Salamat po sa GEMS at RATE♥️🥹🥰❇️ Godbless po!
[Alena] “I love you, love.” Ma-emosyon si Kairo, parang maiiyak na ito anumang sandali. “That night, b-before I close ny eyes right before the accident, ikaw ang nasa isip ko… t-tangina, natakot ako, Alena. Hindi pa kasi ako handang iwan ka, gusto ko pa kayong makasama ng mga anak natin… ayoko pang mawala.” Pati siya ay nahawa na, pareho na silang umiiyak. Dama niya talaga na takot ito na mamatay. Alam niya ang ganong pakiramdam. Naalala niya no’ng panahon na buntis siya. Takot na takot siyang mamatay. Ayaw pa niyang mamatay dahil inaalala niya ang anak niya at si Apol. Gusto pa niyang mabuhay noon para makasama ang mga mahal niya sa buhay at maging masaya. “God knows how grateful I am because he let me to live. Hinayaan niya akong mabuhay pa para makasama kayo ng mga anak…” ‘Ako din sobrang nagpapasalamat dahil binalik ka niya sa amin.’ Piping usal niya. Tumingala si Kairo, ilang beses na umalon ang lalamunan nito. Napansin niya na lalo pa itong naluha, nasa mukha nito ang
[Alena] “Isa akong disgrasyadang babae… wala nang magmamahal sa akin dahil isa akong dalagang ina.” Iyon ang tinatak niya dati sa utak niya. Walang araw, oras, minuto na hindi siya nasasaktan at nalulungkot sa sinapit niya. Para sa katulad niyang walang-wala, isang kahihiyan ang nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung paano mabuhuhay sa mga susunod na araw at kaharapin ang mga nangungutyang tingin sa kanya. Natakot siya na hindi makakatagpo ng lalaking mamahalin siya… ang nasa isip niya noon ay hindi na siya magiging masaya. Pero mali siya. “Yes, I do, father…” sagot niya sa pari matapos siyang tanungin. Nang i-angat ni Kairo ang belo niya ay agad na nangilid ang luha niya. Akala niya hindi na siya magiging masaya… pero mali siya. Binigay ng Diyos si Kairo sa kanya… binigay ng Diyos ang mga anak niya. “Mahal na mahal kita, Alena.” Madamdamin na saad ni Kairo bago siya hinalikan ng magaan sa labi. Hindi niya magawang magsalita, sobrang emosyonal niya ngayong araw ng ka
Lilinawin ko lang po. Ang story na ito ay kwento na nang kapatid ni Apol at Charlotte na si Johnson, si Charlotte po ang partner niya dito hehe. Enjoy reading po! *******¥ “KAILAN mo balak magtrabaho sa kumpanya, Charlotte? Hindi ka na bumabata, ang Ate Cherry mo malapit ng ikasal, ikaw kailan mo balak magpakasal?” Tanong ng ama ni Charlotte. Biglang nawalan siya ng gana sa pagkain, binaba. “Aalis na po ako, dad—“ “Umupo ka muna, Charlotte, kinakausap pa kita! Bakit ba palagi mo nalang iniiwasan ang tanong ko? Bente otso ka na! Ang gusto ko ay lumagay ka sa tahimik. Umalis ka na sa pagiging pulis dahil hindi bagay ang propesyon na iyan para sa babaeng katulad mo!” Galit na hayag ng daddy niya. Napabuga nalang siya ng hangin. Maging ang mommy niya ay sumang ayon rin sa daddy niya. Wala talaga siyang kakampe. “Tama ang daddy mo, anak. Bakit hindi nalang modeling? Pag aartista? Bakit pulis pa ang napili mong trabaho?” Tanong pa ng mommy niya. Heto na naman sila sa ganitong
[Charlotte] Pawis na pawis silang sumilong nila Ivy sa gillid ng isang tindahan dito sa Quiapo, katatapos lang nila magronda, pawis na pawis sila dahil inikot nila ang buong area para siguraduhin na walang kaguluhan, kahapon kasi ay may gulo rito. Mabuti nalang ngayon ay wala na. “Kumain na kaya tayo, baka mamaya pa dumating sila Sir, nagugutom na ako.” Reklamo ni Ivy habang himas ang tiyan. Sabay-sabay kasi sila palagi kumain, bilang team ay nakasanayan na nila iyon. “Mamaya na, magpaalam muna tayo kay Sir baka mamaya magalit na naman iyon sa atin ‘yon at isipin na wala na naman tayong ginawa, lagi pa naman tamang hinala ‘yon. Saka pwede ba, anong gutom? Eh kakakain mo lang kanina ng mami di’yan sa kanto. Kaya ka lalong lumalaki, wala kang kabusugan.” Puna niya na ikinasimangot nito. Agad na napaayos sila ng tayo ng dumaan ang patrol car na sinasakyan ng Division A, sina SPO4 Loisa Pelaez, kasama nito ang mga kagrupo. Hinintuan sila nito ng sasakyan ng makita sila. Agad na s
“Pulis na takot humawak ng baril, isang kalokohan!” Isa iyan sa salitang madalas marinig ni Charlotte. Nakakalungkot, pero iyon ang totoo. Kahit nga siya ay natatawa mismo sa sarili niya. After ng kasal ng kapatid ni Johnson na si Ate Alena ay hindi na bumalik sa normal ang lahat sa kanya. Simula ng makita niya si Johnson ng araw na iyon, na mayro’ng malamig na tingin, naging balisa na siya at hindi nakapag-focus sa trabaho. Tumatagos sa pagkatao niya ang malamig na tingin ng binata, wala siyang nakitang rekognasyon sa magandang mata nito habang nakatingin sa kanya… na para bang nakalimutan siya nito, ang tingin nito sa kanya ay walang dating, walang pagmamahal at walang pagkagulat o anupaman. Blanko at madilim… gano’n siya nito tiningnan. At dumurog iyon ng husto sa kanyang dibdib, ang sakit, tagos at sagad sa buto. Sobra siyang nagsisisi sa ginawa niya noong kasalanan. Kaya naiintindihan niya kung bakit gano’n ito sa kanya. Hindi maalis si Johnson sa isip niya noon. Wala si
“SPO3 Helgeeeerrrr!!!!” Umalingawngaw ang malakas na tinig ni Ivy sa kanilang departamento, natingnan tuloy ito ng masama ni Sir Landri na kasunod lang nito. “Sorry, Sir, na-excite lang.” hingi nito ng paumanhin. “Kung makasigaw ka naman parang may assignment tayo na natanggap, t-teka, hindi nga?!” Napatayo si Fredo ng nakangiting tumango si Ivy. “Hindi ka nagbibiro?!” “Sir, totoo po ba?” Kanyang tanong, maski siya hindi makapaniwala. Napailing nalang si Sir Landri, kahit ito halatang natutuwa. “Tama ang narinig ninyo, officers. Ikaw talaga, Gerud, masyado kang matabil, inunahan mo pa akong magbalita sa kanila.” “Sorry naman, Sir, hindi ko mapigilan ang sarili ko. After 5 years kasi ngayon lang tayo nagkaro’n ng magandang assignments bukod sa pagpapatrol.” Tama si Ivy, kaya nga kahit siya ay hindi maiwasan ang masabik. “Sir, ano po ang assignment na gagawin ng Division natin?” Tanong niya pagkatapos nilang maupo sa kani-kanilang upuan. “Magbabantay tayo ng isang kilalang
Hindi sila sa headquarter pumunta, kundi sa address na sinabi ni Sir Landri sa kanila. Napanganga sina Ivy at Fredo sa napakalaking mansion na hinintuan nila, maliban sa kanya. Mayaman ang pamilya nila kaya sanay na siyang makakita ng ganito kalaking bahay, hindi na bago ito sa kanya. “Wow, anak ng… ganito kayaman ang babantayan natin? Kaya naman pala kayang magpasahod ng malaki dahil ubod talaga ng yaman!” Palatak ni Fredo. Napapitlag sila sa gulat ng biglang may dumating na magkakasunod na sasakyan. Nagulat silang tatlo ng bumaba ang iba’t ibang division team sa mga sasakyan, sa pangunguna ni Loisa. “Bakit nandito sila? Akala ko ba tayo na ang gagaw ang mission na ito?” Bulong na tanong ni Ivy. Hindi siya nakasagot, agad na napako ang mata niya sa mapang uyam ni Loisa sa labi para sa kanila. “Narito pala ang mga losers. Mukhang nagulat kayong makita kami.” Tawang saad ni Loisa. “Alam namin na ayaw ninyo kaming katrabaho, gano’n din kami, pero wala kaming magawa dahil nag ut
Nanlaki ang mata ni Charlotte kaya naman napaangat siya ng tingin, saka niya napansin na nakatingin sa kanya ang lahat, ang mga kababaihang pulis ay nasa mukha ang inggit at inis, kabilang si Loisa na natameme na sa tabi. “Helger,” siniko siya ni Ivy. “Pinili ka daw, ang swerte mo… inay kupo, kahit habang buhay ko pang bantayan iyan ay gusto ko, kaso ikaw ang pinili niya.” Parang huminto sa pag-ikot at paggalaw sa paligid niya habang magkatitigan silang dalawa. Ganito ba ang nararamdaman noon ni Johnson sa kanya sa tuwing nakikita siya? Ganito pala ang epekto niya noon sa binata na binalewala niya… “Gusto ko ang pulis na kagaya niya… walang pakialam sa damdamin ng iba, mas madaling makatrabaho ang gano’ng klase ng tao… Tama ba ako, Miss Helger?” Napalunok siya. Nagsimulang manubig ang kanyang mata. No, wag kang iiyak, Charlotte. Be professional, nasa trabaho ka ngayon. “Y-Yes, Sir. W-Wag kayong mag alala dahil gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. H-hindi ko ipapahiya
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si