Agad nilang dinala sa pinakamalapit na ospital ang kanyang nabundol na babae. Inuna sila sa emergency dahil kilala at kasososyo niya sa isang negosyo ang may- ari nito. Nasa hallway sila at naghihintay nang resulta kung ano na ba ang kalagayan nito. Nag- aalala siya para sa babae at nakokonsensiya dahil sa kanyang kapabayaan ay may isang nag- aagaw buhay.
"Damn... nakakaputang -ina na tong buhay ko...! Pwede naman na nabangga na lang bakit may nadamay pa." Na- giguilty na sigaw niya.
"Hoy Keird kumalma ka diyan... may makarinig sayo. Ipapaayos na agad natin to sa sekretarya mo." Ani ni Rovan at muling tumahimik.
Parehas silang wala sa mood at nanhimik na lamang habang nakaupo. At nanghihintay sa resulta nang operasyon nang babae.
"Kayo po ba ang kasama nung babae na nasa operating room???" Tanong ng nurse na dala ang bag nung babae.
"Opo nurse... kamusta na po siya???" Pag- aalalang tanong niya rito.
"Hindi pa po tapos ang operasyon niya at malala po ang kalagayan niya." Malungkot na sagot sa kanya nang nurse.
"Tsk... kawawa naman." Bulong ni Rovan.
"Ito po ang mga gamit niya, pakicheck nalang po at pakihanap po pwede niyang pagkakakilanlan." Saad muli nang nurse at umalis na. Agad naman niya kinuha ang bag nang babae.
Nakita niya rito ang mga id ,kanyang nalaman na graduating student ang dalaga at habang nag- aaral ay nagtatrabaho sa isang fastfood chain. Alyanah Smith, 21 years old, 4th year college at nag- aaral sa St. George Academy. Maganda ito pinaka nakakuha nang kanyang pansin ay ang mga mata nitong malamlam at nagniningning na palaging nakangiti.
"Siya ba yan??? Ang ganda niya ahh... parang anghel at napaaka- amo nang kanyang mukha." Komentio ni Rovan.
"Oo nga yun din napansin mo. Magpinsan nga tayo..." Natawang saad ni Sendo.
"Maghanap ka na nang emergency contact niya diyan para matgawagan na natin at nang maka-uwe na tayo pag dating nang secretary mo. Bukas na lang natin siya muling dalawin." Mahabang sabi ni Rovan na inaantok at pagod na dahil alas- tres na nang madaling- araw.
"Okey sige... ito Mercedes Smith.. baka mama niya ito." Basa niya sa pangalan nang nasa emergency contact nito.
"Akin na ako na ang tatawag .." Ani ni Rovan.
"Sige... salamat." Sagot niya rito.
Nagdial na nang mga numero si Rovan at agad naman na nagring ang nasa kabilang linya.
"Hello po...?" Ani ni Rovan
"Hello po... sino po sila.???" Tanong nang nasa kabilang linya.
"Mam wag po kayo magugulat pero nandito po sa ospital ang anak niyong si Alyanah Smith. Nabundol po siya nang kotse, sa ngayon po ay ginagamot na siya. " Magalang na sabi ni Rovan, at nahabag nang marinig na ang pag- iyak ng ginang sa kabilang linya.
"Sige po pupunta na po ako agad diyan. Pakitext na langsa akin kung saan po ang address nang ospital." Sagot muli nang ginang at madaling pinutol ang kabilang linya.
"Papunta na rito ang nanay niya... Magtago ka pagdating niya, ako na ang bahalang makipag - usap at aakuin ko ang pagdadrive." Kalmadong sabi nang kanyang pinsan.
"Ano...??? Hindi powede ako ang may kasalanan Rovan." Pag- tanggi niya rito.
"Huwag ka na mag- alala hindi ako makukulong. Makikipag- areglo tayo at babayaran lahat nang mga danyos. Hindi pwedeng mabalandra sa publiko ang pangalan mo at mabahiran nang masamang ehemplo. Magwawala ang daddy mo , dahil unang masisira ang kumpanya niyo.... Gusto mo ba yun ahh???" Iritableng paliwanag sa kanya ni Rovan.
"Pero couz... nakakaawa ang babae..." Nakayuko niyang saad.
"Nakakaawa talaga... pero wala na tayong magagawa pa. Ginusto mo ba ang nangyari sa kanya diba hindi naman. Aksidente ang nangyari Keird kaya stop feeling guilt, hindi naman natin siya papabayaan bibigyan din natin anng pera ang nanay niya." Pagkumbinsing sabi ni Rovan sa kanya.
"Okey sige na kayo na ang bahala basta huwag lang pababayaan ang babae at ibigay lahat nang kanyang kailangan. Hindi kaya nang konsensiya ko, kung mamatay siya." Malungkot niyang saad at lumabas naa ng ospital. Sa parking lot na lamang siya naghintay sa kanyang pinsan, agad ding dumating ang annay ng babae. At si Rovan na ang nakipag- usap rito.
Nakipag- areglo naman agad ang nanay nang babae at nagpabayad ng isang milyon. Tiyahin lamang pala ito ni Alyanah, dahil angh totoong ina nag dalaga ay namatay na. Tuso ang ginang kaya isang milyon angh hiningi nitong pera bilang pagpayag sa areglo. Sasagutin din nila lahat nang gastusin sa ospital hanggang sa gumaling ang dalaga. Naawa siya sa dalaga dahil sa nanging kalagayan nito, comatose pa rin ito pero stable na ang kanyang kalagayan. Minsan dinadalaw niya ito sa ospital, maganda ang dalaga ... mala- anghel ang mukha. Gusto niya makita itong dumilt at makita ang mga mata nitong mapupungay na sa picture lamang niya nakita.
Tatlong buwan na din mula nang umalis na sila Angela at John Paul nang bansa. Kahit papano ay nawala ana ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero may dumating na isang problema.
"Keird Sendo... may malaki tayong problema." Hinihingal na sabi ni Rovan.
"Anong magiging problema..??? Maayos naman ang sales nang ating kumpanya." Natatawang saad niya sa pinsan.
"Yung gahaman na tiyahin ni Alyanah, bumalik at nagbanta na kakasuhan ka ...Alam niyang hindi ako ang driver nung gabing yun. At nanghihingi na naman siya nang pera." Naiinis na sabi ni Rovan.
"Gahaman pala ang babaeng yun... Gagawin pa tayong gatasan. tsk..." Inis na sabi ni Keird.
"Alam mo ba na mula nung makuha niya yung isang milyon, kahit kailan ay hindi na siya dumalaw pa sa kanyang pamangkin. At iniaasa na niya lahat sa mga nurse." Mahabang kwento sa kanya ni Rovan.
"Anoing dapat natin gawin... " Tanong niya sa kanyang pinsan.
"Sinabi ko na lahat sa daddy mo, at ang desisyon niya ay ipadala ka muna sa california para asikasuhin ang bago niyong kumpanya roon at para makaiwas ka muna sa problemang toh. " Mahinang boses na sagot sa kanya ni Rovan. Dahil alam nitong ayaw niya sa ibang bansa.
"Haistt... nakakainis naman ang babaeng yun, hindi na nga niya inaalagaan ang pamangkin niya naghuhuthot pa ng pera.... bwesit siya!." Inis na saad niya.
"Lulong sa sugal ang babaeng yun at madami ding utang. Nalaman ko din na hindi nakatira sa kanya ang pamangkin niya. Independent na dalaga si Alyanah, namumuhay mag- isa dahil minamltrato niya nang kanyang tiyahin." Kwento ulit ni Rovan sa kanya.
"Grabe naman ang buhay nang babaeng yun, masama ba siya sa dating buhay niya kaya ganyan kasaklap ang nangyayari sa kanya." Napakunot na lamang ang kanyang noo nang malaman ang tunay na kalagayan nang dalaga.
"Hayyy ewan ko... so sabi ni Tito Fernan sa makalawa na daw ang flight mo, unahan mo na daw umalis bago pa makatunog ang mga kalaban niyo at tulungan yung mukang pera na babae.
Alyanah's POV"Ms. Alyanah congrats sa iyong couple 99!... Isang pares na lang at tapos na ang iyong misyon at makaka- akyat ka na sa paraiso na walang hanggan." Pagbati sa kanya nang kanyang boss C."Salamat po Boss C... Nasa book ko na po ba ang huling couple na aking papanain para matapos na po ang aking misyon...???" Excited niyang tanong sa kanyang mentor at boss dito sa cupid department sa langit."Hmmm... pwede mo nang tingnan at pag- aralan hija. Medyo mahihirapan ka sa dalawang iyan dahil dati na silang magkasintahan at muntik pang ikasal. Pero hindi sumipot ang babae sa kanilang kasal. Kaya nagrebelde ang kawawang lalaki." Mahabang kwento sa kanya ni Boss C."Sobrang challenging yata nito ah... " Kinakabahan na saad ni Alyanah."Yesss... Alyanah kaya goodluck talaga sa iyo, para sa ika- 100 couple para mafinish mo na ang iyong mission." Nakangiting sabi sa kanya ni Boss C."Nakaya ko nga po yung 99 pairs... itong last pair pa po kaya. Syempre kakayanin ko." Mataas ang self c
Kalmado na si Boss C kaya kahit papano ay hindi na kinakabahan si Alyanah. Pero nag- aalala at kinakabahan pa rin siya dahil alam niyang malaki ang kaparusahan na kanyang haharapin."Alyanah... hayyy, paano ko ba ipapaliwanag sayo." Inis na sabi ni Boss C at nagkamot na lamang nang kanyang ulo."Sabihin niyo na po kung ano ang kaparusahan ko Boss C... Tatanggapin ko po anng maluwag." Malungkot na sagot niya sa kanyang mentor."Ang kaparusahan mo ay magiging tao ka at kailang mong matapos pa rin ang misyon mo na magkatuluyan ang couple na yun. Kailangan makumbinsi mo ang lalaki na mahalin yung babae. At sa lupa ka muna , makakabalik ka lamang kung magmamahalan sila nang tunay at wagas." Mahabang sabi ni Boss C."Bakit ko naman po na kailangan pa na maging tao, pwede naman na gawin ko yun kahit cupid pa rin ako diba...???" Inis na tanong niya."Yun ang kaparusahan mo dahil sa pagpalpak nang misyon mo!" Inis din na sagot nang kanyang Boss C."Boss C... baka may iba pa pong option na pag
Nag- katinginan sila Keird Sendo at Alyanah nang makapasok na ang doktor at nurse sa silid . Tiningnan nito si Alyanah at nginitian. Sobrang lakas nang tibok nang kanyang puso dahil hindi niya alam ang ugali nang mga tao kung mapag- kakatiwalaan niya ba ang mga ito."Gising ka na pala miss... Icheck -up nakita para malaman ko kung kailan ka an pwedeng madis- charge." Naka- ngiting saad nang doktor at ngumiti sa dalagang pasyente.''Tingin ko po doktor... ayos naman po ang aking pakiramdam. Sobrang natakot at ninerbyos lang ako kanina kaya po ako nahimatay sa kalsada." Paliwanag ni Alyanah sa doktor at ngumit nang matamis."Kailangan ka pa rin masuri hija... Sandali lang naman ito..." Ani nang doktor at hinanda an ang stethoscope nito para obserbahan ang pasyente. "Kailangan po ba talaga, maari an apo siguro umuwe." Makulit na saad ni Alyanah, at tumingin kay Keird Sendo at nag- susumamo na tulungan siya nito. Pero walang reaksyon ang binata sa kanya at nakatingin lang sa kanila."Tang
ALYANAH'S POVInabutan siya nang ale nang ibang pagkain bukod sa tokneneng at softdrinks o soda. Ang bagong bigay nito ay calamares ,fishball at kikiam. Masarap naman kaya nilantakan niya iyon at naubos niya lahat dahil sa sobrang gutom niya."Ale busog na po ako." Ani ko sa tindera nang mga pagkain."Mabuti naman Hija... 320.00 pesos lahat. " Sabi nang tindera sa kanya. Dahilhindi niya alam kung magkano ba yun sa limang asul na papel na binigay sa kanya ni Keird Sendo yu ay iniabot niya lahat sa ale iyon."Ito po ale ang bayad ko." Nakangiti pa niya sabi sa ale."Ano ka ba Hija... Huwag mo ilalabas lahat nang pera mo sa ganitong lugar. Maraming masasamang loob ang magatatangka sayo, lalo na sa katulad mo inosente at mukhang anak mayaman." Paalala sa kanya nang ale."Ganon po ba ale... maraming salamat po. Aalis na po ako." Pagpasalamat niya sa babae at umalis na siya para maglakad- lakad at makahanap nang kanyang matutulugan."Hayyy.... ang hirap naman maging tao, dati ang problema
"I'm really sorry..." Malungkot na sagot ni Keird Sendo sa dalaga."Sobrang natakot ako kasi akala ko wala nang tutulong sa akin. Ikaw lang ang kilala ko at yung pangalan mo lang ang tumatak sa isipan ko kaya pangalan mo lang ang naisigaw ko." Humihikbi na saad ni Alyanah na nanginginig pa rin ang katawan sa takot."Huwag mo na akong konsensiyahin... may kapatid din akong babae kaya naisip ko paano kung siya yung nasa sitwasyon mo. Kaya binalikan kita agad." Ani ni Keird Sendo na tumitig lang sa mukha nang dalaga."Maraming salamat kasi binalikan mo ako, gusto ko nang bumalik sa langit. Ang sama nang mga tao." tangi niyang nasambit sa binata."Hayyy... tumigil ka na nga sa pag- iyak mo. Baka akalain nang mga makakarinig ay ako talaga ang nanakit sa iyo." Inis na sabi ni Keird Sendo at napa- buntong hininga na lamang. Tinapik tapik niya pa rin ang likod nang dalaga para kumalma ito."Salamat ulit at pasensiya ka na tlaga kung nagiging pabigat na ako sayo." Mahinang saad ni Alyanah sa bi
Kinalabit at ginising nang manager si Keird Sendo para sabihin na tapos na sila sa pag- aayos kay Alyanah. Agad naman na nagising ang binata at tumingin sa manager na pumupungas pa ang mga mata."Hi sir... pasensiya po kung nagising ko po kayo... tapos na po ayusan si mam Alyanah...." Saad nang manager ng boutique at ngumiti sa biunata."Okey lang... nasaan na siya???" Salubong ang kilay na tanong niya sa babae."Kausap pa po siya ni Sir Alexis sa dressing room pero palabas na din po sila." Sagot sa kanya nang manager."Ano??? Bakit kinakausap niya si Alyanah." Iritable niyang saad at nang- madali na puntahan ang dalaga.Pagdating niya sa dressing room ay naabutan niya nag- uusap ang dalawa at sobra talag siyang nabuwesit dahil ang tamis pa nang ngiti ni Ms. Cupid gayong alam niyang binobola lamang ito ni Alexis. Matinik at magaling mambola itong lalaki na ito, at pinaka- ayaw niya sa lahat ay pina- pakialaman ang kanya. Mine is mine bulong niya sa kanyang sarili. Umuusok lalo ang k
"Wow bagay sayo ang pangalan mo hija, mala- anghel... Ako nga pala si lola Agatha ni Keird Sendo." Masayang sabi ng lola ni Keird at yumakap pa kay Alyanah."Hi po!... lola Agatha" Ani ni Alyanah at gumanti din ng yakap sa matanda."Hmmm... ang bango naman amoy ulap." Pagbibirong sabi ni Lola Agatha."Lola ang oa niyo ah... hindi ka pa po nakakpunta sa langit." Inis na sabi ni Keird Sendo."Gusto mo ba na pumunta na ako sa langit huh apo...???" Pagbibirong sabi ni lola Agatha at nagtawanan naman ang mga kasama nila."Joke lang po lola... kayo talaga oh..." Birong sagot din ng binata sa kanyang lola."Hi ... Alyanah ako naman ang mommy ni Keird Sendo.Tawagin mo na lang akong tita Helga" pakilala ni donya Helga at nagbeso sa dalaga."Nice meeting you po tita Helga." Nakangiting sagot naman ni Alyanah sa mommy ng binata at ngumiti din matapos makipag- beso."Ako naman si Khylee ate Alyanah bunsong kapatid ni kuya Keird Sendo." Magiliw na saad ni Khylee."Hi Khylee...." Pagbati ni Alyanah
ALYANAH'S POVHinihila siya nang lola Agatha ni Keird Sendo at aliw na aliw ito sa kanya. Tuwang tuwa din siya dahil masayang nagsasayawan ang mga ito kasama si Khylee. Nagkakantahan din ang mga ito, ibang- ibang sa ugali ni Keird Sendo na tahimik at laging nakabusangot. Ang mommy Helga, Lola Agatha at kapatid nitong si Khylee ay mga masayahin. Kumakanta ng let's get loud si Khylee habang nagsasayaw ang mommy nito at lola. Siya naman ay naki- join at ginaya niya ang mga steps at pagkendeng ng mga ito. Ang saya niya habang nakikipag- sayawan at nawala sandali ang kanyang problema at naiisip niya hindi naman pala lahat ng mga tao ay masasama. Katulad ng mga kapamilya ni Keird Sendo."Let's get loud! Yeehhh go Lola Agatha and mommy Helga! I- kendeng niyo po! haha" Masayang pagkanta at pagsayaw ni Khylee. "Yeah... yeah.." Ani ni lola Agatha habang gumigiling pa, at nagtawanan naman sila. "Ayyy tapos na ang kanta... nakkabitin naman..." Inis na saad ni Donya Helga dahil natapos na din
Inihinto ni Keird Sendo ang kanyang sasakyan sa harap ng gate ng kanyang private resort sa batangas. Siya lang ang nakakaalam ng lugar na iyon dahil ang lugar na iyon ang kanyang safe haven. Kapag gusto niyang magbakasyon at peaceful na moments ay dito siya nagpupunta. May care taker siya dito si Celso na dati niyang kababata, ito rin ang dahilan kaya nalaman niya ang resort na ito. Tinawagan niya ito kanina pa, para ipaalam na darating siya kasama niya ang kanyang asawa. Kaya naghanda na din ito ang ang asawa nitong si Mila."Nasaan po tayo sir Keird...??? Seryosong tanong ni Alyanah sa kanyang masungit na amo."Stop calling me sir Alyanah!" Iritableng sigaw ni Keird Sendo at sinamaan ng tingin ang dalaga. Napatigil na lamang si Alyanah at nanginig ang katawan niya sa takot sa kanyang binatang amo. At napayuko na lamang siya hindi na muli pang tumingin samga mata nito." Pasensiya po... tatandaan ko po." Mababang boses at nanginginig na sagot ni Alyanah kay Keird Sendo. Wala siyang
Nasa mansiyon na si Keird Sendo nang mapansin n iya na walang tao, kaya agad niyang hinanap si Alyanah. Pinuntahan niya agad sa silid nito si Alyanah, pero wala pa rin ang dalaga doon. Kaya agad niyang kinuha ang kanyang celphone at i- dinial ang numero nito at tinawagan ..."Hello po sir Keird Sendo..." Sagot ni Alyanah kanyang boss na tumatawag."Alyanah!... Nasaan ka ba ahhh... Umalis ka ng bahay na hindi man lang nag- papaalam ahh." Galit na sigaw ni Keird Sendo."Pasensiya po sir nandito po ako sa mansiyon ng mga magulang mo. Sinundo po nila ako kanina dahil may may mahalaga daw po kayong panauhin rito. Nandito po ako at tumutulong sa paghahanda." Kinakabahan na paliwanag ni Alyanah."Ako lang ang may karapatan na mag- utos sayo Alyanah! Wala akong pakialam kahit sino pa yang importante na panauhin nila. Dito ka lang dapat sa mansiyon nagsisilbi...!" Galit na sagot ni Keird sa kabilang linya."Pasensiya na po boss... sige po magpapaalam lang ako sa kanila." Mababang boses na saa
