Chapter 5
:: "Ito pala ang Maynila wow, ang ganda pala. Ang lalaki at tataas ng mga building." Maya maya pa dumating na ang susundo sa akin drayber ng restaurant. Si Mang Kanor. Sa tantiya ko ang kanyang edad ay nasa limampot limang taong gulang. " Ano pangalan mo ineng?"tanong ng drayber sa akin. " Brenda Kho po.".sagot ko. " Doon muna kita ideretso sa boarding house na tuluyan mo para makapagpahinga ka sabi ng boss. Ituro naman sayo doon saan ang bed mo. Marami kasi kayo doon lahat ay nagtatrabaho sa restaurant. May panggabi at pang araw kaya ang makikita mo ngayon doon ang mga pang gabi. Baka bukas ka pa papuntahin sa opisina ni boss." Paliwanag nito sa akin. " Salamat po. Mabait po ba ang may ari ng restaurant kuya? Tanong ko. " Napakabait basta marunong kang sumunod sa kanilang rules and regulation about business. Pareho kasing mga business minded ying dalawang mag asawa na yan. Matagal na akong dryber sa kanila ni minsan wala akong naging problema. ". Nakangiting kwento nito.
Dumating na kami ng boarding house agad naman ako sinalubong ng isang babaeng may edad na." Magandang araw po. " bati ko sa matanda. " Magandang araw din Brenda Kho? Yan ba ang oangalan mo?" Tanong nito. " Opo ." Sagot ko. " Dito nga pala ang bed mo ying mga gamit mo may cabinet diyan na walang laman. Pinag alisan ni Charmaine. Ikaw pala ang kapalit niya. Hjndi na kasi babalik yon may sakit daw ang kanyang Ina. Ako ang nangangasiwa dito sainying lahat. Ako naglumuto ng mga pagkain niyo . Tagalinis ng bahay . Pero ang paglalaba at paglilinis ng tulugan niyo at banyo kayo na yan. Ako nga pala si Aling Maret. Magpahinga ka muna dito. Ayusin mo mga gamit mo. Kyng may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kusina banda doon. Magluluto muna ako ng hapunan niyo kasi maya maya aalis na yang mga oanggabi kakain han sila bago umalis tapos darating na naman yong iba."sabi nito sa akin. Tumikod na ang matanda. Habang ako ay tinitingnan ko muna ang paligid. Medyo ok naman dahil sa isang kwarto at apat lang kami. Nakita ko apat na kama. Tulog ang tatlo. Ano oras kaya magigising sila. 6pm na. Maya maya nag alarm na ang kanilang mga celphone. Kunwari nag aayos ako ng mga gamit ko. Gulat na gulat sila ng makita nila ako. " Hi ano pangalan mo? Pasensiya ka na ha kagising lang namin panggabi kasi kami. Ikaw siguro sa araw ka muna kasi bago ka pa lang. Ikaw oala yong sinasabi ni charmaine. Ikaw si Brenda Kho di ba?" Nakangiting tanong nito. " Opo. Sinabi niya pala sainyo." Ani ko. " Oo naman. Matalik kaming magkakaibigan diting apat. Ako nga pala si Marie Pablo, siya naman si Liza Chu, at itong pinaka maganda nating kasama dito si Clarise Sandal." Pakilala nito sa akin habang nakangiti silang tatlo. " Maraming salamat at dito ako sainyo alam kung mababait kayo ". Oo naman mabait talaga kami matulog. Hahahaha" tawanan kami.
Agad silang naligo nagbihis at niyaya na agad akong kumain. Hindi na ako nagdadalaqang isip pa kundi ang sumabay sa kanila kahit na hindi ako papasok. Sibrang bait nila sa akin. Bunsong kapatid ang turing nila sa akin. " Matulog ka nang maayos sigurado bukas mag uumpisa ka na for training. Mafali lang naman magseserve ka lang ng mga inorder ng mga costumer. Depende kung ano ipapagawa sayo ni Ms Kate De la Fuente ang may ari ng resto." Sabi nito sa akin.tumango lang ako. " O siya paano bunso alis na kami mag ingat ka matulog ka na ng maaga lock mo ang pintuan. Bukas pa kami uuwi mga 8am. Magkita nalang tayo doon bukas sigurado 7am kukunin ka na dito ng drayber." wika nito. Agad na silang umalis naiwan ako sa kusina niligpit ko muna ang pinagkainan namin at hinugasan mga plato at pumasok na ako ng kwarto. Habang akoy nakahiga naalala ko sina Inay, diko namalayan na umiiyak na pala ako. Gusto ko silang makita at mayakap. Nakapapanibago na di ko man lang sila masilayan at marinig ang kanilang mga boses. " Ganito oala ang mapalayo sa pamilya nakakalungkot lalo na walang kang kausap. Gabayan niyo po ako Diyos ko. Sana matupad ko ang aking mga pangarap.
NAKATULOG NA SI BRENDA. KINAUMAGAHAN MAAGA PA SIYANG KINATOK NI ALING MARET.
" Brenda maligo ka na 7am darating ang drayber pinapasundo ka na ni Ms.Kate. Bilisan mo mag aalmusal ka pa". Sigaw nito . " Opo Aljng Maret. Magandang umaga saiyo. At salamat." Tugon ko Agad naman na bumalik sa kusina ang matanda. Dali dali akong naligo nagbihis nag ayos ng aking mukha at inihanda na ang aking dadalhin. Agad ako lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina at kumain. Walang tao. Kaya ako lang mag isa. Maya maya pa'y dumating ulit si Aling Maret. " Brenda tapos ka na ba? Nasa labas na ang drayber naghihintay." Ani nito. " Opo Aling Maret." Tugon ko. " kapay ikay kinakausap ni Ms Kate hwag kang magsisimangit. Ngumiti ka nang kunti at ipakita mo na interesado ka. " bilin nito sa akin. " Salamat po." Sige na tumatawag na ang drayber.
Habang akoy nasa sasakyan kinakabahan ako. Diko maintindihan ang aking nararamdaman. Napansin naman ito ng drayber. " Kinakabahan ka ano? Relaks ka lang tanggap ka na niyan di ka naman paluluwasin ng Maynila kung di ka pa hired. Kaya relaks ka lang Brenda." Sabi nito sa akin. " Salamat po. First time ko po kasi mag apply ng trabaho at dito pa mismo sa Maynila." Ayannang opisina opo ka lang diyan sa labas. Yong restaurant yan lang din katabi. CRUNCHIES AND YUMMYS FOODS. Yan ang pangalan nakikita mo ba. Dito na tayo. Opo kalang diyan sa labas hintayin mo lang si Ms. Kate. Paparating na din. Paano alis na ako marami pa akong pupuntahan. Tawagan lang naman ako mamaya kung sunduin ka at ihatid sa boarding haus. Pero kung magstart ka na ngaun sabay kana uuwi mamaya sa mga mag out din ng 8pm." Paliwanag nito sa akin. " Salamat po na marami kuya.
Bumaba na ako ng sasakyan at naupo sa harapan ng upisina sa labas. Nakasarado pa halatang wala pang tao sa loob. Maya maya may dumating na gwardiya binuksan ang pintuan at may pumasok na babae naglinis ng opisina.
"Ang Tagal naman ng may ari ng restaurant nato. Bulong ko sa aking sarili na kinakabahan . Maya maya pa dumating na ang hinihintay ko. Wow napakagandang babae naman ito parang mga artista at ang kasama niyang lalaki gwapo din. Baka sila na ang may ari. " Hello miss. What is your name? " biglang tanong ng babae sa akin habang binubuksan ang pintuan ng opisina." Good morning po. Ako nga po pala si Brenda Kho galing pa po ako ng probinsiya." Sagot ko sa tanong ng napakagandang babae." Halika pasok ka dito. Maupo ka. Ako nga pala si Ms. Kate Dela Fuente at ito naman husband ko si Mr. Ted Dela Fuente. Kami ang nagmamay ari ng restaurant na papasukan mo. Si husband na ang mag iinterview sayo . Mauna na ako sa restaurant see u there." Nakangiting wika nito. Pakiramdam ko ang gaan ng mga loob ko sa mag asawang ito. Kung kanina ay kay lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon ay kampante na ako. Tinawag na ako ni Mr. Ted. " Halika Ms Brenda Kho." Interview muna kita ng kunti tapos punta ka na doon sa restaurant. " Salamat po sir. "
" Your name is Brenda Kho.saang probinsiya kayo galing? " Quezon Province po." sagot ko. " ilng taon na po kayo Ms. Brenda Kho. ? Im 17 years old po." Do you have any work experience ? Wal po estudyante po kasi ako. Napahinto lang po dahil sa isang trahedyang naganap sa aking ama. Sana po ay matanggap niyo po ako kailangan ko po talaga ng trabaho namatay na kasi ang aking ama at wala na po bumubuhay sa amin labandera lang po ang aking ina. At hindi po kasya ang kanyang kinikita sa aming 5." Paliwanag ko sa may ari. " Naku iha, tanggap kna magpakasipag kalang at magpakabait." Nakangiting sabi ng may ari na si Mr. Ted Dela Fuente." Salamat saiyo panginoon." Tuwang tuwa po ako. " Halika ka ihatid na kita kay Ms. Kate, pagbutihin mo lang ang trabaho mo at marunong kang sumunod sa alintuntunin ni Ms. Kate.
Nagsimula na po akong magtrabaho. Kinakabahan man pero pilit kung nilalabanan. Mabait po ang may ari at magaling po siya magturo. At ang aking mga kasabay ay mababait din halos wala akong masabi. Hanggang sa lumipas na ang limang buwan .
Nakapagpadala na ako ng pera pera kina Inay. Salamat Panginoon sana magtagal pa ako dito at ng makaipon ako para sa kinabukasan ng mga kapatid ko. Bulong ko sa aking sarili habang nag aantay ako sa aking shifting." Hi miss." Isang gwapo at matipunong lalaki sa tantya ko nasa apat na pot limang taong gulang . " Hello po sir." Sagot ko . " Dito ka ba nagtatrabaho sa restaurant nato?"Opo sir kaso hinihintay ko pa shifting ko. Maya pa ako mag aantay pa ako ng tatlo pong minuto. " Ako nga pala si Edward Santos 46yrs old. " sabay abot ng palad niya sa akin e wala na akong magawa kundi kamayan siya at magpakilala na din. " ikinagagalak ko pong makilala kayo sir. Ako nga pala si Brenda Kho.galing probinsya po ng Quezon. "Masaya akong nakilala kita Brenda. Bago ka lang ba dito? Nakangiting tanong nito. " Opo sir mga limang buwan pa lang." Tugin ko. Nagtataka ako bakit parang kay gaan ng loob ko sa kanya ngayon ko lang siya nakausap . Pakiramdam ko parang matagal ko na siyang kakilala o kaibigan. "Puwede ko ba mahingi ang celphone number mo?" Ani nito. " Pasensiya na po di pa po ako nakakabili ng celphone kasi kailangan ko muna unahan ang mga pangangailangan ng aking ina at mga kapatid. Nakikigamit lang po ako sa mga kasamahan ko kapag magpapadala po ako ng pera sa amin." Paliwanag ko sa kanya." Kawawa ka naman at ang bait mong anak . Hanga ako sayo." Sabi nito. Salamat po sir. Sagot ko naman. "Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Just call me Edward kung okey lang sayo " .Kayo po bahala Edward. " Salamat po . Sagot ko.
Maya maya lumabas na ang aking papalitan. "Sir, este Edward papasok na po ako. Salamat po. " paalam ko sa kanya. " Teka sandali puwede ba kita sunduin mamaya?". Tanong nito. Sige po wala naman problema. Ano oras po ang out mo. Maya po mga 12am . Cge na po pasok na po ako.
Pumasok na ako sa trabaho. Habang akoy nagtatrabaho di maalis sa aking isipan ang Edward na yon. Kanina kasi ng nakilala ko siya at nagkamay kami parang may kung anong lukso ng dugo akong nararamdaman at parang kay gaan ng loob ko para sa kanya. Bakit kaya? Tanong ko sa aking sarili. Lumipas ang ilang oras. Malapit na ako mag out may pumasok na isang lalaki. Tinawag ako. " waiter. Lumapit ako. Helo sir good evening ano pong order niyo? Hi Brenda its me si Edward Santos. " nakangiting sabi nito. " hello sir ikaw pala ito ."sabay ng tawa ko.. Hahaha" para kasing kung may anong kaligayahan ang nararamdaman ko. " Ano po order niyo?". Tanong ko sa kanya. " Give me ice tea please." Order nito. Agad ko naman binigay ang kanyang inorder. Dahil sa dami ng mga tao ay hindi ko na siya napansin pero nakasunod pala ang paningin nito sa akin. Makalipas ang ilang oras time out na ako.
Nandito pa rin si Edward at hinihintay ako. Paglabas ko lumabas na rin siya at tinawag ako. " Brenda sumakay kna sa akin may sasakyan akong dala hatid nalang kita. Saan ka ba umuuwi. " seryusong tanong nito. Sa malate lang po ako Edward. Malapit lang dito puwede nga lang lalakarin e. Saan doon ? Tanong nito. Sa may Agoncillo st. Sige ihatid kita. Ani nito. " Salamat po na marami Edward hindi ko na kailangan maglakad. " natutuwa kong sabi..Mabait naman si Edward gentleman . Hinatid niya ako sa bahay. Halos di ako makatulog sa araw na yon dahil siya lang lagi nasa isipan ko. Mukhang mapapalitan na si Marlon sa puso ko. Natutuwa kung bulong sa aking sarili. Lumipas pa ng mga araw , buwan hanggang sa nanligaw siya sa akin at sinagot ko naman agad. At nakilala ko siya ng lubusan. Napakamayamang tao pala si Edward. May ari ng isang fabrica at may mga gasolinahan at mga malls. Una nahihiya ako sa aking sarili dahil ang layo ng agwat namin sa katayuan ng buhay. Pangalawa naiilang ako sa kanya dahil parang tatay ko na siya. Pero dahil uhaw ako sa pagmamahal siguro. Kaya sinagot ko siya. Hanggang sa inalok niya ako na mag dinner date kami nagulat ako ng kay ganda naman ng room na pag dineran namin. Kay daming bulaklak at maya maya pa'y may narinig akong tugtog sa likuran ko. Nakita ko may mga taing humawak ng mga letters nabbumubuo ng salitang..." WILL YOU MARRY ME! nabigla ako di ako makapaniwala at halos di ako makatayo sa kinauupuan ko. Nasorpresa talaga ako. At lumuhod siya sa aking harapan at sabay bukas ng isang maliit na box na naglalaman ng isang engagement ring. At sabay sabi "Will YOU MARRY ME hon? "Di ko alam kung ano sasabihin ko nabigla talaga ako. " Nagsigawan mga tauhan niya. Nahihiya na ako kaya niyakap ko nalang siya at sinabi ko "Yes i marry you". Nagpalakpakan mga tao. Isinuot niya sa aking daliri ang engagement namin. Kay saya ko sa mga oras na iyon. Nakita ko sa kanyang mga mata ang saya at sobrang kaligayahan sa kanyang puso. Umupo kami at kumain sa inihanda niyang pagkain . Habang kumakain kami, naalala ko si Inay at Itay. " Kung nandito lang sana ang aking mga magulang sigurado akong masaya sila para sa akin. Nagsiuwian na mga bisita naiwan kaming dalawa. Diko alam hotel pala iyon at may kwarto na pala siyang kinuha para sa aming dalawa. Pagkatapos naming kumain binuhat niya ako at dinala sa room kung saan binayaran na niya. Napaka romantic ng room na iyon puno ng red roses . Napaka sweet niya. Inilock niya ang pintuan . At hinalikan ako sa labi ng dahan dahan. Hindi na ako nakatanggi pa. Mahal ko din naman siya. Napakasarap ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon. Binuhat niya ako muli at inihiga sa kama ng dahan dahan habang hinahalikan. Nakakaramdam ako ng kakaibang damdamin na parang ayokong itigil niya ang kanyang ginagawa. Napakasarap na mapapa ungol ka. Dahan dahan niyang hinubad ang aking damit at sumunod ang aking pantalon. Tuluyan na akong nakalimot nang dahil sa sobrang sarap ng aking nararamdaman. Dahil sa sarap at sakit nakalmot ko ang kanyang likod. ..." Im sorry hon napakasarap mo kasi." Sabay halik ko ulit sa kanyang pisngi. Hinalikan niya ulit ako sa labi. " Normal lang yan hon. I love you so much." Bulong nito. " I love you too." " Halika nga dito gusto ko kayakap ka habang tayo matutulog. Ayoko mawalay ka sa akin. " ani nito na niyakap ako ng mahigpit.
Dahil sa pagod tanghali na kami nagising. Masakit pala kapag una kang ginamit. " Hon gusto ko magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon. Ayokong magbago pa ang isip mo. Akin ka lang hon". Sabay halik na naman sa labi ko. " ikaw ang bahala pero gusto ko papuntahin dito sina Inay at mga kapatid ko. Gusto ko nandito silang lahat sa araw ng aking kasal. Pati mga kaibigan ko at mga kaklase. Payag ka ba hon?". Oo naman ilista mo lahat mga pangalan nila mapadalhan natin ng budget para sa pamasahe at pagkain nila sa eroplano. "Salamat hon iyan lang naman ang hiling ko sayo. Makasama ko ang aking pamilya sa araw ng ating kasal." Paglalambing kong sabi. " walang anuman hon basta sa ikasasaya mo support ako sayo. I love you very hon." Sabay yakap ulit sa akin. " Bilangin mo nga kung ilan sila tawagan ko nalang ang aking secretary. Gusto ko maasikaso na kaagad. Para makapaghanda na tayo." "Kailan ba gusto mo tayo ikasal hon? Mga ilang buwan ba ?.tanong ko sa kanya. " Buwan ang tagal naman noon. Mga tatlong buwan mula ngayon. Marami pa kasi ako asikasuhn. Gusto ko tumigil ka na sa trabaho mo. Kuhaan kita ng condo . Habang nag aantay tayo ng kasal natin sa condo ka muna magstay. Okey lang ba saiyo hon?" " Naku hon !Nakakahiya na sayo mahal kaya ng condo." " Asawa na kita kaya lahat ibibigay ko sayo hanggat kaya ko. Magresign ka na sa trabaho mo sa lunes. Tapos kunin natin principal sponsor iyong mga boss mo. Puntahan natin sila mismo sa bahay nila." Sabi nito. "Ano tapos na ba yang sinusulat mo tagal naman matapos ang paglilista mo ng mga pangalan nakadalawang papel kana hahahaha". Sabay tawa nito. "Ito na hon lahat sila. Unahin natin pagpadala iyong magiging nanay ko muna . Tapos sunod mga kaklase mo at kaibigan isang linggo before sa araw ng kasal natin. Ipaalam mo nalang sa kanila." Maraming salamat hon. Uwi na tayo aayusin ko mga gamit ko." Samahan na lang pagkatapos puntahan na lang natin ang boss mo sa bahay nila. Para pormal na makapagpaalam tayo." "Tama ka hon samahan mo na lang ako para naman may lakas ako ng loob. Nakakahiya kasi na bigla bigla na lang ako magpapaalam. Sobrang bait po nila sa akin at saka walong buwan pa lang ako sa trabaho ko."
Dumiretso muna kami sa bahay ng boss ko. Kinakabahan ako baka magalit sila sa akin. Nag doorbell si Edward. Katulong ang nagbukas. Maya maya pa pinapapasok na kami sa loob.
" Magandang tanghali po Ms.Kate." Magandang tanghali din sayo Brenda." Sino kasama mo?" Takang tanong ng boss ko. " Hi Ms.Kate, ako nga pala si Edward Santos ang kasintahan ni Brenda." " Ganoon po ba. Naparito kayo?". Takang tanong ni Ms .Kate. "Nais ko sanang ipagpaalam sayo si Brenda. Ipagpaumanhin niyo po na biglaan ang lahat. " Ano po ba yon?"tanong ulit ni Ms. Kate. "Paparesign ko na po siya sa trabaho niya sainyo. Dahil magpapakasal na kami. At kung hindi niyo po mamasamain kunin po sana namin kayong ninang sa aming kasal kung papayag po kayo."paliwanag ni Edward.
" Congratulations both of you. Naku walang problema. Basta nasa mabuting kamay si Brenda. Dahil napamahal na sa amin ang batang iyan. Sobrang bait at masipag. Matulungin sa pamilya. Kaya gustong gusto namin siya. Kailan ang balak niyo magpakasal?" Biglang dumating si sir Ted. " Magandang tanghali po Mr. Ted.". " Magandang tanghali din sainyo. Aba anong myroon bakit naparito ka Brenda at sino ito? Tatay mo?" Tanong nito.
Natawa si Ms.Kate. Napatawa na din kami. " Pasensiya na kayo ha nagbibiro lang itong husband ko." Kasintahan yan ni Brenda at magpapakasal na sila. Kunin nila tayong ninong at ninang heart." Patuwang paliwanag nito sa asawa. " Talaga?". Aba oo agad ako hahaha." Kailan ba ang kasal?" Ano pangalan mo Mr.? Edward Santos sir." " Parang narinig ko na yang pangalan mo. Di ba ikaw ang nagmamay ari ng mga malalaking condo dito, mga apartments, mga mall, and etc.? " Tanong nito. "Hindi naman kunti lang sa akin..
Habang nag uusap sina Edward at si sir Ted. Nagpagawa ng makain si Ms. Kate sa kanyang kasama sa bahay. Inalok kaming kumain. Napasarap ang kwentuhan nina Mr. Ted at Edward. Hanggang sa nagpaalam na kaming umuwi. Masaya sina Ms.kate at Mr.Ted para sa akin. At sila na rin ang magiging ninang namin sa kasal. Dumaan muna kami ng boarding house ko at kinuha ko na mga gamit ko. Nagpaalam ako sa katiwala ng bahay. Umiyak ito at niyakap ako. "Mag ingat ka Brenda. "Ani nito. Umalis na kami ni Edward. Dumiretso kami ng condo kung saan niya ako patitirahin. Siya pala ang nagmamay ari kaya pala madali lang sa kanya ang kumuha ng condo. Inayos ko kaagad ang aking mga gamit. SÃ mantalang si Edward ay umalis nagpaalam sa akin na uuwi muna sa kanila dahil may kukunin lang daw siya. Sa aking pag iisa nalungkot na naman akong muli. Naalala ko na namann sina Inay at mga kapatid ko. Sabi ko sa aking sarili na kung marami lang ako pera isinama ko na sila dito. Napaiyak na naman ako. Maya maya pa nakatulog ako habang nag aayos ng mga gamit ko.
" Brenda honey! Kumakatok na tinatawag ang pangalan ko. Nagulat ako kaya bigla akong napabangon. " Hon ikaw ba yan?" Opo' pakibukas ng pinto. Agad ko naman binuksan ang aming pintuan. Nagulat ako sa dala dala ni Edward.
" Para saiyo hon buksan mo." Ano yan hon? Tanong ko. " Basta buksan muna hon. " utos sa akin. Napayakap ako sa kanya ng nakita ko ay celphone. " Wow thank u so muc honey ko. May bago na akong celphone. Makatawag na ako kay ay oras oras. " thank you talaga hon. " napaluha ako sa saya.
Iniwan na ako ni Edward sa condo kaya malaya ako kung ano ang aking gagawin. Tumawag ako sa aking kaibigan na si Warren. Nakikisuyo ako na kung puwede makagamit si nanay ng kanyang mobile kahit sandali lang.
" Brenda! Ikaw ba ito? Mabuti napatawag ka. Walong buwan ka rin di nagpaparamdam. Alam mo ba miss na miss ka na namin kulang ang grupo kapag wala ka." Kumusta ka na diyan?".tanong nito. " Na miss ko din naman kayong lahat. Lagi ko kayo naalala. Di kasi ako nakabili ng celphone kasi mas inuuna ko mga pangangailangan nina Inay at mga kapatid ko. Magkano lang naman ang sahod ko. Kaya mas pinili kong unahin sila. Nakikigamit lang ako ng mobile kapag nagpapadala sa kanila kay bes Gilda ko na lang dinadaan. Na miss ko kayong lahat diyan. Puwede ko ba makausap si Inay, Warren. ? " Aba oo naman saglit punta ako sa bahay niyo." Tugon nito.
" Aling Elaine, magandang araw po. May gusto pong kumausap sainyo sa celphone ko." Sabi ni Warren kay Inay. " Sino ho Warren?. Takang tanong nito. " Kausapin niyo na lang po. " Hello sino po sila?". Di ko na naligilan pa ang aking sarili naiyak na ako. Bigla na lang tumuli ang aking mga luha ng narinig ko ang boses ng aking Ina. " Anak! Brenda!" Napahagulhol na rin sa iyak si Inay sa kabilang linya. " Kumusta ka na anak? Na miss ka na namin ng mga kapatid mo. Kailan ka ba uuwi dito sa atin?. Sa damjng tanong ni Inay hindi ko malaman saan uunahin kong sagutin. Iisa lang ang una kong nasabi. " Inay mag aasawa na po ako.! Nabigla po si Inay. " Ano kamo? Sino at bakit? Gulat na tanong ni Inay. " Anak ang bata mo pa. Akala ko ba tutulungan mo muna mga kapatid mo. Bakit ngaun mag aasawa ka na?. " Patawarin niyo po ako Inay. Hindi ko po ito pinagsiaihan dahil ang taong pakakasalan ko ay malaki ang maitutulong sa atin. Isa siyang mayaman at ang lahat ay kaya niyang ibigay sa akin. Sa katunayan nga po Inay papadalhan namin kayo diyan ng pera. Maghanda po kayo dahil baka mamaya o bukas tataqagan kita ulit. Kunin mo ang pera sa Western Union. Malaking halaga yon pinadala niya kasi pupunta kayo lahat doto sa aming kasal. Bumili kayo ng mga gamit niyo at mga pangangailangan sa bahay. Dagdagan pa yan ng aswa ko Inay. Ipapaayos niya ang bahay natin. Pagkuha mo ng pera punta kayo ng banko mag open account ka. Para mas mabilis ang transaction pag sa banko." Sabi ko kay Inay. Hindi nakasagot si Inay.
" Inay, nandiyan ka pa ba?" Sumagot naman po kayo. " Nandito ako anak. Hindi ko alam kung dapat ba ako matutuwa o hindi. Baka isipin ng mapapangasawa mo na pera lang ang habol mo sa kanya kapag pnagawa mo pa ang bahay. Masaya na kami na ganito ang bahay natin. Mahalaga mabuti ang kalagayan mo diyan. Kausapin ko mga kapatid mo kung ano ang sasabihin nila. Gusto ko makilala kung sino ang umakut sayong puso. " Opo Inay. Sa katunayan nga kayo po ang uunahin niya na padalhan ng pamasahe para makapunta na kayo dito. Lahat kasi na mga kaklase ko at kaibigan at iimbitahan ko din sa kasal ko kaya papadalhan din sila ng panggastos.".Naku anak malaking gastos iyan. Nakakahiya sa magiging asaqa mo. Walang problema Inay. Napakabait po ng aking mapapangasawa. " tugon ko. " Ano ba ang pangalan ng kasintahan mo?"Hindi ko nasagot ang tanong ni Inay dahil may tumatawag sa celphone ko. "Inay tatawag na lang ako ulit may tumatawag sa phone ko pakibigay kay Warren Inay. I love u Inay." Sige anak, ma ingat ka diyan. Miss ka na namin. " sabay bigay kay Warren ng celphone. " Brenda?." Warren, maraming salamat tatawag na lang ako ulit sayo. Pasensiya ka na may tumatawag kasi pinapatawag ako. Tatawagan kita muli. Si nanay na magkwento sayo." Sabay off ko ng tawag .
Si Edward pala ang tumatawag. Hinayaan ko na tatawagan niya ako muli. Masaya ako na nakakausap ko si Inay kahit saglit. Nabawasan ang pananabik ko sa kanila. Maya maya nag ring na ulit ang phone si Edward. " Hello. Sagot ko. " Honey, saan ka ba kanina pa ako tumatawag kasi nakapagpadala na ang sekretarya ko sa kaibigan mo natawagan na din si Glda Calbes. Para kunin ang pera at ibigay kay nanay natin." Talaga hon?. Maraming salamat. Tumaqag kasi ako doon nakausap ko si nanay . Sige tawagan ko ulit si nanay para makapunta siya doon kina Gilda." Sige honey sunod na araw na ako pupunta diyan sayo sobrang busy pa ako sa negosyo. " paalam nito. " Walang problema hon mahalaga nag uusap naman tayo." Hon, huwag kana mag isip sa mga kailanganin natin sa kasal ako na bahala diyan. Baka sa sunod na linggo pupuntahan ka diyan ni mommy kasama yong stylist. Para makapag pamili ka na ng isusuot mong gown. Samahan ka din ni mommy mamili ng mga shoes mo at iba pang kailangan mo para sa kasal natin. Mabait si mommy kaya huwag kang mahiya. " Opo hon maraming salamat."
Tinawagan kong muli si Warren at nakikisuyo na lang ako na sabihin niya kay Ina na pumunta siya sa bahay nina Gilda. At naksuyo na rin ako kay Warren na kung puwede samahan niya si Gilda at nanay pumunta ng banko para makapag open accout ai Inay. Tapos ibili nila si Inay ng celphone..Mabuti na lang may mga kaibigan akong mababait at very matulungin at suportive.
Pagkalipas ng isang buwan nagtataka ako bakit hindi panrin nagpapakita si Edward sa akin. Tinatawagan niya lang ako at ang sabi marami pa siyang inaasikaso. Lumipas pa ang dalawang linggo parang iba na pakiramdam ko kaya nagpacheck up na ako. Sab ng doctor. " Congratulations Mrs. Nagdadalang tao na po isang buwan at kalati na siya. " tuwang tuwan na sabi ng doktor. Natuqa din ako diko akalain na nanay na pala ako. Agad kung tinawagan si Edward . Sobrang saya ang kanyang nadarama. Halos lulundag ito sabloob ng kanyang kotse sa tuwa. Sabi niya hintayin ko daw siya ngayong gabi dahil pupunta siya sa condo. Tuwang tuwa po ako na magkakaroon na ako ng anak at ang sabi ni Edward papuntahin ko daw dito sa Maynila ang aking Ina at mga kapatid dahil magpapakasal na kami. Kaya agad kung tinawagan ang Inay at pumayag naman ito at darating sila 3days bago ang kasal namin ni Edward. Tinanong ako ni Inay kung ano ba pangalan ng aking magiging asawa sa ikalawang pagkakataon sabi ko si Edward po Inay makilala mo rin siya pagdating niyo dito. Excited na po ako sa aming kasal. At sobrang busy po ako at si Edward sa paghahanda ng lahat."
"Hon, heto ang pera bahala ka na diyan kung ano gusto mo. Sina Inay mo at nga kapatid pinadalhan ko ulit sa banko inutusan ko ang sekretarya ko. Pinatawagan ko din na maghanda na sila." Kwento nito sa akin habang yakap yakap ako.
" Maraming salamat talaga honey ko pinapakuha ko na sila ng ticket sina Inay at ang apat kong mga kapatid. Pinagbibili ko din sila ng mga damit nila at sapatos. Inimbita ko din sina Marlon at Warren at iba pa naming mga kaibigan pero di daw sila makakarating. Isa lang ang mga sinabi nila goodluck and best wishes. " Eh sabi ko pinadalhan mo sila ng pangtransportation. Ibabalik daw nila. Nalulungkot ako." " Hayaan muna kung hi di sila makakarating mahalaga. Pamilya mo sina Inay at mga kapatid mo.
ANG HINDI ALAM NI BRENDA AY KASABWAT PALA SI EDWARD SA PLANO NA KUNWARI HINDI MAKAKARATING MGA KAIBIGAN NITO. DAHIL GUSTO NI EDWARD NA MASORPRESA TALAGA SI BRENDA. ISANG TAWAG ANG NAGPAPAGISING KAY BRENDA.
"Hello Brenda kumusta ka na? Kilala mo pa ba boses ko.?" Marlon! Kumusta ka na? Akala ko di niyo na ako naalala. Sabi ko. " Anong hindi? Walang araw walang segundo, minuto na di kita naalala. Akala mo lang yon." Lungkot na sabi nito." Pero hindi na mahalaga yon. Na miss ka na namin. Nandito sila lahat sa likod ko. Isang sigaw naman para kay Brenda! Sabay sabay! Brenda we miss you. Advance Happy Wedding saiyo!." Sabay na sigaw ng mga kaklase ko at mga kaibigan.
" Salamat sainyong lahat mga kaibigan ko. Hayaan niyo after ng kasal ko siguro magbabakasyon kami diyan ng asawa ko. Kasi ipapaayos niya ang bahay ng Inay ko." Wika ko. " Mabuti naman kung ganun at magkita kita na tayong muli. Mabuti naman nakahanap ka ng mayaman. Kaso ito si Marlon pasan ang mundo iyak ng iyak . Akala daw kasi niya mahal mo siya yon pala akala lang yon. Mali pala ang akala. " wika ni Warren. " Im sorry talaga Marlon yon nga ang akala ko noon akala ko maging tayo pero wala ka naman sinabi. Kaya di na ako umasa. Pasensiya kna mahal ko naman kayong lahat . Mag ingat kayo diyan." Sabay off ko nang phone ko. " parating na kasi si Edward. At dumating na nga. " Honey may sasabihin ako, sorry ha yong kasal natin di matutuloy sa 21 of june. Kasi di daw mahabol ang pinagawa kong surprise para sau. Ok lang ba sayo kong imove natin july 25 mismo sa araw ng kaarawan mo.? Sabi nito sa akin. Mabigat man sa dibdib pero wala pa rin ako magagawa kundi ang sumunod. " ikaw ang bahala honey. So paano sila ni Inay e di i cancel din yong ticket ?". Tanong ko. " Wag na gusto ko na rin makilala ang Inay mo at mga kapatid mo." Nakangiting sabi nito.
Habang akoy nagluluto ng hapunan may tumawag sa phone ko. Si albert isa ko pang kapatid. " Ate , di pi kami matutuloy diyan kasi dinala namin si Inay sa ospital. Nawalan po siya ng malay kanina at ino obserbahan pa kung ano ang kanyang sakit." Sabi nito. " Binigla mo naman ako Albert. Kumusta naman si Inay andun po sa ospital. Napaano ba si Inay.?" Nag alala kong tanong. Mahina po katawan niya sabi ng doktor kailngan pa siyang obserbahan." Alalang alala po ako sa sitwasyon ng aking Ina. Para bang ayoko na magpakasal at umuwi nalang ako ng probinsiya. Parang may kung anong pumipigil sa akin na wag ka magpakasal. Mag tatlong buwan na po ang binubuntis ko. Lumipas pa ang mga araw sobrang excited na si Edward at mga magulang nito sa papalapit naming kasal. Kaya pinadalhan na naman nila ng pera si Inay para sa kanyang mga gamot. Makakalabas na rin siya sa sunod na mga araw. Nagkaroon po siya ng bukol sa ovary. Kaya kailangan niya ng agarang operasyon at sa awa ng Diyos medyo ok na siya. At ang sabi ni Edward na kung hindi pa si Inay makakabyahe ng malayo kami nalang ang magbabakasyon sa Quezon. E di wow, wala akong pamilya sa araw ng aking kasal. Nakakalungkot sobra mag isa lang ako samantala ang pamilya ni Edward intak i mean kumpleto. Naiyak ako ng husto dahil wala ang mga kapatid ko at Ina sa araw ng aking kasal . Masaya ako na maikakasal na sa taong nagpapahalaga sa akin . Nagmamahal sa akin ng totoo at binigyan ng kulay ang buhay ng aking pamilya.
" Bakit ka umiiyak?" Hindi ka ba masaya na ikakasal kana sa akin?" Takang tanong ni Edward sa akin. " Malungkot lang ako hon kasi wala man lang akong ni isang pamilya dito sa araw ng kasal natin.". Naiyak kung sagot." Huwag ka nang umiyak lahat dito pamilya mo naman maghanda ka na...see u later in church my honey my love. Umwaaah!" Happy happy birthday honey ko. Sabay yakap at halik sa akin . Kaarawan ko pala ngayon mas lalo akong umiyak kasi ni wala man lang may nakaalala sa birthday ko. Nagtataka lang ako parang ok lang sa kanya na wala ang pamilya ko. Kaya medyo nagtataka ako . Habang nag aantay ako ng mag ayos ng aking mukha. Biglang may tumawag. Bigla akong sumaya ng narinig ko ang boses ng aking Ina.
" Anak i love u. Happy happy birthday sayo at ang pinakamahalaga sa araw mo na ito at ang pinakahihintay mo ay ang araw ng iyong pagpakasal. Happy wedding day anak. Masaya ako na masaya ka na sa buhay mo. Sana kung makakabyahe lang ako makakasama mo sana ako sa mahalagang araw mo. Sorry anak ." Napaiyak ako. ";Huwag po kayo mag alala Inay naunawaan ko po. Malungkot lang ako kasi wala na si Itay sana masaya siya para sa akin. At ikaw din kayo lahat na mga mahal ko. Magsama sama din tayo muli. " Excuse me mam , puwede po ba huwag na muna kayo umiyak kasi maglalagay na po ako ng make up masisira kasi ." Sabi ng make up artist. Kaloka. Nagdadrama ako tapos patigilin. Anyway, tuloy ang usapan namin ni Inay at ng mga kapatid ko. Yong lungkot ko kanina napalitan na ngayon ng sobrang saya at excitement. Sa wakas natapos na din ang pagretoke sa mukha ko.
" Napakaganda mo mam, kamukha niyo po si pokwang esti Marian Rivera." Patuwang sabi ng make up artist. Natawa na rin ako. Kahit papaano. Ilang oras nalang at pupunta na kami sa simbahan. Hinihintay ko na lang ang driver na susundo sa akin.
Maya maya dumating na ang bride car. Wow ang ganda ng palamuti . Sa isip ko para akong prinsesa na nakalutang sa ulap. Ang ganda ng aking suot na damit puting puti kakulay ng mga bulaklak sa ibabaw ng kotse. Halos nag uumapaw ang kaligayahan na aking nadarama sa mga oras na iyon. Habang akoy sumakay na ng kotse. At papalapit na papalapit sa simbahan kay lakas din ng kabog ng aking puso. Kahit na malakas na ang aircon sa loob pawis na pawis pa rin ako. Na hindi ko makontrol sobrang excitement na hindi ko maipaliwanag. