Share

152.

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
“SPO3 Helgeeeerrrr!!!!” Umalingawngaw ang malakas na tinig ni Ivy sa kanilang departamento, natingnan tuloy ito ng masama ni Sir Landri na kasunod lang nito. “Sorry, Sir, na-excite lang.” hingi nito ng paumanhin.

“Kung makasigaw ka naman parang may assignment tayo na natanggap, t-teka, hindi nga?!” Napatayo si Fredo ng nakangiting tumango si Ivy. “Hindi ka nagbibiro?!”

“Sir, totoo po ba?” Kanyang tanong, maski siya hindi makapaniwala.

Napailing nalang si Sir Landri, kahit ito halatang natutuwa. “Tama ang narinig ninyo, officers. Ikaw talaga, Gerud, masyado kang matabil, inunahan mo pa akong magbalita sa kanila.”

“Sorry naman, Sir, hindi ko mapigilan ang sarili ko. After 5 years kasi ngayon lang tayo nagkaro’n ng magandang assignments bukod sa pagpapatrol.”

Tama si Ivy, kaya nga kahit siya ay hindi maiwasan ang masabik. “Sir, ano po ang assignment na gagawin ng Division natin?” Tanong niya pagkatapos nilang maupo sa kani-kanilang upuan.

“Magbabantay tayo ng isang kilalang
SEENMORE

♥️

| 7
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Armario
hula ko si Johnson ang negosyanteng babantayan Ng grupo nila Charlotte
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   153.

    Hindi sila sa headquarter pumunta, kundi sa address na sinabi ni Sir Landri sa kanila. Napanganga sina Ivy at Fredo sa napakalaking mansion na hinintuan nila, maliban sa kanya. Mayaman ang pamilya nila kaya sanay na siyang makakita ng ganito kalaking bahay, hindi na bago ito sa kanya. “Wow, anak ng… ganito kayaman ang babantayan natin? Kaya naman pala kayang magpasahod ng malaki dahil ubod talaga ng yaman!” Palatak ni Fredo. Napapitlag sila sa gulat ng biglang may dumating na magkakasunod na sasakyan. Nagulat silang tatlo ng bumaba ang iba’t ibang division team sa mga sasakyan, sa pangunguna ni Loisa. “Bakit nandito sila? Akala ko ba tayo na ang gagaw ang mission na ito?” Bulong na tanong ni Ivy. Hindi siya nakasagot, agad na napako ang mata niya sa mapang uyam ni Loisa sa labi para sa kanila. “Narito pala ang mga losers. Mukhang nagulat kayong makita kami.” Tawang saad ni Loisa. “Alam namin na ayaw ninyo kaming katrabaho, gano’n din kami, pero wala kaming magawa dahil nag ut

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   154.

    Nanlaki ang mata ni Charlotte kaya naman napaangat siya ng tingin, saka niya napansin na nakatingin sa kanya ang lahat, ang mga kababaihang pulis ay nasa mukha ang inggit at inis, kabilang si Loisa na natameme na sa tabi. “Helger,” siniko siya ni Ivy. “Pinili ka daw, ang swerte mo… inay kupo, kahit habang buhay ko pang bantayan iyan ay gusto ko, kaso ikaw ang pinili niya.” Parang huminto sa pag-ikot at paggalaw sa paligid niya habang magkatitigan silang dalawa. Ganito ba ang nararamdaman noon ni Johnson sa kanya sa tuwing nakikita siya? Ganito pala ang epekto niya noon sa binata na binalewala niya… “Gusto ko ang pulis na kagaya niya… walang pakialam sa damdamin ng iba, mas madaling makatrabaho ang gano’ng klase ng tao… Tama ba ako, Miss Helger?” Napalunok siya. Nagsimulang manubig ang kanyang mata. No, wag kang iiyak, Charlotte. Be professional, nasa trabaho ka ngayon. “Y-Yes, Sir. W-Wag kayong mag alala dahil gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. H-hindi ko ipapahiya

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   155.

    FLASHBACK: 10 years ago. “Charlotte, I love you!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Johnson sa paligid, kaya hiyang-hiya na tumakbo ang dalaga para iwasan ito. “Charlotte, naman. Tumatakbo ka na naman, wala naman akong sakit na nakakahawa ah.” “Pwede ba, Johnson, tigilan mo na ang pagsunod sa akin. My god, nakakahiya ka! Saka hindi kita boyfriend kaya tigilan mo na ako! Hindi kita gusto, yuuuccckkk!!!” Nagawa pang ngumiti ni Johnson kaysa masaktan, ang kapal talaga ng mukha! Isip-isip ni Charlotte. “Charlotte, wait!” Tawag ng binata rito pero hindi ito lumingon. “Ang sungit talaga ng mahal ko. Kaya lalo akong naiinlove sayo!” Pagdating ni Johnson sa bahay ay agad na pingot ang sumalubong sa kanya. “A-Aray ko, Tita Erza!!!!” “Ikaw na bata ka, ano itong naririnig ko na hinaharass mo daw si Charlotte?! Aba, Johnson, hindi magandang ugali iyan, mahal mo man o hindi, pambabastos pa rin iyan!” “Tita, mahal ko si Charlotte, okay. Papakasalan ko siya at aanakan ng marami—

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   156.

    Hindi nakatulog si Charlotte, hanggang ngayon dama niya pa rin ang daliri ni Johnson sa gitna niya. “Om my god!!! Ano ba ang ginawa mo, Charlotte! You’re so disgusting!” Hindi siya makapaniwala na hinayaan niya na hawakan nito ang maselang parte ng katawan niya na dapat ay sa mahal lang niya talaga. “Arghhh! Hindi na ‘yon dapat maulit dahil hindi ko naman siya mahal!” “Pero, mahal ko, hindi ka ba masaya na hindi na ako aalis ng bansa?” May tampong tanong ni Johnson sa nobya. “Ako kasi kaya kong isugal ang pangarap kong makapag aral sa ibang bansa para sa’yo. Mas masaya kasi kung mag aaral ako na kasama ka, mas sisipagin ako dahil kasama ko ang inspirasyon ko.” Nag iwas ng tingin si Charlotte bago sumagot. “Sundin mo kung ano ang pangarap at gusto mo. Hindi naman porke nasa ibang bansa ka ay maghihiwalay na tayo. Saka hindi ba matagal mo nang gustong mag aral sa America? Tuparin mo iyon, Johnson… susuportahan kita.” Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay nakipagbalikan si Zayn sa kan

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   157.

    Grabe ang kaba ni Charlotte habang hinihintay na ipatawag siya ni Johnson. Nasa kani-kanilang misyon na lahat at ginagampanan ang papel nila, habang siya ay narito naghihintay pa rin sa binata. Tutal mukhang matatagalan pang ipatawag siya, nilibot niya muna ang maluwag na sala. Sa mga kagamitan palang halatang bigatin na ang nakatira. Ang dami na talagang pinagbago ng binata, hindi lang sa pisikal na itsura, pati na rin sa katayuan. Oo nga at mayaman na ito, lalo na at anak ito ni Marjo Darmilton, pero ang yaman na tinatamasa nito ngayon ay galing mismo sa pinaghirapan nito. Naalala niya ang pangarap nito para sa future nila noon… Napaayos siya ng tayo ng marinig niyang tumikhim ang secretary ni Johnson. “Sumunod ka sa akin, Miss Charlotte, nasa taas si Mr. Darmilton naghihintay sa inyo.” May magaan na ngiting imporma pa nito. Magaan ang ngiti at approach ng lalaki, mukhang mabait. Habang paakyat sila grabe ang kaba niya. Kailangan pa naman niyang umakto ng normal pero paano na

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   158.

    Lahat ay nagmamadaling pumunta sa garahe ng makarinig ng pagsabog. “Ayos ka lang ba, Fredo?” Alalang tanong niya sa kasamahan, maging si Ivy bakas ang pag aalala sa mukha. “Ayos lang ako. Mabuti na lang napansin ko na may bomba sa sasakyan ni Mr. Darmilton. Mukhang nakatanim na ito bago pa tayo dumating dito. Kaya kayo magdoble ingat dahil hindi natin kilala kung sino ang kalaban.” Nginuso ni Fredo si Johnon na nasa kalayuan, “mukhang hindi nagulat si Mr. Darmilton, hindi siguro ito ang unang beses na nangyari ito.” Palagay niya tama si Fredo. Hindi man lang ito nagulat sa nangyari at base sa ekspresyon ng binata ay inaasahan na nito ang nangyari. “Mag doble ingat na lang tayong lahat. Hindi lang kaligtasan ni Mr. Darmilton ang nakasalalay rito, maging ang kaligtasan din natin.” Napatango siya dahil tama si Ivy. “Sige na, bumalik na tayo sa trabaho natin.” Nag uusap-usap din ang kani-kanilang Division sa nangyari, si Loisa na isa sa nagpapanggap na kasambahay ay masama ang t

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   159.

    Kinuha ni Charlotte ang vest sa kamay ng binata at mabilis na tumakbo, pero napigilan siya nito sa braso bago pa siya makalabas ng kwarto. “Where are you going?” Madilim ang mukha na tanong nito na ikinalunok niya. “M-magpapatulong ako sa kaibigan ko na magsuot nito. H-hindi mo na ako kailangan tulungan—“ “Sinong kaibigan? Iyon ba ang lalaking kausap mo kanina?” Lalong dumilim ang mukha ng binata. “Hindi ka lalabas, ako na ang magsusuot at maglalagay niyan sa katawan mo.” May halong pinalidad sa boses na turan ni Johnson. Nanlaki ang mata at napanganga. ‘Seryoso ba ito? Naku… hindi ako papayag!’ “A-ayoko, h-hindi ako papayag. Lalaki ka at babae ako… hindi t-tama iyon. Kaya kay Ivy na lang ako magpapatulong. S-saka ikaw na ang nagsabi na respect our privacy, this is about my privacy, Mr. Darmilton, so let me go.” Nakahinga siya ng maluwag ng bitiwan siya nito. “Alright, go ahead. Tama ka, sige na umalis ka na.” Pinasadahan nito ang suot niyang jeans at tshirt. “Magpalit ka

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   160.

    BUONG araw hindi nagawang ngumiti ni Charlotte, napakabigat ng dibdib niya, gusto niyang umiyak at ilabas ang sakit, pero may trabaho siya na kailangan gampanan. Hindi siya pwedeng sumuko ng gano’n lang. Pagkatapos magbihis at kumain ay umalis na sila ni Johnson sakay ng kotse nito na minamaneho ni Fredo. Bukod sa kanilang sinasakyan, mayro’ng tigdalawang sasakyan na pinagigitnaan sila, sakay ang mga bodyguards na inupahan ni Johnson at ilang pulis galing sa ibang division kagaya nila. “Mr. Darmilton, may meeting ka pagkatapos natin pumunta sa factory for inspection, and after that, may dinner meeting ka kay Mr. Cholsuk.” Imporma kay Johnson ng kanyang secretary na si Hernan. Nang mapatingin ang lalaki kay Charlotte ay namumula ang tenga na nag iwas ito ng tingin. ‘Ganda talaga ni Miss Charlotte.’ Isip-isip ni Hernan. Hinangaan na agad niya ang dalaga ng makita niya. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganda nito. Mas mukha itong manika kaysa normal na tayo. Kaya nakapagtataka na hind

Pinakabagong kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   43. Do you want me to eat you?

    Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   42. Stop talking about your…

    Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   41. Pasa

    “Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   40. Perlas

    Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   39. Massage

    Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   38. Let her

    “You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   37. Nakulam

    “Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   36. Papuri

    “F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   35. You think you’ll get away with it?

    “Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin

DMCA.com Protection Status