LIKE 👍
DO YOU WANT ME TO EAT YOU? Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang ‘yon sa pandinig ni Skye. Walang hiya kang, Adius ka! May araw ka din sa akin! Ngitngit na bulong niya habang nakatingin ng masama sa binata na abala sa binabasang paper works. Dahil sa sinabi nito kagabi, hindi siya nakatulog—samantalang ang damuhong ito ay masarap ang tulog kagabi. Paano kung hindi niya ito nasipa sa pagitan ng mga hita? Nakain na kaya siya? Napalunok siya ng laway habang nakatingin sa talaba na nasa harapan niya. “Hoy, Skye. Hindi ka ba kakain? Luto na ang talaba oh!” Pukaw ni Maecel sa dalaga. Nagkatinginan ito at si Rachel. Kanina pa nila napansin ang pananahimik ni Skye. “May problema ba, Skye? Kanina ka pa kasi tulala jan at nakatingin lang sa mga pagkain. Sayang naman ang treat ni Rachel kung hindi natin susulitin ang unli seafood dito.” “Oo nga naman, Skye noh. Mabuti pa kumain ka ng marami. Heto oh, kumain ka din ng talaba. Anong malay natin baka swertehin ka at makakagat
Kumunot ang noo ni Adius ng makita ang laman ng suit case na pinadala ni Axel sa kanya. “Where’s the latest model?” Bumaling siya sa tauhan ni Axel. “I have this kind of gun, and your boss knew about that. Sa akin ba talaga ito o para kay Kiro?” Nang makita nito ang laman ng suit case ay napalunok ito ng laway at namutla. “Pasensya na, boss! Mukhang mali ang suit case na nadala ko—“ “Damn it! I’ve waited for almost two months to have that! Tapos ngayon sasabihin mong nagkamali ka?!” Pinakaayaw niya sa lahat ang pumapalpak sa simpleng trabaho kagaya nito. Napalunok laway ang lalaki, ni ang paghinga ay pigil nito sa takot na baka mabaril ng binata. Nang dumating si Kiro, nakita nito ang namumutlang lalaki, kaya sumenyas ito na iwan sila ng kapatid. “Relax. Kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo mo simula ng dumating ka. May problema ba sa kumpanya?” Pumilig ang ulo ni Adius, saka naglabas ng isang pakete ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isa. Kumunot ang noo ng kapat
Gumiling si Skye kasama ang isang afam, at hindi rin nagpatalo ang mga kaibigan niya. Kanya-kanya din silang sayaw kasama ang mga afam na nakikala nila. Ang saya pala pumasok sa ganitong lugar. Talagang makakalimutan mo ang mga iniisip mo. “Dance, baby… you’re so hot!” Sabi ng afam sa tenga niya. “Yes I know! I know I’m hot!” Ganting sigaw niya. Ang gwapo nito, mukhang angel. Matangkad din naman at malaki ang katawan. Saka blonde ang buhok at kulay blue ang mata. Kissable lips pa. Parang ang sarap halikan. Hinila siya ng afam sa kamay at dinala sa mesa nila. Binigyan siya nito ng isang baso na may lamang matapang na alak. Nakita niya na tumango sila Rache at Jolina sa kanya. “Drink ito, baby… it’s good!” Sabi pa ng afam sa kanya. “Oki-oki!” Tinungga niya ang alak ng isang lagukan lang. kamuntik na niyang mabuga pati ang baga niya ng sa sobrang pait nito. So good daw, pero sobrang pait. Munkhang hindi ito katulad ng mga mumurahin alak na nainom niya. Bigla kasi siya agad
Napalunok siya ng laway ng walang makuhang sagot dito. Ang mga naroon sa dance floor ay nagpulasan ng makita si Adius. Nang lumapit si Adius sa kanya ng isang hakbang ay muntik niyang malunon pati ang kanyang dila. Sa sobrang dilim kasi ng kanyang mukha ay parang kakainin na siya ng buhay. Ang tingin nito ay nakaka-intimidate, kaya pati siya ay halos hindi humihinga sa intensidad na hatid nito. Tinakpan niya ang dibdib ng makita na tumingin ito sa mababang neckline ng suot niyang pa-heart shape na tube. Kanina naman ay walang kaso sa kanya kahit na pag-piyestahan ng mga lalaki ang dibdib niya. Feeling niya kasi ay sobrang ganda niya. Pero ngayong si Adius ang tumingin sa kanya, feeling niya ay n*******d siya. Parang tumatagos kasi ang tingin nito hanggang sa kaluluwa niya. Juskolord! Bakit sa dinami-dami ng bar ay bakit dito pa pumunta ang hudyong ito. Ito ang first time niya na pumunta ng bar para magsaya, tapos nahuli pa siya. Ang malas naman niya. Nang humakbang muli sa kany
“Ano ba, Adius! Hinay-hinay naman sa pagbuhat sa akin!” Reklamo ng dalaga. Alam niya na excited ito at hindi makapaghintay na masolo siya para maparusahan. Pero wag naman sana itong masyadong magpahalata. Lalo tuloy siyang nape-pressure. Kumunot ang noo niya ng mapansin na sumakay sila ng elevator pababa. Hindi siya pamilyar sa lugar na pinuntahan nila. Pero katulad ng penthouse nito ay halatang mamahalin at de kalidad ang mga gamit na narito. Saka ang astig ng elevator, parang kasya yata ang tatlong kotse sa sobrang laki nito. Pagkarating nila sa ground floor, ay hindi, mukhang basement itong pinuntahan nila dahil pinakababa ito at mukhang nasa ilalim ng lupa. Napa-wow siya ng automatic na bumukas ang mga ilaw. Napapikit siya dahil nakakasilaw. Nang ibaba siya ni Adius ay parang lalo siyang nahilo, masusuka din yata siya. Nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay nanigas siya sa kinatatayuan niya, at literal na muntikan nq malaglag ang panga niya. Bigla siyang nanlamig sa
“Nakahanda na ang almusal mo, SIR.” Pagdidiin ni Skye sa salitang SIR. Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na siya ng kusina nagpunta sa laundry area Araw kasi ng paglalaba. At dahil siya ang nag-presinta na gawin siyang mutchacha, siya din ang naglalaba ng mga damit nito. Paglilinis lang kasi nag trabaho ng grupo nila lider. Ramdam niya ang pagsunod ng tingin sa kanya ng damuho, pero binalewala niya iyon. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng ‘muntik na siyang maparusahan sa pinaka-panget na paraan. Kapag naalala niya ang ginawa ng hudyong iyon ay nanggagalaiti talaga siya sa galit. Nang gawin sa kanya iyon ni Adius ay narealized niya na hindi talaga babae ang tingin nito sa kanya. Para sa hudyong iyon ay laruan lang siya… bayarang laruan. Nakangusong kinusot niya ang brief nito. Naningkit ang mata niya habang nakatingin dito. “Ang laki naman ng brief niya…” salong-salo ang malaking batu-ta. Malakas na hinampas niya ito sa tubig, “Naku! Lahat nalang talaga ay malaki sa
Napahinto siya sa pagtype ng maramdaman na nakatingin sa kanya ang amo niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi nito. Matiim ang tingin nito sa kanya—na para bang may binabantayan ang kilos niya. Tinaasan niya ito ng kilay at lihim na inirapan. Mukhang binabantayan nito ang kilos niya, kasi sa tuwing titingin siya dito ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Mukhang naghihintay ang loko na makagawa siya ng mali. Napahinto siya sa pag-iisip ng marinig ang paghingo ng yabag nito sa harapan niya. “May kailangan ka, SIR?” Tanong niya dito ng magalang, na walang kangiti-ngiti sa labi. Bakit siya ngingiti dito. Eh di nagmukha pa siyang clown. Saka wala siyang balak makipagplastikan dito noh. Nagtaas siya ng tingin ng hindi ito sumagot sa kanya. Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “SIR?” Nag-isang linya ang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang pagtawag niya. Anong gusto nito? Babe? Adius? Umismid siya. Hinding-hindi na mangyayari yon noh. Dahil simula ng
“Naku! Mag-aalauna na pala! Kailangan ko nang bumalik sa trabaho!” Taranta sabi ni Skye ng makita na 5 minutes nalang ay ala-una na. “Bye, Argus! Magkita nalang nila Rachel after ng working hours!” “Bye, Skye—wait!” Pinigilan siya nito sa kamay, “nakalimutan kong ibalik sayo,” inabot nito sa kanya ang panyo na inabot niya dito kahapon. Natapunan kasi ito ng pagkain sa suot nito kahapon kaya pinahiram niya ito ng panyo. “Naku, binalik mo pa talaga, sabi ko naman sayo ‘sayo na yan eh,” aniya sabay hampas ng mahina sa muscle nito, “pero sige na nga, para sa susunod ay makaulit ka… tig-bente din kaya ang isa nito sa divisoria.” Natawa ito sa sinabi niya, “Ang witty mo talaga,” “Talaga?” Tinakpan niya ang bibig kunwari, “naku, pasensya ka na… binibiro lang naman kita. Sige ha, aalis na ako… bye!” “Bye, Skye,” ani nito sabay kindat sa kanya. Pasipol-sipol siya habang pabalik sa opisina. Wala kasi ngayon si Adius, nasalubong niya ito kasama si Xian. Mukhang may lakad ang dalawa. Hmm.
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si