Sinamantala ni Chestine na wala sina Johan Jonas sa rest house dahil kasalukuyan nasa beach ang mag-ama kasama si Kayden kaya naman ipinatawag niya agad si Eunice sa silid nila ni Johan upang pribado niya itong maka-usap nang sila lang dalawa."Tanda mo pa ba 'yung rules na sinabi ko sa 'yo? Yung don't break my trust and don't be a threat?" may pagpapaalang tanong ni Chestine kay Eunice habang may hawak siyang wine glass."Y-Yes Ma'am, natatandaan ko po," sagot ni Eunice na tila kinakabahan."Then, why did you break my two rules?" seryosong tanong ni Chestine."Po?" maangmaangang reaksyon ni Eunice."You are now playing the dumb card," sabi ni Chestine sa blangko niyang eskpresyon."Hindi ko po kayo maintindihan Ma'am," kunwari ay naguguluhang sabi ni Eunice."May ilang araw ka na nangang nagtatrabaho bilang Nanny ng anak ko?" tanong ni Chestine."May one week na po, Ma'am," sagot ni Eunice na may pagtataka kung bakit bigla nitong natanong."One week pa lang... pero bakit ang bilis mo?
"I want you to fire her," walang emosyong sabi ni Chestine na ikinagulat ni Johan at ngayon niya lang napagtantong si Eunice pala ang tinitukoy nito."Bakit? May nangyari ba? Anong problema?" magkakasunod na tanong ni Johan kay Chestine."I said, I WANT YOU TO FIRE HER," pag-uulit ni Chestine na may diin at hindi niya na pinansin ang sunud-sunod na tanong ni Johan sa kanya."Tinatanong nga kita kung bakit?? Hindi tayo p'wedeng mag-fire ng tao nang walang sapat na dahilan," sabi ni Johan na mas lalo lang ikinairita ni Chestine."Kung ayaw mo siyang paalisin, pwes ako ang magpapaalis sa kanya ngayon na mismo," pinal na sabi ni Chestine na ikinatigil ni Johan.Akmang tatalikod na sana si Chestine para puntahan si Eunice ngunit pinigilan siya ni Johan kaya marahas niyang tinabig ang kamay nito."Ano bang nangyayari sa 'yo Chestine?? Ayos ka naman kanina ah? Bakit bigla-bigla ka na lang nagkakaganiyan?" tanong ni Johan sa asawa na may pagtataka."Do I have to explain why I should have fir
Nagpaikot-ikot si Johan sa kanilang silid at tila hindi niya alam ang una niyang gagawin, kung paano ba niya puputulin ang ugnayan nilang dalawa ni Eunice.Dahil sa huling pagtatalo nilang dalawa ng kanyang asawa ay doon siya nakapag-isip-isip na hindi nga tama ang pinaggagawa niya kaya napasabunot siya dahil sa labis na frustration at ngayon nag-iisip siya kung paano niya ba sosolusyonan ang problemang pinasok niya hangga't kaya pang agapan."Gising ka na pala, how's your sleep?" bungad na tanong ni Chestine na kagagaling lang sa pag-sa-shower suot pa bathrobe. Napalingon naman bigla si Johan nang marinig niya ang boses ng asawa kaya iwinaksi niya na muna ang pag-iisip."Maayos, nakatulog naman," kiming sagot ni Johan."Did you talk to her?" tanong ni Chestine na nagpabalik sa isipin ni Johan kaya napakamot siya sa ulo."Hindi pa, mamaya pa at kagigising ko lang. H'wag naman agad-agad," sagot ni Johan na may kasamang pagrereklamo."Anong h'wag naman agad-agad? Kaya nga as soon as po
"Bakit aalis ka na bigla? Ang akala ko ba one month ka mag-i-stay?" tanong ni Johan kay Kayden sabay abot niya ng beer dito."I need to fix my own problem and you also have to fix yours," sagot ni Kayden na may ibig ipakuhulagan."Hindi ko alam kung paano ba kita kakausapin after what happened between me and Eunice, but I'm really sorry na napatulan ko ang dati mong girlfriend," sabi ni Johan na mayroong pagsisisi.Nakatingin lang sa malayo si Kayden habang magkatabi silang nakaupo ni Johan sa loob ng kubo malapit sa tabing dagat para mas nakapag-usap sila ng pribado.Huminga muna ito ng malalim bago niya sagutin ang sinabi ni Johan at inaamin niya talagang disappointed siya sa kanyang Kuya Johan na kanyang iniidolo simula pagkabata."I admit, nasaktan ako Kuya," pag-amin ni Kayden na halatang kinimkim ang sama ng loob.Lumambot naman ang ekspresyon ni Johan nang madama niya ang hinanakit sa boses ng kanyang nakababatang kapatid kaya hindi na lang siya tumingin sa mukha nito dahil lab
"Let's end this," walang emosyong sabi ni Johan na ikinagulat ni Eunice at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."B-But Why? Matapos ng lahat ng nangyari sa 'tin pababayaan mo na lang ako ng ganu'n na lang?" may hinanakit na tanong ni Eunice pero hindi ito pinansin ni Johan."I realized that this is wrong. Hindi ko maatim na ipagpatuloy ang pagtataksil ko sa asawa ko," sagot ni Johan na siyang ayaw paniwalaan ni Eunice.Ilang araw pa lang silang magkarelasyon ay iiwan na siya nito agad samantalang nangako pa nga ito na hindi siya nito pababayaan at siya ang bahala sa kanya."Ganu'n na lang kadali sa 'yo? Paano naman ako?" tanong ni Eunice na may hinanakit sa boses."I'm sorry, Eunice, pero ginamit lang kita," pag-amin ni Johan na tila naging isang patalim na sumaksak sa puso ni Eunice."Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan matapos mo 'kong pakinabangan!" sumbat ni Eunice ngunit wala pa rin nagbago sa desisyon ni Johan."Nagpagamit ka sa 'kin kaya anong aasahan mong sasabihin ko? Al
"Bitiwan mo 'ko!!" Nagpupumiglas na sigaw ni Eunice habang sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ni Chestine na nakasabunot sa buhok niya.Hindi pinapansin ni Chestine ang marahas na pagpupumiglas ni Eunice at patuloy lang siya sa pagkaladlakad dito hanggang pababa na sila ng hagdanan. Kung titignan parang may hawak lang na manika si Chestine hawak ang ulo nito.Marahas na itinulak ni Chestine si Eunice nang tuluyan na silang makababa kaya malakas itong napasalampak sa sahig.Laking gulat nina Kayden, Celeste at Yaya Fei nang maabutan nila ang eksena kaya nasapo ng tatlo ang kanilang mga bibig."Chestine! Anong nangyayari anak?!" gulat at natatarantang tanong ni Celeste ngunit hindi siya nito pinansin habang walang emosyong nakatingin pa rin kay Eunice."Give me the scissor," malalim ang boses na utos ni Chestine sa kanila ngunit walang may balak na sumunod."I SAID GIVE ME THE SCISSOR!!" galit nang sigaw ni Chestine kaya dali-daling siyang sinunod ni Yaya Fei.Pag-balik nito mula sa
Dire-diretsong naglakad si Chestine papunta sa kanilang silid ni Johan at marahas niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang nakayukong pigura ng asawa habang nakaupo sa sahig sa may sulok.Kaagad na nag-angat ng tingin si Johan at bumungad sa kanya ang walang emosyong mukha ni Chestine kaya dali-dali niya itong nilapatan at muli niya sanang susubukang hawakan ang kamay nito ngunit kagaya lang kanina ay malakas lang nitong tinampal ang kamay niya."L-Love please listen to me, I-I'm—" hindi na natapos ni Johan ang sanang sasabihin nang padapuan siya ng isang malakas na sampal ni Chestine sa kanang pisngi na ikinatigil niya.Akmang magsasalita na sana ulit si Johan nang padapuan siya nitong muli ng isa pang malakas na sampal sa kaliwa naman niyang pisngi. Hindi pa siya kuntento nang muli niyang sampalin ito ng ubod ng lakas sa dalawang magkasunod na beses sa pangalawang pagkakataon.Napatulala na lang si Johan at kahit pagbuka ng bibig ay hindi niya magawa at hindi rin siya maka
"Mommy, where are we going?" tanong ni Jonas habang pupungas-pungas ng mga matang kamumulat lang."Uuwi na tayo sa bahay nina Lolopa at Mamala sa Isabella," sagot ni Chestine habang inaayos ang mga gamit ng anak."How about our vacation? We have four days left," sabi ni Jonas ngunit umiling lamang si Chestine sabay hinawakan ang magkabila nitong pisngi."We have to go, no more questions," tipid na sagot ni Chestine at tumango lang si Jonas."Wait, I'll go to Daddy, I will check him if he is already packing his things," paalam sana ni Jonas ngunit pinigilan siya ng kanyang ina."No, Daddy will not come with us, it's just me, you and Mamala," sabi ni Chestine na ipinagtaka naman ni Jonas."But why Mommy?" naguguluhang tanong ni Jonas sa kanyang ina.Mariing namang napapikit si Chestine dahil hindi niya alam kung paano ba niya sasabihin at ipapaliwanag ang sitwasyon nila ni Johan sa anak nilang Jonas dahil napakabata pa nito."Just do whatever I say, okay? I will explain everything to you