DAMSEL'S POV (2) "I thought you still love me? Akala ko nu'ng gabing puntahan mo 'ko gusto mong bumalik sa sa 'kin? Bakit ngayon sa isang iglap para na 'kong may sakit na nakakahawa sa 'yo?" nasasaktang tanong niya ngunit yumuko lang ako at nagpipigil ng galit."Don't assume, Jessy. Sinabi ko na sa 'yo na pinuntahan lang kita para may linawin, but it doesn't mean na babalikan kita. Asawa ko na ngayon ang kapatid mo so stop doing this, " sagot ko upang ipaintindi sa kanya. "Alam mo ba kanina habang pinagmamasdan at pinapanuod ko kayong dalawa na nagtatalo sa simpleng bagay lang at kung paano mo siya pagbawalan, kinakain ako ng sobrang selos, naiinggit ako kung paano mo siya alagaan na kahit kailan hindi mo nagawang ipakita at iparanas sa 'kin," paghahayag niya nang damdammin habang nakaturo sa kaliwang didbib para ipakita sa 'kin kung gaaano siya nasasaktan.Napatingala ako dahil sa frustrations na nararamdaman ko ngayon. Ngayon ito na ang nahahabol sa 'kin, oo ito ang plano ko noong
Umaga na nang magising ako, pakiramdam ko ang sarap-sarap ng tulog ko, ngayon na lang ulit ako nakatulog ng ganoon kahimbing. Bumangon na 'ko at tumingin sa malaking wall clock, 7am na, pero 9am pa ang pasok ni Damsel sa trabaho, kaya kailangan ko nang bumaba para ipaghanda ito ng breakfast.Pero sandali nga, nasaan ba ang asawa ko? Nagising akong wala siya sa tabi ko, sumilip ako sa banyo ngunit wala siya, ganitong oras ay naliligo na siya dapat. Lumabas na 'ko ng silid namin at bumaba na ngunit laking gulat ko sa naabutan ko.Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang basag lahat ng mga babasaging gamit sa salas, nasapo ko na lang ang bibig ko dahil ang mga paborito ko pang figurines basag lahat, pati ang center table na si Mama pa ang bumili basag din at nagkalat ang mga bubog kung saan-saan."Who did this?" gulantang na tanong ko sa sarili ngunit napatalon ako sa gulat nang makita ang asawa kong nakahiga sa mahabang sofa at doon natulog.Base sa itsura niya ay mukang naglasing ito
"Bakit ang tahimik mo?" puna niya sa 'kin habang nagluluto ako."Wala," tamlay kong sagot."Come on, I know you," pangungulit niya sa 'kin kaya hinarap ko na siya habang may hawak akong spatula."Did you really moan my name?" Naniningkit ang mga mata kong tanong sa kanya kaya bigla siyang nag-taas ng isang kilay."Yes? Sino bang kaniig ko?" patanong niyang sagot na ikinabuntong hininga ko."Nevermind, forget it," pambabaliwala ko na lang."Ano bang pangalan ang narinig mong binanggit ko?" tanong niya na may pagtataka."Jessy, I heard you moaned my sister's name instead of Jessa," sagot ko na ikinatigil niya. "Sana mali lang talaga ako ng pagkakarinig Damsel," dismayadong dagdag ko."Why would I moaned your twin's name? Are you out of your mind?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin sabay ekis ng dalawa nyang braso."Baka nga nagkamali lang ako," sagot ko buhat ng malamya kong tono."Kaya ba bigla kang natahimik at nawalan ng gana kanina and you just faked your moan?" puna niya kay
"Hey! Are you okay?" Biglang tayo niya at hinimas ang likod ko."I-I'm okay," saad ko habang uubo-ubo at pasimple kong hinawi ang kamay niya sa likod ko."I'm sorry, mukang hindi ka na sanay na pinupuri kita," kiming saad niya."Ikaw ba kamusta ka na?" pag-iiba ko na ng usapan at kita kong may gumuhit na lungkot sa mga mata niya."Ito, hindi na katulad noong kasama pa kita," sagot niya buhat ng malungkot niyang boses."Kaya mo ba 'ko inayang mag-kape para pag-usapan 'to?" seryosong tanong ko."No! No! Sorry, I didn't mean to bring up that topic," hinging paunmanhin niya.Yumuko ako at tumikhim saka ko siya muling tiningnan. "I'm happy with my husband, happy and contented," Iyun na lang ang sinabi ko para lang tumigil siya sa pag-ungkat ng nakaraan namin wari kong mali ako kanina sa pagaakalang naka-moved na ito."I know, i can see it," mapaklang saad niya saka mapait na ngumiti. "By the way, kamusta na pala sina Mama Melissa at Papa Arthur?" pag-iiba niya. Hanggang ngayon Mama at Pa
Galit at padabog na umuwi si Damsel ng bahay, wala pa atang dalawang oras nang makaalis siya kanina ay nakabalik na ito agad. Sakto namang kaaalis lang din ni Jessy dahil napatagal ang kwentuhan namin tungkol sa kung anu-anong bagay."ANG PAALAM MO MAMIMILI KA LANG PERO MANLAMAN-LAMAN KO NAKIPAG-KITA KA SA LALAKI!?" galit na galit niyang tanong sa 'kin nang makapasok na siya ng silid namin buhat ng malakas at malagong niyang boses na dumagundong sa bawat sulok ng bahay."H-He w-was just a friend!" nauutal kong depensa dahil sa kaba. Kita ko ang labis niyang pangangalit sa 'kin kaya napaatras ako dahil sa unti-unti niyang paglapit kasabay ng pagngingitngit ng ngipin niya at panlilisik ng mga mata.Nilukob ako ng takot dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Gusto ko sana siyang sagutin nang pabalang ang kaso wala akong lakas ng loob gawin 'yon ngayon dahil sa nasasaksihan ko kung gaano siya nangangalit."A FRIEND OR AN EX?" may diin niyang pagtatama which caught me off gua
Hinila niya ang paa ko kaya napatili ako lalo na nang pasakal niya kong hawakan sa leeg na ikinapula ng mukha ko. Hindi ako makahinga habang nakaluhod ako sa kama na tila nilambitin niya 'ko habang hawak sa leeg. All he can see is red because of too much anger.Hindi ko lubos maisip na ito si Damsel, ang asawa ko. Hindi ko na siya makilala dahil sa labis niyang pagiging bayolente."D-Damsel... I-I c-can't b-breathe!!" nahihirapan kong usal sa kanya habang nagsusumamo akong nakitingin sa mga mata niyang nagaapoy ngayon sa galit habang pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko.This so wrong..."This is your consequences of messing with me. You are flirting with your ex behind my back? Nagawa niya pa talagang tumawag sa 'yo at balak bumisita sa bahay ng mga magulang mo? Ginagawa mo ba kong tanga, Jessa?" saad niya buhat nang nagngingitngit niyang boses.Mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa 'kin and he started to squeezing my throat at kaunti na lang malalagutan na 'ko nan
DAMSEL'S POV~Ginawa kong abala ang sarili ko habang nag-ta-type sa harap ng laptop nang makaalis na ang asawa ko para bumili ng mga bagong gamit pamalit sa mga nabasag ko.Dumako ang tingin ko sa phone kong nakapatong sa study table katabi ng laptop ko nang bigla itong mag-ring. Nagtaka ako nang makita kong isa sa mga tauhan ko ang tumatawag.Marahil may importante itong sasabihin, alam kong tumatawag lang sila pag may problema kaya agad kong sinagot ang tawag."What's with your sudden call?" tanong ko sa tauhan kong si McKenzie na nasa kabilang linya.My men are only for security purposes, and some of them are working for my personal business."To be honest Sir, I'm hesitant to tell you this but I'm here in front of a coffee shop and now I'm clearly seeing your wife is with another man," sagot niya na ikinakuyom bigla ng kamao ko.Napasandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko at ilang segundo pang pina-process ng utak ko ang sinabi nito. My wife is with another man?Pakiramdam ko
Weeks had passed, Damsel tried to approach me with his sweet gestures and sweet words. He even cooked for me the whole two weeks, breakfast, lunch, and dinner. But here I am, hindi ko pa rin magawang malimutan ang ginawa niyang pananakit sa 'kin, and I believe that sugar can't coat salt.My bruises on both my cheeks, arms and neck are already healed and faded, ngunit ang sugat sa loob ko ay hirap pang maghilom. Sinusubukan niya 'kong suyuin sa araw-araw but I remain quiet, pakiramdam ko baka pag ibunuka ko ang bibig ko at may mali akong masabi saktan niya 'ko ulit. Napabuntong hininga na lang ako.Kalasalukuyan kaming magkaharap at kumakain ng breakfast sa hapag, as usual hindi pa rin ako nagsasalita. Nilalaro ko lang ng tinidor ang bacon at itlog na niluto niya. Siya na rin ang nagaasikaso sa sarili niya at alam niyang wala akkong balak abyarin siya, sa madaling salita tabang ako."Jessa, eat it. Hindi iyung nilalaro mo lang," sita niya sa 'kin ngunit umistilo ako na parang walang n
Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Isang malakas na palad ang tumama sa magkabilang pisngi ni Jessy na lumikha ng tumataginting na malutong na tunog sa bawat sulok ng condo, tila wala nang pakialam ang lahat kung makunan man ito ngayon."PAANO MO ITO NAGAWA SA PAMILYA NATIN, JESSY?! AT HIGIT SA SARILI MONG KAPATID??" Nagsisidhing tanong ni Mama nang malaman nila ang nangyari at ang katotohanan sa pinaggagawa ni Jessy.Narito ang mga magulang namin ni Damsel, karapatan nilang malaman dahil hindi ito biro.Wala na silang sinayang na oras nang sabihin ko ang problema sa kanila kaya agad silang pumarito sa condo ni Jessy kung nasaan kami ni Damsel dahil sinundan namin ito hanggang makauwi para mas masinsinang makausap.Sapo ni Papa ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya at galit kay Jessy ganoon din ang mga magulang ni Damsel. Hawak ni Mommy Mabel ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at si Daddy Roderick naman ay sapo rin ang kanyang noo kagaya ni Papa na labis din ang galit at pagkadis
Hindi na kami nag-abalang umuwi pa ng bahay, diretso na kaming pumunta kay Dra Franses for Jessy's check up. Tumigil kami sa tapat ng clinic at akma sanang bubuksan ko na ang pintuan nang makitang may siwang ito at may nag-uusap sa loob kaya napahinto kami ni Damsel."Jessy, I can't take this anymore... hindi na kinakaya ng konsensya ko!" Boses iyon ni Dra Franses na tila bagabag ito at medyo tumaas ang boses."Binabayaran naman kita ng sapat na halaga higit pa sa binabayad sa iyo ng kapatid ko at ng asawa niya! Kaya anong problema mo??" Puno ng iritasyon ang boses ni Jessy.Nilingon ko si Damsel na ngayon ay tila nagdidilim ang mukha kahit hindi pa namin alam kung anong pinaguusapan nila. Anong hindi na kinakaya ng konsensya? At bakit binabayaran ni Jessy ng doble si Dra Franses? Para saan?"Aamin ako sa kanila! Sasabihin ko ang totoo!""Sige! Subukan mo? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin? Pili ka, iyung panganay mo o iyung bunso? Kambal sila pareho 'di ba?" Jessy th
"Kung ganoon, sino ang lalaking nakita ni Jarred kung hindi nga talaga ikaw iyon?" tanong ko ngunit may bakas pa rin ng duda."Maybe it was Ryke? Me and that f*cker have the same resemblance. We have the same built and height madalas napagkakamalan siyang ako," sagot niya.Napatigil ako at napaisip. Pinagmasdan ko siyang mabuti upang suriin kung nagsasabi nga siya ng totoo. Kung sa bagay unang kita ko kay Ryke malaki talaga ang hawig nila lalo na sa pangangatawan, may bahagi ang mukha nilang magkapareho.Walang hiyang Jarred! Titingin na lang mali-mali pa! Sa itsura ni Damsel ngayon mukang naninindigan talaga siyang hindi siya ang lalaking kasama ni Jessy papasok ng motel.Kung si Ryke nga iyon, ibang klase din naman talaga itong si Jessy? Ang akala ko ba ayaw niya na ro'n sa lalaki ba't siya nagpapagamit pa? Akala ko wala na sila? At higit sa lahat, buntis siya for God's sake!"Kung siya nga iyon... akala ko ba ayaw niya na kay Ryke? Ba't ngayon nagkasama pa sila sa motel?" tanong ko
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Litong-lito na ako.Damsel told me that he didn't sleep with Jessy, pero ang sabi ni Jarred he saw him with Jessy na pumasok sa isang motel? Sino ang paniniwalaan ko?Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dalian akong pumunta sa Montevial Corp. Para puntahan ang magaling kong asawa.Tumigil ako sa harap ng sekretarya niya. "Where is my husband? Nandito ba siya?""Ah nasa loob po Ma'am, may ka-meeting. Pakihintay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang dire-diretso na akong pumasok sa opisina ni Damsel at awat-awat ako ng secretary pero hinawi ko lang siya nang hinarangan niya ang dadaanan ko.Pagkapasok ko ay naabutan ko itong may kausap na matandang lalaki at agad silang napalingon sa gawi ko nang padarag akong pumasok."I'll be back some other time, Mr. Montevial. Your wife is here, I should go now mayroon din akong pupuntahan. Thanks for the deal, you're a life saver," saad ng matanda at nagpaalam nang aalis na sabay tayo
Sa guest room ako natulog, hindi rin ako sumabay sa kanya ng umagahan at maaga akong pumasok sa trabaho nang hindi siya tinapunan ng tingin kahit makalabas ako ng bahay.He tried to start a conversation with me but I refused because I didn't want talk to him dahil alam ko mauuwi lang sa away. Namumugto na naman ang mga mata ko. Parang dati lang sa tuwing gigising ko ng umaga because of my midnight cries."Ma'am, good morning! I just want to inform you po na may schedule po kayo ng lunch meeting kay Sir Jarred mamaya pong 12:00," My secretary informed me nang salubungin niya 'ko pagdating ko."Okay, thank you Sammy." Pumasok na ako sa loob ng office. Wala ako sa wisyong magtrabaho ngunit hindi ko p'wedeng dalhin dito ang problema ko I have a lot of work to do.Naalala ko hindi ko pa nga pala nakakausap si Jessy at nakakamusta simula nang makabalik siya sa condo niya. Ang hirap ng ganitong may problema ka sa isang tao tapos hindi mo alam kung paano mo ba siya pakikitunguhan o kakausapi
Natapos ang makabuluhang paguusap namin ni Ryke nang napaalam na ito dahil marami pa raw siyang kailangang gawin.Okupado ang isip ko sa mga nalaman nang nakauwi na ako ng bahay kinagabihan. Hindi pa rin mag-sync in sa akin ang lahat. Hagod ko ang buhok kong naupo sa sofa at yumuko.Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod at ang kamay palad ay nasa aking noo. Dahil sa pagod at sobrang pagiisip sumasakit ang ulo ko."Bakit ngayon ka lang?" Damsel's loud voice boomed in every corner of our living room.Sana sinundo mo 'ko kung gusto mo naman pala akong umuwi ng maaga. Bwisit. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya at nanatili ako sa posisyon ko."Anong pakialam mo?" malamig kong tanong sa kanya na hindi niya naman inaasahan.Bakas ang gulat sa kanya. "What did you say, Jessa? Ulitin mo nga?""Ang sabi ko ano bang pakialam mo?"Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinila ako patayo. Mananakit na naman ba siya? Siya pa may ganang manakit?"What's your problem, huh?" tanong
"H-How did she know—""Because they are besties?" he sounds sarcastic nang hindi niya ako pinatapos magsalita.How stupid are you, Jessa? Of course, Dra. Franses knows it because they are long time best friend! Kasasabi lang.Kukurap-kurap ako at iniisip ang sasabihin. "Kaya naman pala... kaya ganu'n na lang sila kung makitungo sa isa't isa dahil alam nila ang bawat sikreto ng isa. But I didn't really expect na ganoon siya pinagkakatiwalaan ni Jessy sa sikreto niya.""Paanong hindi eh, wala siyang choice kundi lumapit sa doctorang iyon na kasalukuyan pa lang nag-aaral noon," klaseng may ibig siyang ipabatid.Simula nang mag-usap kami nitong si Ryke kanina pa, ay binubusog niya na ang utak ko sa mga bagay na kailangan kong malaman at ibinubukas niya ang isip ko sa katotohanan sa likod ng lahat ng ito.Naningkit ang mga mata kong tiningnan siya. "Paanong wala siyang choice na lapitan ito? What do you mean by that?" tanong ko. May nagtutulak sa isipan kong alamin din ang tungkol dito.H