"Rovann saan ba tayo pupunta???" Pagtatakang tanong ni Keird Sendo."Couzin... Pupuntahan natin yung shaman o espiritista,, na mag- babalik ng kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan..." Sagot ni Rovann sa kanyang pinsan."Akala ko ba nextweek na natin pupuntahan...??? Gusto ko pang matulog insan. Napuyat ako kagabi nang puntahan natin ang katawan niya na comatose pa." Sagot ni Keird Sendo."Couz.... Hindi tayo pwede mag- sayang ng oras kailangan mailisgtas mo si miss Alyanah. " Pag- kumbinsi ni Rovann sa kanyang pinsan na si Keird Sendo,"Oo nga pala Rovann... pakihintay ako, maliligo lang ako ahhh..." Dito ka lang huwag ka magsasabi ng kahit na ano kay Miss Cupid ahhh..." Mahigpit na bilin ni Keird Sendo kay Rovann."Okey insan... Gets ko... no problem." Agad na sagot ni Rovann sa kanyang pinsan. Umakyat nang muli si Keird Sendo sa kanyang kwarto para maligo at magbihis, pero napadaan siya sa kwarto ni Alyanah, nakadapa itong natutulog sa kanyang kama at nakahantad ang makinis at m
Nasa private office si Keird Sendo ng kanyang mansyon, naalala niya ang kanyang nabundol five years ago. Ang alam niya ay naitago niya ang student id nito , kaya hinanap niya sa kanyang drawer. Ang sabi ng kanyang ama at pinsan na si Rovann ay ligtas buhay ang dalaga na na aksidente na nasagasaan noon. Sobrang lasing siya nung gabi na yun, dahil sa hindi pagsipot ka kanilang kasal ni Angela. Ayaw niya na sana pang balikan ang mga nakaraan pero parang may nag- uutos sa kanyang isip na hanapin muli ito. Agad naman niyang nakita ang id nito, at sobra siyang nagulat dahil ang mga mata ng babae ay naalala niya kung kanino niya rin ito nakita. Mga mata ni Alyannah, mga mata nitong mabibilog at mahaba ang mga pilik mata na animo na laging nangungusap. Napa- isip siya na kung naging anghel ito maaring siya ang naging dahilan upang maging anghel ito. Maaring namatay ito noon kaya naging angel cupid na ito ngayon. Tumulo ang kanyang mga luha may nawalan ng buhay dahil sa kayang kapabayaan. Maar
Nasa grocery store na si Keird Sendo... Para ibili ng napkin si Alyanah pero ang dami palang brand at klase nito meron pang with wings. breatable, night pinili na lang niya yung naalala niyang ginagamit ng kanyang kapatid na si Khylee. Bumili na din siya wipes para kay Miss Cupid. Kahit pinag-titinginan siya ng mga staff at cashiers doon ay wala siyang pakialam, customer din siya na may importanteng bibilhin."Miss excuse me." Saad niya sa cashier na nasa counter, para bayaran na ang kanyang mga bibilhin."Okey sir... One hundredv twenty- eight pesos only." Sagot ng cashier pag-katapos mai- punched lahat ng kanyang bibilhin. "Here's my payment.,..miss" Pag- abot niya sa bayad at kinuha na niya ang kanyang mga pinamili para kay Alyanah."Ang pogi noh at brusko. Ang sweet naman niya sa girlfriend niya, hindi siya nahiya na bumili ng sanitary napkin." Bulong ng cashier sa kanyang bagger. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Keird Sendo, pero derecho lang siyang lumabas sa supermarket
"Okey ka na ba Miss CUPID???" Tanong ni Keird Sendo kay Alyanah. "Opo... Sir okey na po ako, mejoh sinisinok pa rin ako." Sagot niya sa binata. " Tara na punta na tayo sa mall, may bibilhin lang ako." Saad ni Keird Sendo. "Sige po sir Keird..." Sagot niya. Naglakad na sila papunta sa malapit na mall. Nagkakailangan pa sila habang sabay na naglalakad. Nang mahuli sa paglalakad si Keird Sendo ay pinagmasdan niya ang dalaga habang naglalakad, may nakasabay siyang lalaki at tinitingnan nito si Miss Cupid na may pagnanasa. Kaya sinabayan niya ang dalaga at hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinisil pa ang kamay nito. Nilingon niya ang lalaki at sinamaan niya ito ng tingin. Si Alyanah naman ay nagulat sa ginawa nito, kaya napatingin din siya sa tiningnan ng binata. Nakita niya ang isang lalaki na umiwas sa kanila ng tingin. Napangiti naman siya, at hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ng binata at lumapit pa siya rito. "Ahk... ahk..." Pagsinok niya at nahiya kay Keird Send
Nagulat si Keird Sendo nang biglang sumulpot si Rovann at Alyanah sa kanyang private room. Kaya natigil sila ng kanyang katalik na sekretarya ng kanyang kliyente. Naitulak na lamang niya ito nang lumabas na ang dalawa. "Bakit... tapusin na nating Keird, nakakabitin naman." Maarteng sabi ng babae sa kanya."Get dressed and get outside." Inis na sabi niya at tmayo na para magshower saglit bago lumabas sa kanyang opisina. Kumpleto siya sa kanyang private room, may mga damit na din siya roon. Kaya pagkatapos niya mag- shower ay agad na siya nagbihis at lumabas sa kanyang opisina.Sabay- sabay naman napalingon sa kanya ang tatlo, pero si Alyanah lamang tanging manmumula ang mukha. At agad din itong yumuko, at hindi na muli pang tumingin sa kanya."Kalimutan niyo na ang nakita niyo... Let's move-on, hindi ko kasalanan na hindi man lang kayo marunong kumatok." Arogante niyang sabi sa mga ito."Couz... hiatid ko lang si Alyanah at may meeting rin ako. Kaya maauna na ako." Saad ni Rovann at
Nang maputol na ang tawag ng kanyang boss na si Keird Sendo ay agad na siyang naligo at nag- bihis ng kanyang damit. Nag- suot siya ng casual dress na kulay mustard yellow at sandals na kulay beige, dahil papasok siya sa loob ng opisina kaya naglagay siya ng manipis na lipstick sa kanyang labi at press powder. Hindi naman na niya kailangan maglagay pa ng makapal na make- up pero para maging presetable lamang siya. Kinuha niya ang kanyang sling bag na binili din ni Keird Sendo sa kanya pero sabi nga nito na ikakaltas daw sa kanyang sahod. Nang ready na siya ay umalis na siya ng mansyon dala ang briefcase na iniutos ni Keird Sendo sa kanya. Naglakad na lamang siya palabas ng subdivision sa guard na lamang siya mag- tatanong kung saan ba ang sakayan ng taxi papuntang ortigas dahil yun ang address na binigay sa kanya ng kanyang boss."Magandang hapon po mam." Pagbati ng guard kay Alyanah."Hi po kuya Guard... Pwede po ba magtanong, saan po sakayan ng taxi...???" Magalang na tanong ni Alyan
Nagising si Alyanah dahil sa kanyang panaginip, Nabundol daw siya ng isang kotse at nasa isa siyang ospital dahil na- comatose siya ng halos limang taon na. At ang nakita niya na nakasagasa sa kanya ay si Keird Sendo, kaya napa- bangon siya at hinihingal. At nanlaki ang kanyang mga makita nang makita si Keird Sendo na nag- aalalang nakatingin sa kanya. "Sir Keird Sendo.... bakit po???" Naiiyak na tanong niya sa binata."Bakit ano ba ang napanaginipan mo Miss Cupid...???" Pag- tatakang tanong ni Keird Sendo sa dalaga."Bakit niyo po ako binangga ng kotse niyo...??? Kaya po siguro ako namatay!" Galit na sabi niya sa binata at umiyak siya ng umiyak."Alyanah...??? Ano ba yang sinasabi mo...??? Panaginip lang yun, tumahan ka na." Pag- aalalang sabi ni Keird Sendo at lumapit sa dalaga para tapikin ang balikat nito."Parang totoo po ang panaginip ko sir Keird... Na- comatose po muna ako bago bawian ako ng buhay." Malungkot na sabi Alyanah at humikbi." Ikukuha muna kita ng tubig... kumalma