Hello po, sa inyong lahat. Thank you so much po sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa aa story na ito. Sana po ay samahan niyo ako hanggang dulo. Ingat po kayo palagi ^_^
Mhelcah's POV"Baby, what happened? Why are you crying?" Natatarantang tanong sa akin ni Simon. Maaga itong umuwi ngayon."B-Baby, m-may tumawag sa akin." Umiiyak na sabi ko sa kanya habang nauutal pa."Who?" "Hi-Hindi ko kilala. Baby, kilala niya 'yong sumagasa sa tatay ko, kilala niya." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Nasagasaan ang tatay mo?" Tanong niya sa akin."Iyon ang alam ko, tinakbuhan siya no'ng driver.""H'wag ka nang umiyak baby, hahanapin natin ang may-ari nang numero na ito. Para malaman natin kung sino ang sumagasa sa tatay mo.""Salamat baby, hindi ko alam ang gagawin ko. Saglit magluuluto lang ako," paalam ko sa kanya. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin kaya mabilis kong itinago ang sakit na nararamdaman ko."Huwag na baby, sa labas tayo kakain." Nakangiting sabi niya sa akin."Okay baby, magbibihis lang po ako."Nagbihis na lang ako. Gusto ko rin na lumabas ngayon. Hawak kamay kaming naglalakad papunta sa parking lot. Hindi siya gumamit ng kotse dahil mas gusto niyang
Mhelcah's POVTaimtim akong nananalangin para kaligtasan ni inay. Lumabas na ang doktor at kaagad akong lumapit sa kanya."Kumusta na po ang inay ko Doc?" Nag-aalalang tanong ko kay Doc."Sorry, pero hindi na nakasurvive ang inay mo. May pumutok na ugat sa utak niya na naging sanhi ng pagkamatay niya." Saad sa akin ng doktor.Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi ko naproseso sa utak ko ang sinabi ng doktor. "D-Doc, sabihin niyo hindi totoong wala na si inay?""Sorry Miss, pero wala na ang inay mo. Condolence," sabi nito sa akin."Hindi! Hindi totoo 'yan!" Umiiyak na sabi ko.Hanggang sa bumigay ang tuhod ko. Naninikip ang dibdib ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako naniniwala. Mabilis akong tumayo para puntahan si inay. "Inay! Inay! Bakit? Bakit mo ako iniwan?! Bakit? Huhuh!" Umiiyak na tanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi na siya makakasagot pa sa akin."Inay! Idilat niyo po ang mga mata niyo. Bakit?! Bakit?! Ikaw na lang ang meron ako. Pero iniwan mo ako
Mhelcah's POVPagdilat ng mga mata ko ay puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Iyon ang unang tanong ko sa sarili ko."Baby, thank God your awake now." Mabilis na lumapit sa akin si Simon."Bakit ka nandito? Nasaan ako?" Walang emosyong tanong ko kay Simon.Nakita kong napalunok ito. Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Nakita ko na nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Mas nasasaktan ako sa ginawa niya."Nandito tayo sa hospital. Nakita kitang walang malay at dinudugo. Baby, anong nangyayari sa 'yo? Muntikan ng mawala ang anak natin." Umiiyak na tanong niya sa akin.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo? Anak?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Yes baby, you're pregnant. At mabuti na lang nadala kita dito kaagad. Baby, three days kang tulog." Sagot niya sa akin. Ako naman ay napahawak bigla sa tiyan ko. Buntis ako ng hindi ko alam."Umalis kana, hindi kita kailangan dito." Pagtataboy ko sa kanya. Kahit ako hindi ko inaa
Mhelcah's POVLumipas ang mga araw. Wala pa rin akong nging desisyon. Pero ngayon napapaisip na ako na pumayag sa alok sa akin ni Mama Caye. Natatakot kasi ako tuwing gabi, pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin.Nag-iiba na rin ang pakiramdam ko. Nahihilo na ako palagi at palagi na lang inaantok. Wala akong naging balita kay Simon. Hindi na kasi ako nagbubukas ng social media ko at wala na kaming contact sa isa't-isa."Hello po," kausap ko sa selpon ko. "Hello anak, kumusta kana?" Tanong sa akin ni Mama Caye."Mama, nakakaisturbo po ba ako?" Tanong ko sa kanya."Naku! Ikaw talaga, hindi naman. Bakit ka pala napatawag?" Tanong niya sa akin."Tungkol po doon sa sinasabi niyo. Payag na po ako," pagbigay alam ko sa kanya."Talaga?! Thank you anak, ipapasundo kita bukas.""Mama, h'wag na po ako na lang po ang pupunta d'yan." Nahihiyang sabi ko. Nahihiya ako dahil kaya ko naman pumunta doon."Huwag na matigas ang ulo. Ipapasundo kita bukas, sige na matulog kana. Hindi maganda sa buntis ang
Mhelcah's POV "Mom, ihahatid ko na po si Antonette." Sabi ni Simon kay Mama."Mabuti pa nga, Mhel magpahinga kana. Masama sa 'yo ang nagpupuyat." aniya sa akin. Pero no'ng tumingin ako kay Antonette ay halos ibaon na niya ako sa sahig. Nanlilisik kasi ang uri ng tingin niya."Okay po," sagot ko dito bago ako umakyat sa itaas. Binilisan ko ang lakad ko dahil naiilang na ako kay Antonette. Lalo na pinagbabantaan niya ako kanina.Naligo muna ako dahil naiinitan ako. Medyo nagtagal ako sa banyo dahil ang sarap magbabad sa bathtub niya. Paglabas ko ay nagulat ako dahil kakarating lang ni Simon. Nakasuot ako ng bathrobe nakita ko na napaiwas ito ng tingin sa akin. Walang may gustong bumasag sa katahimikan.Nagbihis ako at inayos ko na ang higaan ko sa couch. Hindi ko siya sinulyapan, alam ko at ramdam ko na nakatingin siya sa akin ngayon."Bakit d'yan ka matutulog?""Mas gusto ko dito," sagot ko sa kanya."Okay," maikling sagot niya sa akin. Na para bang wala siyang pakialam.Humiga na ako
Mhelcah's POVLumipas ang mga araw at mga linggo. Naging normal ang lahat sa amin ni Simon. Ngayon ko naramdaman na ang lahat ng pag-aalala niya para na lang talaga sa anak niya na nasa sinapupunan ko. Hindi ko alam pero dito na ito tumira sa Mansiyon.Wala naman akong masabi sa kabaitan ni Mama Caye at nang mga kapatid niya. Sobrang maalaga at mababait silang mga tao. Nakaupo ako ngayon sa kama niya. At si Simon naman ay nagbibihis."Aalis ako ngayon, baka madaling araw na ako makauwi. Huwag mo na akong hintayin," saad niya sa akin."Hindi naman kita hinihintay," sagot ko sa kanya."Hindi daw, alam ko na palagi mo akong hinihintay umuwi." Nakangiting sagot niya sa akin."Hindi kaya!" Napaiwas pa ako nang tingin dahil ayaw kong aminin sa sarili ko na tama siya. Hindi ko puwedeng ipagkalolo ang sarili ko lalo na alam ko na malapit na ang kasal nito kay Antonette.Narinig ko itong tumawa kaya sinamaan ko siyang ng tingin. Madalas ay ganito kami mag-usap. Madalas pa nga nagbibiruan kami.
Mhelcah's POV"P-Pakiusap wag mo akong ha—wakan! Lumayo ka! Lumayo ka!" Umiiyak ako habang pinapaalis ko siya. Hindi ko nais na hawakan pa niya ako."Baby, sorry alam ko, mali ang ginawa ko. Sorry," mahinahon na sabi niya sa akin.Pero hindi ko siya hinayaan na hawakan ako."Ang sama mo! Ang sama mo....!""Baby." Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak ako nang umiyak. Takot na takot ako. Bumalik bigla ang paraan ng pag-angkin niya sa akin.Buong lakas ko siyang itinulak."Huwag mo akong hahawakan!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko na nag-iba ang expression nang mukha niya.Walang pasabi itong lumabas sa banyo. Halos mabingi ako sa lakas ng pagsara niya sa pinto. Naiwan akong walang tigil sa pag-iyak. Nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako. Nakita ko itong nakaupo sa kama namin. Dahan-dahan ang lakad ko dahil natatakot ako baka bigla na naman niya akong galawin.Mabilis akong pumasok sa closet para magbihis ng damit. Pagkalabas ko ay wala na ito sa silid. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hind
Mhelcah's POVKahit na nahirapan akong maglakad ay pinilit kong pumasok sa banyo para maligo. Nagbabad ako sa bathtub hanggang sa naginhawaan ang pakiramdam ko.Lumabas ako at nakita ko na kararating lang ni Ate Nemi. Nagpresenta akong ako na ang magluluto nang agahan namin. Pasalamat naman ako dahil pumayag siya. Hindi pumunta dito si Simon. Simula kahapon ay hindi siya dumalaw."Bakit ka naman niya dadalawin?" Tanong ko sa sarili ko. Oo nga naman, bakit nga ba? Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Ngayon ako nagkaoras na ikotin ang buong bahay.Maganda ang bahay ngunit nakakalungkot dahil mag-isa lang din ako. Mas gusto ko doon sa bahay nila dahil marami akong puwedeng kausapin. Pumunta ako sa likod na bahagi nang bahay. Naisip ko magtamin kaya ako dito."Mhel! Nandito ka lang pala. Pumasok kana sa loob nandito si Sir," saad sa akin ni Ate Nemi.Kumalabog naman ang puso ko. Dumalaw siya. Pero bakit?"Sige po ate, susunod po ako." Sagot ko kay Ate Nemi."Sige, mauna na ako sa 'yo. Su
MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad
WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong
SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang
"Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa
"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my
"What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an
"Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si
Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya