"Start your day with a smile.Cute lady."
Hanggang matapos ang flag ceremony ay nagpa ulit-ulit sa aking isipan ang kanyang sulat.Pa mysterious pa itong tao na 'to.Nag abala pa sa pagsulat tapos hindi magpapakilala.Weak.Isang linggo ang lumipas ay walang palya kung magbigay ng sulat kung sino man ang tao na iyon.Misan isang beses sa isang araw.Minsan dalawa,at nitong araw tatlo ang binigay niya.Napansin ko nitong nakaraang araw na may nakasulat na kakaibang letra sa sulat na bigay niya. Hindi ko talaga alam kung ano iyon,hindi ko mabasa.Sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip.Pambihira naman."Intsek yata itong secret admirer mo, " sabi ni Mae na naka kunot ang noo habang tinititigan ang letra na hindi namin ma basa." Eeehhhh!Kakilig naman 'to!"Parang sinilihan naman ang babae nato kung kiligin may pa hampas pang nalaman ang sakit na ng braso ko. "Sa mga araw na nag daan lalo kitang nagustuhan.Kyahhhh!"" Ano ba?!Ang sakit na ng braso ko sa hampas mo," reklamo ko ng hampasin niya ako muli,namula na ata to.Siguro kung kilala ko siya,kung alam ko kung sino siya,baka kiligin rin ako katulad ni Mae sa tuwing makatanggap ako ng letter mula sa kanya.Kaso hindi e.At saka mahirap mag assume,baka pinaglalaruan lang ako.Ginawang katawa-tawa at kapag na hulog na ako sa kanyang patibong ay titigil na siya.Paano ako?Paano ang puso ko kung natutunan ko na siyang gustuhin?Tssk,ano yon,nagka gusto ako pero sa taong hindi ko kilala.Mahirap 'yun , mukha akong tanga kung ganun. Baka nga isa siya sa mga classmate ko. O baka isa siya sa mga kakilala ko. Hindi ko alam, baka nga nagkasalubong na kami tapos pinagtatawanan na pala ako.Hay!Naka halumbaba ako sa aking upuan habang sa labas ang tingin. Saglit akong natigilan nang makita ko siya na nakatingin sa aking gawi. Hindi ako sigurado kung sa akin ba pero ramdam ko ang mga titig niya. Lumingon ako kay Mae na busy sa kanyang kuko para mawala ang pagka-ilang ko dahil sa titig niya. Kumabog ang dibdib ko ng paglingon ko muli sa kanyang gawi ay ngumiti siya. Kengenang ngiti na yan, nakakabihag ng puso."Anong sports ang sasalihan mo sa Intramurals Ri?"Na baling ang atensyon ko kay Mae pero ramdam ko parin ang kabog ng puso ko dahil sa pesteng ngiti na yon."Badminton at volleyball.Ikaw ba?"Badminton is my favorite sport,pero magaling din ako sa volleyball,kaya dalawa ang sport na napili ko.Sasali din sana ako sa Baseball kaya lang baka magka pareho ang oras ng laro hindi rin ako makasali kaya dalawa lang ang sinalihan ko."Mag ha-hunting lang ako ng gwapo, " napahagikhik siya sa kanyang sinabi.Parang tanga lang,sarap niyang hambalusin.Absent ngayon si Ma'am Rosario,A.P teacher namin pero may iniwan naman na maraming isusulat namin.Ang iba kung classmates ay nagsusulat ang iba naman ay natutulog,walang nag-iingay dahil nag lilista ang class president namin at may multa na limang piso sa bawat ingay mo."Mae, Fahrhiya first offense."Sinamaan ko nang tingin si Mae pero ngumiti lang ito sa akin,ang daldal kasi e.Muli akong humalumbaba, tinatamad ako mag sulat,mang hiram lang ako ng notes mamaya at sa bahay ako magsulat.Kinakalabit ako ni Mae pero hindi ko siya pinansin.Iidlip muna ako,ina antok ako."Naka move on ka na ba kay Jayvee?" Napa buntong-hininga ako sa tanong ni Mae." Naka move on agad ako after naming mag usap noong time na yun. Sa sinabi ni Diane doon ako hindi pa naka move on."" Grabe naman kasi makapag salita ang babae na yon,siya naman pala ang malandi, " patuloy pa siya sa pagsasalita tungkol kay Diane.Hindi ko siya pinansin bahala siya. Ayoko maka multa sayang ang limang piso.Dahil sa mga binitawang salita sa akin ni Diane ay nahihiya na akong tumambay sa purok,kadalasan ay dito sa likod ng classroom ako tumatambay. Oo bata pa ako, thirteen years old pa lang ako pero hindi pag la-landi ang tawag sa isang babae kapag nagka-nobyo.Hindi ba pwedeng curious lang? Hindi ba pwedeng gusto rin namin iyon maranasan? I know my limitations and I know my priority.Sabik lang ako na maranasan ang isang relasyon na sinasabi nila.Sa amin ni Jayvee,I treated him as a friend.Bakit naman hindi diba? Infatuation lang naman yong sa amin dati at hindi ko na siya gusto, may iba na akong crush. And speaking of crush. Speaking of crush. Napa-ayos ako nang upo nang makita ko siya kasama ang mga classmate niya na lumiko sa building ng Bonifacio 1-B.Naging mabagal sa aking paningin ang kanyang paglakad, na parang siya lang ang tao sa paligid na aking nakikita.Hindi ko ma iwasan na tumitig sa kanyang nakasimangot na mukha. Ang cute niya."Badtrip ka tol?" Ma pang-asar na tanong ng kanyang kaibigan. Naka salubong ang kilay na tiningnan niya ito.At nagpatuloy sa paglakad papuntang library.Hindi man lang lumingon kahit saglit sa room namin.Hmmp.Ang crush ko na tinutukoy ko ay si Kenneth Jhon Jabilona.Third year Luna-A,at isang basketball player.Ang dahilan ng paglalambot ko sa tuwing makita ko ang ngiti niya."Dalawang subject nalang at uwian na," hiyaw ni Mea ng matapos ang klase. "Sa TLE garden pala tayo ngayon,tara na."Ang TLE garden namin ay sa likod ng faculty. Each garden have five members,two girls and three boys.At si Mae ang kasama ko.Sa lahat ng grouping lagi ko talaga kasama tong babae na to. Wala naman masyadong gawin dahil wala namang damo sa tanim namin na talong.Ang tatlong lalaki na kasama namin ay nag bubungkal, kami ni Mae ay nag wawalis ng mga tuyong dahon mula sa puno ng mahugani.Ang iba nag haharutan lang,nag kwentuhan dahil wala si Sir Rama.Nag punta lang siya dito kanina para mag check ng attendance at umalis rin kaagad.Buong oras ng subject niya ay doon lang kami.Sa wakas last subject na.Bago ang last subject ay may five minutes break kami para mag meryenda,mag cr, depende sayo kung ano ang gagawin mo sa limang minuto na break time. Ako? Dito lang naka tambay sa likurang bahagi ng aming classroom.Science garden namin ito ,at dito ako palagi naka tambay dahil presko ang hangin at hindi mainit.Naka upo lang ako sa naka latag na papel sa lupa habang nag re-review ng notes dahil may quiz kami mamaya.Hindi ko na binigyan ng pansin ang mga estudyanteng dumadaan patungo sa cr. Sa gilid ng room namin at ng faculty ang daan papuntang cr kaya ma pansin kaagad ako dahil sa gilid ng daan lang ang tambayan ko.Habang kinakabisado ko ang notes ko ay may pares ng paa na huminto sa harapan ko.Black school shoes.Slacks.Ibig sabihin lalaki ang nasa harapan ko pero bakit juicy cologne na kulay pula ang amoy niya? Nag angat ako ng tingin para malaman kung sino itong amoy juicy cologne na ito pero natigilan ako.Kumurap-kurap pa ako at baka imahenasyon ko lang ang nakita ko pero maka ilang beses na akong kumurap ay nandito parin siya sa harapan ko.Tumikhim siya dahilan bumalik ako sa aking huwisyo.Subrang bilis ng tibok ng puso ko."Isang buwan,pero kahit isang beses ay hindi mo man lang sinuklian."Literal na kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.Ano ang kanyang ipinapahiwatig?"Isang buwan pero kahit isang beses ay hindi mo man lang sinuklian." Nagulat ako ng pag angat ko ng tingin ay si Kenneth Jhon Jabilona pala ang nasa harapan ko, ang aking crush.I don't know what to say.Ano ba itong pinagsasabi niya."A-ano?" Na utal pa ako.Sino ba ang hindi mautal kaharap ko si crush."Yung sulat."I can’t explain how I felt when he said about the letter.All this time siya pala ang nagbibigay nang sulat sa akin na walang pangalan.At sa tuwing makatanggap ako ng sulat,how I wish it was from him.And my wish has come true.Dahil siya ang secret admirer ko."Paano ako makapag response wala namang pangalan kung saan galing ang sulat? "" Pwede mo naman iabot doon sa nagbigay sa'yo ng sulat." "Hoy!" Hindi ko na ituloy ang dapat kung sabihin nang ma realize ko na bakit siya nakikipagtalo sa akin tungkol doon sa hindi ko pag response nang sulat niya? "E,ano ngayon kung hindi ko ginawa?" Hindi ko na napigilan ang pag tataray ko.Humingi siya ng tawad sa kanya inasta. "Sasa
"ISANG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA."Sumubsob ako sa unan upang tumili. Simpleng salita pero ang lakas ng tama sa akin. Ramdam ko na namula ang aking magkabilang pisngi,at nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Binasa ko pa ulit ang sulat at impit na tumili, pero agad rin itong nabura." Ano kaya ang ibig sabihin nitong sulat niya?" tanong ko sa sarili." BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA,naka tadhana na ano?" Nalilito na tanong ko sa sarili, bahala na nga.Niligpit ko ang aking mga gamit.Ang kanyang mga sulat ay isinilid ko sa isang kahon kasama nang mga sulat galing sa iba, itago ko ang mga ito for remembrance. Pati ang mga sulat ni Jayvee sa akin noon ay nandito rin, darating ang araw bubuksan ko uli ito at babasahin.Matulog na sana ako ng maalala ko ang usapan namin ni Mea,agad akong bumangon at lumabas ng kwarto,manghiram ako ng damit ni kuya."Kuya!" tawag ko. Narinig ko ang boses niya sa labas,pag dungaw ko ng b
"Hindi ako kontento na hanggang sulat lang tayo, sa ayaw at sa gusto mo mag-uusap tayo ng harapan." "Ahm-," hindi ko alam kong ano ang sasabihin. Hindi rin ako maka tingin ng diritso sa kanya. Dahil hanggang balikat niya lang ako ay sa doon sa dibdib niya lang ako nakatingin."Hindi mo ba ako gusto?" "Hindi-,""Gusto mo ako, ramdam ko at nakikita ko," namula ako sa sinabi niya. Masyado na pala akong halata kung ganon. "Gusto rin kita, hindi naman kita kukulitin kung hindi kita gusto,Iya." Hindi naman bago sa akin na may nagtapat na gusto ako, pero bakit nang siya ang nagtapat parang kinikiliti ang puso ko?Nawawala ako sa huwesyo? Kinukutkot ko ang aking palad para mawala ang tensyon na nararamdaman ko."Hoy! Kj, sa library daw tayo!" Tumango lang siya sa kanyang classmate at sinabing susunod siya. Tumingin siya ng diritso sa akin, napa iwas naman ako ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig."Liligawan kita,"ngumiti siya a
"Hoy! Bawal ang holding hands nanliligaw ka pa lang." Sa gulat ko ay agad kong binawi ang aking kamay na hawak ni Kj. Nahihiya na nilingon ko si Mea at hinila ng bahagya ang kanyang buhok ng maka-upo siya sa aking tabi. " Maling hinala ka te!" ginawaran niya ako ng mapanuksong tingin, hindi pinansin ang sinasabi ko.Napalingon ako kay Kj ng kalabitin niya ako. "Akin na ang kamay mo," nagtataka man ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Ipatong mo sa tuhod ko," sinunod ko ang sinasabi niya. Tinalian niya ng panyo ang pulso ko kung saan banda ang masakit.Kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa kanyang ginawa.Ginawa niya lang ba ito dahil nanliligaw siya? O, baka ganito talaga siya ka maalaga hindi lang sa akin kundi pati sa iba?"Mahigpit ba?" "Ha?" sa subrang tuwa ko hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya."Mahigpit ba ang pagkatali ko?""Ah.Hindi.Sakto lang.Salamat." wika ko at binawi ang aking kamay."Napano ang kamay mo,Ri?" Tanong
"I LOVE YOU TOO."Nanigas ako sa aking kinatayuan. Alam kong biro niya lang iyon pero lintek, subrang lakas ng tibok ng puso ko. Ginulo niya ang aking buhok at nakangisi na tumalikod sa akin upang mag palit ng kanyang damit. Pigilan ko pa sana siya para bawiin ang damit na pinahiram ko ngunit dumiritso na siya sa cr. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang damit,baka ano pa ang isipin non.Arggh!."Pssst!May hindi ka sinasabi sa akin," nang uuyam na wika ni Mea."Bat ka nang gugulat?" Napa hawak ako sa aking dibdib sa gulat."Kayo na ni Kj no?Tapos sinekreto ninyo."" Anong pinagsasabi mo?" " Sus!Kayo na no?"" Walang kami.Ano ba pinagsasabi mo?" Na iinis na ako sa babae na'to.Bakit paaminin niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo."Wala pang kayo pero kinikilig na ako sa inyo.Paano pa kaya kung kayo na. Oh my god! I cannot imagine. " "Aray ko! Ano ba?! " angil ko nang alogin niya ako." Required ba na alogin ang katabi kapag kiligin?"Pinang-gigila
