Home / Romance / MAHALIN MO SANANG MULI / CHAPTER 7 first day of school

Share

CHAPTER 7 first day of school

Chapter 7

Jasmine POV

KINABUKASAN

maagang nagising si jasmine upang Maka sabay papasok Kay calix. pinabalik Niya kasi sa Mansyon ang kotse Niya para makasabay na siya lagi Kay calix sa Pag pasok at Pati na rin sa Pag Uwe. dahil kapag nakita ng lalaki na my kotse naman siya malamang sa malamang hindi siya isasabay nito kaya naman naisip ni jasmine na ipabalik na lang sa Mansyon ang kotse Niya .

ang saya saya ni jasmine habang nag bibihis siya. tumapat pa siya sa salamin upang Pag masdan ang sarili. natuwa naman siya sa ayos Niya kahit na simpleng pulang dress lang ang suot Niya at hindi lalagpas sa tuhod ang tabas nito. simple lang ang design ng dress na suot niya Pero kapag siya na ang may suot nag mumukang elegante tignan. nagpahid lang siya ng lipstick sa kanyang labi. kahit hindi kasi siya mag make up ay lumalabas na ang natural na ganda Niya Kaya lipstick lang sapat na sa kanya. ng masiyahan na sa kanyang ayos ay kinuha na Niya ang bag Niya at bumaba na. bago bumaba SI jasmine ay napa dako ang kanyang paningin sa pinto ng kwarto ni calix. mukang masarap pa ang tulog ng binata kaya naman makaka Pag breakfast pa siya.

Pag baba Niya dumiretso na siya agad sa dining area upang Maka Pag breakfast paubos na ni jasmine ang kinakain Niya Pero wala paring calix na bumaba ala Sais na ng Umaga ala syete pa naman ang oras ng unang subject Niya. Kaya naman hindi na siya nakatiis mag tanung Kay manang merna.

"nanay Merna hindi pa po ba bumababa si calix?" tanung Niya sa kasambay ng wala paring calix na bumaba

"kanina pa po naka alis si señorito. hindi na nga po naka Pag breakfast señorita dahil may dadaanan pa daw po siya." kaya naman napatayo agad siya buhat ng marinig ang sinabi ng kasambahay siguradong si zhavia ang dadaanan nito para isabay papasok.

hindi maiwasan mailing ni jasmine bakit hindi Niya nga ba naisip yon Kagabi. kaya wala na siyang nagawa kundi ang maglakad na pa labas wala na siyang magagawa kundi ang mag pahatid sa driver. habang nasa loob ng sasakyan si jasmine hindi Niya lubos maisip na palpak na naman ang plano niya. kaya naman ang sayang naramdaman ni jasmine kanina ay na Palitan agad ng lungkot. akala Niya makaka sabay Niya ang lalaki sa Pag pasok ang aga Niya pa naman gumising para lang dito. kaya naman sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan Niya kaya hindi maiwasan mapatingin sa kanya si mang berting . sa itsura Niya kasi ngayon para siyang nalugi.

"señorita nandito na po tayo" nagulat pa siya ng makita Niya ang driver na sa gilid Niya na ito upang alalayan siyang Maka baba.

"salamat po" nakangiting Sabi Niya

"mga anung oras ko po kayo susundoin señorita? magalang natanung nito. parang biglang naka kita ng Pag asa si jasmine sa tanung nito bakit nga ba siya na lulungkot. pwede rin naman siyang sumabay pauwe sa binata siguradong hindi na ito makaka tanggi sa kanya. saka makaka Sama Niya pa naman si calix sa lahat ng subject dahil parehas lang sila ng kinuhang kurso. tungkol sa business din ang kurso Niya dahil siya lang naman ang nag iisang tagapag mana ng mga Salazar. kaya kailangan niyang kumuha ng kursong tungkol sa business. kahit ang gusto niya ay maging Isang fashion designer.

Pero na isip Niya na maghapon din sila ni calix magkakasama sa lahat ng subject nasisiguro na Niya ngayon hindi na ito makakatakas pa sa kanya mamaya.

"wag niyo na po akong sundoin mamaya Mang berting Kay calix na lang po ako sasabay mamaya" nakangiting Sabi Niya

"sige po pala señorita mauna ns po ako" magalang na paalam nito sa kanya kaya naman nag lakad na siya papasok ng University.

Pag pasok pa lang ni jasmine sa loob halos lahat ng istudyante sa University ay sa kanya natoon ang pansin ng mga naroroon dahil ngayon lang siya nakita ng mga ito. mukang siya lang ang bagong transfer sa University ngayon taon dagdagan pa ng madalas agaw pansin ang Ganda Niya kaya ganun na lang ng atensyon na kukuha Niya.

hindi alam ni jasmine kung Saan building siya pupunta. Kaya naman naisipan Niya sanang magtanung sa grupo ng mga istudyanteng babae na nakita Niya. kaso kung tignan siya ng mga ito parang insecure sa kanya kaya naisip niya na lang lumapit sa kabilang grupong naka tingin din sa kanya ang Isang grupo ng mga kalalakihan. naisip Niya na lang lapitan ang mga ito dahil mahirap ng mag tanung sa grupo ng kababaihan kanina baka mag mukang tanga lang siya sa mga ito. minsan kasi mas okay pa ang ugali ng lalaki kesa sa babae. kaya naman mas maraming Kaibigan si jasmine na lalaki kesa sa babae.

"hi I'm Jasmine Salazar bagong transfer lang ako dito itatanung ko sana kung Alam niyo kung san Yong building B? tanung Niya sa mga ito nung makalapit siya. halos parang hindi naman Maka paniwala ang mga ito sa paglapit Niya kaya hindi Maka sagot. napakamot na lang siya sa ulo Niya at tatalikod na sana siya ng magsalita ang Isang lalaki

"w-wait j-jasmine right? nauutal na tanung nito. tumango naman siya dito bilang sagot.

"pasensya kana hindi lang kasi namin inexpect na lalapitan mo kami" nahihiyang Sabi nito kung titignan kasi ang mga ito mukang galing sa simpleng pamilya lang sila.

"bakit naman hindi" nagtatakang tanung Niya

"kadalasan kasi sa mga mayayaman na nag aaral dito hindi kami Pinapansin parang sa tingin pa lang kasi nila sinabi ng hindi nila kami kalevel" nagulat siya sa mga sinabi nito mukang marami yatang nagkalat na matatapobre sa University na to.

"really? marami din palang galing sa malalaking pamilya dito?" tanung Niya dito

"oo ma'am kami naman ay na bigyan lang ng chance na Maka Pag aral dito kaya naman nilalagay namin sa lugar ang sarili namin"

"ma'am? mukha ba kung teacher sa Inyo? naka kunot noong tanung Niya. mukang ba siyang teacher sa Ayos Niya ngayon para tawagin siya ma'am nito. nagtatakang tanung Niya sa isip niya.

"hindi naman nakaka ilang Lang na tawagin Ka sa pangalan mo" sabay kamot sa ulo nito Tila bang nahihiya ito sa kanya.

"pwes masanay kana okay". na Pailing na lang siya sa mga ito. ganun ba talaga kalaki ang pader ng mayaman at mahirap.

"siya nga pala ma-jasmine ito nga pala Yong mga Kaibigan ko sila kalo,Rey ,Fred,girlbert at ako naman si andrew" nahihiyang pakilala nito at sa mga kasama. lumapit naman siya upang kamayan ang mga ito. medyo na gulat pa siya ng maramdaman ang palad ng mga binata. sobrang gaspang ng mga Kamay nito siguro mabibigat na trabaho ang pinagkaka abalahan ng mga to.

"nako pasensya kana jasmine kung magaspang ang mga palad namen. kadalasan kasi Pag walang pasok tumutulong kami mag saka sa bukid" nahihiyang paumanhin nito.

"okay Lang nagulat lang ako" naka ngiting sagot Niya." by the way kailangan ko na nga pala mahanap Yong building ko late na ko sa first subject ko"

"ay ou nga pala hatid kana namin" Alok nito sabay tingin sa mga Kaibigan. tinignan Niya muna ang grupo nito hindi kaya mas Lalo lang sila Maka agaw ng pansin dahil puro lalaki ang kasama Niya. bahala na late na ko.tumango na lang siya bilang sagot sa mga ito kaya naman pinaligiran siya ng mga binata na akala mo mga body guard Niya .

kaya naman nung tignan ni jasmine ang paligid ay naka tingin sa kanya ang lahat at Yong iba nagbubulongan pa. dahil sana'y si jasmine sa ganung sitwasyon ay naglakad siya ng taas noo na akala mo Isang model na rumarampa. sinamahan Niya pa ng matamis na ngiti ang bawat hakbang Niya kulang na nga lang ay kumaway siya habang naglalakad. ganun siya ka confident sa sarili Niya.

kahit hindi naman galing sa malaking pamilya ang mga ito. may sinabi rin ang itsura ng mga kasama Niya. naglalakihan ang mga katawan nito kahit hindi nag gigym. dahil na rin siguro sa sana'y ang mga ito sa mabibigat na trabaho.

"grabi para tayong may kasamang artista halos lahat ng mata satin naka tingin" pabirong Sabi nito

"hindi lang sila makapaniwala na satin lumapit si ms beautiful" Pag mamalaki ni kalo

"syempre imported kasi yan si ms beautiful kaya mahilig yan sa exotic" pang aasar ni Fred Kay kalo kaya nag tawanan ang mga ito

kaya naman natawa na lang din siya parang ang sarap din kasama ng grupo nito puro kasi kalokohan. hindi mayabang ang dating sa kanya ng mga biro ng mga binata .kaya hindi Niya maiwasan na makita tawa na rin. Nasa tapat na sila ng room na hinahanap Niya hindi Niya parin mapigilan ang mapangiti sa kulitan ng mga ito. dahil sa ingay ng mga kasama ay napatingin sa Kanila ang mga Nasa loob ng room. sakto namang Pagtingin Niya sa bintana ay nahagip Niya ng tingin ang lalaking ng Iwan sa kanya kanina. parang madilim ang anyo nito habang naka tingin sa Kanila. kaya naman nag paalam na siya sa mga kasama na papasok na siya dahil nag umpisa na yong klase dahil nakita niyang may nakatayo sa harap. kaya naman kumaway na siya sa mga ito upang Maka pasok na.

"good morning sir I'm sorry I'm late" hinging paumanhin Niya sa professor.

"it's okay ms Salazar naiintindihan kung nahirapan Kang hanapin ang building B. you may take your seat" Buti na lang at mabait ang prof Niya. kaya naman agad siyang naghanap ng mauupuan ng mapadako naman ang tingin Niya sa grupo nila calix ay kinawayan siya agad ni Trevor upang ituro ang katabing upuan ni calix. kaya lumapit siya sa grupo ng mga ito upang Maka upo na. napansin Niya naman ang Pag tapik ni Trevor sa balikat ni calix at nakita niya naman kung pano pukolan ni calix ng masamang tingin ang Kaibigan. hindi Niya na lang pinansin ang lalaki dahil nag di discuss na ulit ang prof nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status