Umupo na si Dianna sa kanyang working table. Hindi niya kailangang hintayin si Hector bago kumilos. "Nasaan ka na Djana? Bakit bigla kang nawala?" tanong nito sa sarili. Pumailanlang pa rin sa loob ng buong unit ang kanta ni Djana. Saka niya napansin na magkasingboses ni DJ Ana sa boses ng singer na palaging nakamaskara. Tiningnan niya ang solo picture nito. Wala sa loob niya ang ginawa ngunit pinaglaruan niya ang ang larawan ni DJ Ana. "DJ Ana…” Kinuha ang pentel pen sa lamesa at ginuhitan ng maskara upang takpan ang kanyang mga mata. Ikinumpara ang mga ito sa mga larawan sa internet. “Hmmm, may pagkakahawig kay Djana.” Napahinto si Dianna. Paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Djana at DJ Ana ng ilang beses. Tumayo siya at nagparoo’t parito. At saka siya napahinto. Muling sinulyapan ang bondpaper kung saan niya sinulat ang ni Djana at DJ Ana. “Gotcha! Why in the world, I didn’t think about it?” It was a puzzle to be solved. “So, you must be hiding for some reason. Huli ka!”
TITAN MUSIC ENTERTAINMENT 10AM Nakita ng sekretarya ni Philip ang isang blind item sa internet. Nagpadala siya ng link nito sa internet tungkol sa balita. “Sir, nabasa po ba ninyo?” “Why should you worry about that news? Wala namang binabanggit kung sino.” “Eh, Sir! Hindi po ba si Ma’am Nadja ang tinutukoy niya?” “Shut up! Itikom mo ang bibig mo! Walang dapat makaalam ng tunay niyang pagkatao unless siya mismong ang umamin.” Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng opisina ni Philip. Nakita niya ang mala-anghel na ngiti ni Dianna. Kumaway pa ito sa kanya at pumasok kaagad. “Sir Philip...” “Ano? Masaya ka na sa ginagawa mo? Anong gusto mong matanggap? Asunto?” “Puwede naman nating pag-usapan kung gusto po ninyo.” “Ano bang plano mo?” “Puwede po tayong magkasundo. Gamitin natin ito para muling mabuhay ang interes ng maraming tagahanga ni Singing Lady with a Mask. I wonder kung nasaan na nga ba siya ngayon at kung anong kaugnayan niya kay Rosanna?” “Dianna…” “Hindi naman ak
JAPAN Corporate Business Center 2 PM Nakahanda ang interpreter para kay Rosanna sa Conference Room ng Japan Music Entertainment. Masayang-masaya silang makita ang singer. “Kon’nichiwa!” Bahagyang yumukod si Rosanna. Mayroon naman silang kasamang magsalita ng Ingles kaya hindi na iyon mahirap sa kanya para makipag-usap sa mga Hapon. Hindi pinatagal ni Rosanna ang usapan. Lahat ay masaya na makita siya. “Gomen’ nasai!” Yumukod ng halos kalahati sa kanyang katawan si Rosanna. Lahat ay nagkatinginan sa loob ng kuwarto. “Rosanna…stop it! I am sorry for a big misunderstanding, Mr.Kimura.” “What’s the meaning of this, Rosanna, Peter?” “Bakit hindi na lang natin sabihin ang totoo, Peter? Hanggang dito na lang ang career ko kung hindi mo ako pakikinggan.” Umiyak si Rosanna. “Hindi ako pipirma ng kontrata kung pakakantahin mo ako. Ayokong ipahiya ka sa buong mundo kahit ang gusto mo ay pakantahin pa rin ako. Hindi ko kayang panindigan ang lahat. I am sorry!” Nagtatakbo sa labas si Rosan
Kasalukuyang nanunuod si Inigo sa Japan Channel. Hindi maililihim sa kanya ang nangyaring interview at ang malaking rebelasyon na ginawa ni Rosanna. “This Rosanna is really a headache. It was a small world, Rosanna but I am sorry. You are no good match for Victor Peralta. I just found my one and only.” May mga humanga dahil nagsabi na siya ng totoo pero may ilan ding nadismaya sa nalaman nila. "What? All this time, we are tricked?" "This singer is unbelievable. How could she do this to us?" "Does it mean, she had a ghost singer all this time?" "Who is she?" "Who owns her voice?" Hindi rin mapaniwalaan ni Peter ang mga pangyayari. Tumayo ang kanyang PA ng marinig ang katok sa pinto ng hotel. "Sir Peter..." Hawak ni Peter ang baso ng alak habang pinapanuod ang live telecast ng interview. "Labas ka muna. So, are you here to laugh at me?" "Matagal na tayong magkaibigan, Peter. I have experienced the same with my other talents in the past. Puwedeng suwertehan talaga ang mga tale
Hinihintay niyang batiin siya ni Inigo ng kanyang yakap at halik. Tatlong araw lang ay nagbago na kaagad ito sa kanya. Binuksan nito ang kanyang cellphone at nakita ang mensahe nito. “Magkasama ba kayo ni Philip?” “Tsss, siya ba ang dahilan kaya beast mode ka?” Late na siyang nakapag-reply. Nasa harap siya ng kanyang pintuan at hindi pa siya pumapasok. Iniisip niyang puntahan sana ito sa kanyang kuwarto kaya lang, malalim na rin ang gabi at baka maistorbo pa niya ang binata. Hindi niya inasahan ang kanyang nadatnan sa loob ng kuwarto. May malilit na tealight candles sa sahig at amoy-kape sa loob ng kanyang kuwarto. Napatutop si Nadja sa kanyang bibig ng tuluyan siyang makapasok sa loob. Nandoon si Inigo at nakaupo sa kanyang paboritong upuan. Naka-cross legs pa ito at hawak ang baso. “Inigo? What are you doing here?” Sinalubong niya si Nadja. Hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi at tila ba hinihingal pa ang lalaki. “I missed you so much, Nadja. I missed you! OO na ba an
Pagkatapos mag-shower ni Nadja ay minabuti niyang puntahan si Inigo sa kanyang kuwarto ngunit wala na ang lalaki doon. Nagmadali siyang bumaba. “Let’s eat.” “Darating sina Mama at Papa mamaya.” Sumubo ng spaghetti si Nadja. “I was on a hotseat. I was as if interrogated about your twins. Sinabi kong may lahi kaming kambal.” Nilinis ng lalaki ang labi nito ng maiwan ang sauce doon. “May lahi ba talaga?” “Yeah, may kakambal akong babae.” “Really!” Manghang-mangha si Nadja. “Babae o lalaki?” “Babae…” “Indentical o Fraternal…” “Fraternal twins kami.” “Huh, just like Holly and Mackie.” Hindi pa lang nagtatagal sa usapan ang dalawa ay dumating na sina Bob at Sophia. Tumayo si Nadja upang batiin ang mga magulang. Nakipag-beso rin si Inigo. “Kain po tayo!” aya ng lalaki. “Mukhang kagigigising lang ninyo ah!” “I’m tired during my flight. Gabi na rin po ako nakabalik dito.” “Sige, kumain ka na nga muna. Nasaan na ang mga bata?” Lumabas ang mag-asawa at tiningnan ang mga bata. Nags
“Akala ko ba uuwi na tayo?” “Saglit lang tayo doon, please! I’ll buy you coffee. Anong gusto mo? Masarap ang Capuccino nila doon.” “Tsss, tinatanong mo ako kung anong gusto ko tapos may kape ka palang ipo-promote. Sige, buy me coffee.” “Hindi mo ba ako sasamahan?” “Huwag na. Ayokong makinig sa mga girl talk ninyo. Magkasama na nga kayo sa Japan eh!” Wala siyang tiyaga sa usapan ng mga babae ngunit ang totoo, ayaw niyang makita siya ng kanyang mga tauhan. Mahirap na dahil baka magkaroon pa ng iskandalo at magkabukingan sa loob ng restaurant. Marami ring reporters ang nagsimulang maghanap kung sino si DJ Ana. Nahanap naman nila ang Unicorn Music ngunit malabong magsalita ang mga tao doon kung sino ang babae. Maraming kumalat na comment tungkol sa kanila. Pareho silang na-bash ni Rosanna. “Huwag mo nang tingnan ang mga comment nila tungkol sa iyo, DJ Ana. Kay Philip ka ba magtatrabaho?” Masinsinan siyang kinausap ni Philip. Sinabihan siya ng Japan Records na bibigyan ng pagkakatao
Umupo si Nadja sa buhanginan. Pinagmasdan niya sina Inigo at ang kanyang kambal. Tama nga ang obserbasyon ng kanyang kasambahay. Naitanong tuloy niya kumbakit nga ba kamukhang-kamukha nito ang bata. Maya-maya ay nakita niyang papalapit si Inigo at naupo sa tabi niya. “Penny for your thoughts!” Ngumiti lang si Nadja. Pareho nilang tiningnan ang mga bata habang sinasalubong nila ang mga alon. “Buti pa ang mga bata, malalakas ang loob ng salubungin ang alon. Pero habang tumatanda ang tao, gusto na niyang iwasan ang alon ng buhay. Masyadong malalakas ang alon, mataas at delikado.” “Bakit ka matatakot kung may kasama ka?” “Paano kong pareho silang matangay ng alon? Makakaligtas ba sila?” “Tiyak na isa sa kanila ang malakas ang loob at handang sagupain kahit na gaano pa kalakas ang hampas ng alon.” “So, malakas ang loob mo, ganoon ba?” Umiling si nadja at inismiran nito ang lalaki. “It’s nice to be back here. At least we all enjoy the waters. Ready ka na ba? Habol, Inigo!” Mabilis na
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Pagpasok sa loob ng kotse ay saglit lang na napasandal si Nadja sa frontseat. Himbing kaagad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya at napalinga sa kanilang patutunguhan. May nadaanan silang makikipot na eskinita. “Huh! akala ko ba didiretso tayo sa bahay.” “Daan muna tayo sa mansion,” sabay kindat ng binata. Napangiti lang ang asawa. Sumunod na lang sa gusto ng binata. Inalalayan niya ito pababa ng kotse. Pagpasok ng mansion ay niyakap ng mahigpit ni Victor si Nadja. Hinalikan niya ito at inihagis ang bag na hawak sa sopa. “Na-miss kita Nadja!” “Hindi ba tayo papasok muna sa kuwarto mo?” Aakyat pa sila ng hagdan. “Puwede na ito kahit saan. Kahit dito sa carpet o sa ibabaw ng lamesa” “Victor, hmmm…. ahhh, teka. Teka lang.” “Ano? Bakit?” “Umakyat na lang muna tayo.” Ipinagpatuloy ng binata ang inumpisahan. Hinawakan niya si Nadja at mahigpit niya itong niyakap. Halos nakaliyad ang asawa habang hawak siya ni Victor sa beywang. Kumapit siya sa leeg at sinabayan ang lalaki. Kinarg
Napapaligiran na sila ng mga pulis at wala silang takas ng mga oras na iyon. Walang sinuman ang nasa lugar. Walang makakaalam ng posibleng mangyari. Walang media ang makakasaksi sa nangyayaring negosasyon. “Siguraduhin ninyong malinis at wala kayong ebidensiyang ilalabas tungkol sa pinsan ko. Sagot ko ang presinto ninyo.” Sabi ni Max sa kausap. “Kailangan na rin niyang manahimik at sundan si Maura. Mga hayop sila! Mga ulupong!” “DAMN IT! HUWAG MONG TUTUKAN ANG ANAK KO, JAYSON!” Hindi na niya naisip pang igalang ang lalaki. Humakbang papalapit si Victor. “Desperado si Jayson. Hindi siya nagbibiro.” Pinigilan siya ni Max. He is trying to negotiate his freedom. Kung may kailangan siya ay pag-uusapan nila kahit alam niyang hindi niya matatakasan ang batas. “Ano pang kailangan mo, Pinsan? Pag-usapan natin. Pakawalan mo na ang mga apo ko.” “Nasa akin na ang lahat ngunit walang halaga ang lahat ng iyon dahil sa ginawa mo kay Maura! HAYUP KA!” Tinutukan naman ni Jayson si Max ngunit nakah
“Umuwi na sina Nessa. Hindi na kita inabala. Antuk na antok ka eh.” “Yes, pinagod mo kasi ako eh.” Ngunit bumulong si Victor at kahit anong posisyon nilang dalawa ay hihirit at hihirit talaga ang lalaki. May saya ring hatid ang mga kakaibang posisyon ni Victor. Ngunit mas gusto pa rin niya ang missionary position ni Nadja. Ngunit kinabukasan ay gumuho ang mga pangarap ni Nadja. She already got her menstrustion. Hindi niya napigilan na hindi umasa. Delayed lang talaga siya. Halos walong taon na rin kasi ang mga bata. “Honey, baka stress ka lang. Let’s go back and work it out. Are you hoping?” Tumango si Nadja. Sinunod ni Nadja ang kagustuhan ni Victor. Nagpaalam sila ng maayos sa management ng JME at pinagkasunduan na sila ang magpaplano para sa unang concert ni Nadja sa Pilipinas. Pinayagan na lang nila itong umuwi. “Mama, Papa, we’re coming home with the kids.” Mensahe ni Victor sa kanyang mga magulang. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umaayon ang pagkakataon sa atin. Uuw