AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Habang papasok ako napansin ko wala dito ang mga Boss, oh anong bago? May kanya kanya silang buhay kaya na naman wala sila dito. Pumasok na ako doon ko naabutan ang tauhan ni Kazimir ang iilan sa kanila. “Oh? Ciara?!” Gulat na tanong ng tauhan ni Alejos, hindi ko maalala kung sino kaya nginitian ko na lang ito. “Napa rito ka?” Tanong nito, umupo naman ako at pinanood ito na mag work out. “Gusto ko sana maka kuha ng kahit konting data o info tungkol sa mga Clemenza? Meron ba dito? O nasa ibang bansa pa?” Tanong ko dito. “Ah.. yun pala hindi ko kilala ang mga Clemenza pero subukan mo sa data o computer d’yan, Dave! Tulungan mo nga ito!” Sigaw nito kay Dave. “Halika dito Boss Olivia..” narinig kong wika ni Dave. Tinapik ko ang balikat nito at nag tungo na ako sa itaas. “Bakit ka nga pala nag hahanap ng information tungkol sa mga Clemenza utos ba sayo ni Boss?” Tanong ni Dave sa akin. “Yeah.. gusto ko kasi malaman kung sino ba talaga ang mga ito. Do
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi ko alam pero ramdam ko na may mali sa kilos ni Steve ngayon, imbes na sa sumama ito sa akin mas ginusto nito ang mag solo na hindi naman nito ginagawa. Sa ngayon titigilan ko muna si Ciara dahil naiinis parin ako sa ginawa nitong panloloko sa akin. Nakakainis na nasayang ang punla ko sa isang babae na hindi pala mag kaka anak. I want to pay her for what she did to me. CHARLES ANTONIO Hindi ko alam paano sasabihin kay Clinton ang nangyari sa akin, kahit ang bangko walang alam sa ginawa sa akin gusto ko sisihin ang DCN dito sila lang naman ang alam ko na makaka gawa nito pero hindi ko magawa. Napa buntong hininga na lang ako inalis sa isip ko ang nangyari. Nag taka ako dahil sunod sunod ang pasasalamat na tanggap ko mula sa mga bahay ampunan. Dahil sa binigay ko daw na malaking halaga, doon pa lang kinabahan na ako. Pero wala na ako magagawa hindi ko naman ito pwede bawiin, nakakahiya itong gawin. AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NANG MAKARATI
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Truth..” pagpili ko dahil talo ako sa jack en poy. “Okay okay may tanong ako.” Wika ni Manay, tumango naman ako at hinintay itong mag tanong. “Bakit ka mailap sa mga tao? Anong dahilan?” Tanong nito. Napa taas ang dalawang kilay ko at napa iling, nanonood ang mga Clemenza sa amin kanina pa hinayaan na lang namin. Kasi sa aming laro lang ito ayaw namin sila kasama. Bumuntong hininga ako bago ako sumagot. “Maraming tao ang sumira ng tiwala ko, iba sa kanila tinuring kong kaibigan at iba sa kanila pamilya. Simula non ayoko na may lumalapit sa akin na mga tao, gusto ko lang lagi ako mag isa doon ako safe yun ang safezone ko..” pag ku-kwento ko, “Ayoko ma feel ulit ang importansya pag tapos gagaguhin ka lang pala sa huli o habang nakatalikod ka. Kaya wala akong pakialam sa ibang tao, ika nga nila trabaho lang walang personalan..” naka ngiti kong sagot. Nakita ko naman silang nalungkot. “Mag laro na nga lang tayo! Parang ano eh!” Awat ko at umayos ako
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARANANG SUMAPIT NA ANG GABI NAG UMPISA na mag datingan ang mga bisita ng pamilya Clemenza. Ang hindi ko inaasahan ay si Britney.Sabi kasi nila one week pa bago bumalik ito, mukhang bumalik na talaga ito. Kahit ang ibang miyembro ng Madden ay nandito din. Hindi na ako sumama tulad ng gusto ko mangyari.Pero nasa rooftop ako ng tinu-tuluyan namin, nakita ko na maraming tao pa ang dumadating. Habang ako hawak ko ang cellphone ko at naka suot ang airpads ko dahil nag papa-tugtog ako ng Cinderella’s dead by EMELINESabi pa sa kanta. I forgot I was a bad bitch, tragicBreaking all the rules 'cause they were only habitsCinderella's dead now, casketYou thought the shoe fit but I(Da-da-da, da-da-da, da-da-da, da-da-da-da)Napa ngisi ako ng ma-realize ko na bagay ang kantang ito sa akin, “Sabi ni Donya Amelia, bumaha ka daw doon dahil gusto ka makita ng mga amiga niya..” wika ni ate Tery.Umiling ako bago sumagot. “Ayoko po, nandun si Britney baka mag away na n
BRYANT SAGE “Napuruhan mo ba amo natin?” Tanong ko dito. “Hindi likod lang yun at daplis sa hita, pero napatay ko yung matandang babae na kasama ni Madden..” sagot nito. “Okay, puntahan natin ang sinabi ni Boss na bagong member natin..” utos ko dito at tinapik ko na ang balikat nito. “Pero kailangan muna natin masiguro na okay lang ang lagay ni Oli..” wika nito at bumaba kami sa fire exit. “Oo gagawin talaga natin ‘yan, ang kailangan lang kasi malihis kay Ciara ang hinala ng mga Clemenza narinig niyo naman ang usapan nila diba? Kaya nila pipigain si Ciara tungkol sa may nangyari sa kanila para mahawakan nila ito at malaman kung sino talaga si Ciara..” sagot ko at nag madali kami pababa. “Oo narinig ko naman ‘yun! Sige pero ako na lang ang papasok sa loob maiwan kana lang..” suhistyon nito. “Okay walang problema doon hihintayin nalang kita sa parking..” sagot ko dito at nang maka baba kami sa first floor. Inalis ko na ang mask ko at inayos ko ang suot ko. Habang si Shavy hinagi
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Sino ka ulit?” Tanong ni Steve, habang kami nag kaka gulo dahil sa pag alis ni Ciara sa hospital. “Barbie, kaibigan ako ni Chef Ciara. Pina-pakuha niya sa akin ang mga gamit niya..” sagot ng pagpapakilala ng Barbie. “Hindi namin alam na may kaibigan pala si Ciara. Ibig sabihin ba alam mo nasaan siya?” Tanong ko dito, Tumango ito at kinuha sa kamay ko ang gamit ni Ciara. “Oo naman, pero hindi ko pwede sabihin well respeto naman diba? Salamat dito ha? Bye mga pogi!” Paalam nito at sumakay na ito sa motor ni Ciara. “Teka lang!” Pagpapatigil ko dito at hinawakan ko ang handle ng motor. “Kamusta siya? Gusto ko maka sigurado na ayos lang siya..” tanong ko dito. Ngumiti naman ito at tumango. “She’s fine nasa maayos siyang kamay ngayon..” sagot nito at pinaandar na ang motor ni Ciara at mabilis itong umalis. “Hindi ko alam na may mga kilala si Ciara na hindi man lang niya nababanggit..” wika ni mommy. “We don’t ask her anything about her. She still main
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Sino kaya ang mga ‘yan? Wala silang takot na may maka kita sa kanila?” Tanong ni Charles pero si Steve naman ay nanatili lang itong naka tulala. “Steve may problema ka ba?” Tanong ko dito at binaliwala ko na ang sinasabi ni Charles. Umiling lang ito at tumayo. “Uuwi muna ako, gusto ko muna matulog..” paalam nito at walang lingon lingon itong umalis ng mansion. “Ako lang ba o sadyang wala ito sa mood?” Tanong ni Charles. “Napansin ko din na parang ang tahimik niya palagi..” sagot ko. “Baka pagod lang yan..” sagot nito, tumango na lang ako at hindi na ito kinibo pa. STEVE MORGAN Habang naglalakad ako patungo sa pinto ng bahay ko may nag salita sa ilalim ng puno. “Sabi ko sayo, umakto ka ng normal. Hindi mo rin kailangan mag alala sa nakaka bata mong kapatid..” malamig na wika nito. Nang lingunin ko ito, lumabas na ito sa madilim na parte. “Ikaw pala, akala ko kung sino. Oo alam ko naman hindi ko lang maiwasan dahil nag aalala ako sa kapatid ko..”