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inasahan. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang naramdaman ko. Ngunit may kaunting disappointment dahil biro lang pala iyon. Pwede naman iba ang rason niya bakit iyong biro pa ang binanggit niya.Hmmp! "Ang bilis mo naman maglakad," reklamo niya."Nagmamadali ako e. Bakit ba!?"Humarap siya sa akin at palalikod na lumakad. Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Huwag mo akong tarayan,naging cute ka lalo." Imbis na mainis ay pinamulahan ako ng mukha.Yumuko ako at nilampasan siya upang itago ang aking namumula na pisngi.Hindi talaga ito pumalya na pakiligin ako kahit sa maliit na dahilan.Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako. Nagmamadali talaga ako dahil gutom na ako, pero dahil sumama itong gwapong asungot na'to ay matagalan ako marating sa bahay nito. "Hanggang dito kana lang," wika ko ng makarating kami sa kanto paliko sa aming barangay.Hindi niya iyon pinansin at nilampasan pa ako. Naiinis na sinundan ko siya.Napatigil siya ng humarang ako sa
Pagkarating ko sa school,sa tindahan ni Ante Mona muna ako tumambay . Si Cristine lang ang nandoon, nakahiga sa upuan, natutulog. Ilang minuto lang ako doon at naisipan kong pumasok sa campus baka nandoon na si Mea at naghihintay sa akin. Huminto ako sa bukana ng gate nang makapasok ako at luminga sa paligid baka nandito siya at naki-tsismis."Ang kulit mo naman e!" rinig ko na reklamo ng tinig nang isang babae."Pumayag ka na kasi," awtomatiko na bumaling ang aking tingin sa kanang bahagi kung saan nagmula ang tinig na iyon.My heart felts heavy when I saw him talking to the same girl he talked last time. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-usapan nila ngunit ramdam ko sa boses nito na desperado siya sa kung ano man ang tinutukoy niya. Na pako sa kanilang dalawa ang aking paningin. Gustohin ko man na umalis ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Kapwa kaming nagulat ng magtama ang aming mata ng lumingon siya sa aking gawi. Ngayon hindi lang mabigat ang aking pakiramdam. Gum
Laking gulat ko ng pag angat ko ng tingin ay nakatayo si Kj sa harapan ko.Naka-igting ang panga ngunit blangko ang tingin sa akin.Hindi ko akalain na sundan niya ako rito. Umupo siya sa upuan nasa aking harapan at kinuha ay kamay ko na namaga. Napa-iktad pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay ang ice bag na dala niya."Aray!" naka ngiwi na daing ko. Tiningnan niya ako ng masama.Tingin na abot sa aking kaluluwa.Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kinabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin."Alam mo naman na masakit yang kamay mo naglaro ka pa. Tingnan mo kung ano nangyari, nagama, " sirmon niya." Ano naman paki-alam mo kamay ko naman to! " Huminga siya ng malalim sa tinuran ko at mariin akong tiningnan.Wala siyang sinabi pero ramdam kong galit siya dahil panay ang pag igting ng kanyang panga.Ano naman ngayon?Tssk!Bahala siya."Tama na," awat ko at hinila ang aking kamay. "Hindi na masakit."Alibi ko kahit masakit pa.Ang g*g* hindi man lang nagpumilit na lagyan pa ng ice
Si Aldrix ay anak ni Kenneth kay April, apat na taong gulang.I don't know the whole story kung bakit sila nagkahiwalay at kung bakit nasa kanya si Aldrix at hindi kay April.~flashback~"May anak at asawa kana pala bakit gusto mo pang pasukin ulit ang buhay ko. Para ano? Para wasakin ulit ako?" Nanggalaiti sa galit na sambit ko nang malaman kung anak niya pala ang batang lumapit sa akin at tinawag akong nanay. Kung walang bata na naka kandung sa akin baka kanina ko pa ito pinagmumura. Kutang-kuta na siya sa pananakit sa akin tapos gagawa na naman siya ng panibago? Ul*l niya!"Hindi. Ano kasi.""Ano?" singhal ko sa kanya.Tinakpan ko ang tainga ng bata. "F*ck you!" Nagtagis ang ngipin niya ng murahin ko siya sa harap ng anak niya. Ul*l niya. Sapakin ko pa siya e."Ri."May pagbabanta sa boses niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita kong galit ako sa kanya. "Huwag ka munang magalit-,""At bakit hindi?""Teka lang naman. Magpaliwanag ako.""Hindi na. Huwag ka ng magpaliwanag. Wala
It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganon lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganon lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan.Sa nakalipas na anim na taon.Palagi ako nagdadasal na sana,sana isang araw bigla nalang maglaho itong nararamdam ko kasi hindi ko na kaya,gusto ko ng mawala ang ganitong pakiramdam dahil subrang sakit na. Proud ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pinagdaanan ko ay nalampasan ko iyon na walang tulong galing sa iba kundi sarili ko lang at ang panginoon ang aking kasama. Nakapagtapos ako ng koleheyo at naka pundar narin ako ng sarili kong bahay at maliit na sari-sari store . "Ri." Ang malalim nitong boses ang nagpatinag sa aking malalim na pag-iisip.Umangat ang tingin ko
Masakit na nga iyong ginawa niya akin tapos iyon pa ang sasabihin niya. Ipalaglag ko ang bata? Napakawalang-hiya niya. Hindi totoong buntis ako dahilan ko lang iyon baka sakali na iyon ang maging rason para balikan niya ako, ganon ako ka desperada para maging akin siya ulit pero hindi ko naman akalain na ganon ang isagot niya sa akin. Paano kung totoong buntis ako? Edi kawawa ang maging anak ko na may tatay siyang walang kwenta na gusto pa siyang patayin. I blocked him on social media at binura ko ang number niya kahit kabisado ko naman at nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na ito ay hindi na ako muling magparamdam sa kanya, sa kanila.Hindi na rin ako pumasok ulit sa isang relasyon. Na trauma na ako, kung masaktan man akong muli mas piliin kong sa kanya nalang palagi kaysa sa ibang tao dahil isa lang ibig sabihin non hindi ako natuto, wala akong natutunan sa kabila ng ilang lalaki na dumaan sa buhay ko at walang ibang ginawa kundi saktan at lukuhin lang ako.Sa nangyari sa
Yong higpit ng yakap niya ang kanyang mga halik at ang matamis na I love you hudyat na pala iyon na 'yon na ang huling beses na marinig at maramdaman ko mula sa kanya.Dalawang linggo ang lumipas nag text sa akin si Maricel,kaklase ko noong high school tinanong kung kami pa ba ni Kenneth,I said yes kasi hindi naman kami naghiwalay noong gabing yon. "Kayo pa?Pero bakit may kinakasama na siya?Kilala mo si April?Iyan ang kinakasama niya ngayon."Hindi ako nakasagot sa huling mensahe ni Maricel.April?Siya yong virgin niyang girlfriend na nagalaw niya.Natawa ako ng mapakla.Kaya pala hindi na siya nagparamdam sakin after may nangyari samin dahil may kinakasama na pala siya.Ang sakit lang minaHal ko saya ng subra pero all this time virginity lang pala habol niya.Akala ko sapat na,akala ko minahal niya talaga ako pero hindi pala.Kaya ba inalok niya ako ng kasal noon dahil lang sa bagay na ito? Gusto niya akong pakasalan dahil lang sa s*x? At kapag laspag na ay iiwan rin ako? At may i
Warning: Slight SPG. Not suitable for young readers. Masakit. Pero manhid na yata ang puso ko sa paulit-ulit na sakit na dinulot niya sa akin. Binura ko ang mensahe at tiningnan ng masama si Kenneth kung saan siya naroroon. Nang maibalik ko sa kanya ang sim card niya ay lumayo siya sa akin dahil ayaw ni Joy na dumikit siya sa akin. Busy siya sa kanyang cellphone ni hindi niya ako ma sulyapan kahit saglit sa kanyang pagka abala. Nagsisi ako. Sana hindi ko lang binasa ang mensahe at binura agad.Tulala akong nanonood sa mga taong masayang nag sasayawan. Kahit malakas ang tugtog pakiramdam ko sinisigaw sa aking harapan ang mensaheng na basa ko. Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin. Naka ngiti pa ang g*g*."Bhe pahiram ng cellphone mo," malambing na ani nito sa akin."Bakit? Aanhin mo ang cellphone ko? " malamig na tugon ko sa kanya." Titingnan ko lang baka naiwan ang number ni ante diyan wala kasi dito sa akin. "Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.'Talaga ba? Number ng ante mo o b
Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko?Ako ?Ex-girlfriend niya?Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya.T*ng*n* naman!Ang lupet mo Ken. Sobra! Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. P*t*!Ang sakit.Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. T*ng*n*! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero p*t* ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko. Para ano? Para kompermahin na break na kami? G*g* siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .Ilang taon na naman ba ang hintayin ko pa
Akala ko hindi na niya ako ulit iiwan na manatili na siya rito at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral pero sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang desisyon ngunit hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang may sakit na kapatid. Lokong Rose muntik na akong maniwala sa sinabi niyang magtatanan si Kenneth. Maki balita nalang mali pa.May mag tanan bang magpaalam sa jowa niya? Loko. May kapatid si Kenneth na babae, she's a months old now.Bunso nila at may sakit ito sa puso, butas ito nang ipinanganak siya.Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid to the point na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral para lang maka ipon ng pera pang pagamot dito. Isang linggo na mula noong umalis siya. I miss him. Kahit madalas kaming magka text at call iba parin noong nandito siya na nagkikita kami kahit isang beses na isang linggo ngayon wala na kontento nalang sa text at tawag."Fahrhiya may naghahanap sayo.""Ha? Sino?""Basta. Sumunod ka na lang. Nandoon siya sa purok ng Mabini
Tinagurian akong matalino sa klase pero pagdating sa pag-ibig ang b*b* ko hindi na ako natuto, hindi pa din ako natauhan sa ginawa niya sakin, dahil isa lang ang gusto ko ngayon ang maging akin siya ulit.Magkahawak kamay at pareho kaming walang kibo habang naglalakad.Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko naging kontento na ako na nandito siya sa tabi ko. "Hindi ko alam na nag-aral ka pala ulit," basag ko sa katahimikan.Bumitaw siya sa aking kamay at umakbay sakin." Umm, kailangan e."Katahimikan ulit. Ayoko na magsalita at baka ma ungkat ang nakaraan na ayoko ng balikan."Sorry kung ngayon lang ako bumalik, hindi ko kasi kaya na agawin kita sa pinsan ko."Tumingin ako sa kanya. " Sorry-, "Bigla niya akong kinabig papalapit.Mabilis na hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at walang pasabing siniil ng halik ang aking mga labi. Napatunganga ako. Hindi ako gumanti ng halik ngunit kusang bumuka ang aking mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang malayang naka
Akala ko mababaw lang ang pagkagusto ko kay Kenneth na kapag magkaroon ako ng ibang boyfriend ay makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya muling magustuhan pa pero bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Ni hindi ko magawang kumapit sa iba upang makaahon.Tatlong taon na ang lumipas.Tatlong taon na wala akong balita sa kanya. At tatlong taon ko na ring inaasam na sana isang araw ay bumalik siya at muling magtagpo ang landas naming dalawa. Dahil hanggang ngayon gusto ko parin siya, I mean mahal ko parin siya.Noong naghiwalay kami ni Lian hindi na ako ulit pumasok sa isang relasyon kasi masaktan ko lang 'yong tao, paasahin sa wala kasi kahit anong gawin ko si Kenneth parin ang hinahanap ng puso ko."Tara, gala tayo," anyaya sa akin ni Kate."Saan?""Sa San Mateo, fiesta sa kanila ni Maricel punta tayo sa bahay nila."Si Kate ang bagong kaibigan ko simula noong bumalik si Mea ng Cebu sa parents niya nakakalungkot kasi siya lang ang close friend ko tapos nag transfer pa pero ay