Thank you po sa GEMS 💎 ❇️
Grabe ang kaba ni Charlotte habang hinihintay na ipatawag siya ni Johnson. Nasa kani-kanilang misyon na lahat at ginagampanan ang papel nila, habang siya ay narito naghihintay pa rin sa binata. Tutal mukhang matatagalan pang ipatawag siya, nilibot niya muna ang maluwag na sala. Sa mga kagamitan palang halatang bigatin na ang nakatira. Ang dami na talagang pinagbago ng binata, hindi lang sa pisikal na itsura, pati na rin sa katayuan. Oo nga at mayaman na ito, lalo na at anak ito ni Marjo Darmilton, pero ang yaman na tinatamasa nito ngayon ay galing mismo sa pinaghirapan nito. Naalala niya ang pangarap nito para sa future nila noon… Napaayos siya ng tayo ng marinig niyang tumikhim ang secretary ni Johnson. “Sumunod ka sa akin, Miss Charlotte, nasa taas si Mr. Darmilton naghihintay sa inyo.” May magaan na ngiting imporma pa nito. Magaan ang ngiti at approach ng lalaki, mukhang mabait. Habang paakyat sila grabe ang kaba niya. Kailangan pa naman niyang umakto ng normal pero paano na
Lahat ay nagmamadaling pumunta sa garahe ng makarinig ng pagsabog. “Ayos ka lang ba, Fredo?” Alalang tanong niya sa kasamahan, maging si Ivy bakas ang pag aalala sa mukha. “Ayos lang ako. Mabuti na lang napansin ko na may bomba sa sasakyan ni Mr. Darmilton. Mukhang nakatanim na ito bago pa tayo dumating dito. Kaya kayo magdoble ingat dahil hindi natin kilala kung sino ang kalaban.” Nginuso ni Fredo si Johnon na nasa kalayuan, “mukhang hindi nagulat si Mr. Darmilton, hindi siguro ito ang unang beses na nangyari ito.” Palagay niya tama si Fredo. Hindi man lang ito nagulat sa nangyari at base sa ekspresyon ng binata ay inaasahan na nito ang nangyari. “Mag doble ingat na lang tayong lahat. Hindi lang kaligtasan ni Mr. Darmilton ang nakasalalay rito, maging ang kaligtasan din natin.” Napatango siya dahil tama si Ivy. “Sige na, bumalik na tayo sa trabaho natin.” Nag uusap-usap din ang kani-kanilang Division sa nangyari, si Loisa na isa sa nagpapanggap na kasambahay ay masama ang t
Kinuha ni Charlotte ang vest sa kamay ng binata at mabilis na tumakbo, pero napigilan siya nito sa braso bago pa siya makalabas ng kwarto. “Where are you going?” Madilim ang mukha na tanong nito na ikinalunok niya. “M-magpapatulong ako sa kaibigan ko na magsuot nito. H-hindi mo na ako kailangan tulungan—“ “Sinong kaibigan? Iyon ba ang lalaking kausap mo kanina?” Lalong dumilim ang mukha ng binata. “Hindi ka lalabas, ako na ang magsusuot at maglalagay niyan sa katawan mo.” May halong pinalidad sa boses na turan ni Johnson. Nanlaki ang mata at napanganga. ‘Seryoso ba ito? Naku… hindi ako papayag!’ “A-ayoko, h-hindi ako papayag. Lalaki ka at babae ako… hindi t-tama iyon. Kaya kay Ivy na lang ako magpapatulong. S-saka ikaw na ang nagsabi na respect our privacy, this is about my privacy, Mr. Darmilton, so let me go.” Nakahinga siya ng maluwag ng bitiwan siya nito. “Alright, go ahead. Tama ka, sige na umalis ka na.” Pinasadahan nito ang suot niyang jeans at tshirt. “Magpalit ka
BUONG araw hindi nagawang ngumiti ni Charlotte, napakabigat ng dibdib niya, gusto niyang umiyak at ilabas ang sakit, pero may trabaho siya na kailangan gampanan. Hindi siya pwedeng sumuko ng gano’n lang. Pagkatapos magbihis at kumain ay umalis na sila ni Johnson sakay ng kotse nito na minamaneho ni Fredo. Bukod sa kanilang sinasakyan, mayro’ng tigdalawang sasakyan na pinagigitnaan sila, sakay ang mga bodyguards na inupahan ni Johnson at ilang pulis galing sa ibang division kagaya nila. “Mr. Darmilton, may meeting ka pagkatapos natin pumunta sa factory for inspection, and after that, may dinner meeting ka kay Mr. Cholsuk.” Imporma kay Johnson ng kanyang secretary na si Hernan. Nang mapatingin ang lalaki kay Charlotte ay namumula ang tenga na nag iwas ito ng tingin. ‘Ganda talaga ni Miss Charlotte.’ Isip-isip ni Hernan. Hinangaan na agad niya ang dalaga ng makita niya. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganda nito. Mas mukha itong manika kaysa normal na tayo. Kaya nakapagtataka na hind
“HINDI MO ba mapigilan ang kakatihan mo kaya pati sa oras ng trabaho ay nanlalandi ka lang ng kung sino-sino?” Napaawang ang labi ni Charlotte sa narinig. “Ano?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. Dumilim ang ekspresyon ng binata. Napakadilim ng tingin nito sa kanya. “Stop acting like you’re innocent, Charlotte, kilala na kita kaya hindi mo maloloko sa arte mo. Kung hindi mo magawang pigilan ang sarili mong kalandian, you better quit your job. Hindi ko kailangan ng empleyadong katulad mo.” “Johnson, naman—“ “Johnson?” Putol ng binata sa kanya. “Who gives you a permission to call my name?” Mariing wika nito. “Wala, Miss Helger… let me remind you this, hindi ka narito bilang kakilala ko o kung anupaman, narito ka dahil sa trabaho, at bayad kita. Naiintindihan mo ba?” Maanghang na katagang dugtong pa nito. Kagat ang labi na yumuko si Charlotte, ramdam niya ang pagkapira-piraso ng kanyang puso sa sakit. Sobra-sobra ang insulto na kanyang natanggap mula rito, at napakasakit niyon
Araw ng linggo, day off nang lahat maliban sa mga naka-assign ngayong araw. May rotation kasi day off ng mga nagbabantay kay Johnson, at ngayon nga ay sabay-sabay silang walang pasok nila Ivy at Fredo. Bumuga muna siya ng hangin lumabas ng mansion. Isang malamig na tingin at tango lang ang natanggap niya kay Johnson ng magpaalam siya. “Ano ba ang inaasahan mo sa kanya, Charlotte? Na pipigilan ka niya?” Tanong niya sa sarili. “Charlotte!!!” Malakas na tawag ni Ivy kasama si Fredo. “Ano, tara inom? Libre daw ni Fredo!” “Ano?!” Angal ni Fredo. “Teka, wala akong sinabi na ililibre ko kayo?!” Mukhang mapapasubo na naman ang binata. “Anong wala? Kasasabi lang sa akin kanina na “wag kang mag alala libre ko kayo mamaya!” Tapos ngayon tatanggi ka?!” Wala nang nagawa si Fredo kundi ang ilibre silang dalawa. May kasalanan pala ito kay Ivy kaya hindi makatanggi. “Kamusta na ang pagiging pekeng nobya ni Mr. Darmilton, Charlotte? Napansin ko madalas kang parang wala sa sarili, saka n
PAGKATAPOS bayaran ang bill nila ay agad nilang hinanap si Charlotte. “Kasalanan mo ito, Fredo! Kapag may nangyaring masama kay Charlotte babarilin talaga kita!” “Bakit ako? Ikaw itong katabi niya kanina— aray bwisit!!!” Halos mapatalon si Fredo sa sakit ng sipa ni Ivy sa kanyang binti. “N-nilibre na kita, nananakit ka pa!” “KANINA ka pa tahimik, ah. Babae ba?” Hula ni Wayne sa iniisip ng kaibigang si Johnson. Johnson looked at him with a blank stare, kaya bahagyang natawa ang kaibigang si Wayne. Mukhang tama nga siya. “What took you so long? Kanina pa ako naghihintay dito. Tsk, wala ka talagang kwentang kausap.” Muling umorder si Johnson ng alak sa bartender, pagkatapos lagukin ito ay umorder muli ang binata ng isa pa. “Relax, dude. Kadarating ko lang lasing ka na agad, wag mo naman ubusin ang alak rito sa bar.” Tawang biro ni Wayne. “Tell me, sino ang babaeng nakapagpagulo sa isip ni Johnson Darmilton? Do I know her?” Charlotte… kusang sinambit ng utak ng binata ang pang
Kanina pa tulala si Charlotte habang nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. Narito siya ngayon sa condo niya at wala sa sarili. “Arghhh! Ano ang nakain ko at pumayag ako sa gusto niya— ouch!” Napangiwi siya ng malaglag sa kama niya. Ang ngiwi niya ay napalitan ng ngiti. Para siyang baliw ngayon habang nakahiga sa sahig. “Bakit nga pala ako magmamaktol eh ginusto ko ‘yon.” Tama, ginusto niya ito. Wala nang atrasan at bawian. “Arghh, bahala na nga!” Ang mahalaga ay magkakaro’n na siya ng pagkakataon na lalong mapalapit sa binata. Mabilis na kumilos siya para maligo. Kailangan niyang pumasok sa trabaho. Pagdating sa mansion ni Johnson ay sumalubong agad sa kanya sina Ivy at Fredo. Napalunok siya ng makita ang itsura ng dalawa. “Ano ang nangyari sa inyong dalawa?” Nangingitim kasi ang ilalim ng mga kaibigan niya. “May sakit ba kayo?” Sabay na sumama ang tingin ng dalawa kay Charlotte. “Nagtatanong ka pa?” Sikmat ni Ivy. “Hindi kami nakatulog kakahanap sayo! Sana nagmessage
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin