PERO ng makita ng Tatay ni Shy ang sitwasyon nito at nang Nanay niya ay unti-unti itong napataas ng kamay ngunit nagbaba rin kasabay ng tingin nito sa sahig.
Dahil sa ginawa ng Ama ay biglang nanigas ang puso ni Shy, kahit kailan talaga ni hindi nito magawang ipagtanggol ang kanilang pamilya sa Lola niya.
Hanggang kailan kaya magtatagal ang pamilyang ito?
Sa tanang buhay ni Shy ay nasaksihan niya kung gaano kaduwag ng Tatay niya. Sa tuwing pinapagalitan at minamaliit ng Lola niya ang kanyang Nanay ay walang ginagawa ang kanyang Tatay. Imbes na ipagtanggol ng Tatay ni Shy ang Nanay nito ay palagi itong nasa isang tabi lang nakatingin at walang ginagawa pero pinakamalala pa ay ang Tatay nito ay luluhod sa harap ng Lola niya at hihingi pa ng tawad sa ginawa ng Nanay niya when in fact wala naman itong naging kasalanan.
At lahat-lahat ng ito ay sobra-sobra na!
Walang kwenta ang pamilya na ito!
Wala imik ang Tatay ni Shy ni hindi man lang nito nagawang magsalita para kumustahin ang kalagayan nila ng Nanay niya but instead dumiretso ito sa Lola niya, “Nay naman sinaktan niyo na naman siya wala na tuloy magluluto para sa atin!”
Ang tinutukoy ng Tatay ni Shy ay Nanay nito.
Biglang sumigaw ang Lola ni Shy,” Hindi pa ako baldado at kayang ko pang magluto sa pamamahay na ito!”
Pagkatapos ay dumiretso ang Lola ni Shy sa kusina para magsimulang magluto.
Si Shy naman ay nag-iisip nang umalis at isasama niya ang Nanay niya at kahit na kailan hindi nababalik sa bahay na ito.
******
NAKATINGIN lang si Shy sa dalawang taong nasa kusina ang isa ay nakaupo at nagtatabako. Sa puntong iyon ay nabubuo na sa isipan ni Shy na hindi niya na kayang manatili sa ganitong klaseng pamilya.
Bumalik si Shy sa kwarto nila ng Nanay niya doon ay kinuha niya ang bag niyang di pa niya nabubuksan simula pa kahapon, mabuti na lang at di pa siya nakapag unpack. Aalis na siya sa pamamahay na ito at hinding-hindi na babalik.
Naisip ni Shy na kailangan niyang kumayod ng todo para magkaroon ng maraming pera at maging maganda ang buhay niya at sa oras na makaahon na siya at makaipon ay babalikan niya ang Nanay niya dito.
HABANG nakasakay sa likod ng isang taxi ay hindi mapigilang umiyak ni Shy. Mabigat man sa loob niyang iwan ang Nanay niya sa bahay ng Lola niyang malupit at sa walang kwenta niyang Tatay ay wala siyang choice. Ngunit bigla na lang naputol ang pag-iyak niya ng maramdaman niyang nag vibrate ang cellphone niya.
Nang tingnan niya ang bumunga na naman ay ang text ni Marcus.
‘Anu ba ang nangyayari sa iyo? Two days na pero hindi ka nagrereply sa mga messages ko. Okay naman akong nakarating dito sa US pero tawagan mo ako sa oras na mabasa mo ito Mahal.’ — Love Marcus.
Tinitigan ni Shy ng masama ang screen ng cellphone at agad na binalik sa bulsa nito. Ramdam nito ang isa pang masakit na bagay rin na nagpapahirap sa kanya.
Ang hirap at hindi niya kayang makipaghiwalay kay Marcus…
Tatlong taon sila ni Marcus, tatlong taon na puno ng pagmamahalan, paano ba niya tatapusin iyon? Hindi naman ito parang isang damit lang na pag luma na ay papalitan mo ng bago o parang kanini na pag sinubo mo na sobrang mainit at iluluwa mo na lang basta-basta.
Minabuti ni Shy na i-ignore ang mga tawag at text sa kanya ni Marcus sa mga sumunod na mga araw. Naging busy siya at minabuti na lang na intindihin ang kanyang sarili at ang plano niyang makapag-ipon para makuha niya na ang Nanay niya sa bahay ng malupit niyang Lola, pero bago siya bumalik sa kompanyang pinagtra-trabahuan niya ay minabuti niyang tuluyang gumaling ang mga sugat sa katawan niya.
Nang magaling na si Shy ay bumalik na siya sa kanyang trabaho. Isa siyang utility worker at janitress sa Monteverde Corp. Responsable si Shy sa pagbili at pag deliver ng mga meryenda ng mga nagtratrabaho sa Company na iyon at sa hapon ay naglilinis siya ng opisina ng mga ito. May mga pagkakataon rin nauutusan siya sa mga bagay na hindi na sakop ng trabaho niya pero hindi siya nagrereklamo somehow she’s taking the job, finished even if it means she needs to do an overtime.
Isang ordinaryo at mapagkumbaba na klaseng babae si Shy kaya nga siguro kahit kailan ay hindi siya nagustuhan ng Mama ni Marcus dahil sa naging estado niya sa buhay.
Walang siyang magandang background na nakapagtapos sa isang presteryosong unibersidad, ni hindi nga siya nakatapak ng college eh, hanggang highschool lang siya.
Pero higit na importante para sa kay Shy sa ngayon ay ang magkaroon ng isang marangal na trabaho sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya ay sapat na para sa kanya.
******MABILIS lumipas ang mga panahon, bawat araw ay naging linggo at bawat linggo ay naging buwan. Lahat ng bagay na nangyari sa kay Shy sa makalipas na isang buwan ay parang isang masamang bangungot na lang para sa kanya.
As usual ganoon pa rin naman ang buhay ni Shy at walang pinagbago. Isang umaga sa office ng HR na kung saan si Shy ay naka destino na mag deliver ng mga kape at ilagay ito isa-isa sa bawat desk ng mga empleyado ay nagulat siyang maaga ang mga itong pumasok kumpara sa kinaugalian nitong oras ng pasok.
“Magandang Umaga po sa inyong lahat!” bati ni Shy sa mga ito but no one paid attention sa kanyang pagbati.
Dahil wala namang pumansin sa kay Shy ay bumalik siya sa kanyang ginagawa para matapos ito kaagad.
After a while ay biglang pumasok ang Manager ng HR Department sa loob ng opisinang nagmamadali , “ Biglang dumating si President at kailangan natin siyang salubungin!” sigaw nito pagkatapos napatingin ito sa kay Shy,” at ikaw sumama ka rin!”
Nagulat si Shy kasi hindi niya inaasahan na pati siya ay kasama. Isa-isang inabot sa kanya ng mga empleyado ang mga documents na hawak-hawak nila at ang nangyari ay naging tagahawak si Shy ng mga papeles na iyon.
Wala naman sa kay Shy iyon kasi sanay na sanay na siya. Nag-uunahan ang mga empleyadong lumabas samantalang siya ay halos bumabalanse sa paglalakad habang hawak-hawak ang mga naka-pile up na documents sa mga kamay niya na halos lumampas na sa kanyang ulo. Panaka-naka ay di sinasadya siyang nababangga kaya panay rin ang kanyang paghingi ng paumanhin hanggang sa makarating siya sa elevator at nakasakay.
Nag mag open na ang elevator ay sumunod siya sa mga taong nasa harapan niya habang buhat-buhat pa rin ang mga piled up na mga papales sa kanyang mga kamay.
Tapos narinig niya na lang na may sumigaw, “ Everyone humanda kayo the President is coming!”
******
NANAHIMIK ang lahat and automatically made a parallel line sa magkabilang bahagi ng daan.
Shy can definitely feel the intimidating aura that suddenly occupied the whole place. Shy coudn’t help but to turn around and look at that person na nagpatahimik sa lahat ng tao sa loob ng kompanya.
Pero sa kasamaang palad ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo dahilan na nawawalan siya ng balanse at isa-isang nagsilaglagan ang hawak niyang mga documento and at any moment she could feel na matutumba na siya ng tuluyan.
Nakita ng mga empleyado ang nangyari sa kay Shy at halos lahat ay iniisip na patay si Shy sa President pagnagkataon, sapagkat sumablay ang trabaho niya. They all know and aware that the President is very careful and particular sa trabaho at sa lahat ng bagay na may kinalaman sa company niya.
Samantalang papasok na si Daniel ng conference room ng mapansin niya ang isang babaeng bumabalanse habang isa-isang nag silaglagan ang mga dokumentong hawak nito.
Iiwasan niya na lang sana at hindi papansinin ngunit ng makita niya ang mukha ng babae at akma na itong matutumba ay maagap siyang pumunta rito at sinalo ito.
Lahat ng empleyadong nakasaksi ay namilog ang mga mata at napasinghap sa gulat. Kahit na kailan di pa nila nakita ang President na may nilapitan na babae sa kompanya. Kung meron mang nagpapakita ng motibo ay agad na pinaparusahan or worst pinapaalis sa kompanya.
Kaya walang sinumang nangangahas na lumapit sa President kung gusto pa nilang magtagal sa kompanya.
Kaya lahat ay sobrang nagulat at anu ang meron sa isang utility worker at nagawa siyang saluhin ng President para hindi ito bumagsak ng tuluyan sa sahig?
Bago pa tulyang mawala ang malay ni Shy ay naaninag niya ang mukha ng taong sumalo sa kanya. Nagawa niya pang hawakan ang pisngi nito.
Nakapagtataka lang ngunit pamilyar sa kay Shy ang mukha ng lalaki… pero di rin nagtagal ang sandaling titig na binigay niya sa lalaki kasi tuluyan ng nawalan ng malay si Shy.
Napayuko si Daniel upang tingnan ang mukha ng babae at nakita niya na wala na itong malay habang hawak-hawak niya ito sa kanyang mga braso.
Tapos binalik niya ang tingin niya sa mga empleyadong gulat na gulat siguro sa ginawa niya. He heaved a heavy sigh and suppress his anger then binuhat niya ang babae at lumingon sa kanyang assistant, “ Ikaw dalhin mo ang babaeng ito sa hospital, ngayon din!”
PAGKARINIG ng assistant ng Presidente ay dali-dali itong kinuha ang walang malay na si Shy sa kay Daniel. Nang tuluyang ng makuha at mabuhat ng assistant ay umalis na ito. Napatingin naman si Daniel sa mga papeles na nakakalat sa sahig, naningkit ang kanyang mga mata while his brows furrowed and indication that he was about to spill out his anger.Ng makita ng mga empleyado iyon ay dali-dali nilang pinulot ang mga nakakalat na mga documeto sa sahig.Pagkatapos ay umalis na si Daniel habang gulat na gulat pa rin ang mga empleyadong nakasaksi sa ginawa niya sa isang utility worker.“Si President iyon di ba naiinis siya sa mga babae?” sabi ng isa sa mga clerk ng kompanya ng lumagpas sa kanila si Daniel, “ Paaalisin kaya si Shy dahil sa nangyari?”
LUMIPAS ang isang araw at nakalabas rin ng Monteverde Hospital si Shy at sa pagkakataong ito hindi niya akalain na ang paglabas niya ng hospital ay simula rin ng malaking pagbabago ng buhay niya. “Simula ngayon ay sa Mansion ka na titira para maalagaan ka ng maayos pati iyang apo ko,” masayang turan sa kanya ng Madam Chairman noong binisita siya sa hospital nito. Halos hindi siya makapaniwala na ang lalaking nakasiping niya ng gabing iyon ay siya mismong President ng kumpanya na pinagtatrabahuhan niya. Di niya alam kong isa itong sumpa o anu ba basta’t sobrang litong-lito ng isipan ni Shy at ginawa niya namang tumanggi pero mapilit ang Madam Chairman na kahit ang arroganteng President na si Daniel Lucas ay tumitiklop pagdating dito.
