Kinabukasan, gumising si Eunice na masakit ang katawan dulot ng naging mainit nilang tagpo ni Johan. Ramdam na ramdam pa rin ni Eunice ang bakas ng kahabaan ni Johan sa loob niya kahit na kahapon pa iyon nangyari.Wala sa sariling napahawak si Eunice sa kanyang mga labi na tila ba nilalasap niya pa sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Johan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may nangyari sa kanila at hindi niya lubos maisip na may lihim rin palang gusto sa kanya si Johan.Napukaw ang pababalik-tanaw niya nang may biglang kumatok sa labas ng pinto ng kwarto niya kaya agad siyang tumayo at pinagbuksan ito. Ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Kayden.Hinila siya nito papasok sa loob at marahas siya nitong isinandal sa dingding na siyang ikinasinghap niya at pakiramdam niya tuluyan nang may nabali sa likod niya dahil kahapon pa lamog ang katawan niya."Nakita kong lumabas si Kuya mula sa guest room kung sa'n
"Love," tawag ni Chestine sa kanyang asawang si Johan nang mapansin niyang parang balisa ito.Kasalukuyan silang nasa kusina habang nagpapatulong siya rito na mag-luto dahil ngayon araw na ang dating ni Celeste para bumisita. Ngunit halatang-halata kay Johan ang pagiging balisa nito na tila kay lalim ng iniisip."Johan!" muling tawag ni Chestine sa asawa niya at sa pagkakataong ito ay may kalakasan na.Saka lang natauhan si Johan at gulat niyang nilingon si Chestine nang tawagin siya nito sa pangalawang beses."Oh, love!" wala sa sariling sagot ni Johan."Ayos ka lang ba? Anong problema? Kanina ko pa napapansin na balisa ka, ano bang iniisip mo?" takang tanong ni Chestine sa kanyang asawa."Ah, wala naman. Iniisip ko lang ang mga tambak kong trabaho na naiwan sa opisina," pagbubulaan ni Johan."Talaga? Parang bago 'yan ah. Ngayon ka lang ata nagkaroon ng worries sa trabaho kahit na ikaw naman ang may-ari ng company ano ba talagang problema, 'yung totoo?" panguusisa ni Chestine.Nagdudu
Day off dapat ngayon ni Eunice pero dahil wala naman siyang gagawin ay nagsabi siya kay Johan papasok na lang siya kahit ayaw siya nitong payagan dahil gusto nitong nasa kwarto lang siya at nagpapahinga.Kasalukuyan siyang nasa tapat ng pinto ng kwarto ni Jonas dala niya ang baso na may lamang tubig. Ngayon araw niya susubukan kunin ang loob ng bata para magampanan niya na ng maayos ang kanyang trabaho.Ilang beses na kumatok si Eunice sa pinto bago niya buksan ito at pahapyaw munang sumulip, nakita niya si Jonas na mag-isang naglalaro ng mga action figures nito habang nakaupo sa sahig."Jonas?" mahinang tawag ni Eunice sa kanyang alaga at saka lang ito lumingon.Kagaya ng inaasahan tiningnan lang siya nito at muli nang bumalik sa paglalaro na parang walang nakita. Kaya naisipan na ni Eunice na pumasok at tabihan ito."Jonas, can we talk for a minute?" malumanay ang boses na tanong ni Eunice kay Jonas.Sandaling huminto si Jonas sa paglalaro at saka siya nito hinarap. Kita ni Eunice na
"Ches, parating na ba si Mama?" tanong ni Johan kay Chestine habang tinutulungan niya si Yaya Fei na maghanda ng lamesa.Saktong tanong ni Johan nang may biglang mag-door bell sa labas ng gate na siyang ikinangiti ni Chestine."Speaking! Si Mama na 'yan!" excited na sabi ni Chestine sabay hinubad ang suot niyang apron.Dali-daling siyang lumabas ng bahay kasunod si Johan at pag-bukas nila ng gate bumungad nga sa kanilang ang nakangiting mukha ni Celeste."Mama!" masayang bungad ni Chestine sa kanyang ina.Sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap at agad ding humiwalay sumunod si Johan at binigyan ng halik sa pisngi ang ginang at bahagya niya rin itong niyakap."Kamusta na kayong mag-asawa?" tanong ni Celeste sa kanila at nagpa-lipat-lipat ng tingin kina Johan at Chestine."Ayos lang naman po Ma," si Johan ang sumagot sabay kinuha niya ang malaking bag at maletang bitbitin ni Celeste upang tulungan itong mag-dala."Ang gwapong-gwapo kong apo nasaan na?" tanong muli ni Celeste nang
"Nak?" tawag ni Celeste kay Chestine habang bahagyang nakasilip sa pinto ng silid nina Chestine at Johan."Yes, Ma? May kailangan kayo?" tanong ni Chestine nang mag-angat siya ng tingin sa ina."Papasok na ako anak," paalam ni Celeste at tuluyan nang pumasok sa loob ng silid.Umupo si Celeste sa ibabaw ng kama katabi ni Chestine. Gusto niya itong makausap tungkol sa nangyari kanina sa hapag."Gusto kitang makausap tungkol sa nangyari kanina, at gusto kong humingi ng pasensya. Sumobra ata ako," dismayadong sabi ni Celeste sa anak."Kalimutan niyo na, wala na sa amin 'yon. Sa susunod lang Ma, konting preno lang po," sabi ni Chestine sa ina na lalong nagpa-konsensya rito."Hayaan mo at kakausapin ko rin si Johan. Minsan na nga lang ako mapa-rito may hindi pa ako magandang nasabi," nahihiyang sabi ni Celeste."Kahit h'wag na, unawa na po ng asawa ko 'yon. Si Johan pa ba." Nakangiti nang sabi ni Chestine."Hayaan mo at babawi na lang ako," sabi ni Celeste sabay isinandig ni Chestine ang ulo
"Summer na, anong plano natin?" tanong ni Chestine kay Johan habang kasalukuyan silang nasa hapag kainan.Sabay-sabay na silang lahat na kumakain ng breakfast maliban na lang Kayden na hindi pa umuuwi simula kahapon. "Let's go to our private resort in Batangas, para naman makapag-unwind tayong lahat," masayang sagot ni Johan na sinangayunan naman ni Chestine."Good idea! Sakto nandito rin si Mama, tayo ay mag-outing para pampawala ng stress," sabi ni Chestine sabay napatingin sa kanyang ina."Ano? Kailan ba tayo pupunta? Kahit anong oras tayo magpunta ay p'wedeng-pwede dahil ako naman ang may-ari no'n," sabi ni Johan."Gusto ko sana ngayong araw, tutal ay wala naman tayong gagawin at isa pa mas maigi nang biglaan," sagot ni Chestine sabay baling niya Jonas."Baby, do you want to go on a one week vacation?" tanong ni Chestine sa anak na ikinatango nito."Yes! I want to go!" walang pagdadalawang isip na sagot ni Jonas na tila excited din sa magiging bakasyon nila."Good," sabi ni Chesti
"Wow! Daddy! Is this our resort? It looks now more upgraded compared to before!" excited na sabi ni Jonas nang makarating na sila sa private resort nila sa batangas."Yes, baby. It's newly renovated," sabi ni Johan sa anak sabay kinarga niya ito at tumungo sila sa railings kung saan mas matatanaw ang asul na karagatan."Can we stay here a little bit longer? Maybe two weeks vacation?" hiling ni Jonas sa kanyang Daddy ngunit umiling si Johan bilang hindi pagsangayon."I'm sorry, kiddo. We can't stay here for more than a week because Daddy has to work as soon as we get home," paliwanag ni Johan sa anak.Pasalamat si Johan dahil lumalaking matalino at tuso ang anak niya kaya naman hindi niya na kailangan pang lubusang ipaintindi rito ang mga bagay-bagay."I understand Daddy, a one week vacation will do," sabi ni Jonas na tila naiintindihan niya na.Kasalukuyan silang nasa balcony ng rest house kung saan tanaw na tanaw nila ang magandang view at ang manilaw-nilaw na sunset dulot ng paglubog
Pagka-pasok ni Chestine sa loob ng silid ni Jonas ay saktong kalalabas lang nina Johan at Eunice mula sa banyo at kasalukuyan na nilang inaayos ang mga gamit ni Jonas na parang walang nangyari.Nag-angat naman ng tingin sina Johan at Eunice nang marinig nila ang pagbukas ng pinto ng silid at bumungad sa kanila si Chestine na malawak ang pagkakangiti."Love! Nandiyan ka na pala! Tapos ka na bang magluto? Nakangiting tanong ni Johan ngunit may lihim na kaba. Hindi napansin ni Chestine ang tila kabadong boses ni Johan at naglakad ito papalapit sa kanila kaya pahapyaw niyang sinulyapan si Eunice na hindi makatingin ng diretso kay Chestine."Si Mama nasa kwarto niya si Kayden naman pinasasabi niya gusto ka raw niya makausap. Hinihintay ka niya ngayon sa labas," sagot ni Chestine ngunit napansin niya ang tila pawisang mukha ni Johan."Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganiyan 'yang mukha mo pawis na pawis basang basa pati damit mo para kang nag-gym??" nagtatakang tanong ni Chestine.Dumako ang t
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"