LIKE 👍
Nagsuot lang ako ng formal white dress at flat sandals. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa restaurant kung saan naghihintay si Tita Juliana kahit paano ay gumaan ang dibdib ko. May makakausap na ako hanggang sa dumating ang chopper at sunduin ako. Tumingala ako sa tapat ng isang mataas na gusali na aming pinaghintuan. King hotel? Ibig bang sabihin ay isa ito sa pag aaring hotel ng asawa ko? Napanguso ako. Naalala ko na naman na anniversary namin ni Laxus. “This way, madam.” Nagpatiunang maglakad ang isang lalaki para igiya ako papasok. Nagtaka ako dahil bukod sa amin ay walang katao-tao sa paligid. Nakapagtataka. Sa lugar na kagaya nito dapat ay maraming ditong tao. Sa pinakataas ako dinala ng lalaki. Katulad sa penthouse, maganda ang tanawin dito—ay mali, mas maganda pa. Tumingin ako sa mga lalaking musikero na pumasok. Kumunot ang noo ko ng makitang isa si Jigs sa mga ‘to. ‘Teka, kakanta ‘to?’ Nasagot ang tanong ko ng magsimula silang tumugtog. Ang iba naggi
(Kiray pov) KANINA pa ako ihi ng ihi. Ewan ko ba, simula ng mabuntis ako ay mayamaya ako naiihi. Ang sabi ni manang at ng doktor ay normal lang daw ‘yon sa buntis. Tatlong buwan na ang tiyan ko. Kumpleto ako sa check ups at mga vitamins. May family doktor naman na pumupunta dito sa bahay kaya hindi ko na kailangan lumabas. Hindi na rin umaalis si Laxus ng bahay simula ng malaman niyang nagdadalantao ako. Gusto kasi nito na nasa tabi niya ako habang pinagbubuntis ko ang anak naming dalawa. Lumunok ako ng laway habang hinihintay si manang. Umalis kasi ito para bilhan ako ng mangga at bagoong. Nang dumating ito ay agad kong kinuha ang mga supot na dala nito. Nadismaya ako ng makitang indian mango ang nasa supot. “Manang, bakit po indian mango ‘to?” “Ha? Bakit ano ba ang gusto mo?” “Carabao mango po… yung hilaw po.” Natampal nito ang noo. “Ay oo nga pala. Tumatanda na talaga ako at nagiging ulyanin na. Hayaan mo’t babalik nalang ako sa store.” “Wag na ho, manang. Sabi ko
(Kiray pov) “KAHIT kailan tinik sa lalamunan ko ang chef na ‘yan! Kapag ako napuno sa kanya ipapakulam ko na siya!” Napailing ako sa kaibigan kong si Mariz. Kanina pa ito naghuhurumentado dahil kay Chef Zues. Si Chef naman kasi palagi nalang napupuna ang gawa ni Mariz. Narito kami ngayon sa Cebu ngayon. Nag sponsor ako sa kumpanya ni Chef para sa mga baguhang pastry chef na makikipagparticipate sa contest na gaganapin rito. Noong una ayaw akong payagan ni Laxus na sumama rito lalo na’t kasama si Chef Zues. Pero kalaunan ay pumayag din ito. Hindi kasi ako nito matiis. ‘No more time alone with him, Queen’ bilin pa nito. Napangiti ako sa kilig. May lakad ito ngayon pero pinili nitong samahan ako rito. Lumingon ako kung saan ito nakaupo kasama ang mga tauhan nito. Hiwalay kasi ang upuan nito sa aming mga naka-participate sa contest. Sumali din kasi ako. Humawak ako sa balakang ng makaramdam na naiihi ako. “Samahan na kita.” Alok ni Rayana. Umiling ako. “Hindi na, malapit la
‘Hindi! Sigurado ako na namamalikmata lang ako!’ “Queen,” Napapitlag ako ng hawakan ni Laxus ang kamay ko. Kunot ang noo at may pagtataka sa mukha nitong nakatingin sa mukha ko. “You looked pale.” “A-ah, wala lang ‘to… napagod lang ako.” “Then rest. Kung inaalala mo si manang, wag kang mag alala, i will make sure na madadala siya sa ospital at maaalagaan. Kapag nalaman niya na napagod ka at hindi nagpahinga dahil sa kanya, sigurado ako na mapapagalitan ka niya.” “S-sige.” PAGDATING namin sa King Hotel na pag aari ng asawa ko kung saan kami tumutuloy ngayon, agad akong nagkulong sa kwarto namin. Ayaw sana akong iwan ni Laxus kung hindi ko pa sinabi na mapapanatag lang ako kapag kasama siya sa ospital kung sana dadalhin si manang. “I-Imposible. Sigurado ako na namamalikmata lang ako.” Tama. Namamalikmata lang ako sigurado ako. Patay na si Rayana kaya malabo na siya ang nakita ko kanina. Tumingin ako sa kamay ko. Namamawis at nanginginig ito. Nanlalamig ang buong katawan
(Kiray pov) Inayos ko ang suot kong mask at sumbrero. Nang masiguro ko na hindi ako nakikilala sa suot ko ay napangiti ako. Aalis ako ngayon ng hindi alam ng asawa ko. Wala naman magagawa ang pag iyak ko. Hindi no’n maaalis ang takot at pag aalala ko. Nakapagdesisyon na ako—aayusin ko ang problema ko. Aalisin ko ang balakit sa landas ko at buhay namin ng anak ko. Hindi ako mauupo lang at hihintayin na mawasak ang pamilya ko. Ako mismo ang aayos nito! Hindi ko alam kung paano nangyari na buhay si Rayana. Masaya man ako na buhay ang kaibigan ko. Pero mas nangibabaw ang takot sa puso ko para sa amin ng anak ko. Nagkaro’n ng emergency meeting ngayon si Laxus dito sa Cebu. Ang alam nito ay aalis ako kasama si Mariz. Pero iba ang plano ko. Tinawag ko ang mapagkakatiwalaan kong mga tauhan. Oo mayro’n akong mga tapat na tauhan. Kinuha ko sila para magsilbi sa akin at gumawa ng mga utos ko. Si Jayson ang mga naghanap ng mga tauhan na ito sa akin. “Hello, nasa’n ka na?” “Nan
(Kiray pov) “May naisip ka na bang plano, ma’am?” Umiling ako. “Wala pa, Jayson. Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa totoo lang.” “Hmm… ano kaya kung ipadukot natin siya at itapon sa dagat? Joke lang, ma’am, ikaw naman hindi mabiro.” Bawi nito ng tingnan ko ng masama. “Ayoko siyang saktan, Jayson. K-Kaibigan ko kasi siya.” Nag iwas ako ng tingin ng magulat ito sa sinabi ko. “M-mahabang kwento. Alam kong masama ang tingin mo sa akin ngayon. Pero hindi ko naman ginusto na mapunta sa sitwasyong ‘to. Ang mommy niya ang dahilan kaya nandito ako.” Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Kahit ako din naman ay magugulat kung ako ang nasa posisyon nito. Para kaming nasa isang movie—hindi makatotohanan at hindi kapani-paniwala. “Mahirap nga ang sitwasyon mo, ma’am. Pero walang ibang paraan para protektahan ang posisyon mo ngayon. Kailangan natin na maging madahas.” Napalunok ako. “Kailangan ba talaga? Wala na bang ibang paraan?“ Umiling ang la
(Laxus King pov) “Mr. King, may dumating na kahon galing sa hindi kilalang tao.” Nilapag ni Jigs sa harapan ko ang isang kahon. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kahon. Ayon rito ay kahapon pa ito dumating. Hindi na-trace ang nagpadala dito. Hmm. I think galing ito sa mga kalaban ko sa negosyo, o baka sa organisasyon. Lately ay napapabayaan ko na ang organisasyon dahil sa asawa ko. I rather went to the doctor with her than to attend a meeting na siyang ikinagagalit ng mga kasosyo ko. Napangiti ako ng maalala ang dahilan kaya mas pinili ko ng manatili sa bahay muna kaysa ang unahin ang ibang bagay. Because of my beautiful wife and our baby. Sila ang dahilan kaya naging makulay ang buhay ko ngayon. Hindi ako sumaya ng ganito noong wala pa sila sa buhay ko. Now I can’t imagine my life without them. Nawala ang ngiti ko ng makita ang laman ng kahon. Duguang wedding dress at duguang baby dress. Dumilim ang mukha ko. Nagulantang si Jigs ng ihampas ko ang kuyom kong ka
(Kiray pov) “Madam, nasaan ka ngayon? Bumalik na ang asawa mo at kanina pa nag aalala. Umalis siya rito kasama si Jigs at iba pa para hanapin ka.” Bumuntonghininga ako bago sinagot si manang. “Pauwi na rin po ako, manang. Wag ka pong mag alala tatawagan ko po siya para ipaalam na uuwi na po ako.” Pagkatapos ibaba ang tawag ay tumingin ako sa cellphone na hawak ko. Hindi ko magawang tawagan si Laxus para sabihin kung nasaan ako. “Ayos ka lang ba? Kung ayaw mo pang umuwi sabihin mo nalang na namamasyal pa tayong dalawa.” Untag na sabi sa akin ni Mariz. Umiling ako. Kilala ko kasi si Laxus. Sigurado ako na hahanapin ako nito at hindi papayagan na hindi kasamang umuwi. Lalo na’t nabanggit kanina ni manang na nag aalala ito dahil sa death threats na natanggap nito. “Hindi na kailangan, Mariz. Sa tingin ko parating na siya dito. Saka tumakas lang kasi ako sa bantay kaya kailangan ko na rin umuwi.” Tumayo na ako at nakangiting nagpaalam dito. Nag init ang sulok ng mata naming dala
“I-iha…” “Pakiusap, Mrs. Solante. Wala ng dahilan para mag usap pa tayo. Kung binabagabag ka man ng konsensya mo, kasalanan mo na ‘yon. Wag mong hilingin sa akin na patawarin ka dahil wala kang mapapala sa akin. Makakaalis ka na!” Wala itong nagawa, bakas ang kalungkutan na umalis ito habang bagsak ang balikat. Nang makaalis ito ay kumuyom ang kamao ko. May konsensya pa pala ang matandang iyon? Mapait akong ngumiti. Pagkatapos ng panlilinlang nito sa akin ay may kapal pa ito ng mukha na magpakita sa akin. Hinimas ko ang tiyan ko ng kumirot ito. “Relax ka lang, anak… hindi na galit si mama. Tumaas lang ang dugo ko dahil may hindi ako inaasahang bisita.” Nakangusong sinundan ni Mariz ang ina ni Rayana. “Mukhang sincere naman ang mommy ni Rayana, Kiray.” “Sincere? Eh ganyan din siya noong nakiusap siya sa akin noon. Akala ko tutulungan niya talaga ako na mapakulong sila Joffrey. Pero wala siyang ginawa..” hindi lang ‘yon, nilihim nito sa akin ang tungkol sa totoong pagkatao n
(Kiray pov) “CONGRATULATIONS, Kiray! Masaya ako para sa’yo! Tama nga ang matatanda, swerte talaga ang mga buntis!” “Sinabi mo pa, nay.” Segunda ni Mariz sa kanyang ina na si Aling Marites bago hinaplos ang tiyan ko. “Ano kaya kung mag-baby na rin ako? Para naman swertehin rin tayo—aray aray ko naman, nay!” “Baby? Paano ka magkakaanak eh wala ka namang nobyo? Ayaw mo kasi patulan si Chef Zues!” “Nay naman!” Nauwi kami sa tawanan dahil sa pamumula ni Mariz. Nagbukas-sara ang ilong nito sa inis ng marinig ang pangalan ng manliligaw nitong si Chef Zues. Oo. Nanliligaw na rito si Chef Zues. Kaya pala palagi nitong inaasar ang kaibigan ko. Nagpapapansin lang pala ito. Lumapit sa akin sila Jayson, Mariz, aling Marites at ipa naming kabarangay para batiin ako. Simula ng magbalik ako at nalaman nilang buhay ako ay bumuti ang lahat ng mga tao rito sa akin. Nadamay lang daw ako sa galit nila sa mga magulang ko na malaki ang mga utang sa kanila. Hindi naman ako mapagtanim ng sama
“Kung may halimaw man sa inyong dalawa, ikaw ‘yon at hindi anak ko!” Puno ng pait at pagkamuhi akong tumingin sa kanya. “Oo, Laxus… oo napakalaki ng kasalanan ko. Pero hindi kasalanan ang pagiging panget! Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin! At lalong hindi kasalanan ng anak ko ang naging kasalanan ko para tawagin mo siyang halimaw at talikuran mo siya. N-napakasama mo, Laxus… napakasama mo!” Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang hindi ako makahinga. Akala ko ang anak namin ang magpapatibag sa galit niya pero hindi pala. Hindi lang nito tinalikuran ang anak naming dalawa, sinuka at nilait pa niya. Nang mapagod sa pagsuntok sa dibdib at pagsampal sa kanya ay lumayo ako sa kanya. Nang makita ko ang boteng naroon ay dali ko itong binasag at dumampot ng bubog mula sa basang na piraso nito. “Kiray!” Natigilan ako… sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako ni Laxus sa totoong pangalan ko. Noon ko pa pinangarap ito. Gusto kong makilala at tawagin ako ng asawa ko sa tu
Ang lalaking mahal ko… nalaman na ang totoo, na isa akong huwad at may malahalimaw na mukha noon. Gusto kong lapitan siya at yakapin, sabihin na heto pa rin ako, ang babaeng minahal nito, na ako pa rin ito. Pero ito na mismo ang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. Napaigik ako sa sakit sa diin ng hawak nito, pakiramdam ko ay madudurog ang buto ko. Ngunit hindi ang sakit niyon ang ininda ko, mas masakit na makita ang pandidiri sa mata nito. Pandidiri dahil isa akong napaka panget na babae noon. Ang sakit! Walang-wala ang sakit na ito sa naramdaman ko sa tuwing nakakatanggap ako ng panlalait sa iba noon. Sampong doble pala ang sakit kapag nanggaling ito sa taong mahal mo. Noon pagmamahal ang nakikita ko at pag aalaga ang natanggap ko mula sa kanya. Nakakadurog ng pusong makita na napalitan na iyon ngayon ng pandidiri dahil totoo kong itsura. Dumiin ang kamay nito sa braso ko at halos bumaon ang kuko sa balat ko kaya napangiwi ako sa sakit. Naggagalawan ang panga ni Laxus at
Nang makita ko ang nakalarawang awa sa mata ni mommy Nissa para sa akin ay kinain ng malaking takot ang dibdib ko. H-hindi… sana mali ang iniisip ko. “Gusto ng bawiin ng anak ko ang posisyon niya, Kiray. Gusto na nang anak ko na bawiin ang buhay niya na pinahiram ko sayo. Patawad, Kiray, pero hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito. Mahal ko ang anak ko at bilang ina, gusto kong makabawi sa kanya at ibigay ang lahat ng gusto niya. Sana maintindihan mo ako.” Makikita ang paghingi ng tawad sa mata ng matanda, paghingi ng tawad sa pagpili sa sarili nitong anak. Umiling-iling ako. “M-mommy Nissa, nagmamakaawa ako…” yumakap ako sa binti nito. “N-noong kailangan niyo ng tulong ko ay pumayag ako. K-kahit kapalit nito ay kalayaan ko at mabuhay sa totoong pagkatao ay pumayag ako. Kaya nakikiusap ako parang awa mo na tulungan mo ako na mabalik sa akin ang asawa ko. M-mahal na mahal ko po siya, hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.” Humahagulhol na hinawakan ko ang tiyan ko..
(Kiray pov) Si Laxus agad ang unang pumasok sa isip ko ng bumalik ang malay ko. Inalis ko agad ang karayom sa kamay ko kaya nag alalang nilapitan ako ni Mariz at Jayson. “Kiray, please! Wag ka munang tumayo. Kailangan mong magpahinga!” “P-Pero ang asawa ko, Mariz! K-kailangan ko siyang puntahan—“ muntik na akong mabuwal kaya inalalayan nila akong dalawa at dahan-dahan na binalik sa kama para iupo. Naalala ko ang nakita ko bago ako nawalan ng malay. Nangilid ang luha ko habang kagat ng madiin ang labi ko. ‘Wag kang iiyak, Kiray! Wag kang iiyak!’ Paalala ko sa sarili ko pero kusang tumutulo ang luha ko sa magkahalong takot at pagkabahala. Kakaiba ang kabang lumulukob sa dibdib ko… hindi ko mapaliwanag. Para akong hindi makahinga. Nagkatinginan sila Jayson at Mariz, bakas sa mukha ang pag aalinlangan at labis na pag aalala. Namumula ang mata na hinawakan ni Mariz ang kamay ko. “Kiray, alam kong mahalaga sayo sobra ang asawa mo… pero kakagaling lang natin sa aksidente at nasag