Chapter 4
CALIX POVhindi lubos maiisip ni calix kung Saan nga ba kumuha ng lakas ng loob si Jasmine kung bakit Nagawa pa nitong mag tapat ng nararamdam sa kanya kahit alam nitong nandoon ang kanilang mga magulang. Hindi maiwasang mapa iling na lang si calix habang inaalala ang nangyari kanina. Saan kaba naman kasi naka kita ng babaeng manliligaw sa lalaki. Kahit naman marami nag papalipad hangin sa kanya ay wala pang nag lakas loob sa kanya na lumapit. Tanging si jasmine lang ang nag lakas NG loob na lumapit sa kanya kaya hindi niya maiwasan na ma turn off dito. dahil para sa kanya lalaki ang dapat na manliligaw sa babae. kaya hindi Niya maiwasang hindi mag isip ng hindi maganda dito. maganda naman ito kahit na masyadong revealing ito manamit ay muka parin itong may class. kaya hindi Niya maiwasan mag isip ng hindi maganda dito Lalo na kapag lumalapit ito sa kanya parang daig pa nito ang pakawalang babae kung Maka Asta siguro marami na rin itong karanasan sa kama kaya tila wala na itong pakialam. Pero hindi Niya maiwasan na humanga sa babae kanina. sobrang simple lang ng Ayos nito. at dahil sa kasimplihan nito ay lalong lumitaw ang natural na ganda nito. kaya naman kanina hindi siya na bigla sa hawak nitong bulaklak kundi sa babaeng my hawak ng bulaklak siya nabigla kung titignan kasi ito parang kandidata ito ng ms universe.kumpara ng mga nakakasanayan nitong suotin baka kung siya lang siguro ang magiging boyfriend nito ay baka ma pa away pa siya lagi. kung mag damit kasi ito halos ipangalandakan na yong katawan. Lalo pa siyang nagulat dito nung mag salita ito na gusto daw siyang ligawan parang hindi Niya nagustohan. dahil una sa lahat lalaki siya pangalawa hindi siya Yong tipo na babaeng gusto ko..malayong malayo ito Kay zhavia. kaya napaka imposible magustohan Niya ito.si zhavia ang babaeng mahal Niya. bukod sa mahinhin ito siya pa Lang kung saka sakali ang magiging boyfriend nito. kaya naman si zhavia na ang na pili niyang babae na hihaharap sa altar dahil sa matalino na ito at maganda pa. ilang taon Niya na rin itong nililigawan Pero Ewan Niya ba kung bakit hindi pa siya sinasagot ng babae Pag mag kasama naman sila para na Silang mag jowa kaya naman wala ng nagtatangka pang umakyat ng ligaw dito.dahil weekend na ngayon at pasokan na sa Monday naisip ni calix na kailangan Niya ng mapasagot SI zhavia para tigilan na rin siya ni Jasmine. mukhang hindi ito titigil hangga't hindi na kukuha ang gusto nito. siguro naman Pag na laman na nito na may mahal na siyang IBA titigilan na rin siya nito.. buhat sa malalim na Pag iisip biglang nakaramdam ng gutom ang binata kaya naman napadako ang tingin Niya sa wall clock. 12 noon na rin pala hindi pa siya nag lalunchkaya naman na isipan niyang bumaba na. iiling iling pa siya hindi Niya lubos maisip na magiging problema Niya ang anak ng mga Salazar dahil sa kakaisip dito hindi Niya na napansin ang oras parang kalahating araw Niya yata itong iniisip.palabas na si calix sa kwarto Niya ng makita Niya ang mga kasambahay na nag aayos sa katapat niyang kwarto. wala naman Silang kamag anak na darating kaya nag tataka siya kung bakit inaayos ng mga kasambahay ito."manang merna Anu pong meron at inaayos niyo yang guestroom? tanung Niya dito at dahil hindi siya na pansin nito ay napatalon pa ito sa gulat."ay kabayong bakla! sus maryosep Kang bata ka bakit ba bigla bigla kana lang nagsasalita Jan" napa hawak pa ito sa dibdib na Tila ba malalaglag ang puso nito sa gulat. kaya naman natatawa na lang siya sa naging reaksyon nito"pasensya na po manang merna Anu pong meron bakit niyo nililinis ang guestroom? nagtatakang tanung Niya dahil na paka imposible naman na mga kamag anak nila ang darating dahil tapos na ang bakasyon pasokan na rin ng mga ito."ah yon po ba señorito my darating ngayon na bisita ang iyong mama kaya pinapaayos Niya po ito dahil dito daw po ata mamalagi sa hacienda""bisita? wala yatang na banggit si mommy na my uuwe dito na kamag anak namin."nagtatakang tanung Niya."ay señorito hindi niyo po yata kamag anak.dito po kasi mag iistay ngayon pasokan." mas Lalong kumunot Yong noo Niya kung hindi naman nila kamag anak ang gagamit ng guest room. bakit dito sa loob ng hacienda ito tutuloy marami naman Silang guestroom sa labas ng hacienda kilala Niya ang mama Niya hindi nito pinapagamit ang guestroom Lalo na sa hindi nila kaano ano. kaya naman naguhuluhan man ay na Pag desisyonan na lang Niyang bumaba para tanungin ang mommy Niya.pababa pa lang si calix ay nakita na Niya ang mama Niya na abala sa kausap nito sa telepono kaya naman nung Maka baba ay humarap siya sa mama Niya. parang giliw na giliw ito sa kausap at nang nakita siya nito ay nag paalam aga ito sa kausap."sige iha mamaya na lang tayo mag chikahan bye " masayang paalam ng ina sa kausap nito."oh iho gutom kana ba? halika na sabay na tayo kumain'" anyaya nito sa kanya."ma sino nga pala ang darating na bisita niyo? tanung Niya dito. Pero ngumite lang ito hindi naman sumagot sa tanong niya."ma ! " naiinis na Sambit niya dahil hindi siya sinagot nito. parang hindi Niya rin gusto ang ganung ngiti ng mama Niya parang may pinaplano ito sa kanya."basta iho Alam kung magugustohan mo ang surpresa ko sayo mamaya." sagot nito"ma naman hindi ko Alam kung magugustohan ko ba yan sinasabi niyo sa ngiti niyo pa lang kasi parang kinakabahan na ko" parang my hindi talaga sinasabi ang mama Niya"hahahah basta malalaman mo rin mamaya iho wag Kang masyadong excited " natatawang Sabi pa nito kaya naman hindi na lang siya nag salita at tinapos na lang ang pagkain.dahil nag papasama sa kanya ang mahal Niya na bumili ng mga gamit na gagamitin sa pasokan kaya nagpaalam na siya sa mama Niya na aakyat nang matapos siyang kumain. Pag akyat Niya sa kanyang kwarto ay agad niyang tinawagan si zhavia. sinagot naman agad ni zhavia ang tawag Niya."hi zhav sundoin na lang kita sa Inyo" bungad na tanung Niya sa kabilang linya."sa mall na lang siguro tayo magkita calix nakakahiya naman kung susundoin mo pa ko" nahihiyang Sabi nito. kaya naman Lalo siyang na iinlove dito kasi kahit na hindi ganun karangya ang buhay ng babae kahit minsan hindi ito nagka interest sa yaman Niya.. matagal na Sana siyang sinagot nung babae kung pera lang ang gusto nito sa kanya.."Anu Kaba zhav okay Lang naman saka gusto ko rin naman ito. sige na wag ka ng tumanggi dadaanan na kita Jan" pagpupumilit niya"sige na nga mukhang wala rin naman akong magagawa kung tatanggi pa ko. alam ko naman magpupumilit kapa rin" natatawang Sabi nito"sige zhav see you later iloveyou ""okay calix mag aayos na rin ako bye" paalam nito"bye lang wala man Lang iloveyou too?" nagtatampong tanung niya dito"calix naman""sige na pala kahit kiss na lang"pang aasar Niya dito"sige na nga 💋 muah " sabay patay ng tawag nito.. kaya naman hindi Niya maiwasan mapa ngiti mag Isa. dahil sobrang inosente ni zhavia kaya malayong malayo ito sa mga naging ex Niya dahil halos sa lahat ng naging girlfriend Niya SI zhavia ang naiiba sa mga ito dahil lahat ng naging girlfriend Niya SI zhavia lang ang matagal Niya niligawan samantala Yong iba araw lang ang tinagal ng pangliligaw Niya. Yong iba naman dahil sa pera kaya siya na gustohan.. samantalang si zhavia kahit minsan hindi nagka interest sa pera Niya ayaw nga nito tanggapin Yong mga binibigay Niyang regalo Lalo na pag nalaman nitong mahal. kaya habang tumatagal Lalo siyang humanga sa babae. hindi na rin siya sumasama sa mga Kaibigan para mag bar.. parang simula ng ligawan Niya ito hindi na siya nagka interest pa sa Iba.kaya ng matapos na si calix mag Ayos ay agad din siyang lumabas ng kwarto upang sundoin ang babaeng mahal Niya. pababa na siya ng hagdan ng mahagip ng tingin Niya ang babaeng kinaiinisan Niya. "Anu na naman kayang ginagawa nito dito". tangi nasambit Niya sa sarili. sabay naman napa tingin Yong dalawa sa Kanya."iho buti naman bumaba kana."naka ngiting Sabi ng ina Niya." may lakad Kaba anak?" tanung nito" yes ma sasamahan ko SI zhavia bumili ng gamit para sa darating na pasokan"wala sa sariling Sabi Niya sabay tingin ng masama sa babaeng kasama nito"Tamang Tama iho wala paring gagamiting gamit si Jasmin sa pasokan. ang mabuti pa ay isama niyo na siya para Maka bili na rin siya ng gamit na gagamitin Niya " masayang Sabi nito kaya naman Lalong napa kunot ang noo Niya anung ibig nitong sabihin dito na mag aaral ito"ma hindi pwede lakad namen dalawa to ni zhavia baka mailang lang si zhavia kapag kasama namin siya" naiinis na Sabi niya at ng tignan niya ito my mga dala na maleta ito kaya naman mas lalong nakunot ang noo Niya sa nakita."ma siya ba Yong sinasabi niyo na bisita?" hindi niya na pigilan na magtanung"ay oo nga pala anak dito na pala muna mag stay si Jasmin satin habang may pasok. kasi naman masyadong malayo kung manggagaling pa siya sa Kanila" paliwanag ng ina Niya. wala na rin siya magagawa kapag ang mommy Niya na ang nag desisyon kahit anung gawin tutol niya wala na rin mangyayari kaya naman lalabas na lang Sana siya ng pigilan siya ng mama Niya"anak isama mo na si Jasmin. hindi Niya pa alam ang pasikot sikot dito sa atin" pangungulit nito."wag ka mag alala calix hindi ako makaka istorbo sa Inyo" pang aasar ng babae sa kanya."okay fine sumunod kana at kanina pa naghihintay sakin si zhavia" inis na Sabi niya. kahit ayaw ni calix na kasama si Jasmin ay wala na siyang magawa dahil makulit ang ina Niya kahit anung gawin Niya tutol dito wala din mangyayari kaya naman kahit ayaw Niya kasama ito wala siyang magawa.chapter 5 jasmine POVNauna na SI calix sa sasakyan habang siya ay nag paalam pa sa mommy ni calix. kahit hindi sabihin sa kanya ng lalaki ay nararamdaman Niya na ayaw siyang makasama nito at alam niyang pumayag lang itong makasama siya dahil sa mapilit ang mommy nito. ayaw Niya na rin Sanang sumama dahil my IBA itong kasama. at hindi Niya rin alam kung kaya Niya bang pigilan ang sarili Niya Lalo na kung may ibang lalapit Kay calix. Pero kailangan Niya rin bumili ng mga gamit na gagamitin Niya sa pasokan. dahil kasama nga ito sa plano Niya ang mag pasama Kay calix. hindi Niya naman akalain mauunahan siya ng zhabruha na yon. "ah tita mauna na po kami." sabay beso dito"sige na iha baka mag bago pa ang isip ng bata na yon at baka iwanan kapa "pagatataboy nito sa kanya kaya naman papangiti na lang siya dahil masyadong supportive ang mommy nito para sa kanya."sige po tita aalis na po kami" paalam Niya dito "sige ingat kayo" sabay bulong ng" galingan mo ha" natatawang bulong nito. natu
chapter 6Jasmine POVNang makapasok si jasmine sa loob ng hacienda ay agad siyang umakyat sa magiging kwarto Niya. pagka pasok sa kwarto ay nag shower agad siya upang kahit papano ay mabawasan ang init ng ulo Niya. sa buong buhay Niya ngayon lang siya na pahiya ng ganito. nasana'y siya na tinatratong prinsesa kaya naman hindi Niya matanggap na ganun siya tratohin ni calix. kaya sa sobrang inis ay nagsisigaw siya sa loob ng banyo" nakakainis ka calix Anung akala mo ganun lang ako kadali sumuko! hindi ako titigil ang hangga't hindi napapa sakin ang gusto ko!" at nang matapos na si jasmine magshower ay agad din siya dumiretso sa walk in closets Niya upang maka Pag bihis .dahil sana'y siyang naka cottonshorts at spaghetti straps hindi na siya nag susuot pa ng panty at bra dahil nasa bahay lang naman siya. nang maka Pag bihis na ay nahiga muna siya sa kama. ayaw Niya pang bumaba baka nandun pa SI zhabruha. dahil sa sobrang pagod at stressed ay agad din naka tulog si jasmine na aling punga
Chapter 7Jasmine POVKINABUKASANmaagang nagising si jasmine upang Maka sabay papasok Kay calix. pinabalik Niya kasi sa Mansyon ang kotse Niya para makasabay na siya lagi Kay calix sa Pag pasok at Pati na rin sa Pag Uwe. dahil kapag nakita ng lalaki na my kotse naman siya malamang sa malamang hindi siya isasabay nito kaya naman naisip ni jasmine na ipabalik na lang sa Mansyon ang kotse Niya .ang saya saya ni jasmine habang nag bibihis siya. tumapat pa siya sa salamin upang Pag masdan ang sarili. natuwa naman siya sa ayos Niya kahit na simpleng pulang dress lang ang suot Niya at hindi lalagpas sa tuhod ang tabas nito. simple lang ang design ng dress na suot niya Pero kapag siya na ang may suot nag mumukang elegante tignan. nagpahid lang siya ng lipstick sa kanyang labi. kahit hindi kasi siya mag make up ay lumalabas na ang natural na ganda Niya Kaya lipstick lang sapat na sa kanya. ng masiyahan na sa kanyang ayos ay kinuha na Niya ang bag Niya at bumaba na. bago bumaba SI jasmine ay n
chapter 8 CALIX POVhindi akalain ni calix na parehas sila ni jasmine ng kursong Kinuha. dahil kung titignan ang dalaga ay wala sa itsura nitong mag patakbo ng Isang negosyo dahil malayong malayo sa personalidad nito ang mag patakbo ng isang negosyo. mukang sinasadya lang talaga ng dalaga na mapalapit sa kanya. dahil narinig Niya ang kanyang magulang na nag uusap tungkol sa babae. narinig niyang ayaw daw ng babae na mag stay sa Pilipinas dahil unang tapak pa lang daw nito sa Pilipinas ay parang gusto na nitong bumalik sa abroad. mukang na love at first sight daw ang dalaga sa kanya kaya na Pag disesyonan daw nito na dito na lang daw sa Pilipinas taposin ang Pag aaral. hindi rin naman lingid sa kaalaman niyang gusto rin siya ng dalaga. Pero ang hindi Niya inaasahan na Pati ang kursong Kinuha Niya ay ayon din ang kursong Kinuha ng babae upang malapit lang ito sa kanya. kaya naman Yong nakita Niya itong palapit sa Kanila ganun na lang ang galit Niya Lalo na nung makita niyang may kasama
CALIX POVSobrang lapit ni jasmine sa kanya parang Isang maling Pag lingon lang Niya ay siguradong mag tatagpo ang kanilang labi. kaya naman sa inis Niya ay inusog Niya ng bahagya ang kanyang upuan upang kahit papano Makalayo Kay jasmine hindi Niya alam kung San kumukuha ito ng lakas ng loob kanina lang ay masasakit na salita na ang binitiwan Niya dito Pero parang baliwala Lang Kay jasmine."ah siya nga pala calix baka Maka limutan mong sayo ako sasabay pauwe" paalala nito "mag pa sundo kana lang sa driver" naiiritang sagot Niya."hindi pwede dahil sinabi ko na sa Kanila kanina na sayo ako sasabay pauwe" kaya naman Lalong na kunot ang noo Niya."pwes mag lakad ka pauwe kung ganun" "bakit ba parang ilag na ilag ka sakin? tanung nito sa kanya"mahirap ba talagang intindihin na ayoko lang talaga sayo!?" naiinis na Sabi Niya dito "oo para sakin hindi ko maintindihan kung anung mali sakin'. dipendi na lang siguro kung bakla ka?" naghahamon na Sabi nito. hindi Niya alam kung bakit para s
JASMINE POV Nang magising si jasmine ay halos sobrang dilim ng paligid Niya dahil sa sobrang pagod ay hindi Niya namalayang naka tulog na pala siya. kaya naman ng buksan Niya ang ilaw ay nahagip ng tingin Niya ang isang papel sa ibabaw ng side table Niya. tinignan Niya pa ang naka sulat sa papel na oplan pikot Niya para Kay calix .halos lahat kasi ng plano niyang the moves para sa lalaki ay naka sulat don nag search pa siya sa Google kung pano Mangligaw. kaya naman nung maalala niya ang Pag nakaw ng halik dito kanina hindi Niya alam kung San siya kumuha ng lakas ng loob na gawin yon Kay calix . sa totoo lang si calix pa lang ang nahalikan Niya kaya hindi Niya alam kung bakit na gawa Niya yon kanina.hindi Niya naman sana gagawin yon Kay calix kanina napikon lang kasi siya dito. tapos sabihan pa siya nitong hindi siya hahalikan nito kaya imbles na mainis siya dito ay nagkaron pa siya ng ideya sa sinabi nito kaya naman lakas loob Niyang siniil ng halik si calix at nang maramda
CALIX POVHating Gabi na hindi parin Maka tulog si calix hindi mawala sa isip Niya ang kalapastangan ni jasmine hindi Niya parin lubos na maisip na kayang gawin ng babae sa harap ng maraming tao yon. gustohin Niya Man matulog hindi siya makatulog dahil kada ipipikit Niya ang mga mata niya mukha ni jasmine ang nakikita Niya. dumagdag pa sa iniisip Niya ang binilin ng mama Niya. alam ni calix na plano ng mama Niya ang mapa lapit siya sa babae. kaya halos lahat ng driver sa hacienda ay sinama nito na papansin Niya rin na halos hindi na umuuwe ang mga ito. parang sinasadya ng mga ito na magkasama sila ni jasmine. at dahil sinama nito lahat ng driver nila wala siyang choice kundi isabay si jasmine sa Pag pasok at sa Pag Uwe. kaya naman pilit Niya ipinikit ang mata Niya upang makatulog na dahil ala una na ng umaga dilat na dilat pa siya.hindi alam ni calix kung anong oras na siya naka tulog. Pero alam Niyang Umaga na siya naka tulog dahil mahapdi ang mata Niya paggising kaya naman walang
JASMINE POVhindi alam ni jasmine na may kumuha pala ng video sa Kanila ni calix at hindi pa nakontento ang kumuha nito Nagawa pang ipost kaya naman ganun na lang ang galit ni calix sa kanya. kanina lang ay galit na galit na sa kanya ito bago umalis sa mansyon dahil sa nakita nitong oplan pikot na ginawa Niya. hindi niya naman Alam kung pano na punta sa lalaki yon . basta ang alam Niya lang ay naitapon Niya na yon dahil lahat naman kasi ng plano Niya don palpak. kaya naman Yong makita Niya SI calix na palapit sa kanya ay Akala Niya ay hihingi ng tawad ito sa Kanya. Pero nag kamali siya halos hindi Niya na makilala ito kanina dahil sa sobrang galit nito sa kanya parang hindi na SI calix ang kaharap Niya. kung hindi pa dumating ang mga Kaibigan nito baka kung Anu ng Nagawa sa kanya nito. ganun na ba talaga kalaki ang Nagawa niyang Mali sa lalaki upang magalit ng ganun ito sa kanya? "Jas I think kailangan mong pumunta ng clinic para naman hindi magkapasa ang braso mo" nag aalalang Sabi