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARANAG LALARO KAMI NG Chess sa labas ng bahay nila Manay at Ate Tery ng may narinig kaming sunod sunod na putok ng baril. Kaya napa tayo ako, “Putok ng baril yun diba?” Tanong ko at agad naman tumayo ang mga kasama ko.“Pumasok na kayo bilisan niyo!” Utos ni Sir Clinton kaya agad kami sumunod pumasok kami sa loob at agad silang nag tago.“Sumugod na naman ang tauhan ni Giovanni Lucky!!” Sigaw ni Charles. Lumabas na si Steve at si Don Amir na may hawak.Dahil doon napa tigil ako, wanted ang taong yun dahil sa pagpatay at pang gagah*sa sa isang 7 at 14 years old na batang babae. Lumingon ako at pinanood silang kumilos, tumingin ako sa paligid at nakita ko na may hawak na sniper si Don Amir.“Huwag kayong papayag na ubusin nila tayo! Dapat tayo ang uubos sa kanila!” Utos ni Don Amir.Tumakbo ako sa labas at doon ko nakita ang kanang kamay ni Giovanni may hawak itong AR-15 Rifle Firearms glock pistol.“Mag paalam na kayo sa bawat isa!” Tumatawa utos ng kanang
AVA OLIVIA LEVESQUE LAST POV * AFTER ONE WEEK * Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyaring tapatan namin ng mga Clemenza, Madden at Dimagiba. Nanatili ako sa hospital dahil sa mga natamo kong sugat. Ngayon ang araw na lalabas na ako, nag aayos na ako ng gamit para lumabas na ng hospital. Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi, dahil lahat ng nangyari nagawa ko naman ngunit may natitira pa. Pero tama si Boss Flame ang walang kasalanan huwag mo ng idadamay. Idadamay ko lang sila kung nag mamatigas pa sila. Sa ngayon hindi ako pwede gumaya sa mga kalaban ko na walang tinira sa akin. Kung ang Tita Mynerva ko naman ang tatanungin niyo, inilagay ito nila Brent at Barbie sa maayos na libingan. Pero under observation si Britney ng mga Lavistre, inutusan ako ni Boss Flame na matapos ang gulong ito at maka recover ako kailangan ko na sumunod sa Russia upang mag undergo ng training. Babalik ako ng Pilipinas kapag natapos ko ang 6 months training ko para
THIRD PERSON POV “Akala ko hindi kana tutupad sa upasan, Mrs. Dela V——” agad pinutol ni Flame ang pag tawag sa kanya ni Donya Amelia gamit ang apelyido ng asawa. “Miss Lavistre. Hindi ako papayag na tawagin niyo akong Dela Vega mas lalo kung isa akong mafia ngayon. Hindi ko babahiran ang apelyido ng asawa ko at pamilya ng asawa ko..” mahaba at ma-awtoridad na sagot ni Flame. Tinapunan pa nito ng malamig na tingin ang Donya. “O-okay sige..” nauutal na sagot na lang nito. “Tutupad ako marami lang kailangan baguhin sa plano..” sagot ni Flame sa Donya habang naka upo ito. “Danny, itigil mo ang sasakyan. Dalhin mo sila sa Underground,” utos ni Flame “Yes boss..” sagot ng pinagkakatiwalaan nitong driver. Nang itigil na ang sasakyan bumaba na agad si Flame at hinayaan na silang maka alis ng hindi ito nililingon. Inangat nito ang mask na suot nito at nag lakad na ito patungo sa kabilang kalsada. “Siguraduhin niyo na magawa ni Ava ang lahat ng gusto niya bago niyo tapusin silang lahat
THIRD PERSON POV Umupo ang dalaga si Ava loob ng control room ng maliit na resort na ito. Habang may hawak itong 45 caliber, “Pinag tatago po sila tapos pinapanood mo naman sila?” Tanong ng tauhan dalagang si Ava at kaibigan na rin na si Federick Lewis. Nilingon ito ng dalaga bago mag salita. “Mas mainam na ito para hindi sila maka takas, hawak na ba natin ang buong control sa lahat dito?” Tanong ng dalaga dito. “Oo mabuti sinabi ni Boss Flame na dito kayo pupunta, pero paano niya nalaman yun ng hindi man lang nakaka kuha ng information?” Malaking pag tataka ng binata sa kilos ng kanilang bagong amo. “Alam niya, si Donya Amelia ang nagsasabi sa kanila ng kilos ng asawa niya..” sagot ng dalaga na kina singhap ng hangin ng binatang kasama ni Ava. “Kahit ang isa sa mga katulong mga Clemenza ay tauhan din ni Boss Flame, si Ate Tery isa siyang Secret Agent. Pamilyar sayo si Agent Freyah Knoxville? Kasamahan niya ito..” paliwanag at pagtatanong ng dalaga sa kanyang kasama. Ngumisi nam
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Ikaw ang dahilan bakit nawalan ako ng pamilya!” Wika ng isang lalaki sa speaker. Ngumisi ako at ang salita habang ang retaso na pinunit kong damit at binalot ko sa kamao ko. “Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam o masakit?” Tanong ko dito, Natawa lang ako at umiling. “Masaya bang mawalan ng pamilya? Makitang nasusunog ang asawa mo at anak? Buti nga tinira ko pa mga katulong mo..” pang aasar ko dito at kinagat ko ang dulo ng tela ng damit ko at mahigpit kong tinali ang kamao ko. “Hayop ka! Papatayin kita!” Pag babanta nito. Nilingon ko si Clinton, ito ang huling beses na magiging mabait ako. “Clinton? Alisin mo sila dito dahil papatay ako ng brutal ngayon..” utos ko dito ng hindi ito nililingon. “Sino ka para utusan ang apo ko?!” Tanong ni Don Martino. Tinutukan ko ito ng baril sa mukha. “Sasabihin ko kung anong nararapat niyang gawin, ayoko pa kayo mamatay dito. May oras kayo..” diretso kong sagot at malamig kong sagot dito. “Umpisa na ng hindi
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA *FlashBack* “Gusto mo na pumayag ako sa kasal? Paano kung irehistro nila yan? Paano ako?” Tanong ko kay Boss Flame. Umupo ito at humarap sa akin. “Trust the process, Ava hindi naman namin ikaw pababayaan dito. Kahit irehistro nila yan kami ang bahala sa bagay na ‘yun..” sagot ni Boss Flame sa akin. “Ang dahilan lang naman bakit naman ikaw pinipilit na pumayag, dahil kailangan mo ilabas si Donya Amelia at mga katulong doon, lahat sila inosente kung kami pa ang kikilos mamatay silang lahat hindi kami mahilig umatras, alam ko naiintindihan mo ‘yun..” paliwanag ni Boss Thunder. Napa tingin naman ako kay Boss Vlad ng ito naman ang mag salita. “Naiintindihan mo naman siguro diba? Hindi kakayanin ni Agent Shantel ito mag isa lang siya doon. Gumawa ka ng paraan para lumayo sila sa mansion at kikilos kami ng palihim..” pagtatanong at paliwanag ni Boss Vlad sa akin. “Kailangan niyo ba talaga sila ilabas sa mansion? Kaaway ko din sila..” tanong ko sa kanila.
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi mawala sa isip ko ang nangyari dalawang araw na nakaka lipas. Pinilit ko naman kunin si Charles pero hindi talaga ito sa amin binigay kahit anong gawin ko. “Babe, tikman mo ito..” wika ni Britney. Tinapat nito sa labi ko ang cake sa pero tinabig ko ito at tumayo ako. “Walang kasal na magaganap!” Anunsyo ko at nag lakad na ako pero biglang nag salita si Lolo. “Umupo ka at itutuloy natin ang kasal bukas na ito! Minadali na nga ito!” Utos ni Lolo kaya humarap ako at sinugod ito. Kinuha ko ang knife para sa cake at tinapat ko ito sa leeg nito bago ako mag salita. “Ngayon natatandaan ko na ang nangyari hinding hindi na ako susunod pa sa inyo! Tigilan mo ako, pakakasalanan ko kung sino ang gusto kong pakasalan! Desisyon ko yun!” Galit kong sagot dito, nakita ko pa na nanlaki ang mata nito kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun at umalis na ako. Ngunit sumunod si Britney sa akin at nag salita. “Bakit sa tingin mo magugustuhan ka ni Ciara sa
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Anong sabi mo kuya? Si Chef Ciara ay isang Levesque?!” Gulat na tanong sa akin ng kapatid kong si Krystell. “Paano nangyari na hindi man lang natin napansin ito?” Tanong ni Kayzee. Naka lingon ako ng tumayo si Britney. “At pinapasok niyo pa siya sa mansion! Mamaya espiya siya!” Wika ni Britney. “Imposible na espiya siya sino naman ang amo niya?” Tanong ng nakaka bata kong kapatid na si Kayzee. Nahuli ko pang inirapan ni Britney si Kayzee. “Duh, espiya baka kumukuha na siya ng information tungkol sa inyo! Para magamit niya yun sa pag ganti niya.. mag isip ka nga!” Asik ni Britney. Sinamaan ko ito ng tingin at agad kong sinuway. “Britney! Huwag mo kakalimutan na kapatid ko yan..” paalala ko dito na agad naman nito kina tikom. Umirap lang din ito at padamog na umupo sa pang isahang sofa. “So, anong plano ngayon na alam na natin na matagal ng nag ta-traydor yang Ciara na yan?” Tanong ni Britney sa akin. Huminga ako ng malalim at pinag laruan ko ang
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA AGAD KONG TINAPAKAN ANG BREAK ng motor ko ng may humarang na sasakyan sa harapan ko. “What the fuck?!” Mura ko at agad akong bumaba sa motor ko at bumaba din ang driver ng sasakyan. “Ano ba problema mo?!” Sigaw ko dito. Hanggang bumaba ito at namukhaan ko ito. Nag salubong ang kilay ko ng makilala ko ito ng tuluyan. “Tita Mynerva?!” Gulat na tawag ko dito. Masama ang tingin nito sa akin. Nagulat parin ako kahit malinaw na sa akin ang ginawa nito. “Sana hindi na lang kita binuhay!” Sigaw nito habang nag lalakad ito palapit sa akin. Nasa gitna kami ng highway kung saan maraming tao. Hanggang may ilabas itong Axe at agad akong tatamaan sana nito na kina iwas ko agad. “Ikaw pa ang may ganang magalit sakin?! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Pagtatanong ko dito at paninisi ko. “Hindi ko gagawin yun kung binigay lang sa akin nila Mommy ang kumpanya na gusto at mana na gusto ko!” Sagot nito. Umiwas ako muli tinamaan naman ang side mirror ng sasakyan nit
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Sa hindi ko inaasahan na pagkakataon. Kaharap ko ngayon ang punot dulo ng gulong ito. Ang mga Clemenza at ang Tita Mynerva ko. In one frame. Naka mask ako at iniba ko ang kulay ng mata ko, sinunod ko ang utos ni boss Flame na baguhin ang pisikal kong anyo pansamantala. Habang nag pe-play ang video ko kung saan nag salita na ako tungkol sa isyu na binabato sa akin. Kahit totoo ito kailangan maging malinis parin ako hanggang dumating tamang oras. “Totoo nga na buhay pa ang isang Levesque..” wika ni Don Martino. Tiningnan ko ito ng malamig at nag salita ako. “Oo, bakit hindi kayo mag pasalamat sa pinagkakatiwalaan niyo? Binuhay ako ng mahal kong tita..” sagot ko na kina lingon nila kay Tita Mynerva. Ngumisi ako sa ilalim ng mask na suot ko. Pero ang pinag tataka ko minsan ko na sinabi sa kanila na ang Tita ko ay si Tita Mynerva pero bakit parang wala silang nakukuhang clue? Hindi ganun ka hina ang utak nila para hindi ito mapansin, kahit siguro bata