“Zach! Anong ginagawa mo rito?” Hindi man niya gustong makita muna ang lalaki, pero nagpapasalamat pa rin siya na dumating ito. Umupo siya mula sa pagkakalugmok. Napangiwi pa siya nang kumirot ang sugat na natamo. Tiningnan ni Zach ang baboy ramong nasa lupa, pagkuwa’y lumipad ang mga mata nito sa kaniya. Mabilis siyang inalalayan nito patayo. “F*ck! May sugat ka!” bulalas nito. Kaagad nitong kinuha sa loob ng bag ang maliit na tela at inikot iyon sa braso niya. Medyo malaki ang hiwa ng sugat kaya kailangan itong hugasan. “Let’s go! Bago pa magising iyan,” muling wika ng binata. Inayos niya ang mga nagkalat na gamit at saka tahimik na sumunod sa lalaki. Nakasalubong nila ang mga kalalakihan na parang may hinahanap. Kinausap ito ni Zach. “Pasensiya na, Sir, nakawala lang sila. Secured naman po lugar na ito,” narinig niyang wika ng isang lalaki. Binuhat ng mga ito ang mabangis na hayop at umalis na. Lumingon ang ninata sa kaniya. “Next time, huwag kang aalis na walang kasama at hin
Nakatulog nang matagal si Katie. Kahit papaano, nakabawi siya ng lakas sa labanang ginawa nila ni Zach. Tiningnan niya ang katabi. Tulog pa rin ito. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ang mabigat nitong kamay ay nakadagan sa kaniya. Punog-puno ng pag-iingat na iniangat niya iyon, pero mas lalo lang humigpit ang yakap niyon sa kaniya. “Sleep again, sweetie. . .” bulong ng lalaki habang nakapikit pa rin. Napangiti siya. Masaya siya sa kung anong mayroon sa kanilang dalawa ngayon. Masaya siyang kasama ito kabundukang iyon— walang labanan, walang putukan, tahimik at purong kapayapaan lang ang hatid sa kalooban niya. Tumingin siya rito. Payapa na muli ang paghinga nito. Nakayakap pa rin ito sa kaniya sa ilalim ng makapal na comforter. The warm coming from his body could calm any storm. Kahit siya kayang-kaya niyong pakalmahin. She looked outside. Tahimik ang paligid. Puro huni ng kuliglig ang tangi lang maririnig sa parteng iyon ng kabundukan. Subalit, may isa pa siyang narinig. Napating
Malamig na haplos ng hangin sa balat ang naramdaman ni Katie. Kinapa niya ang katabing lalaki sa tabi pero wala ito. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Sinag ng araw na tumatama sa pinto ng tent ang bumungad sa kaniya. Tiningnan niya ang sarili. Napangiti siya nang makitang nakasuot na siya ng damit. Ni hindi niya namalayan na binihisan pala siya ng lalaki. Malamang, dahil iyon sa antok at pagod. Bumangon siya at pumunta sa labas. Ipinusod niya ang buhok saka sumandal sa post eng tent. Mula roon ay tanaw niya ang binata na may niluluto. Nakapantalon ito at walang saplot na pangtaas. Namumutok ang mga muscles nito sa dibdib at tumutulo ang pawis. Nakaramdam siya ng pag-iinit sa nakikitang iyon. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang katawan ng lalaki na kagabi ay sinasamba niya. May sumilay na ngiti sa kaniyang mga nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi siya nagsisisi na ito ang unang lalaki na pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae. Bukod sa mga pisikal nitong katangian, paulit
Pagbalik nila sa trabaho, halos hindi pa siya makalakad nang maayos at hinang-hina pa ang kaniyang katawan. Iyon ba namang hindi na siya halos tigilan ni Zach hangga’t hindi sila parehong pagod na pagod. Tsk! Matindi ang lalaki sa kahit na anong klaseng labanan. Nailing na inabala niya ang sarili sa mga dokumentong nasa table ng binata. Nasa meeting ito nang oras na iyon. Hindi na siya sumama dahil sa nararamdaman. Inayos niya ang mga dokumento at inilagay sa tamang lagayan. Maya-maya, bigla siyang nakaramdam ng antok. Gusto niyang pumasok sa loob ng maliit na silid kung saan nagpapahinga ang binata kapag pagod sa trabaho, pero baka biglang may dumating na bisita. Subalit hindi na niya kayang labanan ang antok, kaya nagpasiya na siyang pumasok doon. Bahala na! Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na. Eksaktong lunch break pero mamaya na lang siya kakain pagkagising. Malaya niyang inilapat ang pagod na katawan sa hindi kalakihang kama sa kwartong iyon. Inalis ang sapatos saka
Masiglang sumunod sa mini pantry ang binata saka inayos ang mga plato. Habang inaayos niya ang mga pagkain napatingin siya rito— na titig na titig sa kaniya. “May problema ba?” Tumango ito at kinabahan siya. “Ano iyon?” Lumapit siya at sinalat ang noo nito. Wala naman itong lagnat. Kinabahan siya. Baka may biglang tawag galing sa mga kasama. “May maiitulong ba ako?” At tumabi siya sa binata. “Yes,sweetie! Malaki ang maiitulong mo.” Hinuli nito ang kamay niya at inikot sa leeg niya. “Ang mahalin mo ako ay sapat na,” anito sabay halik sa mga labi niya. Hinampas niya ito sa dibdib. “Ano ba! Hindi naman iyan ang pinag-uusapan natin, eh. Umayos ka nga! Bakit nga? Anong problema?” Huminga ito nang malalim at niyakap siya. Hindi naman na siya nagpumiglas pa. “It’s because I can’t imagine that we are like this. That you are with me. Hindi mo pa man ako sinasagot, parang ganoon na rin. Kaya nga hinding-hindi na kita pakakawalan pa kahit na anong mangyari. I will just wait for your answer.
