Kalmado na si Boss C kaya kahit papano ay hindi na kinakabahan si Alyanah. Pero nag- aalala at kinakabahan pa rin siya dahil alam niyang malaki ang kaparusahan na kanyang haharapin.
"Alyanah... hayyy, paano ko ba ipapaliwanag sayo." Inis na sabi ni Boss C at nagkamot na lamang nang kanyang ulo.
"Sabihin niyo na po kung ano ang kaparusahan ko Boss C... Tatanggapin ko po anng maluwag." Malungkot na sagot niya sa kanyang mentor.
"Ang kaparusahan mo ay magiging tao ka at kailang mong matapos pa rin ang misyon mo na magkatuluyan ang couple na yun. Kailangan makumbinsi mo ang lalaki na mahalin yung babae. At sa lupa ka muna , makakabalik ka lamang kung magmamahalan sila nang tunay at wagas." Mahabang sabi ni Boss C.
"Bakit ko naman po na kailangan pa na maging tao, pwede naman na gawin ko yun kahit cupid pa rin ako diba...???" Inis na tanong niya.
"Yun ang kaparusahan mo dahil sa pagpalpak nang misyon mo!" Inis din na sagot nang kanyang Boss C.
"Boss C... baka may iba pa pong option na pagpipilian??? Ayaw ko po na maging tao..." Umiiyak na tanong niya.
"Wala akong magagawa Alyanah, yun ang parusa mo..." Mahinang boses na sagot ni Boss C.
"Kailan ko po matatanggapa ang kaparusahan ko...???" Naiiyak na tanong ni Alyanah.
"Ngayon na mismo, dadalawin na lamang kita kung kailangan... Goodluck sayo Alyanah sana magtagumpay ang iyong misyon." Naiiyak na sabi ng kanyang mentor at yumakap sa kanya nang mahigpit.
"Boss C... paano pag nabigo ako... magiging tao ako." Malungkot niyang sabi.
''Hindi yun mangyayari dahil alam kong magaling at matalino ka. Magiging tao ka lang din kung magmamahal ka ng tao." Seryosong payo sa kanya ni Boss C.
"Mamimiss ko po kayo Boss C.!" Saad ni Alyanah at yumakap din nang mahigpit.
Unti- unti nang naglalaho sa langit si Alyanah , napapikit siya at pag- dilat nang kanyang mga mata ay nasa ibang mundo na siya. Sapagkagulat niya ay napa- upo siya sa kalsada at muntik nang masagasaan ng kotse. Dahil sa halo- halong emosyon ay nawalan siya nang malay. Agad naman lumabas ang gwapong lalaki sa kotse para sana sigawan ang tangang babae na nasa gitna nang kalsada. Pero bigla itong nawalan nang malay kaya agad niya itong sinalo.
"Miss... gising... !" Ani ni Keird Sendo at inalog ang balikat nang babae para gisingin ito. Binuhat na lamang niya ito at isinakay sa kanyang kotse para dalhin sa pinaka- malapit na ospital.
"Bakit ba ako lapitin nang mga babaeng tanga sa kalsada... tsk!" Inis na bulong niya sa kanyang sarili.
Agad naman siyang nakakita nang ospital kaya binuhat niya ang babae papunta sa emergency. Inasikaso naman agad ito ng mga nurse kaya naghintay na lamang siya sa hallway. At doon na muna naglakad- lakad, naalala na naman niya yung babae na nabundol niya tatlong taon ang nakalipas. Sobra na naman siyang kinakabahan dahil baka kritikal ang lagay nito.
"Sir... kayo po ba ang kasama nung babae na nabundol nang kotse at weird ang pananamit???" Pagtatakang tanong ng nurse sa kanya.
Pero hindi niya maalala kung ano ba ang suot na damit nung babae ang alam niya ay kulay puti lang ang damit nito.
"Ahhh.. kulay puti po ba ang kanyang suot nurse...???" Takang tanong niya rito.
'Opo sir... nakaputi siya at may maamong mukha, para po siyang anghel kung titingna sa kanyang suot at mukha." Nakangiti naman nitong sagot kay Keird Sendo.
"Ahhh,... siya nga yun nurse... Kamusta naman po siya???" Pag- aalalang tanong niya sa kalagayan ang dalaga.
"Ayos naman na po ang kanyang kalagayan, may mga konting galos lang po siya at pasa sa braso." Sagot nang nurse sa kanya.
"Mabuti at okey lang siya." Kalmado niyang sagot.
"Pwede niyo na po siyang puntahan sir... Kung may kailangan po kayo, nasa nurse station lang po ako." Saadnito at ngumiti pa nang matamis kay Keird Sendo.
"Sige nurse... maraming salamat." Pagpasalamat niya sa nurse at agad na pinuntahan ang babae.
Sumilip muna siya dahil gusto niya muna makita kung ano ang ginagawa nito. Mahimbing pa itong natutulog kaya malaya niya itong pinagmasdan. Parang nakita niya ang babaeng ito at may kamukha ang dalaga. Kakaiba nga ang suot nitong damit, yung sinaunang design nang mga bestida na kulay puti at may hawak pa itong pana o palaso. Sobra siyang naiintriga sa babaeng ito. Habang tintigan niya ito ay dumilat ang mga mata nito na napakamaganda dahil natural dito ang pagkamalalmlam at nakangiting mga mata. Nakita na niya ang mga matang ito, hindi lang niya maalala kung saan. O baka kamukha lang niya. Ang ganda at napakaamo anng mukha nito masasabi mo talagang literal ana nghel ang kanyang nakikita. Pagdilat nang mga mata nito ay agad na bumangon ang dalaga at may lumabas mula sa likod nito, parang mga pakpak ang anghel. Na-eengkanto ba siya bakit ganito ang mga ankikita niya, mangkukulam yata tong babae na to at nagpapanggap na anghel, kumbaga nililinlang siya nito. Nang makabangon ang dalaga ay tumingin ito sa kanya at tinawag pa nito ang kanyang pangalan.
"Keird Sendo...???" Tanong ni Alyanah sa lalaking kaharap.
"Bakit alam mo ang pangalan ko ahhh...???" At bakit may ganyan ka sa likod mo...???" Pagtatakang tanong ni Keird Sendo at hinawakan pa ang pakpak nang dalaga.
"Oo naman totoo yan...! Paano hindi ko malalaman ang pangalan mo eh dahil sayo kaya ako itinapong sa mundo niyo!" Galit an sigaw ni Alyanah.
"Hoyyy... babae nababaliw ka ba??? Imbes na magpasalamat ka dahil niligtas kita sa gitna nang kalsada ay sisigawan mo pa ako huh...???" Inis na sabi ni Keird Sendo.
"Dahil sayo pumalpaka ng misyon ko at ang kaparusahan ko ay maging tao." Naiiyak na sabi ni Alyanah.
"Hindi talaga kita maintindihan babae, ni hndi nga kita kilala..." Pagtatakang tanong ni Keird Sendo.
"Isa akong Cupid Angel at misyon ko na panain kayo ni Angela para maging couple na nakatadhana na magmahalan habang- buhay." Ani ni Alyanah na nakayuko lang at sobrang malungkot ang mga mata.
"Sinong Angela yung ex- fiance ko huh...??? Over my sexy body hindi ko na babalikan ang babaeng yun ana naging sa miserableng buhay ko ko miss." Iritableng sagot niya sa dalaga.
"Keird Sendo kayo ang nakatadhana at para muli na akong maging anghel." Pagsusumamo ni Alyanah sa binata.
"Gutom lang yan miss... Okey ka na ba..??? Pwede ka na sigurong idis- charge, bibigyan na lang kita nang pera. Para hindi ka na mahirapan pang mag- modus ahh." Natatawang sagot ni Keird Sendo.
"Paano ako lalabas nito, yung pakpak ko makikita nang mga tao pati na din tong palaso ko. Hindi ko pa alam kung paano ko sila itatago." paliwanang ni Alyanah.
"Miss may konti ka noh..???" Akin na ako magtatanggal niyang costume mong pakpak." Natatawa at napapailing na sagot ni Keird Sendo.
Lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang pakpak nito at biglaang hinugot sa likuran nito. Napasigaw naman sa sakit si Alyanah kaya naitulak niya ang binata.
"Araaayyy... ano bang ginagawa mo! Ang sakit! akala mo ba naka- costume lang ako..." Naluluha na sabi ni Alyanah.
"Hala sorry miss... pahawak nga ulit, totoo talaga itong pakpak mo???" Hindi makapaniwala na sagot ni Keird Sendo at muling lumapit sa dalaga.
"Subukan mong lumapit at sisipain kita, sobrang sakit ang paghila mo.!" Galit an sabi ni Alyanah.
Sabay naman silang napatingin sa pintuan nang may kumatok, kaya hindi nila alam na dalawa kung paano maitatago ang pakpak ni Alyanah. Mabuti na lamang may coat si Keird Sendo kaya agad niya ito hinubad at isinuot agad sa dalaga. Binuksan niya rin ang pintuana t ang doktor pala ang pumasok kasama ang nurse na kausap niya kanina.
"Hi sir... Nagising na ba ang pasyente???" Tanong nang doktor sa kanya.
"Ahh... ehh opo.." Kinakabahan na sagot niya rito.
Nilingon niya ang dalaga at namumutla din ang mukha nito at hindi na mapakali.
Nag- katinginan sila Keird Sendo at Alyanah nang makapasok na ang doktor at nurse sa silid . Tiningnan nito si Alyanah at nginitian. Sobrang lakas nang tibok nang kanyang puso dahil hindi niya alam ang ugali nang mga tao kung mapag- kakatiwalaan niya ba ang mga ito."Gising ka na pala miss... Icheck -up nakita para malaman ko kung kailan ka an pwedeng madis- charge." Naka- ngiting saad nang doktor at ngumiti sa dalagang pasyente.''Tingin ko po doktor... ayos naman po ang aking pakiramdam. Sobrang natakot at ninerbyos lang ako kanina kaya po ako nahimatay sa kalsada." Paliwanag ni Alyanah sa doktor at ngumit nang matamis."Kailangan ka pa rin masuri hija... Sandali lang naman ito..." Ani nang doktor at hinanda an ang stethoscope nito para obserbahan ang pasyente. "Kailangan po ba talaga, maari an apo siguro umuwe." Makulit na saad ni Alyanah, at tumingin kay Keird Sendo at nag- susumamo na tulungan siya nito. Pero walang reaksyon ang binata sa kanya at nakatingin lang sa kanila."Tang
ALYANAH'S POVInabutan siya nang ale nang ibang pagkain bukod sa tokneneng at softdrinks o soda. Ang bagong bigay nito ay calamares ,fishball at kikiam. Masarap naman kaya nilantakan niya iyon at naubos niya lahat dahil sa sobrang gutom niya."Ale busog na po ako." Ani ko sa tindera nang mga pagkain."Mabuti naman Hija... 320.00 pesos lahat. " Sabi nang tindera sa kanya. Dahilhindi niya alam kung magkano ba yun sa limang asul na papel na binigay sa kanya ni Keird Sendo yu ay iniabot niya lahat sa ale iyon."Ito po ale ang bayad ko." Nakangiti pa niya sabi sa ale."Ano ka ba Hija... Huwag mo ilalabas lahat nang pera mo sa ganitong lugar. Maraming masasamang loob ang magatatangka sayo, lalo na sa katulad mo inosente at mukhang anak mayaman." Paalala sa kanya nang ale."Ganon po ba ale... maraming salamat po. Aalis na po ako." Pagpasalamat niya sa babae at umalis na siya para maglakad- lakad at makahanap nang kanyang matutulugan."Hayyy.... ang hirap naman maging tao, dati ang problema
"I'm really sorry..." Malungkot na sagot ni Keird Sendo sa dalaga."Sobrang natakot ako kasi akala ko wala nang tutulong sa akin. Ikaw lang ang kilala ko at yung pangalan mo lang ang tumatak sa isipan ko kaya pangalan mo lang ang naisigaw ko." Humihikbi na saad ni Alyanah na nanginginig pa rin ang katawan sa takot."Huwag mo na akong konsensiyahin... may kapatid din akong babae kaya naisip ko paano kung siya yung nasa sitwasyon mo. Kaya binalikan kita agad." Ani ni Keird Sendo na tumitig lang sa mukha nang dalaga."Maraming salamat kasi binalikan mo ako, gusto ko nang bumalik sa langit. Ang sama nang mga tao." tangi niyang nasambit sa binata."Hayyy... tumigil ka na nga sa pag- iyak mo. Baka akalain nang mga makakarinig ay ako talaga ang nanakit sa iyo." Inis na sabi ni Keird Sendo at napa- buntong hininga na lamang. Tinapik tapik niya pa rin ang likod nang dalaga para kumalma ito."Salamat ulit at pasensiya ka na tlaga kung nagiging pabigat na ako sayo." Mahinang saad ni Alyanah sa bi
Kinalabit at ginising nang manager si Keird Sendo para sabihin na tapos na sila sa pag- aayos kay Alyanah. Agad naman na nagising ang binata at tumingin sa manager na pumupungas pa ang mga mata."Hi sir... pasensiya po kung nagising ko po kayo... tapos na po ayusan si mam Alyanah...." Saad nang manager ng boutique at ngumiti sa biunata."Okey lang... nasaan na siya???" Salubong ang kilay na tanong niya sa babae."Kausap pa po siya ni Sir Alexis sa dressing room pero palabas na din po sila." Sagot sa kanya nang manager."Ano??? Bakit kinakausap niya si Alyanah." Iritable niyang saad at nang- madali na puntahan ang dalaga.Pagdating niya sa dressing room ay naabutan niya nag- uusap ang dalawa at sobra talag siyang nabuwesit dahil ang tamis pa nang ngiti ni Ms. Cupid gayong alam niyang binobola lamang ito ni Alexis. Matinik at magaling mambola itong lalaki na ito, at pinaka- ayaw niya sa lahat ay pina- pakialaman ang kanya. Mine is mine bulong niya sa kanyang sarili. Umuusok lalo ang k
"Wow bagay sayo ang pangalan mo hija, mala- anghel... Ako nga pala si lola Agatha ni Keird Sendo." Masayang sabi ng lola ni Keird at yumakap pa kay Alyanah."Hi po!... lola Agatha" Ani ni Alyanah at gumanti din ng yakap sa matanda."Hmmm... ang bango naman amoy ulap." Pagbibirong sabi ni Lola Agatha."Lola ang oa niyo ah... hindi ka pa po nakakpunta sa langit." Inis na sabi ni Keird Sendo."Gusto mo ba na pumunta na ako sa langit huh apo...???" Pagbibirong sabi ni lola Agatha at nagtawanan naman ang mga kasama nila."Joke lang po lola... kayo talaga oh..." Birong sagot din ng binata sa kanyang lola."Hi ... Alyanah ako naman ang mommy ni Keird Sendo.Tawagin mo na lang akong tita Helga" pakilala ni donya Helga at nagbeso sa dalaga."Nice meeting you po tita Helga." Nakangiting sagot naman ni Alyanah sa mommy ng binata at ngumiti din matapos makipag- beso."Ako naman si Khylee ate Alyanah bunsong kapatid ni kuya Keird Sendo." Magiliw na saad ni Khylee."Hi Khylee...." Pagbati ni Alyanah
ALYANAH'S POVHinihila siya nang lola Agatha ni Keird Sendo at aliw na aliw ito sa kanya. Tuwang tuwa din siya dahil masayang nagsasayawan ang mga ito kasama si Khylee. Nagkakantahan din ang mga ito, ibang- ibang sa ugali ni Keird Sendo na tahimik at laging nakabusangot. Ang mommy Helga, Lola Agatha at kapatid nitong si Khylee ay mga masayahin. Kumakanta ng let's get loud si Khylee habang nagsasayaw ang mommy nito at lola. Siya naman ay naki- join at ginaya niya ang mga steps at pagkendeng ng mga ito. Ang saya niya habang nakikipag- sayawan at nawala sandali ang kanyang problema at naiisip niya hindi naman pala lahat ng mga tao ay masasama. Katulad ng mga kapamilya ni Keird Sendo."Let's get loud! Yeehhh go Lola Agatha and mommy Helga! I- kendeng niyo po! haha" Masayang pagkanta at pagsayaw ni Khylee. "Yeah... yeah.." Ani ni lola Agatha habang gumigiling pa, at nagtawanan naman sila. "Ayyy tapos na ang kanta... nakkabitin naman..." Inis na saad ni Donya Helga dahil natapos na din
Mukhang masisira ang gabi ni Keird Sendo, dahil ang kanyang Lola Agatha, Mommy Helga at bunsong kapatid na siKhylee ay mga lasing at nakatulog na sa lamesa. Idagdag pa si Ms. Cupid...."Oh... Ikalma mo yang saarili mo ahhh... Ako na ang maghahatid sa kanila at ikaw na ang bahala kay Ms. Alyanah...." Saad ni Rovan at isa- isa nito inaba ang pasaway niya lola, nanay at kapatid.Isinakay ng kanyang pinsan ang mga ito sa kanyang kotse. Mabuti na lamang at malaking tao ang kanyang pinsan kaya madali lamang rito ang buhatin ang mga pasaway niyang kamilya... Napakamot na lamang ng kanyang bunbunan si Keird Sendo at humingi siya nang pasensiya sa kanyang pinsan."Couz... pasensiya ka na kila mommy... Madumi pa kasi ang bahay ko kaya wala pa silang pagtutulugan dito. Bukas pa rin ang dating ni yaya Gina." Naiinis niyang sabi kay Rovan at napakamot na lamang siya ng kanyang ulo ng tiningnan si Ms. Cupid na nakayuko sa lamesa."Okey lang... oh sige na mauuna na kami, tatlo pa itong bubuhatin ko.
Nagmulat si Keird Sendo ng kanyang mga mata at nabungaran niya ang magandang mukha na mala- anghel na si Miss Cupid. Na anghel naman talaga, kung araw- araw ganitong mukha ang mabubungaran niya laging buo na ang kanyang araw, kaso ang lakas humiilik kaya napasimangot siya at bumangon na. Tinanggal niya ang kanyang mga braso sa pag- kakayakap sa dalaga. Malamang may hang- over ito pagkagising. Kinumutan niya ito ng maayos. Naalala niya nang binihisan ito kagabi, nag- init na naman ang kanyang katawan kaya agad na siyang pumunta sa banyo para maligo na at baka kung ano pa ang magawa niya sa dalaga. Natapos na siyang maligo pero mahimbing pa rin ang tulog ni Miss Cupid at humihilik pa. Pag- bibigyan niya ito ngayon, siya na muna ang nagluto nang kanilang almusal. Igagawa na din niya ito ng soup para makahigop ito ng sabaw. Nag- sangag siya ng kanin, nag- prito ng itog, ham at bacon at soup para kay Miss Cupid. Nagtimpla siya ng kanyang kape, gatas naman kay Alyanah. Naghain na siya at hi
Nasa mansiyon na si Keird Sendo nang mapansin n iya na walang tao, kaya agad niyang hinanap si Alyanah. Pinuntahan niya agad sa silid nito si Alyanah, pero wala pa rin ang dalaga doon. Kaya agad niyang kinuha ang kanyang celphone at i- dinial ang numero nito at tinawagan ..."Hello po sir Keird Sendo..." Sagot ni Alyanah kanyang boss na tumatawag."Alyanah!... Nasaan ka ba ahhh... Umalis ka ng bahay na hindi man lang nag- papaalam ahh." Galit na sigaw ni Keird Sendo."Pasensiya po sir nandito po ako sa mansiyon ng mga magulang mo. Sinundo po nila ako kanina dahil may may mahalaga daw po kayong panauhin rito. Nandito po ako at tumutulong sa paghahanda." Kinakabahan na paliwanag ni Alyanah."Ako lang ang may karapatan na mag- utos sayo Alyanah! Wala akong pakialam kahit sino pa yang importante na panauhin nila. Dito ka lang dapat sa mansiyon nagsisilbi...!" Galit na sagot ni Keird sa kabilang linya."Pasensiya na po boss... sige po magpapaalam lang ako sa kanila." Mababang boses na saa
"Rovann saan ba tayo pupunta???" Pagtatakang tanong ni Keird Sendo."Couzin... Pupuntahan natin yung shaman o espiritista,, na mag- babalik ng kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan..." Sagot ni Rovann sa kanyang pinsan."Akala ko ba nextweek na natin pupuntahan...??? Gusto ko pang matulog insan. Napuyat ako kagabi nang puntahan natin ang katawan niya na comatose pa." Sagot ni Keird Sendo."Couz.... Hindi tayo pwede mag- sayang ng oras kailangan mailisgtas mo si miss Alyanah. " Pag- kumbinsi ni Rovann sa kanyang pinsan na si Keird Sendo,"Oo nga pala Rovann... pakihintay ako, maliligo lang ako ahhh..." Dito ka lang huwag ka magsasabi ng kahit na ano kay Miss Cupid ahhh..." Mahigpit na bilin ni Keird Sendo kay Rovann."Okey insan... Gets ko... no problem." Agad na sagot ni Rovann sa kanyang pinsan. Umakyat nang muli si Keird Sendo sa kanyang kwarto para maligo at magbihis, pero napadaan siya sa kwarto ni Alyanah, nakadapa itong natutulog sa kanyang kama at nakahantad ang makinis at m
Nasa private office si Keird Sendo ng kanyang mansyon, naalala niya ang kanyang nabundol five years ago. Ang alam niya ay naitago niya ang student id nito , kaya hinanap niya sa kanyang drawer. Ang sabi ng kanyang ama at pinsan na si Rovann ay ligtas buhay ang dalaga na na aksidente na nasagasaan noon. Sobrang lasing siya nung gabi na yun, dahil sa hindi pagsipot ka kanilang kasal ni Angela. Ayaw niya na sana pang balikan ang mga nakaraan pero parang may nag- uutos sa kanyang isip na hanapin muli ito. Agad naman niyang nakita ang id nito, at sobra siyang nagulat dahil ang mga mata ng babae ay naalala niya kung kanino niya rin ito nakita. Mga mata ni Alyannah, mga mata nitong mabibilog at mahaba ang mga pilik mata na animo na laging nangungusap. Napa- isip siya na kung naging anghel ito maaring siya ang naging dahilan upang maging anghel ito. Maaring namatay ito noon kaya naging angel cupid na ito ngayon. Tumulo ang kanyang mga luha may nawalan ng buhay dahil sa kayang kapabayaan. Maar
Nasa grocery store na si Keird Sendo... Para ibili ng napkin si Alyanah pero ang dami palang brand at klase nito meron pang with wings. breatable, night pinili na lang niya yung naalala niyang ginagamit ng kanyang kapatid na si Khylee. Bumili na din siya wipes para kay Miss Cupid. Kahit pinag-titinginan siya ng mga staff at cashiers doon ay wala siyang pakialam, customer din siya na may importanteng bibilhin."Miss excuse me." Saad niya sa cashier na nasa counter, para bayaran na ang kanyang mga bibilhin."Okey sir... One hundredv twenty- eight pesos only." Sagot ng cashier pag-katapos mai- punched lahat ng kanyang bibilhin. "Here's my payment.,..miss" Pag- abot niya sa bayad at kinuha na niya ang kanyang mga pinamili para kay Alyanah."Ang pogi noh at brusko. Ang sweet naman niya sa girlfriend niya, hindi siya nahiya na bumili ng sanitary napkin." Bulong ng cashier sa kanyang bagger. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Keird Sendo, pero derecho lang siyang lumabas sa supermarket
"Okey ka na ba Miss CUPID???" Tanong ni Keird Sendo kay Alyanah. "Opo... Sir okey na po ako, mejoh sinisinok pa rin ako." Sagot niya sa binata. " Tara na punta na tayo sa mall, may bibilhin lang ako." Saad ni Keird Sendo. "Sige po sir Keird..." Sagot niya. Naglakad na sila papunta sa malapit na mall. Nagkakailangan pa sila habang sabay na naglalakad. Nang mahuli sa paglalakad si Keird Sendo ay pinagmasdan niya ang dalaga habang naglalakad, may nakasabay siyang lalaki at tinitingnan nito si Miss Cupid na may pagnanasa. Kaya sinabayan niya ang dalaga at hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinisil pa ang kamay nito. Nilingon niya ang lalaki at sinamaan niya ito ng tingin. Si Alyanah naman ay nagulat sa ginawa nito, kaya napatingin din siya sa tiningnan ng binata. Nakita niya ang isang lalaki na umiwas sa kanila ng tingin. Napangiti naman siya, at hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ng binata at lumapit pa siya rito. "Ahk... ahk..." Pagsinok niya at nahiya kay Keird Send
Nagulat si Keird Sendo nang biglang sumulpot si Rovann at Alyanah sa kanyang private room. Kaya natigil sila ng kanyang katalik na sekretarya ng kanyang kliyente. Naitulak na lamang niya ito nang lumabas na ang dalawa. "Bakit... tapusin na nating Keird, nakakabitin naman." Maarteng sabi ng babae sa kanya."Get dressed and get outside." Inis na sabi niya at tmayo na para magshower saglit bago lumabas sa kanyang opisina. Kumpleto siya sa kanyang private room, may mga damit na din siya roon. Kaya pagkatapos niya mag- shower ay agad na siya nagbihis at lumabas sa kanyang opisina.Sabay- sabay naman napalingon sa kanya ang tatlo, pero si Alyanah lamang tanging manmumula ang mukha. At agad din itong yumuko, at hindi na muli pang tumingin sa kanya."Kalimutan niyo na ang nakita niyo... Let's move-on, hindi ko kasalanan na hindi man lang kayo marunong kumatok." Arogante niyang sabi sa mga ito."Couz... hiatid ko lang si Alyanah at may meeting rin ako. Kaya maauna na ako." Saad ni Rovann at
Nang maputol na ang tawag ng kanyang boss na si Keird Sendo ay agad na siyang naligo at nag- bihis ng kanyang damit. Nag- suot siya ng casual dress na kulay mustard yellow at sandals na kulay beige, dahil papasok siya sa loob ng opisina kaya naglagay siya ng manipis na lipstick sa kanyang labi at press powder. Hindi naman na niya kailangan maglagay pa ng makapal na make- up pero para maging presetable lamang siya. Kinuha niya ang kanyang sling bag na binili din ni Keird Sendo sa kanya pero sabi nga nito na ikakaltas daw sa kanyang sahod. Nang ready na siya ay umalis na siya ng mansyon dala ang briefcase na iniutos ni Keird Sendo sa kanya. Naglakad na lamang siya palabas ng subdivision sa guard na lamang siya mag- tatanong kung saan ba ang sakayan ng taxi papuntang ortigas dahil yun ang address na binigay sa kanya ng kanyang boss."Magandang hapon po mam." Pagbati ng guard kay Alyanah."Hi po kuya Guard... Pwede po ba magtanong, saan po sakayan ng taxi...???" Magalang na tanong ni Alyan
Nagising si Alyanah dahil sa kanyang panaginip, Nabundol daw siya ng isang kotse at nasa isa siyang ospital dahil na- comatose siya ng halos limang taon na. At ang nakita niya na nakasagasa sa kanya ay si Keird Sendo, kaya napa- bangon siya at hinihingal. At nanlaki ang kanyang mga makita nang makita si Keird Sendo na nag- aalalang nakatingin sa kanya. "Sir Keird Sendo.... bakit po???" Naiiyak na tanong niya sa binata."Bakit ano ba ang napanaginipan mo Miss Cupid...???" Pag- tatakang tanong ni Keird Sendo sa dalaga."Bakit niyo po ako binangga ng kotse niyo...??? Kaya po siguro ako namatay!" Galit na sabi niya sa binata at umiyak siya ng umiyak."Alyanah...??? Ano ba yang sinasabi mo...??? Panaginip lang yun, tumahan ka na." Pag- aalalang sabi ni Keird Sendo at lumapit sa dalaga para tapikin ang balikat nito."Parang totoo po ang panaginip ko sir Keird... Na- comatose po muna ako bago bawian ako ng buhay." Malungkot na sabi Alyanah at humikbi." Ikukuha muna kita ng tubig... kumalma
Sinamaan ni Ms. Cupid ng tingin si Keird Sendo atsobrangf naiinis talaga siya sa binata. Kasi hindi niya magawa na gawin ang kanyang misyon na paglapitin ang dalaga dahil lagi siya nadedistract sa gwapong binata. Paano na siya ngayon habang buhay na lang ba siya na magiging tao. Gusto na niya matapos ang kanyang misyon para maging anghel siyang muli at mapunta na sa lugar na walang hanggan atmamuhay nang matiwasay. Pero paano... INIS TANONG NIYA SA KANYANG SARILI... Muli niyang sinulyapan ang gwapong binata, at natatawa lang ito na salubungin ang kanyang mga mata.Agad naman siyang umiwas at at tumingin a lamang sa labas ng bintana na sasakyan. Dahil na sa sobrang pagod at hinila siya ng antok at naka- tulog sa biyahe.Nasa garahe na ang sasakyan ni Keird Sendo pero ang disney angel na kanyang pasahero ay ang himbing ng tulog kaya hindi niya magawang gisingin ito. Dahil naaliw siya na pag- masdan ang dalaga ay kinuha niya ang kanyang celphone at nag- video siya habang mahimbing itong