Share

Chapter 3

Author: Sherly Sherly
last update Huling Na-update: 2022-08-25 08:55:57

TANGHALI na akong nagising kinabukasan. Namumugto ang mga mata ko nang mapatingin ako sa salamin. Masakit pa rin ang buo kong katawan lalo na ang pagkababae ko. May pasa din ako sa braso. Alam kong dahil ito sa marahas na paghila niya sa akin kagabi.

Naligo ako. Nagbabad sa bathtub. Namamag-asang baka makalimutan ko ang sinapit ko sa mga kamay niya kagabi.

Bumaba agad ako pagkatapos. Nagulat pa nga ako nang hindi na si Hawk ang nakabantay sa hagdanan. Ibang lalaki na ito. Mukhang matanda na.

"Si Hawk po?" Tanong ko sa isang bodyguard doon.

"Wala na po siya, Lady." Magalang na sagot niya sakin.

"Lady is on living room now." Narinig kong sabi ng bagong bantay na nakapwesto sa hagdan.

Binalik ko ang tingin sa mamang kausap. "Ano po? Saan siya nagpunta?"

"Tinanggal na siya sa trabaho ni Young man, Lady."

Napakagat-labi ako. Kasalanan ko ba? Pero ano bang masama sa pakikipag-usap sa kaniya? Masama na bang makipagkaibigan? I'm bored here and I need a friend.

Laglag balikat akong nag-almusal. Halos hindi ko na nga naubos ang pagkain ko dahil sa malalim na pag-iisip.

Tahimik lang din akong bumalik sa kwarto. Pumunta ako sa malaking glass window na natatakpan ng itim na kurtina. Hinawi ko iyon.

Tinignan ko ang paligid. Kagubatan na ang nakikita ko. Puro puno at wala akong nakitang kahit isang bahay man lang sa malayo.

Napabuntong-hininga ako. Nasaan ba ako? Nasa Pilipinas pa rin naman sa sahig.

"Please, Lordan, palayain mo na ako. Hindi ko na kaya rito. Maawa ka naman, o. Please? Pakawalan mo na ako. Hahanapan kita ng pwedeng magbuntis para sayo. Promise! Pakawalan mo lang ako." Pagmamakaawa ko.

"What do you think you're doing, Autumn? Get up!" Matigas na utos niya.

Paulit-ulit akong umiling. Inabot ko ang hita niya. "Parang awa mo na. Palayain mo na ako. Hindi ko na kaya rito."

Itinayo niya ako at pinaupo sa kama. Maingat ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero napadaing pa rin ako sa sakit. Nagtataka niya itinaas ang sleeves ng suot kong damit. Napamura siya nang makita niya ang halos mangitim ng pasa sa braso ko.

"Fuck. Saan mo nakuha 'to?"

Tinignan ko lang siya. Basang-basa na ng luha ang mga mata ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Ako ba ang may gawa nito?"

Tahimik akong tumango. Sunod-sunod na ang mura ang lumalabas sa bibig niya. Lumayo siya at ginulo niya ang sariling buhok.

Nakayuko lang ako doon at umiiyak. Napuno na ng luha ang mga mata ko. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luhang pumupuno sa mga mata ko.

Kalabog ng pinto ang sunod kong narinig. Napatingin ako doon. Lumabas siya. Iniwan niya ako dito. Ni hindi man lang siya naawa sakin. Lalong lumakas ang hagulgol ko.

Bumukas din agad ang pinto at nagmamadali siyang pumasok. May dala siyang first aid kita at bimpo.

Lumapit siya sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko para magkapantay kami. Ipinunas niya ang bimpo sa tuhod kong namumula dahil sa pagluhod ko kanina.

"'Wag ka ng luluhod sa harapan ko. 'Wag na 'wag." Mahinahong saad niya.

Hindi na lang ako umimik at pinabayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Sunod niyang ginamot ang sugat ko. Hindi ako nagreklamo. Natatakot akong baka saktan niya lang ako kapag nagsalita ako.

Nang matapos siya, may inilabas siyang tissue. Tinignan niya ako sa mata. Nag-iwas agad ako ng tingin. Ibinaling ko ang ulo sa ibang direksyon. Ayaw kong tignan ang mga mata niya. Naaalala ko ang kababuyan na ginawa niya sa akin kagabi.

Bumuntong-hininga siya dahil sa ginawa kong pag-iwas na makasalubong ang nga mata niya. Inilapit niya ang tissue sa mukha ko. Umatras ako.

"D-don't... Don't hurt me." Mahina kong sabi.

Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga. Hinawakan niya ang baba ko. Napapitlag ako dahil doon. Pilit niyang hinuli ang mga mata ko pero sa baba lang ako nakatingin.

"Are you... afraid of me?" Mahinang tanong niya. Hindi ako sumagot. "Of course, you are." Mas mahina pang kausap niya sa sarili.

Pinunasan niya ang mukha kong basang-basa ng luha. Maingat na maingat ang bawat dampi niya. Parang natatakot siyang saktan ako ulit. Pero syempre, guni-guni ko lang iyon. Ako lang ang nakakaisip n'on. Nagawa niya akong saktan kagabi at magagawa niya ulit iyon kahit kailan niya gusto.

Itinabi niya ang first aid kit na ginamit sa baba ng kama. Tapos ay lumingon siya sa akin at nginitian ako.

"Let's eat dinner now?"

Iniwasan ko siyang tignan. "S-sige. Mauna ka na sa baba."

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasabay maghapunan?"

I shook my head. Nakayuko pa rin ako. "H-hindi sa gan'on, Lordan. Magsi-CR muna ako."

Tahimik siya tumango at lumabas na.

Nanghihina akong tumayo at naligo. Damit pa rin niya ang sinusuot ko. Wala pa rin kasi akong damit dito. Hindi sa nagrereklamo ako. Mas panatag nga ang loob ko dahil kahit papaano'y nararamdaman kong hindi ako magtatagal dito kapag wala akong sariling damit dito.

Bumaba ako agad pagkatapos. Naabutan ko siyang nakaupo sa dining table at hindi pa nagagalaw ang pagkain. Uupo sana ako sa harap niya pero iminuwestra niya ang upuan sa tabi niya kaya umupo ako doon.

Nagsimula na kaming kumain. Tanging tunog lang ng pagtama ng kubyertos sa pinggan ang maririnig. Napapahinto lang ako saglit sa pagkain tuwing nagkakatama ang siko namin.

"Young man."

Sabay kaming napalingon ni Lordan sa nagsalita. Isa sa bodyguard niya iyon. Tinanguan ako ng lalaki nang makita niya ako.

Ibinaba ni Lordan ang mga kubyertos at seryosong tinignan ang lalaki. "Bakit?"

"Pasensya na po sa istorbo pero may kailangan kang malaman, Young man."

"Ano 'yon?"

"Si Hawk kasi. Hindi pa rin daw siya nakakalabas ng ospital. At nagagalit na ang nga magulang niya."

Napatigil ako sa pagkain at napalingon sa kanila. Seryoso ang mukha ni Lordan.

"Napuruhan ko ba?"

Napalunok ako. Siya? Suya ang bumugbog kay Hawk? At nasa ospital ito ngayon! Fuck. Bakit? Bakit niya ginawa 'yon?

"Yes, Young man. May bali siya sa likod at napuno ng pasa ang mukha niya. Kailangan ulit siyang operahan dahil hindi pa natatanggal ang isang bala sa braso niya. Masyado daw'ng malalim ang pagkakabaon."

Napasinghap ako. Inilayo ko ang upuan ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya. Napatingin siya sa akin. Itinaboy na niya ang bodyguard bago ako muling hinarap.

Sinubukan niyang hawakan ang siko ko pero lumayo ako. Umiwas ako sa hawak niya. Natatakot ako. Hindi siya tao. Halimaw siya! Wala siyang awa.

"Autumn..." Malumanay na tawag niya.

"Please, d-don't come near me." Maliit ang boses na ani ko.

Bumuntong-hininga siya. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain kahit na halatang nawalan na siya ng gana. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain.

"Limang araw akong mawawala." Tumigil lang ako sa pagkain at hindi na siya binalingan pa. "May business meeting ako sa New York. Okay lang ba sayo?"

I just nodded. Wala naman akong choice.

"Mag-iingat ka rito." Mahinang saad niya.

Ingat? Mag-ingat daw ako? Really? Kanino? E, siya lang naman ang nananakit sa akin dito. Sa kanya lang dapat ako mag-ingat! Gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Y-yeah. Take care, too." Sagot ko na lamang.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Malapit na akong matapos. Gustong-gusto ko ng makaalis dito. Ayaw kong malapit ako sa kanya.

"Anong gusto mong pasalubong? I'll buy it."

I shook my head. "Ayaw ko ng kahit anong pasalubong. Ang gusto ko lang... makaalis na dito."

Hindi na siya umimik pagkatapos. Natapos na kaming kumain, wala pa ring nagsasalita sa amin.

Sabay kaming umakyat sa kwarto ng walang imikan. Pumasok agad siya sa banyo at naligo. Humiga naman agad ako sa kama. Tinatalikuran ko ang dapat na pwesto niya.

Tulala lang ako. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng banyo. Alam kong nakalabas na siya.

Lumundo ng bahagya ang kama. Naamoy ko agad ang halimuyak niya. Alam kong humiga na rin siya sa tabi ko.

Pinilit kong pumikit at matulog na. Hindi naman ako hinayaan ng mata ko na makatulog. Napabuntong-hininga na lang ako at tumitig sa kawalan.

Biglang yumakap ang braso niya sa balikat ko. Hindi ako nakahinga ng maayos. Inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya.

"Autumn." Tawag niya.

"B-bakit?"

"Are you still afraid of me?"

I froze. Kailangan pa bang tanungin 'yan? Malamang. Takot ako sa kanya. Nagawa niyang saktan si Hawk. Binaril pa niya? Ang sama niyang tao.

"Please, don't be." Mahinang bulong niya.

Hindi na lang ako umimik. Tanging paghinga niya na lang ang naririnig ko. Tumatama iyon sa batok ko.

He kissed my hair. "I'm sorry for what I did. I won't hurt you again. I promise."

Kaugnay na kabanata

  • MAFIA'S ANGEL   Chapter 1

    NARARAMDAMAN ko na ang hilo dulot ng alak. Nakailang shot na nga ba ako ng tequila? One. Two? Apat na ata? Hindi ko na alam. Basta nahihilo na ako. Nagsisimula ng magdoble ang paningin ko.This is not my first time drinking a liquor pero hindi ako umiinom ng matatapang na alak. Maybe one shot of tequila is enough for me. Dahil sa udyok ng mga kaibigan ko, pilit nila akong pinainom. At ako naman si gaga, hindi makatanggi dahil may utang pa ako sa kanila. Halos isang taon din kasi kaming hindi nagkita-kita.Sumandal ako sa malambot na couch na kinauupuan ko. I closed my eyes and massage my temples. Sumasakit na talaga ang ulo ko. I'm sure that I will regret drinking tomorrow. Buti na lang at naka-leave ako dahil sa pagbisita namin nila Summer at Rain sa lola namin. Kundi ay maghahabol ako sa oras bukas.Nagkayayaan ang mga kaibigan kong sumayaw sa dance floor. Niyayaya nila ako pero tumanggi ako. Baka matumba ako kapag sinubukan kong tumayo. Iidlip muna siguro ako saglit para ayos na ak

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • MAFIA'S ANGEL   Chapter 2

    MABIGAT na bagay ang nakapatong sa tiyan ko nang magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata.Isang puting kwarto ang nabungaran ko. Ang mga gamit at muwebles ay itim. Mapaghahalataang mayaman ang nakatira.Pero teka, nasaan nga ba ako? Ang tanging naaalala ko lang kagabi ay nasa bar ako. Nahilo na nga ako sa alak at--- Fuck! I lost my virginity. I freakin' lost my virginity to a man that I don't even know!Sinubukan kong gumalaw. Sakit ng sentro ko at buong katawan ang agad kong naramdaman. Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi ko. Nakadantay ang braso niya sa tiyan ko at mahimbing pa siyang natutulog.Ang lubos na ipinagtataka ko ay may saplot na kaming dalawa at hindi ito ang kwartong pinaggawan namin ng milagro. Naaalala kong malawak na kwarto lang iyon na naglalaman lang ng malaking kama at salamin. Pero ang silid na ito ay parang komportableng kwarto ng isang binata.Sinubukan kong tumayo pero lalong sumasakit ang buo kong katawan. Tinanggal ko ang braso niyang nakadantay sa tiy

    Huling Na-update : 2022-08-25

Pinakabagong kabanata

  • MAFIA'S ANGEL   Chapter 3

    TANGHALI na akong nagising kinabukasan. Namumugto ang mga mata ko nang mapatingin ako sa salamin. Masakit pa rin ang buo kong katawan lalo na ang pagkababae ko. May pasa din ako sa braso. Alam kong dahil ito sa marahas na paghila niya sa akin kagabi.Naligo ako. Nagbabad sa bathtub. Namamag-asang baka makalimutan ko ang sinapit ko sa mga kamay niya kagabi.Bumaba agad ako pagkatapos. Nagulat pa nga ako nang hindi na si Hawk ang nakabantay sa hagdanan. Ibang lalaki na ito. Mukhang matanda na."Si Hawk po?" Tanong ko sa isang bodyguard doon."Wala na po siya, Lady." Magalang na sagot niya sakin."Lady is on living room now." Narinig kong sabi ng bagong bantay na nakapwesto sa hagdan.Binalik ko ang tingin sa mamang kausap. "Ano po? Saan siya nagpunta?""Tinanggal na siya sa trabaho ni Young man, Lady."Napakagat-labi ako. Kasalanan ko ba? Pero ano bang masama sa pakikipag-usap sa kaniya? Masama na bang makipagkaibigan? I'm bored here and I need a friend.Laglag balikat akong nag-almusal

  • MAFIA'S ANGEL   Chapter 2

    MABIGAT na bagay ang nakapatong sa tiyan ko nang magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata.Isang puting kwarto ang nabungaran ko. Ang mga gamit at muwebles ay itim. Mapaghahalataang mayaman ang nakatira.Pero teka, nasaan nga ba ako? Ang tanging naaalala ko lang kagabi ay nasa bar ako. Nahilo na nga ako sa alak at--- Fuck! I lost my virginity. I freakin' lost my virginity to a man that I don't even know!Sinubukan kong gumalaw. Sakit ng sentro ko at buong katawan ang agad kong naramdaman. Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi ko. Nakadantay ang braso niya sa tiyan ko at mahimbing pa siyang natutulog.Ang lubos na ipinagtataka ko ay may saplot na kaming dalawa at hindi ito ang kwartong pinaggawan namin ng milagro. Naaalala kong malawak na kwarto lang iyon na naglalaman lang ng malaking kama at salamin. Pero ang silid na ito ay parang komportableng kwarto ng isang binata.Sinubukan kong tumayo pero lalong sumasakit ang buo kong katawan. Tinanggal ko ang braso niyang nakadantay sa tiy

  • MAFIA'S ANGEL   Chapter 1

    NARARAMDAMAN ko na ang hilo dulot ng alak. Nakailang shot na nga ba ako ng tequila? One. Two? Apat na ata? Hindi ko na alam. Basta nahihilo na ako. Nagsisimula ng magdoble ang paningin ko.This is not my first time drinking a liquor pero hindi ako umiinom ng matatapang na alak. Maybe one shot of tequila is enough for me. Dahil sa udyok ng mga kaibigan ko, pilit nila akong pinainom. At ako naman si gaga, hindi makatanggi dahil may utang pa ako sa kanila. Halos isang taon din kasi kaming hindi nagkita-kita.Sumandal ako sa malambot na couch na kinauupuan ko. I closed my eyes and massage my temples. Sumasakit na talaga ang ulo ko. I'm sure that I will regret drinking tomorrow. Buti na lang at naka-leave ako dahil sa pagbisita namin nila Summer at Rain sa lola namin. Kundi ay maghahabol ako sa oras bukas.Nagkayayaan ang mga kaibigan kong sumayaw sa dance floor. Niyayaya nila ako pero tumanggi ako. Baka matumba ako kapag sinubukan kong tumayo. Iidlip muna siguro ako saglit para ayos na ak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status