Maraming salamat po sa inyong lahat! Sana po ay patuloy ninyong subaybayan ang kwento na ito. Sana po ay pagkatiwalaan niyo ako, maraming salamat po. Ingat po kayo palagi :) :)
Mhelcah's POVHindi na talaga siya bumalik. Nakakainis lang dahil wala akong ibang nagawang trabaho kakahintay sa kanya. Alas tres na pero wala pa rin siya. Dinampot ko ang papel at ballpen niya. Wala akong choice kundi puntahan siya sa condo niya."Mhel, hindi pa rin ba iyan napirmahan?" Tanong sa akin ni Miss Fhara."Hindi pa po Miss, pupuntahan ko na lang po siya sa condo niya. Hindi na po kasi bumalik," sagot ko kay Miss Fhara."May problema ba kayo?" Malungkot na tanong niya sa akin.Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil personal namin na problema iyon ni Simon."Okay lang kung ayaw mong pag-usapan. Pero sana maayos niyo."Ngumiti na lang ako kay Miss Fhara. Mabilis akong pumunta sa kanya. Naalala ko pa lang ang nakita ko kahapon naiiyak na ako. Pero wala akong choice dahil kailangan ko ang pirma niya. Hindi ko dinala ang card kaya kailangan kong magdoorbell.Naisip ko baka wala siya dito. Umupo na lang muna ako sa labas ng pintuan ng condo niya. Naghintay ako ng
Mhelcah's POV "Wala ka namang laban sa akin, pinipilit mo pa rin." Sabi sa akin nang walang hiyang lalaki. Habang kinakaladkad ako paalis sa banyo."M-Magbabayad ka! D-Dem*nyo ka!" Kahit nahihirapan ako ay pinilit ko na sigawan siya. Pero tumawa lang ito na parang baliw."Hindi mo alam kung ano ang hirap ko para makatakas at puntahan ka. Ang bango mo pa rin kagaya ng dati." Nababaliw na sabi nito habang inaamoy ang buhok ko."Demonyo ka! Ang baho mo! Ang pangit mo!" Patuloy ako sa pagpupumiglas sa kanya at patuloy na umiiyak Ilang sandali pa ay bigla itong bumulagta dahil may humampas sa ulo nito. Medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ko pero alam ko na si Simon ang dumating para sagipin ako. Naamoy ko ang pabango na gamit niya."Baby, you're safe now." Saad niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko."S-Simon," nanghihina ako habang binibigkas ko ang pangalan niya. Pero hindi ko inaasahan na bigla na lang itong natumba sa akin."I love you," mahinang sabi niya bago siya
Mhelcah's POV"Walanghiya ka!" Sigaw ko sa kanya dahil sa inis ko. Binato ko rin siya ng hawak kong ecobag."Baby, stop it!""Siraulo ka talaga! Pagod na pagod ako kakaakyat sa hagdan para lang makarating dito!" Hindi ko maiwasang hindi sumigaw."Baby, sinusubukan ko lang naman.""Anong sinusubukan?!" Pagalit na tanong ko sa kanya "Kung nag-aalala ka ba sa akin," sagot niya sa akin."Eh kung layasan rin kaya kita ngayon?!" Sigaw ko sa kanya. Napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang pagod at inis ko sa kanya. Ang lakas kasi ng trip niya. Hirap na hirap ako para lang makarating dito kaagad pero ang magaling na lalaki. Kumakain lang ng pizza. Napaupo na lang talaga ako sa sahig, nanginig kasi ang tuhod ko. Kung wala lang siyang sugat at siguradong pinaghahampas ko na siya."Baby," tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin."Baby, sorry na po." Sabi niya ulit sa akin. Pero sinamaan ko lang siya ng tingin."B—""Tsk! Tigilan mo ako Simon Blake!" Bulyaw ko sa kanya."Sorry na po kasi
Mhelcah's POV Pagkagising ko ay tulog pa ito. Bumangon na ako para magluto ng almusal. Marami akong gagawin ngayong araw. Maglalaba, maglilinis at aalagaan pa siya. Masarap ang tulog ko dahil sobrang lambot nang kama niya."Hello mom, puwede ka ba magpadala ng mag-aalaga sa ak— call you later mom." Rinig kong kausap ni Simon kay Mama. Gising na pala ito at nagulat ito ng makita niya ako."Good morning, mabuti at gising kana. Mag-almusal na tayo, para makainom kana ng gamot." Nakangiting sabi ko sa kanya."Why are you still here?" Nagtatakang tanong niya sa akin."Dito lang ako hanggang sa gumaling ka." Sagot ko naman sa kanya habang nakangiti."Ayaw mo ba?" Malungkot na tanong ko sa kanya dahil kumunot ang noo niya sa naging sagot ko."Ikaw ang may ayaw diba." Medyo suplado ang dating sa akin ng sagot niya."Wala naman akong sinabi na ayaw ko. Baka nga ikaw ang may ayaw d'yan. Baka naman mas gusto mo na may ibang magbibihis sa 'yo at mag-alaga. Tawagin na ba natin 'yong babae mo. Pahi
Warning Matured content!! R-18+Mhelcah's POV Nawala ang antok ko sa picture na nakita ko. Binabagabag ako nito. Naisipan ko na lang na magluto ng hapunan dahil baka pauwi na si Simon. Siguro ay masyado busy talaga ito ngayong araw dahil hindi man lang siya nakaalalang tumawag sa akin.Kumusta na kaya ang sugat niya? Nakainom na kaya siya ng gamot? Nag-aalala talaga ako sa kanya. Alas otso na ng gabi pero wala pa rin siya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Humiga na lang ako sa couch dito sa sala para hintayin siya. Niyakap ko na lang si Light. Noong nakaraan ay kinuha ko siya sa bahay para isama dito. Simula noong nagkaroon ako ng trabaho ay nawalan ako ng oras sa kanya kaya bumabawi ako ngayon. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako."Baby," rinig kong may bumulong sa tainga ko.Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mapupungay na mga mata ng gwapo kong boyfriend."Bakit ngayon ka lang? Lasing ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya
Mhelcah's POV"Baby, what happened? Why are you crying?" Natatarantang tanong sa akin ni Simon. Maaga itong umuwi ngayon."B-Baby, m-may tumawag sa akin." Umiiyak na sabi ko sa kanya habang nauutal pa."Who?" "Hi-Hindi ko kilala. Baby, kilala niya 'yong sumagasa sa tatay ko, kilala niya." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Nasagasaan ang tatay mo?" Tanong niya sa akin."Iyon ang alam ko, tinakbuhan siya no'ng driver.""H'wag ka nang umiyak baby, hahanapin natin ang may-ari nang numero na ito. Para malaman natin kung sino ang sumagasa sa tatay mo.""Salamat baby, hindi ko alam ang gagawin ko. Saglit magluuluto lang ako," paalam ko sa kanya. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin kaya mabilis kong itinago ang sakit na nararamdaman ko."Huwag na baby, sa labas tayo kakain." Nakangiting sabi niya sa akin."Okay baby, magbibihis lang po ako."Nagbihis na lang ako. Gusto ko rin na lumabas ngayon. Hawak kamay kaming naglalakad papunta sa parking lot. Hindi siya gumamit ng kotse dahil mas gusto niyang
Mhelcah's POVTaimtim akong nananalangin para kaligtasan ni inay. Lumabas na ang doktor at kaagad akong lumapit sa kanya."Kumusta na po ang inay ko Doc?" Nag-aalalang tanong ko kay Doc."Sorry, pero hindi na nakasurvive ang inay mo. May pumutok na ugat sa utak niya na naging sanhi ng pagkamatay niya." Saad sa akin ng doktor.Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi ko naproseso sa utak ko ang sinabi ng doktor. "D-Doc, sabihin niyo hindi totoong wala na si inay?""Sorry Miss, pero wala na ang inay mo. Condolence," sabi nito sa akin."Hindi! Hindi totoo 'yan!" Umiiyak na sabi ko.Hanggang sa bumigay ang tuhod ko. Naninikip ang dibdib ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako naniniwala. Mabilis akong tumayo para puntahan si inay. "Inay! Inay! Bakit? Bakit mo ako iniwan?! Bakit? Huhuh!" Umiiyak na tanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi na siya makakasagot pa sa akin."Inay! Idilat niyo po ang mga mata niyo. Bakit?! Bakit?! Ikaw na lang ang meron ako. Pero iniwan mo ako
Mhelcah's POVPagdilat ng mga mata ko ay puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Iyon ang unang tanong ko sa sarili ko."Baby, thank God your awake now." Mabilis na lumapit sa akin si Simon."Bakit ka nandito? Nasaan ako?" Walang emosyong tanong ko kay Simon.Nakita kong napalunok ito. Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Nakita ko na nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Mas nasasaktan ako sa ginawa niya."Nandito tayo sa hospital. Nakita kitang walang malay at dinudugo. Baby, anong nangyayari sa 'yo? Muntikan ng mawala ang anak natin." Umiiyak na tanong niya sa akin.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo? Anak?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Yes baby, you're pregnant. At mabuti na lang nadala kita dito kaagad. Baby, three days kang tulog." Sagot niya sa akin. Ako naman ay napahawak bigla sa tiyan ko. Buntis ako ng hindi ko alam."Umalis kana, hindi kita kailangan dito." Pagtataboy ko sa kanya. Kahit ako hindi ko inaa
MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad
WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong
SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang
"Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa
"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my
"What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an
"Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si
Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya