LIKE 👍
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
DO YOU WANT ME TO EAT YOU? Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang ‘yon sa pandinig ni Skye. Walang hiya kang, Adius ka! May araw ka din sa akin! Ngitngit na bulong niya habang nakatingin ng masama sa binata na abala sa binabasang paper works. Dahil sa sinabi nito kagabi, hindi siya nakatulog—samantalang ang damuhong ito ay masarap ang tulog kagabi. Paano kung hindi niya ito nasipa sa pagitan ng mga hita? Nakain na kaya siya? Napalunok siya ng laway habang nakatingin sa talaba na nasa harapan niya. “Hoy, Skye. Hindi ka ba kakain? Luto na ang talaba oh!” Pukaw ni Maecel sa dalaga. Nagkatinginan ito at si Rachel. Kanina pa nila napansin ang pananahimik ni Skye. “May problema ba, Skye? Kanina ka pa kasi tulala jan at nakatingin lang sa mga pagkain. Sayang naman ang treat ni Rachel kung hindi natin susulitin ang unli seafood dito.” “Oo nga naman, Skye noh. Mabuti pa kumain ka ng marami. Heto oh, kumain ka din ng talaba. Anong malay natin baka swertehin ka at makakagat
Kumunot ang noo ni Adius ng makita ang laman ng suit case na pinadala ni Axel sa kanya. “Where’s the latest model?” Bumaling siya sa tauhan ni Axel. “I have this kind of gun, and your boss knew about that. Sa akin ba talaga ito o para kay Kiro?” Nang makita nito ang laman ng suit case ay napalunok ito ng laway at namutla. “Pasensya na, boss! Mukhang mali ang suit case na nadala ko—“ “Damn it! I’ve waited for almost two months to have that! Tapos ngayon sasabihin mong nagkamali ka?!” Pinakaayaw niya sa lahat ang pumapalpak sa simpleng trabaho kagaya nito. Napalunok laway ang lalaki, ni ang paghinga ay pigil nito sa takot na baka mabaril ng binata. Nang dumating si Kiro, nakita nito ang namumutlang lalaki, kaya sumenyas ito na iwan sila ng kapatid. “Relax. Kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo mo simula ng dumating ka. May problema ba sa kumpanya?” Pumilig ang ulo ni Adius, saka naglabas ng isang pakete ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isa. Kumunot ang noo ng kapat
Gumiling si Skye kasama ang isang afam, at hindi rin nagpatalo ang mga kaibigan niya. Kanya-kanya din silang sayaw kasama ang mga afam na nakikala nila. Ang saya pala pumasok sa ganitong lugar. Talagang makakalimutan mo ang mga iniisip mo. “Dance, baby… you’re so hot!” Sabi ng afam sa tenga niya. “Yes I know! I know I’m hot!” Ganting sigaw niya. Ang gwapo nito, mukhang angel. Matangkad din naman at malaki ang katawan. Saka blonde ang buhok at kulay blue ang mata. Kissable lips pa. Parang ang sarap halikan. Hinila siya ng afam sa kamay at dinala sa mesa nila. Binigyan siya nito ng isang baso na may lamang matapang na alak. Nakita niya na tumango sila Rache at Jolina sa kanya. “Drink ito, baby… it’s good!” Sabi pa ng afam sa kanya. “Oki-oki!” Tinungga niya ang alak ng isang lagukan lang. kamuntik na niyang mabuga pati ang baga niya ng sa sobrang pait nito. So good daw, pero sobrang pait. Munkhang hindi ito katulad ng mga mumurahin alak na nainom niya. Bigla kasi siya agad
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si