ZHAVIA PO THIRD PERSON "hello Mike!" tawag ko dito habang nasa kabilang Linya. "yes darling" malambing na sagot nito "nagawa mo na ba Yong mga pinapagawa ko sayo?" "naka bili na ko ng gamot na ilalagay natin sa inumin ni calix may naka usap na rin akong tao na mag hahatid sa kanya sa kwarto Niya mamaya habang nagsasaya ang lahat"mayabang na Sabi nito. "siguradohin mong ma Pag kakatiwalaan ang dalawang yan! dahil Pag pumalpak tayo ay mawawalan na ko ng pagkakataon nagawin ito!" sermon ko dito. "para saan ba kasi to? ikakasal na rin naman kayo bat kailangan mo pang gawin to daig mo pa ang ma mimikot ih" naiiling na Sabi nito "nakakalimutan mo na ba na ilang beses mo na Kong inangkin! "pagalit na Sabi ko "Anu naman"parang wala sa sariling sagot nito. "my god Mike hindi Kaba talaga nag iisip hindi pwedeng malaman ni calix na hindi na ko virgin! dahil ang alam Niya ay disenteng babae ako"pagalit na Sabi ko. hindi naman nito na pigilan na magpakawala ng malulutong na hal
JASMINE POV Naka layo na lahat lahat SI calix Pero hindi pa rin ako Maka Alis sa kinakatayuan ko. hindi ko siya magawang sundan dahil alam Kong galit na galit siya kitang kita ko un sa mga mata Niya. "Iha "sabay lapit sakin nakikita Kong naawa na SI mommy sakin. "mom gusto ko lang pong humingi ng tawad Kay calix kung Anu man po Yong maling nagawa ko. Pero pano ko gagawin yon kung sa tuwing makikita Niya ko ay mas Lalo siya nag liliyab sa galit" naiiyak na daing ko Kay mommy. "ssshh Tama na wala Kang kasalanan alam Kong kami ang nag kamali kaya kayo nag ka ganyang dalawa." sabay himas sa likod ko. "Pero mom gusto Ko lang naman humingi ng tawad para bago Sana ako umali-" "what! " gulat na Sabi ni mommy. hindi ko na rin na tuloy Yong sasabihin ko sa kabiglaan ni mommy Kagabi ko pa kasi na Pag isipan na bumalik na lang ng Hongkong upang maging masaya na SI calix. Pero bago pa ko mag salita ay biglang nagtilian ang mga tao sa labas na para bang kinikilig ang mga ito. kaya
CAlIX POV hindi ako mapakali ngayon araw. ngayon ang araw ng graduation namin ito rin ang araw na hinihintay ko dahil ngayon araw ko plano mag proposed Kay zhavia. makaka graduate na kami at ako na ang mag mamanage ng Isang business namin Alam kung kaya ko ng buhayin SI zhavia o kahit ang pamilya nito. Alam kung hindi papayag SIla mommy at daddy na kopkopin ko ang pamilya ni zhavia Pero Alam kung Pag kasal na kami ni zhavia wala na Silang magagawa sa magiging desisyon ko Lalo na ngayon nanunuluyan lamang pansamantala sila zhavia sa malayong kamag anak nila naki usap lamang kami na pansamtala muna sila don habang wala pa kaming nakikitang maayos na malilipatan nila. ayaw naman pumayag ni zhavia na sa condo ko tumuloy dahil baka Anu na lang daw ang iisipin sa kanya ng mga tao at ng mga magulang ko. alam ko kung ganun ka conservative SI zhavia kaya Lalo akong humahanga sa kanya. Kring Kring biglang Pag tunog ng selpon ko agad ko naman itong tinignan kung sino ang tumatawag sakin.
JASMINE POV Nangmaka labas SI tita Elizabeth muling bumalik ang mga nangyari kanina. kahit anung pilit kung Alisin sa isipan ko ang mga nangyari ay kusa itong bumalik. ngayon naiintindihan ko na lahat kung San nag mumula ang galit ni calix sakin. ang lahat pala ng mga magandang pinakita Niya sakin ay pawang kasinungalingan ang buong Akala ko ay natutunan na Kong mahalin ni calix Pero bigo ako. kung kailan malapit na ang fiesta doon pa nangyari ito. alam ko Rin na kapag tungkol sa business ang Pag uusapan hindi ko na mababago ang isip ng aking mga magulang kaya kahit mag makaawa ako sa kanila na wag ng bilhin ang lupain nila zhavia wala rin Mang yayari. kinabukasan hindi ko Alam kung pano ako naka tulog dala na rin siguro ng labis na Pag iisip kaya hindi ko na Malayan naka tulog na rin ako. babangon na Sana ako para Maka Pag shower ng biglang my kumatok sa pinto. " Iha gising kana ba?" tanung ni mommy kaya wala akong nagawa kundi tumayo upang Pag buksan ito. " ah Iha alam
JASMINE POV"anung ibig mong sabihin?" naguguluhang tanung ni calix."babe wala na kaming ma tutuluyan! Binili na ng mga salazar ang lupa namin. Tumawag sakin si nanay at may pumunta daw na abogado sa bahay at nag bigay daw ito ng palugit samin. Calix hindi ko na alam ang gagawin ko wala kaming kamag anak dito." umiiyak na sabi ni zhavia. " hindi yan totoo!" Palaban na sabi ko dahil alam Kong gumagqwa lang ito ng dahilan Upang kamuhian na naman ako ni calix" alam kung nagpapa awa ka lang sa harap ni calix! "" pwede ba jasmine tumigil kana! Alam ko naman na ginagawa mo lang ito dahil gusto mong mag kalayo kami ni calix! Pero kung may galit ka sakin Wag mo naman sanang idamay ang mga pamilyal ko" naiiyak na sabi nito. "Ibang klase ka talaga ang galing mo talagang umarte." naiiritang sabi ko. "kung biro lang para sayo ito jasmine sakin hindi! Kapakanan na ng magulang ko ang naka salalay dito! Sige kung ginagawa mo ito dahil gusto mo si calix sige ngayon din mismo makiki pag break ak
JASMINE POVhindi ko akalain na magpang aabot pa kami ni zhavia. ang tagal Kong naghihintay sa kwarto ni calix kaya ng mainip ako ay na Pag desisyonan kong bumaba na nag babakasali akong gumawa ng paraan SI Calix upang mailayo SI zhavia Pero nag kamali ako. alam Kong somobra ang galit sakin ni calix ngayon kitang kita ko sa mga mata nito kanina bago ako umalis. kaya habang pauwi hindi ako mapakali pano kung lumayo na naman sakin SI calix dahil sa nangyari kanina. hindi ko naman gustong patulan SI zhavia kanina hindi ko lang din nagustohan ang mga pinagsasabi nito. kaya nang nasa kwarto na ko hindi pa rin ako mapakali. ngayon pa lang kami nagiging okay ni calix at mukang hindi na rin kami magiging okay pa.KINABUKASAN Napabalikwas pa ko ng bangon ng biglang tumunog ang alarm halos pupungas pungas pa ko ng mata dahil pakiramdam ko ay kakapikit ko lang. sa sobrang kakaisip ng Mang yayari mamaya inabot na ko ng Umaga. kaya kahit mahapdi pa ang mata ko ay agad akong nag asikaso upang Maka
CALIX POV Dali Dali akong bumaba upang puntahan SI zhavia hindi ko Alam kung bakit ngayon pa ito pumunta dito kung kailan nasa kwarto ko pa si jasmine wala naman kaming ginagawang masama ni jasmine Pero alam kung hindi nito magugustohan Pag na laman nitong nasa kwarto ko SI jasmine. ng Maka baba agad ko itong nilapitan."babe!"tawag ko dito."babe kamusta Kana okay kana ba?"nag aalalang tanung nito.."ah oo babe medyo okay na ko"pinagpapawisan na sagot ko."nag alala ako kanina ng hindi ka dumaan sa bahay kala ko kung na pano kana"sabay hawak nito sa magkabilaang pisnge ko."okay na ko babe. wag Kang mag alala. medyo masakit na lang yong ulo ko."pagsisinungaling ko."uminom kana ba ng gamot?""hindi pa Pero dahil nandito kana okay na okay na ko"."ikaw talaga" sabay hampas sa dibdib ko."siya nga pala babe. hindi ba may duty ka ngayon?"tanung ko dito."oo Pero nag paalam naman ako na mag halfday na lang." sagot nito."paano pala yan babe hindi ma bubuo ang sahod mo ngayon araw." "ok
JASMINE POVHindi ko akalain na masasaksihan ko pa ang ganung tagpo nila calix at zhavia. Mukang pumalpak na naman ang plano ko sinadya ko pa naman na hindi mag pasundo kay mang istong Upang kay calix na lang sumabay pauwi. Hindi ko naman akalain ng lumapit ito sa akin ay parang nagseselos ito kay xian kaya naman ma's lalo ko pang inasar ito. Kaya ng sinabihan ako nitong mabaho ang hininga ko ay agad ko itong sinunggaban ng halik. At doon ko na patunayan na may nararamdaman na ito sakin dahil ng ititigil ko na ang paghalik dito ay agad akong pinigilan nito kaya ang mapang asar na halik na ginawa ko ay naging malalim. Kaya pareho naming hindi na malayan na naka lapit na pala samin si zhavia. halos sumabog SI zhavia sa sobrang galit. Pero dahil kaharap nito SI calix kaya naka Pag timpi pa ito imbles na susugod Sana ito sa akin ay mas pinili na lang nitong umalis kaya naman agad itong hinabol ni calix. imbles na sasabay ako sa kanila pauwi dinistansya ko na lang muna ang sarili ko. kaya n
CALIX POVAgad akong sumilip sa labas ng office ng makita Kong dumating sila jasmine at si xian. Hindi ko akalain na magiging maayos ang plano ko. Buong akala ko mag wawalk out si jasmine pag na laman nitong si xian ang makakasama nitong kumain. Halos hindi pa naman ako mapakali dahil iniisip ko anu mang oras ay susugod sakin si jasmine dahil sa ginawa ko. Pero nag kamali pala ako.Tok! Tok! Tok!Halos ma gulat pa ko sa biglang pag katok ng aking secretary. "sir nanjan po si Mr Lee sa labas papasukin ko na po ba?" tanung nito."paki sabi na lang nasa meeting ako." pagdadahilan ko. Ewan ko ba parang hindi ko gustong maka usap ito alam kong wala itong Ibang sasabihin kundi ang nangyari kanina sa date nila ni jasmine."okay po" sagot nito saka tuluyang lumabas. Binalik ko naman ang tingin ko kay jasmine na titig na titig sa bulaklak na inorder ko para sa date nila ni xian. Dahil na tatandaan ko pa nung binigyan ako nito ng bulaklak halos ka tulad din iyon ng inorder ko para sa date nila