Nakatitig si Katie kay Zach habang nagsasalita ito sa unahan at nag-d-demo ng mga gagawin nila sa kasong hawak. Kompleto ang buong team. Si Mavy ay nasa kanang bahagi ni Zach. Sina Leigh at Sgt. Tolentino naman ang magkatabi. “We need to close this case as soon as possible. I know we can do it, team. I trust all capabilities with it comes to this. Kaya nga kayo ang mga pinili ko sa misyong ito,” anito sa kanila. “Are you with me?” “Sir! Yes, sir!” Tumayo ang lahat at sumaludo rito. Sumaludong pabalik si Zach. “Dismissed!” Lumabas na ang mga kasamahan niya maliban kay Mavy. “Hi, Baby Katie!” Nag-fist bump sa kaniya si Mavy. “Sgt. Felipe, how’s Cassey?” nakangiting tanong niya. “She’s fine. But I really think she’s pregnant. Not quite sure about it, but I could feel it,” anito na masaya ang mukha. “Talaga?! Masaya ako para sa inyo, Mavy!” Nayakap niya ito nang wala sa oras. May tumikhim naman sa likuran niya. “What is that news, sweetie?” Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap
Matapos ang isang mahabang linggo sa pagtrabaho. Isang mensahe ang natanggap niya kay Zach. “Sweetie, I miss you. Please wait for me.” Nasa final screening ito ng mga bagong sundalo at tatlong araw na silang hindi nagkikita. She missed him so much. Yung parang isang taon na silang hindi nagkikikita. Nasa condo na siya noon at kasalukuyang nagluluto ng hapunan. Umupo muna siya para mag-reply pero biglang tumunog ang cell phone niya. Nakita niya sa screen ang pangalan ng binata kaya mabilis niya iyong sinagot. “Yes, General Silva?” pabirong sagot niya sa tono na kunwaring nagtatampo. “Hi, sweetie. Open the door. Andito ako sa labas,” malambing na wika nito. Napanganga siya sa sa narinig. Hindi niya maipaliwag ang excitement na nadarama. Natatarantang inayos niya ang suot. She was just wearing a pink sando at shorts na umabot sa may hita niya. “Ang bilis mo naman. Akala ko nasa kampo ka pa?” aniya. Hindi siya magkaintindihan sa pagtayo papuntang pintuan. “Nasa parking lot n
Nagising siya na may mabigat na nakadagan sa beywang niya. Halos hindi siya makagalaw sa higpit ng yakap ni Zach sa kaniya. Napangiti siya. Masarap pala sa pakiramdam na katabi mo ang taong nagpapasaya sa iyo. Na pagising mo mukha niya ang masisilayan mo. Nakita niya ang mapayapang pagtulog nito sa tabi niya. Napakagwapo nito kahit saang anggulo tingnan. Ang matangos nitong ilong at ang mga mapupulang labi— na kagabi lang ay baliw na baliw na humahalik sa mga labi niya. Parang na-hypnotize siyang titigan ang mukhang iyon. “Am I still handsome, sweetie?” His husky voice made her heart beat faster. Tumingin siya rito, ngunit nakapikit ito. Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit sa bewang niya. “Good morning, sweetie. Let’s sleep again.” Hinila siya nito paharap at hinalikan sa labi. “Good morning, too. Wala ka bang trabaho ngayon?” mahinang wika niya. “Cancelled. And remember, today is Sunday. Just sleep and relax. . . And then, we’ll get tired again.” Pilyong umibabaw ito
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay