Pagka-pasok ni Chestine sa loob ng silid ni Jonas ay saktong kalalabas lang nina Johan at Eunice mula sa banyo at kasalukuyan na nilang inaayos ang mga gamit ni Jonas na parang walang nangyari.Nag-angat naman ng tingin sina Johan at Eunice nang marinig nila ang pagbukas ng pinto ng silid at bumungad sa kanila si Chestine na malawak ang pagkakangiti."Love! Nandiyan ka na pala! Tapos ka na bang magluto? Nakangiting tanong ni Johan ngunit may lihim na kaba. Hindi napansin ni Chestine ang tila kabadong boses ni Johan at naglakad ito papalapit sa kanila kaya pahapyaw niyang sinulyapan si Eunice na hindi makatingin ng diretso kay Chestine."Si Mama nasa kwarto niya si Kayden naman pinasasabi niya gusto ka raw niya makausap. Hinihintay ka niya ngayon sa labas," sagot ni Chestine ngunit napansin niya ang tila pawisang mukha ni Johan."Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganiyan 'yang mukha mo pawis na pawis basang basa pati damit mo para kang nag-gym??" nagtatakang tanong ni Chestine.Dumako ang t
"Tinanggap ko nang hindi ka na talaga muling mapapasa-akin, I know I was an asshole back then but I tried my best to fix our relationship, until you decided to leave me," madamdaming sabi ni Kayden habang nakatingin sa kawalan.Hindi magawang makapagsalita ni Eunice habang pinakikinggan niya ang sinasabi sa kanya ni Kayden."Simula ngayon pinakakawalan na kita, gawin mo ang mga gusto mo, kahit magpakasira ka wala na 'kong pakialam," walang emosyong sabi ni Kayden sabay inom ng alak at tumayo na."Salamat at sa 'yo na mismo nanggaling ang mga salitang 'yan dahil matagal na tayong walang pag-asa, matagal na tayong tapos," walang pakialam na sabi ni Eunice at tumayo na rin."Tsss! Sana lang masaya ka ngayon sa pagiging kabit ng kapatid ko, hihintayin ko na lang na dumating ang araw na mahuli kayong dalawa," prenteng sabi ni Kayden at muli siya nagsindi ng sigarilyo."Ibig sabihin wala kang balak na ibunyag kami ng Kuya mo?" nagtatakang tanong ni Eunice."Ang boring naman kung mabubuking k
"Tara! Mag-beach hopping na tayo!" yakag ni Kayden habang nakatanaw sa karagatan at may hawak na isang boteng vodka."Ang aga-aga liquor agad 'yang hawak mo, nag-almusal ka na ba muna?" may pagsitang tanong ni Chestine kay Kayden.Kasalukuyang silang nakatayo sa itaas ng rest house kung saan matatanaw ang asul na asul na karagatan. Tumungo si Chestine dito para magpahangin sana nang maabutan niya si Kayden na nag-sa-sight seeing."Kanina pa Ate Ches, maaga akong nagising, naabutan ko sina Auntie Celeste at Yaya Fei na naghahanda ng breakfast kaya nauna na kaming kumain," sagot ni Kayden habang nakatanaw pa rin sa karagatan."Kayds, p'wede ba 'kong magtanong sa 'yo?" tanong ni Chestine na tila naging seryoso."Sige lang, you can ask me anything. H'wag lang mathematics," pabirong sagot ni Kayden ngunit nanatili pa ring seryoso si Chestine."May napapansin ka ba sa Kuya Johan mo nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Chestine na siyang ikinatigil ni Kayden."Bakit ate? May problema ba kay
Sinamantala ni Chestine na wala sina Johan Jonas sa rest house dahil kasalukuyan nasa beach ang mag-ama kasama si Kayden kaya naman ipinatawag niya agad si Eunice sa silid nila ni Johan upang pribado niya itong maka-usap nang sila lang dalawa."Tanda mo pa ba 'yung rules na sinabi ko sa 'yo? Yung don't break my trust and don't be a threat?" may pagpapaalang tanong ni Chestine kay Eunice habang may hawak siyang wine glass."Y-Yes Ma'am, natatandaan ko po," sagot ni Eunice na tila kinakabahan."Then, why did you break my two rules?" seryosong tanong ni Chestine."Po?" maangmaangang reaksyon ni Eunice."You are now playing the dumb card," sabi ni Chestine sa blangko niyang eskpresyon."Hindi ko po kayo maintindihan Ma'am," kunwari ay naguguluhang sabi ni Eunice."May ilang araw ka na nangang nagtatrabaho bilang Nanny ng anak ko?" tanong ni Chestine."May one week na po, Ma'am," sagot ni Eunice na may pagtataka kung bakit bigla nitong natanong."One week pa lang... pero bakit ang bilis mo?
"I want you to fire her," walang emosyong sabi ni Chestine na ikinagulat ni Johan at ngayon niya lang napagtantong si Eunice pala ang tinitukoy nito."Bakit? May nangyari ba? Anong problema?" magkakasunod na tanong ni Johan kay Chestine."I said, I WANT YOU TO FIRE HER," pag-uulit ni Chestine na may diin at hindi niya na pinansin ang sunud-sunod na tanong ni Johan sa kanya."Tinatanong nga kita kung bakit?? Hindi tayo p'wedeng mag-fire ng tao nang walang sapat na dahilan," sabi ni Johan na mas lalo lang ikinairita ni Chestine."Kung ayaw mo siyang paalisin, pwes ako ang magpapaalis sa kanya ngayon na mismo," pinal na sabi ni Chestine na ikinatigil ni Johan.Akmang tatalikod na sana si Chestine para puntahan si Eunice ngunit pinigilan siya ni Johan kaya marahas niyang tinabig ang kamay nito."Ano bang nangyayari sa 'yo Chestine?? Ayos ka naman kanina ah? Bakit bigla-bigla ka na lang nagkakaganiyan?" tanong ni Johan sa asawa na may pagtataka."Do I have to explain why I should have fir
Nagpaikot-ikot si Johan sa kanilang silid at tila hindi niya alam ang una niyang gagawin, kung paano ba niya puputulin ang ugnayan nilang dalawa ni Eunice.Dahil sa huling pagtatalo nilang dalawa ng kanyang asawa ay doon siya nakapag-isip-isip na hindi nga tama ang pinaggagawa niya kaya napasabunot siya dahil sa labis na frustration at ngayon nag-iisip siya kung paano niya ba sosolusyonan ang problemang pinasok niya hangga't kaya pang agapan."Gising ka na pala, how's your sleep?" bungad na tanong ni Chestine na kagagaling lang sa pag-sa-shower suot pa bathrobe. Napalingon naman bigla si Johan nang marinig niya ang boses ng asawa kaya iwinaksi niya na muna ang pag-iisip."Maayos, nakatulog naman," kiming sagot ni Johan."Did you talk to her?" tanong ni Chestine na nagpabalik sa isipin ni Johan kaya napakamot siya sa ulo."Hindi pa, mamaya pa at kagigising ko lang. H'wag naman agad-agad," sagot ni Johan na may kasamang pagrereklamo."Anong h'wag naman agad-agad? Kaya nga as soon as po
"Bakit aalis ka na bigla? Ang akala ko ba one month ka mag-i-stay?" tanong ni Johan kay Kayden sabay abot niya ng beer dito."I need to fix my own problem and you also have to fix yours," sagot ni Kayden na may ibig ipakuhulagan."Hindi ko alam kung paano ba kita kakausapin after what happened between me and Eunice, but I'm really sorry na napatulan ko ang dati mong girlfriend," sabi ni Johan na mayroong pagsisisi.Nakatingin lang sa malayo si Kayden habang magkatabi silang nakaupo ni Johan sa loob ng kubo malapit sa tabing dagat para mas nakapag-usap sila ng pribado.Huminga muna ito ng malalim bago niya sagutin ang sinabi ni Johan at inaamin niya talagang disappointed siya sa kanyang Kuya Johan na kanyang iniidolo simula pagkabata."I admit, nasaktan ako Kuya," pag-amin ni Kayden na halatang kinimkim ang sama ng loob.Lumambot naman ang ekspresyon ni Johan nang madama niya ang hinanakit sa boses ng kanyang nakababatang kapatid kaya hindi na lang siya tumingin sa mukha nito dahil lab
"Let's end this," walang emosyong sabi ni Johan na ikinagulat ni Eunice at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."B-But Why? Matapos ng lahat ng nangyari sa 'tin pababayaan mo na lang ako ng ganu'n na lang?" may hinanakit na tanong ni Eunice pero hindi ito pinansin ni Johan."I realized that this is wrong. Hindi ko maatim na ipagpatuloy ang pagtataksil ko sa asawa ko," sagot ni Johan na siyang ayaw paniwalaan ni Eunice.Ilang araw pa lang silang magkarelasyon ay iiwan na siya nito agad samantalang nangako pa nga ito na hindi siya nito pababayaan at siya ang bahala sa kanya."Ganu'n na lang kadali sa 'yo? Paano naman ako?" tanong ni Eunice na may hinanakit sa boses."I'm sorry, Eunice, pero ginamit lang kita," pag-amin ni Johan na tila naging isang patalim na sumaksak sa puso ni Eunice."Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan matapos mo 'kong pakinabangan!" sumbat ni Eunice ngunit wala pa rin nagbago sa desisyon ni Johan."Nagpagamit ka sa 'kin kaya anong aasahan mong sasabihin ko? Al
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"