatlong taon ko na ring inaasam na sana isang araw ay bumalik siya at muling magtagpo ang landas naming dalawa. Dahil hanggang ngayon gusto ko parin siya, I mean mahal ko parin siya.Noong naghiwalay kami ni Lian hindi na ako ulit pumasok sa isang relasyon kasi masaktan ko lang 'yong tao, paasahin sa wala kasi kahit anong gawin ko si Kenneth parin ang hinahanap ng puso ko."Tara, gala tayo," anyaya sa akin ni Kate."Saan?""Sa San Mateo, fiesta sa kanila ni Maricel punta tayo sa bahay nila."Si Kate ang bagong kaibigan ko simula noong bumalik si Mea ng Cebu sa parents niya nakakalungkot kasi siya lang ang close friend ko tapos nag transfer pa pero ay