THE NEXT day ay umuwi si Shy sa probinsya nila na kasama sina Daniel Lucas at ang Madam Chairman. Sa totoo lang ayaw na ayaw na sana ni Shy na makisali pa ang pamilya niya dahil sa ugali na rin ng sarili nitong Lola kaso mapilit ang Madam Chairman na sinang ayunan rin ng arrogante niyang Boss. Isa pa napakabait ng Madam Chairman para tanggihan ito sa hiling nito sa kanya. Pumarada ang limousine sa harap ng bahay nila, kabado man pero kailangan niyang gawin. Nakiusap muna siya sa Madam Chairman at sa kay Daniel na mauuna muna siyang bababa para kausapin ang pamilya at para di rin ang mga ito magulat sa mga nangyayari. Mabuti na lang at pumayag ang Madam Chairman at si Daniel. Kabadong bumaba si Shy sa sasakyan ng pagbuksan siya ng Driver. “Salama
LUMABAS ng kwarto ni Shy sa loob ng Mansion si Madam Chairman na nalulungkot dahil sa sinapit ng dalaga, nahahabag ang kanyang puso sa sitwaasyon ni Shy sa pamilya nito, she can’t believe na minamaltrato si Shy na sarili niyang Lola. Nanatili pa siya sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Shy na bagsak ang mga balikat, sobra siyang awang-awa habang nag kwe-kwento ito tungkol sa kanyang pamilya. Sa ganoong sitwasyon naabutan ni Daniel ang Grandma niya.Pagkatapos niyang buhatin si Shy paalis sa lugar na iyon ay napagdesisyunan na lang nilang umuwi. Masyadong mainit ang sitwasyon para sa isang matinong pag-uusap at pamamanhikan. Habang nasa byahe sila kanina ay hindi maiwasan ni Daniel na hindi mag-alala sa kay Shy, most especially that he saw how Shy’s grandmother treated her. Napakuyom siya ng kanyang kamao dahil sa namumu
ILANG ARAW na rin ang lumipas simula ng incident sa pamilya ni Shy at ang pagkakataong hindi pa rin makapaniwala si Shy habang inaalala ang mga sandaling inaalo siya ng Boss niyang masa demonyo ang ugali. Nararamdaman naman ni Shy na ayaw talaga ni Daniel sa kanya at napipilitan lang itong makisama dahil na rin sa pakiusap ng Grandma nito pero kasi ang ilang beses nitong pagtatanggol at pagtulong sa kanya ay parang nagpapakitang totoo ito sa ginagawa.Napabuga ng hangin si Shy habang nakatingin sa malawak na hardin ng mansion ng mga Monteverde. Kasalukuyan siyang nakaupo sa veranda ng mansion, maagang umalis si Daniel at si Madam Chairman naman ay may inasikaso rin kaya nag-iisa siya pansamantala. Magkasabay naman silang nag umagahan kanina palaging sinisigurado ng Madam Chairman na magkakasabay silang kumain kasabay sina Shy at Daniel.
“HELLO BABY KO!” kumakaway na bati ni Sheila ng makita si Daniel na papalapit na sa kanya.Excited na excited si Sheila na bumalik sa Syudad nila because not only she brings good news sa Daddy niya but also she’s looking forward to spending time again with Daniel most especially in his bed. Napahagikhik si Sheila habang iniisip ang bagay na iyon. At sisiguraduhin niyang mag e-enjoy talaga ito kasama ng kanyang magandang surpresa dito.Paglabas pa lang ni Daniel sa elevator dumiritso siya agad sa lobby at malayo pa lang ay kitang-kita niya na ang malapad na ngiti ni Sheila. Well, he missed the woman however iba ang klase ng pagka miss ang nararamdaman ni Daniel para kay Sheila.Habang papalapit si Daniel sa kay Sheila ay di na yata nakahint
NAGMAMADALING pumasok si Daniel ng mansion sa oras na dumating siya. Alam na alam niya na galit ang Grandma niya kanina at malalagot na naman siya nito. Kainis kasing Sheila, minsan talaga kung anu-anu na lang ang naiisip at pumapasok sa kukuti niyon. Inayos ni Daniel ang kanyang suit at may dala-dala itong dessert para sa kay Shy at hinihiling na sana man lang ay magustuhan niya ito. Daniel bought her a blueberry cheesecake. Humugot pa ito ng malalim na hininga at binuksan ang pintuan. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang sobrang dami ng mga tao sa living room area ng mansion. “Magandang gabi po Sir Daniel.” bati sa kanya ni Lupe. “Magandang gabi Lupe at anu ang nangyayari
NOONG bata pa si Shy ay pangarap niyang magkaroon ng maganda at magarbong kasal kagaya ng isang prinsesa na may prinsipeng tagapagtanggol niya at mamahalin siya. Pero habang lumalaki namulat siya sa katotohanan na ang buhay ay hindi isang fairy tale. Nakita niya ang sitwasyon na meron ang kanyang Nanay sa piling ng kanyang ama at malupit na lola. Kaya nawalan na ng pag-asa si Shy para sa isang tunay na pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na isang araw ay may lalaking handa siyang ipaglaban at mahalin ng buong-buo but not until Shy met Marcus. Marcus brought so much joy sa buhay ni Shy, kahit na kailan hindi pinaramdam ni Marcus sa kay Shy na hindi siya sapat at karapatdapat na mahalin bagkus Marcus treat him so well and love him to the point na gusto siya nitong pakasalan.
LOSING someone important to you is generally considered one of the most traumatic and devastating experiences that a person can go through. The grief and sorrow can be overwhelming, and can affect a person physically, emotionally, and mentally. How much more kung parti ng pagkatao mo, inalagaan mo ng siyam na buwan sa tiyan mo tapos magigising ka na lang sa isang iglap, na malalaman na wala na ito? Masakit, sobrang sakit, iyan ang kasalukuyang nararamdaman ni habang nakaharap s apuntod ng kanyang anak. Hindi niya inaasahan na magigising siya sa mula sa isang masamang bangungot at bubungad rin sa kanya ang isang bagay na mas masama pa sa bangungot na naranasan niya habang nasa coma siya ng ilang araw. Iniisip niya na lang at hinihiling na sana isang bangungot rin ang kinakaharap niya ngayon dahil sa hindi niya alam kung hanggang kailan niya ba kakayanin ang sakit at bigat na kanyang nararamdaman. "Nak... sabihin mo naman na masamang bangungot lang ito at kailangan ko lang na magisin
IKA nga sa bibliya, "IN THIS WORLD YOU WILL ENCOUNTER MANY TRIBULATIONS" malinaw na nakasaad na maraming Pagsubok ang ating kakaharapin. Isang bagay na kahit sino man ay hindi makakaiwas. Kung mabibilang lang ni Shy ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa kanyang mga daliri ay kulang na kulang ito. Simula't sapul na nagkaisip siya ay naengkwentro niya na ang isang pagsubok. Lumaki siya at nagkaisip na pinagdadaanan na ito. Ni hindi niya nga matandaan kung kailan ito nagsimula basta't ang alam niya nagkamuwang na lang siya ay puro pagsubok na ang kanyang na e-engkwentro halos araw-araw na lang ng buhay niya. Noong bata siya akala niya na ang malamig na trato sa kanya ng lola niya at walang paki ng tatay niya ang pinakamalaking pagsubok na naranasan niya ngunit nagkamali siya. She was just in highschool ng malaman niya na hindi pa la siya totoong anak ng nanay at tatay niya, isang araw na nadulas ang lola niya subalit kahit di nito sinasadya ay walang pagsisisi sa ginawa nito. At d
PAGKATAPOS ihatid ni Daniel ang mama niya sa flower shop nito ay dumiretso na siya kaagad sa hospital. Sumilip siya sa kay Shy sandali pero napatigil rin siya dahil nakasalubong niya si Sheila. Nakaposas ito and she was wearing a jail clothes. She invited Sheila na pumasok sa loob ng kwarto ni Shy. Nandun naman sina nanay Mara at tatay Jose pero lumabas muna sila para magkaroon sila ng privacy na mag-usap. Magkaharap sila ni Daniel sa living room ng vip suites na iyon. Habang ang bantay nitong police officer ay nasa labas ng kwarto. " I'm sorry Danny." Hindi nakapagsalita kaagad si Daniel. Pinapakiramdaman niya pa ang kanyang damdamin kung ano ba ang pwedeng maramdaman niya sa kay Sheila ngayong kaharap niya na ito. napabuntong hininga lang siya samantalang si Sheila naman ay kumakabog ang dibdib sa sobrang kaba. Hindi niya talaga kung saan magsisimula. It was an awkward silence habang naghihintay siya ng kasagutan sa kay Daniel at sa kalaunan ay siya na rin ang bumasag ng katahimi
DANIEL was sitting beside Shy while holding the box kung saan nandun ang naka nilang wala ng buhay. He never thought that he would be on this situation again. Pero ngayon mas malala, at mas masakit. He will bury his child without Shy dahil sa lumalaban din ito para sa buhay niya. Pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa, kakapit siya hanggang hindi bumibitiw si Shy sa kanya. "Babe... kumusta ka na? I'm sorry I failed to protect you and our child. I failed you once again."naiiyak na sabi ni Daniel sa kay Shy. He reached out her hand at inilapit ni Daniel ang mukha niya dito then he rested her hand sa pinsgi niya, " I love you much and I can't afford to lose you Babe... please huwag na huwag kang susuko, hindi ko kakayanin." Who would have thought that the great Daniel Monteverde will be a crying baby? Kahit na kailan wala naman siyang hiniling sa Diyos kung hindi ay ang mabuo ang pamilya nila. He grew up being an obedient child because he was told na pag mabait ka lahat ng hihilingin
PAGKATAPOS sabihin ni Sheila sa ama niya ang ginawa niya ay parang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Parang nag slow motion ang lahat. Galit na galit siya sa ama niya kanina at dahil dun ay nakapag-isip siyang walang saysay ang pagsama niya dito because she felt she's not important to him at all. Pero ngayon parang nasampal si Sheila ng katotohanang , hindi pa la totoong hindi siya mahal ng Daddy niya. As what Miss Divina always says to her, mahal na mahal siya nito. Hindi niya inasahang hahanapin siya ng ama at hindi ito umalis at tumakas na hinid siya kasama. She did not even expect na yayakapin siya nito ng sobrabg higpit at pinaalala sa kanya na hindi niya kailangang mag-alala dahil nadiyan palagi ang daddy niya for her. Hindi nakapagsalita si Don Miguel, hindi niya kasi alam kung paano mag re-react. But he was able to say something, "You betrayed me... your own father." Sheila shed a lot of tears, ni hindi niya na nga mapigilan. Feeling niya tuloy masyado ba siyang
KASALUKUYANG nakaupo si Don Miguel sa kanyang swivel chair habang umiinom ng alak. He just can't get over sa mga sagutan nila ni Sheila kanina. Marahil nga ay tama ito, he is not the typical parent na showy. Not the typical type ng taong marunong mag express ng nararamdaman niya but the cruelty of the world make him realized na hindi pwedeng mahina siya, na bawal ipakita ang kahinaan niya. At dahil sa wala na ang babaeng minahal niya, so obviously ang tanging taong kahinaan niya ang kanyang nag-iisang anak. If only Sheila knows na kaya niya ginagawa ito sa kanya para protektahan ito. Ayaw niyang magamit si Sheila laban sa kanya. He is aware that he makes a lot of enemies dahil sa negosyo and how much he hated his father on how he treated him before ay napangisi na lang siya, upon realizing that he was almost the same as Don Santiago. Nakikita niya ang sarili sa kay Sheila, ganun na ganun siya manumbat sa namapayapang ama bago ito nagmakaawa sa kanya. He went to far when it comes to
TOTOO nga ang kasabihan na hindi porke't mayaman ay nasa iyo na lahat-lahat. Na masaya ka ang kuntento sa buhay. But it was not the situation and the feeling that Sheila is currently having right now. She's getting anxious about the fact that they are being wanted by the authorities dahil sa nangyari sa kay Shy. Ngayon hindi siya mapakali kung ano ang dapat gagawin. Mataman siyang nakaupo sa living ng isang tagong rest house ng Dadddy niya. Habang nakaupo ay panay ang kuskos niya sa kanyang mga kamay at hini mapakali ang binti. Para mapakalma siya ay hinawakan ni Miss Divina ang kamay niya. Ganito siya pag inaataki ng anxiety niya. Napatingin siya sa Ginang at bakas ang pag-aalala nito sa kanya, ngunit sa kabila nito ay ngumiti ito sa kanya, " Halika Hija." sabi nito at lumapit naman siya at tumabi sa kay Miss Divina at parang batang yumakap dito. "I'm fucking worried Miss Divina... natatakot ako para sa amin ni dad." punong pag-aalala niyang sambit. Magjigpit siyang niyakap ni M
PAGKATAPOS e-comfort ni Madam Chairman ang apo niyang si Daniel ay tumabi ito sa kay Mara, kaya umalis rin si Jose para magkaroon sila ng privacy na mag-usap. Hinawakan ni Madam ang kamay ni Mara upang iparamdam dito ang kanyang pakiki simpatya at magkasama silang lalaban ng pagdarasal na sana'y maging maayos lang si Shy sa kabila ng pagkawala ng anak nito ay sana kahit si Shy ay makaligtas siya. Napamulat ng mata si Mara ng maramdaman ang kamay ng Madam Chairman na humawak sa kanya. She look at her with a weary eyes. Puno ng pag-aalala at hindi nawawalan ng pag-asa na sana malagpasan nila ang pagsubok na meron sila ngayon. Hindi rin napigilan ng mga luha niya ang tumulo ulit. Kahit sa simpleng paghawak lang kasi at sa pagtingin sa mga mata nila sa isa't isa ay naiintindihan at nararamdaman nilang pareho ang sakit na dulot ng sitwasyon. Biglang niyakap naman ng Madam Chairman si Mara ng humagulhol na ito ng iyak, " Kumapit lang tayo Mara, matapang si Shy at palaban... alam ko hindi
HINDI magkamaliw sa iyak si Mara habang nananalangin sa loob ng kapilya ng hospital. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kalagayan ng anak niyang si Shy. "Diyos ko, kayo lang nag tanging makakapitan ko, huwag mo namang hayaang may mangyaring masama sa anak kong si Shy, " mas lalo niyang idiniin ang kanyang nakapikit na mga mata at napasinghot habang nakayukong nanalangin at nakaluhod sa sahig. "Hindi ko po mapapatawad ang aking sarili pag may nangyari sa aking anak." tuluyan ng napahagulhol si Mara sa bigat ng dinadala niya sa kanyang dibdib. She's afraid for then life of her daughter. Kahit pa hindi niya tunay na anak si Shy, pero mahal na mahal niya ito na parang tunay niyang anak. Nagkahiwalay sila ng anak niya matapos silang dukutin. Hindi niya maiwasang hindi magalit sa mga involved sa nangyari sa anak niya at sa sarili niya. Naisip niya rin kasi kung nag-ingat sana sila lalong-lalo na siya ay hindi sana mailagay ang Kahit sarili niya sobrang sinisisi niya. Alam niya ka