MAGNANIMOUS HEIRS SERIES 1:
MARRIAGE OF CONVENIENCEWRITTEN BY: DEEKEECEECHAPTER ONESERAFINA AREVALONagmamadali akong pumunta sa St.Vincent Hospital nang matanggap ko ang tawag ni papa. Isinugod diumano si mamasa ospital ng mga kapwa nito guro nang bigla na lang itong hinimatay sa kalagitnaan ng kanilang seminar. Dumeritso ako sa reception area pagkarating ko. Hindi ko na naitanong kay papa kung saang kwarto naroon si mama dahil nawalan na ng baterya ang cellphone ko.
“Magandang umaga, miss, saan ang room ni Josefina Arevalo?”
May kung anong tin-ype ang nurse sa computer saka ako muling tinapunan ng tingin.
“Nasa room 405, ma’am,”
“Salamat,”
Mabilis kong tinahak ang kwartong kinaroroonan ni mama matapos kong makapagpasalamat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang ako’y papalapit. Wala akong maisip na dahilan kung bakit hinimatay si mama. Malakas naman ito at walang kahit anong sakit.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni mama, saka ko binuksan ang pinto. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin ni mama nang makita ko siyang nakaupo sa kama habang nakangiting nakatingin sa akin.
“Ma, ano po ang nararamdaman niyo? May masakit po ba sa inyo? Bakit po kayo hinimatay?” Hindi ko mapigilang mapaluha. Ayokong isipin na may malubhang sakit kahit isa man sa kanila ni papa. Iisipin kong hinimatay lang si mama dahil sa pa-iba-iba ang panahon.
Napalayo ako ng kunti kay mama nang may biglang tumikhim mula sa likod ko.
Napalingon ako at nakita kong nakatayo ro’n si papa at isang doktor na sa tingin ko ay doktor ni mama. Tila, may sinasabi ang doktor bago ako pumasok. Hindi lang pala kami ang narito sa loob ng kwarto meron din isang nars na inaayos ang swero ni mama.
“Pasensiya na po,” Paghingi ko ng paumanhin.Tumango naman ‘yong doktor saka muling binalingan ng tingin si papa.
“As what I told you the last time, Mr. Arevalo, Mrs. Arevalo need to stay in the hospital until-“
Hindi natapos ng doktor ang sinasabi nang sumabat si mama na siya namang nakaagaw ng atensyon ko.
“Doc, ayoko ng manatili pa rito sa ospital. Kung mamamatay man ako gusto ko do’n na lang sa amin kasama ang pamilya ko,”
Hindi ko na mapigilang sumabat sa kanila.
“Ma naman, hinimatay lang po kayo dahil sa pa-iba-iba ang panahon. Hindi kayo mamamatay. Pa, pagsabihan niyo nga itong si mama kung anu-ano na lang ang pinagsasabi,”
Ano ba itong pinagsasabi ni mama? Hinimatay lang, mamamatay na agad. Nasobrahan na ata sa kakapanood ng mga teleserye. Mapagbawalan na nga.
Tahimik lang si papa kaya binalingan ko ng tingin si mama na nakangiti lang sa akin.
Kanina ko pa napapansin mula nang pumasok ako ang pananahimik ni papa. Kilala ko si papa, may pagkamadaldal din ito. May hindi ba sila sinasabi sa akin?
“Anak, patawarin mo kami ng papa mo,”Nabaling ulit ang tingin ko kay mama.
“Ayaw ka lang naming mag-alala ng papa mo baka maapektuhan ang pag-aaral mo,”
“Ano po ba ‘yon, ma?Talagang mag-alala ako kung hindi pa ninyo sasabihin sa akin ngayon,”
Nangunot ang noo ko nang magtanguhan silang dalawa. Mariing napapikit si mama saka humugot ng isang malalim na hininga.
“Anak, may sakit ako. May stage 3 breast cancer ako,”
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig. Paano siya nagkaroon ng breast cancer? Wala naman sa pamilya namin ang nagkaroon ng ganyang sakit at ngayon nasa stage 3 na. Ibig sabihin matagal na ito at hindi man lang nila sinabi sa akin.Gusto ko silang sumbatan. Pamilya kami at ang pamilya nagtutulungan pero pinilit ko na lang iniintindi. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na nararamdaman ni mama.
“Pero may pag-asa pa naman na gumaling kayo, ma. Diba, doc? Pwede pa naman natin ‘to madaan sa chemo at gamutan?”
Hindi ko alam kung pwede pa gayun pa man umaasa pa rin ako na gagaling si mama.
“Anak, ayokong sumailalim pa sa chemo. Unti-unting malalagas ang buhok ko n’yan. Ayoko pa namang maging kalbo at pangit hanggang sa huling ilalagi ko rito sa mundo,”
“Ma naman,”
Paano niya nasabi ang gano’n?
“Pero anak, ayoko talagang sumailalim sa chemo o manatili pa rito sa ospital. Gusto ko ng umuwi sa bahay natin at do’n na lang magpahinga kasama kayo ng papa mo,”
“’Yan din ang sinabi ko r’yan sa mama mo, anak. Ayaw talaga niyang magpa-awat,” Sa wakas, kumibo na rin si papa.
“Doc, salamat sa lahat-lahat. Pwede niyo na po bang pirmahan ang release paper ko? Habang tumatagal po kasi ako rito sa ospital ay unti-unti akong nanghihina,” sabi ni mama.
Kung ako langang masusunod gusto kong manatili na lang rito sa ospital si mama nang matutukan ng doktor ang kalagayan niya.
“Sige po kung ‘yan ang gusto niyo, Mrs. Arevalo. Ipapahatid ko na lang sa nars ang release paper niyo. Mauna na po kami,”
“Salamat po, doc,” sabay na sabi ni mama at papa.
Namayani ang katahimikan sa buong kwarto pagkalabas ng doktor at ng kasama nitong nars. Hindi pa rin rumireshistro sa utak ko na may cancer si mama at nasa stage 3 na ito.
Naging mabuti naman akong anak.
Naging mabuting tao.
Pero bakit sa pamilya pa namin kay mama nangyari ‘to?
“Mag-ama nga kayo. Parehong biyernes santo ang mga pagmumukha niyo,”
Nakuha pang tumawa ni mama habang ako ito parang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Ano ba kayong dalawa parang ayaw niyo na ata akong makasama,”
“Mahal naman, hindi sa gano’n iniisip lang namin ng anak mo ang makakabuti para sa ‘yo,”
Pinili ko na lang manahimik sa tabi habang pinapakinggan ang usapan nilang dalawa.
“Salamat at iniisip niyo ang kalagayan ko pero isa lang nais ko ‘yon ay ang makasama kayong dalawa sa nalalabi kong mga araw,”
“Mahal, kanina ka pa ‘wag ka namang magsalita ng ganyan,”
“Serelo mahal, Serafina anak, lagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Mawala man ako sa mundong ito mananatili pa rin ako r’yan sa mga puso niyo,”
Agad kong pinunasan ang pisngi ko nang may luhang tumulo rito at tahimik na lumabas ng kwarto baka maiyak na talaga ako sa susunod na sasabihin ni mama.
=======***=======
Mula nang malaman ko ang sakit ni mama ro’n ko lang napansin ang pangangayayat niya. Anong klase akong anak, hindi ko man lang namalayan ang unti-unting pagbagsak ng katawan niya.
“Baby, ayos ka lang ba? Kanina pa ako nagkukwento rito hindi ka naman ata nakikinig,”
“Pasensiya ka na may iniisip lang kasi ako.,” Sa dami ng iniisip ko nakalimutan kong kasama ko pala si Benedict Cruz. Ang boyfriend ko.
“Iniisip mo pa rin ba ang kalagayan ni Tita?”
No’ng araw na nalaman ko ang tungkol sa kalagayan ni mama agad kong tinawagan si Benedict. Wala kasi akong ibang mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Marahan akong tumango.
“Alam mo, baby, kinausap ako ni Tita no’ng isang araw na dumalaw ako sa inyo. Sabi niya alagaan, po-protektahan at mamahalin daw kita,” Ramdam ko ang panunubig ng aking mata. Si mama naman kasi parang hinahabilin na niya ako kay Benedict.
“Alam mo, baby, kahit hindi pa ‘yon sabihin ni Tita gagawin ko pa rin naman ‘yon. Siyempre, mahal na mahal kita at wala na akong ibang babae gustuhin pang makasama habang buhay,”
Napakaswerte ko sa dinami-dami ng mga babaeng nakapalibot at nagkakagusto sa kanya ako itong pinili at minahal niya.
Kilala si Benedict hindi lang sa university namin pati na rin sa mga karatig university. Isa siyang varsiety player at team captain ng basketball team ng university namin.
“Mahal din kita, Benedict,”
=======***=======
Pagkarating ko ng bahay, agad kong tinungo ang maliit naming harden na nasa likod ng bahay. Paniguradong nando’n na naman si mamaat nagpapahangin.
Naningkit ang mga mata ko nang maabutan ko siyang nagdidilig na naman ng mga halaman niya. May katigasan din ng ulo itong si mama. Ilang beses na namin siyang nahuhuli at pinagsasabihan ngunit ito ginagawa niya pa rin. Mabilis ko siyang nilapitan at kinuha sa kanya ang hose.
“Ma naman, ilang beses ka na naming pinagsasabihan ni papa na ‘wag ng magkikilos-kilos. Paano kung may nangyari sa inyo at wala ni isa sa amin ni papa?”
“Alam mo anak, mali ang papa mo. Sabi niya, nagmana ka raw sa akin, e, maliwanag pa sa sikat ng araw na nagmana ka sa kanya. Minana po sa kanya ang pagiging OA niya,”
“Mama naman, magseryoso po naman kayo,” Nakuha pa talaga niyang magbiro.
“Anak, hindi naman nakakapagod itong ginawa ko at saka hindi ko na magagawa ‘to balang araw,”
Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Simula ng malaman ko ang kalagayan ni mama hindi na naalis sa akin ang pangamba na baka isang araw magising na lang ako na wala na si mama sa tabi ko.
“Nandito na ako, mahal ko,”
Sabay kaming napalingon ni mama sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si papa na may malapad na ngiti.
“Nandito ka na rin pala, anak. Siya nga pala, mahal ko, dala ko ang paborito mong tinapay. Hali na kayo at pagsaluhan na natin ‘to habang mainit-init pa,”
Agad naman lumapit si papa matapos niyang ilapag ang tinapay na dala sa mesa para alalayan si mama.
“Anak, wala ka bang pasok sa sabado?” Tanong ni papa.
“Wala naman po.Bakit po?”
“Gusto ng mama mo na mag-family outing tayo. Matagal na rin ‘yong huling outing natin kaya pinagbigyan ko na baka kasi magtampo na naman,”
Napatingin ako kay mama. Tila, nagniningning ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ni papa.
“Sige po. Saan po ba ang punta natin?”
“Sa beach, anak. Gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan, magswimming at panoorin ang paglubog ng araw,” Nakangiting sabi ni mama. Tila, na-i-imagine na nito ang mangyayari sa outing namin.
“It settled then. Magpapa-book na ako. Maiwan ko na muna kayong mag-ina,’
Bago umalis si papa hinalikan niya muna si mama sa noo. Napangiti ako nang makita ang pamumula ng mukha ni mama.
“Nagba-blush? Ano kayo, ma? Teenager?” Tukso ko kay mama na mas lalo niyang ikinapula.
“’Wag kang maingay r’yan baka marinig ka ng papa mo lalaki na naman ang ulo non at sasabihing patay na patay ako sa kanya,”
“Bakit, ma, hindi ba?” Panunukso ko.
“Correction. Ang papa mo ang patay na patay sa akin,” sabi ni mama.
“Ahem. Anong sabi mo, mahal ko? Ako, patay na patay sa ‘yo?” Nakakunot-noong sabi ni papa.
“Bakit, hindi ba?” Nakataas ang isang ni kilay ni mama habang sinasalubong ang tingin ni papa.
Mayamaya’y naging maamo ang mukha ni papa saka dahan-dahang linapitan si mama.
“Sabi ko nga, ako ang patay na patay sa ’yo,” Pag-amin ni papa sabay yakap kay mama. Gumanti rin ng yakap si mama.
Napagiti ako sa pinaggagawa nina papa at mama. Kahit hindi kami mayaman. Kahit simple lang ang buhay namin. Masaya pa rin ako meron ang mapagmahal na mga magulang.
Sana ganyan din kami ni Benedict pagdating ng araw.
“Bakit tayo lang ang nagyayakap dito, mahal ko? Halika rito anak, group hug tayo,” sabi ni papa.
Mabilis akong lumapit sa kanila at walang alinlangang yumakap sa kanilang dalawa.
=======***=======
“Nakahanda na ba ang lahat? Wala na ba tayong nakalimutan?”
“Wala na po, pa,”
Ngayon na kami aalis papuntang Bantayan Island, Cebu. Nag-research pa talaga si Mama kung saan magandang puntahan na resort. Sinabihan ko si Mama na sa Lapu Lapu City na lang kami. Marami namang magagandang resort do’n hindi pa masyadong malayo at hindi pa siya mapapagod sa byahe pero ayaw niya ro’n dahil kilala na ang mga resort na nando’n at maraming dumadayo. Ayaw naman niya na maraming tao kaya naghanap siya at nakita niya ang isang bagong kakabukas lang na resort sa Bantayan Island.
“O, mahal dahan-dahan lang ‘wag kang masyadong excited,” Natatawang sabi ni Papa habang inaalalayan si Mama na maupo sa passenger seat sa likod ng taxi.
“E, ang bagal-bagal mo kasi baka maiwanan pa tayo ng ruru. Kapag tayo’y naiwan mumultuhin talaga kitang lalaki ka,” Biglang nanahimik si Papa pati ako na nasa likod lang ni Papa.
Ayan na naman kasi si Mama sa mga patutsada niya.
Mayamaya’y nakabawi na rin si Papa, ayaw nitong ipakita kay Mama na nalulungkot siya. Dapat masaya lang ang buong trip naming ito kaya hangga’t maaari pinipigilan namin ni Papa na maging emosyonal sa harap ni Mama.
“Mahal, may isang oras pa tayo bago ang alis ng ruru. Anak, maupo ka na sa unahan nang makaalis na tayo. Itong Mama mo kasi excited na excited na,”
“Hindi ka rin excited? E, hindi mo ako pinapatulog sa kaka-tanong mo kung ano ang mga dadalhin mo,” Sabi ni Mama.
Mula sa rearview mirror nakita kong napakamot na lang sa kanyang batok si papa. Kahit kailan hindi talaga mananalo si Papa sa mga bangayan nila ni Mama.
Lihim ako napangiti. Sana ganyan din kami ka sweet ni Benedict balang araw.
“Fasten your seatbelt, Ma’am, Sir,” Singit ng taxi driver.
=======***=======
Tulak-tulak ko ang wheelchair ni Mama habang si Papa naman ang nagdadala ng mga gamit namin. Isang lingo na rin nang gumamit kami ng wheelchair mabilis na rin kasing mapagod si Mama. Araw-araw unti-unti na siyang nanghihina at nangangayat. Lihim na lang akong umiiyak dahil ayaw naming daghan pa ang nararamdaman ni Mama.
“Anak, bili mo naman ako ng maiinom. ‘Yong paborito kong mogo-mogo, may nakita ako kanina sa vending machine na nadaanan natin kanina sa entrance nitong resort,”
“Sige Ma pero ihahatid na muna kita sa magiging kwarto natin,”
“Nakuha ko na ang mga room cards natin. Hali na kayo,” Sabi ni Papa.
“Room cards? Dalawa po ang kinuha niyong kwarto, pa? Akala ko ba bonding natin ‘to. Bakit hiwalay ako sa inyo,”
“Oo, bonding nating ‘tong pamilya pero siyempre kailangan din namin ni mama mo ng private bonding,” Nakangising sabi ni papa kaya nahampas siya ni mama.
“Anong private bonding ang pinagsasabi mo? Tingnan mo nga ako, ang payat-payat ko na ang pangit-pangit ko pa at saka hindi ka na nahiya sa anak mo,”
“Mahal ko, kahit ganyan na itsura mo, maganda ka pa rin sa paningin ko,” Saka hinalikan ni papa si mama sa noo.
“Mahal na mahal kita,”
Ang cheesy ng mga magulang ko.
=======***=======
Isa sa pinakamagandang tanawin ay ang paglubog ng araw. Kasama ko sina mama at papa sa dalampasigan habang hinihintay namin ang paglubog ng araw. Nakahirig ang ulo ni mama sa balikat ni papa, ang huli naman ay nakaakbay ang kaliwang braso sa balikat ni Mama habang parehong nakaupo sa tela na nilatag namin ni Papa sa buhanginan.
Ang saya nilang tingnan. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila para lang silang teenage couple. Kung kasama lang namin si Benedict, e, hindi ako maiinggit kaya lang may practice sila ngayon. Hindi naman siya pwedeng mawala ro’n lalo na’t malapit na rin ang university league.
Kinuha ko ang kamera ko, gusto ko kunan ang moment na ‘to. Ayaw ni mama na kunan ko siya ng litrato dahil daw ang pangit at payat na niya pero hindi naman niya mamamalayan na kukunan ko sila ni papa dahil pareho silang nakatalikod sa akin.
Pagkatapos ko silang kunan ay tinago ko na ulit ang kamera ko sa bag ko saka lumapit sa kanila.
“Nakakainggit naman kayo, ma, ito nga pala,” Inabot ko kay ang mogo-mogo na paborito niya.
“Salamat, anak. Halika maupo ka rito sa tabi ko,”
Mabilis akong inakbayan ni mama nang maupo ako sa tabi niya.
“Alam niyo, ito ang ikatlong araw na paborito ko,”
Napalingon ako kay mama. Nakangiti siya habang diretso lang ang mga tingin sa papalubog na araw habang si papa naman ay yakap-yakap si mama.
“Siyempre, ang una ‘yong kinasal tayo, mahal ko at pangalawa ay ang ipinanganak kita, anak,”
Bigla ko naalala ang kwento ni mama tungkol sa araw ng kasal nila ni Papa. Muntik na raw hindi matuloy ang kasal dahil biglang hinimatay si mama. ‘Yon pala ay buntis na si mama sa akin. At no’ng ipinanganak naman ako ay wala si papa sa tabi ni mama kaya sinabihan ni mama ang doktor na hindi siya iire hangga’t wala pa si Papa.
“Salamat at pinagbigyan niyo ako sa gusto ko kahit alam kong ayaw niyo ang akong mapagod,”
“Para sa ikakasaya mo, mahal ko gagawin naming lahat ng anak natin,” sabi ni Papa.
“Ma, picture naman tayo,”
“Anak naman, ayo-“
“Ngayon lang naman ‘to, ma. Promise hindi na kita kukulitin at saka tingnan mo ang ganda ng ambiance natin sayang naman kung wala tayong picture,”
“Sige na nga, ngayon lang ‘to. Hindi na ‘to mauulit. Ang pangit-pangit at ang payat-payat ko na,”
“Promise,” Mabilis kong kinuha ang kamera ko baka magbago pa ang isip ni mama.
“Okay. Ready na tayo. One.Two.Three. Say cheese!”
Pinakita ko sa kanila ang picture namin. Hindi ko mapigilang maiyak. Minsan lang din kasi kami magkapag-family picture.
“Tingnan niyo ma, ang ganda ng kuha natin rito. Ang gwapo niyo po rito Pa at maganda rin si mama kung saan ako nagmana siyempre,”
Sabay kaming napalingon ni Papa nang biglang umubo si mama.
“Mahal ko, ayos ka lang ba?”
“Ayos lang ako, mahal ko. Nilalamig lang ako,”
“Gusto mo bang bumalik na tayo sa kwarto natin?”
“Hindi. Hindi pa lumulubog ang araw. Mawawala rin ito. Ang mabuti pa kuhanan mo na lang ako balabal do’n sa kwarto natin,”
Hinalikan muna ni Papa si Mama bago tumakbo pabalik sa loob ng hotel.
“Anak, ikuha mo naman ako ng tubig. Naubos na kasi itong binigay mo kanina,”
“Sige ma, hintayin na muna natin si papa makabalik nang may makasama ka rito,”
“Ayos lang ako, anak. Hindi naman ako aalis dito at saka hindi ka makakaabot sa paglubog ng araw kung hindi ka pa aalis ngayon. Mabilis lang din naman ‘yong papa mo. Mayamaya’y nandito na rin ‘yon,”
Nagdadalawang-isip akong iwan si mama baka may mangyari kapag iniwan ko siya rito. Napalingon ako sa intrada ng hotel. Hindi pa rin bumabalik si Papa.
“Sige na, anak, nanunuyo na ang lalamunan ko,” Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na lang baka mapano si Mama kung hindi ko agad bibigyan ng maiinom.
“’Wag po kayong aalis dito. Babalik din po ako agad,”
Patakbo akong bumalik sa loob ng hotel para kumuha ng tubig.Kailangan kong magmadali walang kasama si Mama at saka ilang minuto na lang lulubog na ng tuluyan ang araw na gusto-gustong makita ni Mama na kasama kami ni Papa.
Nang makuha ako naang pakay ko agad akong bumalik kung saan ko iniwan si Mama.
Biglang nanlamig ang buo kong katawan at nagmistula bato sa aking kinatatayuan nang makita ko mula sa intrada ng hotel na nakahandusay na si Mama sa kinauupuan niya.
“Josefina!” Mabilis na kumilos ang nasa tabi ko at agad dinaluhan si Mama.
SERAFINA AREVALO Isang buwan na ang nakalipas mula nang mamatay si Mama ngunit parang kahapon lang nangyari. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko kung hindi ko sana iniwan si mama mag-isa baka sakaling natulungan ko pa siya at nadala agad sa ospital. “Ginabi na naman po kayo, papa. Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng makakain niyo,” “Tapos na ako. Magpapahinga na ako,” Matabang sabi nito saka dire-diretsong umakyat at pumasok sa kwarto nina ni mama. Simula nang mamatay si Mama lagi na lang gabi kung umuuwi si papa at napapansin kong umiiwas siya sa akin. Kahit hindi sabihin ni papa ramdam kong ako sinisisi niya sa pagkawala ni mama. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang madilim at puno ng mga bituin na kalangitan mula sa maliit na balkonahe ng aking kwarto. “Ma, kumusta na kayo r’yan? Marahil ay masaya ka na kung nasa’n ka man at walang iniindang sakit. ‘Wag po kayong mag-alala sa amin dito ni papa malalampasan din namin ‘to,” ‘Yon talaga ang lagi kong
CHAPTER THREE SERAFINA AREVALO Mabilis na kumalat sa university ang paghihiwalay diumano namin ni Benedict kahit wala pa kaming proper closure. Ang alam ng lahat ay natauhan na si Benedict na hindi talaga kami bagay sa isa’t isa. Mas nababagay sa kanya ang may class na babae tulad ni Kisses. Hindi isang tulad ko na simple lang. Hindi nila alam na matagal na pala akong niloloko nina Benedict at Kisses. Masakit man pero kailangan kong tanggapin lalo na’t nalaman naminng gabing ‘yon na buntis Kisses at si Benedict ang ama. “Bhe, ok ka lang? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ng jowabels mo,” sabi ni Grace Pancho o Grasya, ang babaeng-bakla na kaibigan at ka-trabaho ko rito sa coffee shop. "Ayos lang ako, 'wag ka ng maki-tsismis d'yan baka makita pa tayo ni Sir Gio at baka ma-football pa tayo pareho," May pagka-tsismosa kasi itong si Grasya lalo na sa mga taong sawi sa pag-ibig. "Mamayang off natin. Chicka mo sa akin. I'm all yours," sabi nito sabay kindat. "Anong I'm all yours, Gra
CHAPTER THREE SERAFINA AREVALO Mabilis na kumalat sa university ang paghihiwalay diumano namin ni Benedict kahit wala pa kaming proper closure. Ang alam ng lahat ay natauhan na si Benedict na hindi talaga kami bagay sa isa’t isa. Mas nababagay sa kanya ang may class na babae tulad ni Kisses. Hindi isang tulad ko na simple lang. Hindi nila alam na matagal na pala akong niloloko nina Benedict at Kisses. Masakit man pero kailangan kong tanggapin lalo na’t nalaman naminng gabing ‘yon na buntis Kisses at si Benedict ang ama. “Bhe, ok ka lang? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ng jowabels mo,” sabi ni Grace Pancho o Grasya, ang babaeng-bakla na kaibigan at ka-trabaho ko rito sa coffee shop. "Ayos lang ako, 'wag ka ng maki-tsismis d'yan baka makita pa tayo ni Sir Gio at baka ma-football pa tayo pareho," May pagka-tsismosa kasi itong si Grasya lalo na sa mga taong sawi sa pag-ibig. "Mamayang off natin. Chicka mo sa akin. I'm all yours," sabi nito sabay kindat. "Anong I'm all yours, Gra
SERAFINA AREVALO Isang buwan na ang nakalipas mula nang mamatay si Mama ngunit parang kahapon lang nangyari. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko kung hindi ko sana iniwan si mama mag-isa baka sakaling natulungan ko pa siya at nadala agad sa ospital. “Ginabi na naman po kayo, papa. Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng makakain niyo,” “Tapos na ako. Magpapahinga na ako,” Matabang sabi nito saka dire-diretsong umakyat at pumasok sa kwarto nina ni mama. Simula nang mamatay si Mama lagi na lang gabi kung umuuwi si papa at napapansin kong umiiwas siya sa akin. Kahit hindi sabihin ni papa ramdam kong ako sinisisi niya sa pagkawala ni mama. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang madilim at puno ng mga bituin na kalangitan mula sa maliit na balkonahe ng aking kwarto. “Ma, kumusta na kayo r’yan? Marahil ay masaya ka na kung nasa’n ka man at walang iniindang sakit. ‘Wag po kayong mag-alala sa amin dito ni papa malalampasan din namin ‘to,” ‘Yon talaga ang lagi kong
MAGNANIMOUS HEIRS SERIES 1:MARRIAGE OF CONVENIENCEWRITTEN BY: DEEKEECEE CHAPTER ONE SERAFINA AREVALO Nagmamadali akong pumunta sa St.Vincent Hospital nang matanggap ko ang tawag ni papa. Isinugod diumano si mamasa ospital ng mga kapwa nito guro nang bigla na lang itong hinimatay sa kalagitnaan ng kanilang seminar. Dumeritso ako sa reception area pagkarating ko. Hindi ko na naitanong kay papa kung saang kwarto naroon si mama dahil nawalan na ng baterya ang cellphone ko. “Magandang umaga, miss, saan ang room ni Josefina Arevalo?” May kung anong tin-ype ang nurse sa computer saka ako muling tinapunan ng tingin. “Nasa room 405, ma’am,” “Salamat,” Mabilis kong tinahak ang kwartong kinaroroonan ni mama matapos kong makapagpasalamat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang ako’y papalapit. Wala akong maisip na dahilan kung bakit hinimatay si mama. Malakas naman ito at walang kahit anong sakit. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni