CHAPTER 19
" Huminto ka malapit sa waiting area sa harapan ng Mcdo. Ayun nakikita ko na siya. Thank you Marlon. Tawagan ko na siya." sabi ko kay Marlon. Agad na huminto si Marlon sa harapan ng Mcdo. Tinawagan ko na agad si Micca Zon ang isa sa mga tauhan kong nurse din. Nagbakasyon kasi ang isa ko pang tauhan sa kanilang probinsiya kaya si Micca naman ang aking isasama. Agad na sumakay si Micca nang kotse.
" Magandang araw po sainyong lahat." pagbati nito. " Hi Micca how are you? Anyway, this is Marlon Xer, this Warren Boiz, and Arnold ito yong sinasabi ko sayo. Pwede mo na siya icheck ngaun. Habang nagbabyahe tayo. May sugat po siya sa braso maliit lang. Ikinalat niya lang ang dugo sa buo niyang mukha upang mapaniwala ang mga kriminal na patay na siya." agad k
Dinaanan nina Nicole ang isang tauhan niyang nurse upang ito ang magiging tagagamot ni Arnold ang guwardiyang bi naril nasa akala nilang patay na. Agad naman nitong tiningnan at ginamot . Pinainom ng gamot. Tuloy ang plano na ipalibing na kinabukasan ang mga pamangkin ni Nicole at hindi na sila pupunta . Para din sa kanilang kaligtasan. Halos madurog ang puso ni Nicole nang nalalalala na naman nito lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.. laking gulat ng demonyo ng nkita niya mismo na wala na sa hukay ang taong kanyang pinalibjng. Kaya pinagbabaril ang tatlong tauhan nito at sila ang inilibing sa hukay.
CHAPTER 20 Sobrang bigat ng aking pakiramdam nang bumalik muli ang lahat na mga nangyayari sa buhay ko sa aking isipan. Iyak ako ng iyak na hindi ko na napipigilan. Alam ko na napapansin nina Marlon , Warren, Arnold at Miccah ang aking pag iyak. Tahimik lang silang apat at nakiramdam. Pinabayaan nila akong umiyak hanggang sa wala na akong mailuluha pa. " Dito na tayo. Iiwan na natin dito ang kotse. Warren, alalalayan mo si Arnold paakyat. Ako na magdala ng mga gamit natin." Utos ni Marlon kay Warren. Agad na lumabas ng kotse si Warren at binuksan ang pintuan ni Arnold. Agad itong inalalayan palabas ng kotse. Lumabas na rin si Miccah . Nasa loob pa rin ako ng kotse at malalim pa rin ang aking iniisip. Binuksan na ni Marlon ang pintuan ko. Kaya lumabas na rin ako. Nakikiramdam lang naman ako sa kanil
CHAPTER 21 Pagkatapos ng hapunan agad na nagpahinga kaming lahat. Halos hindi ako makatulog dahil naalala ko ang aking mga kapatid. Iyak ako ng iyak. Halos mabaliw ako sa kaiisip kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko. Patay na silang lahat. Ang anak ko nalang ang naiiwan sa akin ngunit hindi ko pa alam kung nasaan siya. At sa pagkakataong ito kailangan ko makuha at mailigtas ko ang aking anak sa kamay ng mga demonyo. Hindi ko namalayan napaidlip na pala ako. Habang ang aking mga mata puno nang luha. Ang himbing ng aming pagpahinga. Pagod na pagod. Nagulat ako ng mag alarm ang aking celphone. 7: 45 na ng umaga. Agad akong bumangon. Dumretso ng banyo. Nagtoothbrush, naghilamos at nagsuklay nang sandali. Maya maya pa'y may kumakatok na sa aking kwarto. Sina Marlon, Warren, Arnold, Miccah, Mang Kiko at Aling Tricia.
CHAPTER 22 Ngayong patay na lahat ang mga kapatid ni Brenda. Ano kaya ang binabalak ni Miss nicole? Bakit babalik siya ng America? Ano kaya ang kanyang gagawin? Mahahanap pa kaya ni Brenda ang kanyang anak? Paano kaya niya maipaglaban o maiganti ang nangyari sa kanyang ina at mga kapatid? Nakikita natin na sobrang sakit ang kanyang dinanas sa buhay ngunit hanggang ngayon ay patuloy niyang nilalabanan ang sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya duro na durog siya . Ngunit heto, patuloy pa rin siya na lumalaban at tinanggap ng buong tapang kahit na ganun pa man ang nangyari sa buhay niya.
CHAPTER 23 Naghintay kami sa baba ng mahigit isang oras. Maya maya pa'y dumating na ang aking drayber. SI Lito Campuz. Hindi ito nagsasalita agad na kinuha ang aking mga gamit at nilagay sa likod ng kotse. " Lito Campuz! Si Marlon isa sa mga malalapit ko na kaibigan, siya'y kakampi natin . Hindi lang namin kasama dito si Warren. Bale dalawa sila." Ngumiti ito at kinamayan si Marlon. " Hello po Sir Marlon maganda hapon po sainyo." pagbati nito kay Marlon. " Hi kuya Lito Campuz. Ingatan niyo po si Miss Nicole. Mag ingat po kayo sa pagmamaneho." ani ni Marlon. " Huwag po kayo mag alala sir Marlon, safe po si Miss Nicole kapag ako ang kanyang kasama." nakangiting wika nito. " Alis na kami kailangan ko na rin umalis kasi may meeting pa ako mamaya mga alas dyes ng gabi. ( 10pm)".sabi ko kina Marlon. Agad akong
Hello to all my readers and supporters. Maraming maraming salamat sa pagsubaybay ng aking libro. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik at walang sawang pagsubaybay. Pagbabasa na kahit bitin ay patuloy po kayong nag aabang. Hindi ko po kayo maisa isa dahil hindi ko rin naman kayo makilala. Abangan niyo po ang mga kapanapanabik na mga pangyayari sa susunod pang mga kabanata at kaganapan sa kwentong ito. Abangan niyo po ang paghihiganti ni Brenda sa taong dumurog sa kanyang pagkatao at pamilya. Mahahanap kaya ni Brenda ang kanyang anak? Kung makita man niya ito makikilala kaya siya nito? Ilang taon na ang nakalipas. Malaki na ang bata.
Hello to all my readers and supporters. Maraming maraming salamat sa pagsubaybay ng aking libro. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik at walang sawang pagsubaybay. Pagbabasa na kahit bitin ay patuloy po kayong nag aabang. Hindi ko po kayo maisa isa dahil hindi ko rin naman kayo makilala. Abangan niyo po ang mga kapanapanabik na mga pangyayari sa susunod pang mga kabanata at kaganapan sa kwentong ito. Abangan niyo po ang paghihiganti ni Brenda sa taong dumurog sa kanyang pagkatao at pamilya. Mahahanap kaya ni Brenda ang kanyang anak? Kung makita man niya ito makikilala kaya siya ng kanyang nag iisang anak
CHAPTER 26 Maaga kung pinasundo si Miccah. Tinawagan ko muna si Marlon upang ipaalam kay Miccah ang nais kung iparating. Si Marlon na muna ang bahala sa guwardiyang si Arnold. 9:30pm ay umalis na kami ng akj g drayber. Nagkita kami ni Alpha. Isa sa mga tauhan ko na may mataas na posisyon . " Nakuha ko na po Miss Brenda ang lahat nang impormasyon na inyong nais. Positibo po na iisang tao lang ang gumawa ng lahat lahat ng ito."paliwanag nito sa akin. " kung ganun...sa aking pagbabalik isasagawa ko na ang matagal ko nang plano. At gusto ko na makuha ang aking anak na matagal nang nawalay saakin."sabi ko kay alpha..." Nandito lang ako Miss Brenda hindi kita pababayaan sa abot ng aking makakaya. Si
CHAPTER 27 Umalis sina Marlon at Warren sa bahay bakasyunan nina Marlon at nang kanyang mga magulang. Yong mag asawa ay pinag iingat ni Marlon at pinababantayan na rin ng mga tauhan ni Marlon nang hindi alam ng dalawang matanda. Hindi ko natingnan ang oras mag alas dyes na pala ng umaga. Abalang abala ang mga tauhan ko sa paghahanda at pagluluto ... ang hindi nila alam na may darating na mga pagkain dahil nag order ako. Nakangiti ang lahat . Masayang masaya. Maya maya pa'y lumabas na si Miccah. Nagulat ang lahat at nabigla sila ng nakita nila si Miccah na dumating. Kahit sa ganitong paraan nararamdaman kong may kasama ako. Nararamdaman ko na may nagmamahal pala sa akin. May mga tao pang nagmamalasakit sa akin sa
CHAPTER 65Pagkatapos naipamahagi Nina Alfred ang mga regalo na bigay ni Miss Nicole. Agad naman na umuwi ng bahay si Alfred. Tuwang tuwa ito na ikinuwento sa kanyang lola ang nangyari. Masaya naman na tinanggap at binuksan ng matanda ang para sa kanya na regalo na bigay ni Miss Nicole. Ang saya saya ng mag lola. Lumipas ang ilang araw at patapos na din ang 2023. Dalawang araw na lang at 2024 na. Sa kabilang dako masaya naman na naghahanda sina Eduard at Mica sa paparating na bagong taon. Masayang masaya naman ang nag iisa nilang anak . Nakalimutan nila saglit ang paghahanap kay Nicole. SAMANTALANG si Miss Nicole, ay naghahanda ng kanyang gagawin sa pagpasok ng bahay ni Edward. " Bago ko pasukin ang bahay ni Edward. Puntahan ko muna ang mag lola. May kung anong kaba nasa puso ko nang makita ko si Alfred. At bakit kilala ako ng lola ni Alfred. At bakit umiiwas siya sa akin? May dapat po ba akong malaman?"tanong nito sa sarili habang humihinga ng malalim. Hindi na nagtatagal pa s
CHAPTER 64 "Po? saglit lang po hanapin ko lang si lola. " paalam ng binata sa babae...agad na umalis si Alfred sa loob ng kwarto kung nasaan nakahiga si Miss Nicole. Agad nito hinanap ang kanyang lola. Pinuntahan agad ng binata ang labasan kong saan doon naglalagi ang kanyang lola kapag may problema ito. At hindi nga nagkamali si Alfred. Nadatnan niyang umiiyak pa rin ang kanyang lola habang may hawak hawak itong lampin...isang telang kulay asul na may pangalan na nakasulat sa git nito. Agad nitong nilapitan ang kanyang lola at hinawakan sa balikat at nagtanong... " Lola! Ano po ginagawa niyo dito? Bakit nandito po kayo at umiiyak? May problema po ba? Nagtataka po ang bisita ko kong bakit kayo nawala. Halina kayo lola, umuwi na po tayo at ipakilala kita kay Miss Nicole." wika ni Alfred. Nanlaki naman ang mga mata ng kanyang lola nang marinig nito ang sinabi ni Alfred. Nagtataka naman ang binata. " Lola? Bakit po?"takang tanong nito sa kanyang lola. " Ano kamo? Nicole ang pangala
CHAPTER 63 Nagtaka talaga si Rose kung bakit magkamukha si Alfred at si Miss Nicole habang pinagmasdan ang dalawa na tulog . " Bakit kaya magkamukha sila. At pareho pa sila ng blood type. Nakakapagtataka talaga..pero hindi , baka nagkakataon lang. Sobrang bait talaga itong si Alfred. Ito ang nagustuhan ko sa kanya. Sana nararamdaman niya ang nilalaman ng puso ko." wika nito sa sarili habang nakatingin sa maamong mukha ng binata. Mahimbing naman na natutulog si Alfred, dahil na rin sa pagkuha ng dugo sa kanya. Tumayo naman ang dalaga at nagpunta sa kusina. Mag uumaga na kasi kaya kailangan na niya maghanda ng makain ng dalawa para sa almusal . Upang pagising ng mga ito ay nakahanda na ang pagkain at maibigay na niya agad. Alam niyang mahina pa ang mga katawan nito. Lalong lalo na ang pasyente nila. Binuksan niya ang ref ng binata at tiningnan kong ano ang puwede niya mailuto..Nakita niyang may dalawang tray ng itlog, may fresh milk. Tiningnan niya ang freezer , may mga laman ito ng
CHAPTER 62 Matagal bago nakasagot si Alpha sa tanong ni Edward na kanina pang hindi mapakali. " Ano na balita! "mataas na ang tono ni Edward na atat na atat na sa malalaman. " Sir Edward, negative po. Wala pong tao ang sasakyan at wala din naman silang nakitang mga patak ng dugo. At wala ding mga gamit sa loob ng sasakyan upang sana makilala kong sino ang nagmamay ari ng sasakyan." malungkot na wika ni Alpha. Galit na sumagot si Edward. " Palpak talaga ang mga tauhan mo.Micca! Palpak! Bakit kasi pinagbabaril niyo ang sasakyan yaong hindi noyo naman nakita kong may tao ba o wala sa loob! mga tanga! galit na singhal ni Edward kay Micca at sa mga tauhan nito na nakatayo sa di kalayuan at si Micca naman ay nasa kusina nagluluto. Maingat naman na hinaplos haplos ng anak nila ni Edward si Micca... " Hayaan muna si Daddy mom, ako na ang bahala. Talaga naman napakatinik ng babaeng iyon. Mapasaan pa ba siya pumaroon at makukuha ko din siya at mapatay!"hahahaha!sabay tawa nito ng malakas.
CHAPTER 61 Lingid sa kaalaman ko ay tumawag na pala si Micca kay Eduard. At alam ni Eduard na ako ang kumakausap kay Micca. "Huwag kang magpapahalata, doon ka pumunta sa sinasabi niya. Ipapatira ko na siya ngayon. Mukhang may nalalaman na siya tungkol sa katauhan ng anak ko!"galit na sabi ni Eduard. " Opo! Sir Eduard, papunta na po ako sa kabilang pintuan. "sagot naman ni Miccah. Sa di kalayuan natatanaw na ni Micca si Miss Nicole. Pabaling baling pa ito ng tingin. " Nakikita ko na si Micca , teka muna". wika ko sa sarili. Nakikita ko na may mga kalalakihang nakasunod sa kanya at may bitbit na mga baril. Kailangan kong umiwas muna. Hindi ako magpapakita sa kanya. Bumalik ako ng kotse at pumasok. Nakikita kong palingon lingon si Micca at ang mga kalalakihan na kasama nito. Tumatawag si Micca. Kailangan ko silang ilihis... " Hello, where are you? Nandito na ako sa loob ng office ! Ang tagal mo naman Miss Micca, ang dami ko pang asikasuhin!"kunwaring galit ako. " Opo director. P
CHAPTER " OH? Bakit ang sama ng tingin mo sa akin? Mukha yata kakainin muna akong buhay niyan?"may pagkainis kong tanong. Hindi pa rin nagsasalita si Edward. Tinitingnan pa rin ako nito ng masama. At nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkatuwa. Bigla naman nagsalita ang anak namin. " Ano na ang plano niyo ngayon madam? Nandito na kaming muli sa mga kamay mo? Hindi po ba kayo magsasawa na palipat lipat nalang kami ? Bakit hindi niyo nalang kami patayin? Bakit? Mukhang hindi niyo alam kong ano ang dapat niyong gawin! Baka maunahan ko pa kayo at pagsisihan niyo?! hahhahahahaa!" sabay tawa nito na nakakaloko. Hindi na ako sumagot , tinapunan ko na lamang siya ng tingin. Kita ko sa kanyang mukha at mga mata ang galit at pagka inip nito. Hindi ito mapakali sa kanyang inuupuang kama. Mga matang malilikot na hindi mapilirmi sa iisang lugar. Balisa, at mukhang demonyo. " Paano ko mabago ang pagkatao ng aking anak. Naawa ako sa kanya. Simulat sapol naging masama na ang kanyang pag uugal
CHAPTER 59 Pumasok agad ng banyo ang lalaki. Ngunit ilang saglit lang ang nakalipas ay tumawag sa kanyang mobile si Marlon. Napailing na lamang ang lalaki. Agad naman ito lumabas ng banyo at deretsong bumalik ng kwarto. "Bravo, nasaan ka?"agad na tanong nito. " Nandito po sa loob ng kwarto ng mga bihag. Kabalik ko lang dito nagbanyo po ako. Bakit niyo po naitanong sir Marlon?"pabalik naman na tanong ng lalaki. " Ah...e....tumawag kasi ako sa isa sa mga tauhan diyan wala ka raw . Kaya ako nagtanong." paliwanag na sagot nito ng lalaki. " Bantayan mo ng maigi mga bihag. Ayokong makawala mga yan. Alam muna siguro, paano ako magalit. Bilin na wika nito ni Marlon sa kausap. Hindi na sumagot pa si Bravo. Pinatay na ni Marlon ang tawag. Agad naman na tiningnan ni Bravo ng dalawang nakahiga sa kama. " Maitakas ko rin kayo at maibalik kay Miss Nicole."wika nito sa sarili. Samantalang sina Alpha at Marlon ay nagpunta pala ito Maynila dahil may mga inaasikasong papeles si Marlon sa kanolan
CHAPTER 58Tumuloy ako sa bago kong bahay. Katatapos lang nito. Kaya tamang tama lang sa mga mangyayari. walang flat lang ito at may underground pababa. At gaya ng mga bahay kung pinapagawa may mga sekretong lagusan ito. Tiningnan ko ang dalawang mag ama. Tulog pa rin ang mga iyon dahil sa tinurok kung pagpatulog. Agad kung tinawagan ang katiwala ko sa bahay na ito. Pinabuksan ko sa kanya ang gate . Bago ako pumasok ng bakuran ko siginigurado ko munang walang sasak9yan o anuman ang nakasunod sa akin. Wala naman akong makita , kaya agad kong ipinasok ang sasakyan. Dumiretso ako sa likod kung saan nandoon ang sekretong mga pintuan papasok ng bahay. Ang hindi ko alam natulog tulugan pala ang dalawa. May mga posas naman ang kanilang mga kamay. Pero ang mga paa nito ay hkndi ko itinali. Lingid sa aking kaalaman ay patagong gumapang ang dalawa habang ako naman ay kinakausap ang dalawa kong katiwala. Hindi ko napansin na nakababa na ng kotse ang dalawa. at agad itong tumakbo papalayo. Bumali
CHAPTER 57 " Alpha, ano sa tingin mo kung iligpit na natin si Edward?"Agad na tanong ko nito sa lalaki. " Sa tingin mo ba kung iligpit mo kaagad ang taong iyon. Magbabago ba ang buhay mo kaagad.?"Agad nitong sagot sa mga sinabi ko. " Kayo na muna bahala dito. May asikasuhin lang ako." Agad kong wika nito. Na halatang kanina pa ako naiinis. Huwag kayo magpauto kahit sino sa kanilang dalawa. Alam kong maraming paraan ang dalawang iyan upang makatakas. Please, bantayan niyo silang maigi. " wika ko nito. " Huwag kayo mag alala Miss Nicole, hindi na po mauulit pa ang nangyari noon. Pasensiya na po."nahihiyang wika naman ni Bravo. Nainis ako sa sinagot sa akin ni Alpha. Hindi na ako umimik, sabay alis ako sa harapan nina Bravo at Alpha. " Alpha, mukhang galit si Miss Nicole sa sinabi mo.!" wika ni Bravo. " Tama lang nag sagot ko , hindi pa oras upang tapusin niya ang buhay ng taong ito. Hindi pa siya kinikilala ng sarili niyang anak. At marami pa ang mga mangyayari. "mahinang wika nito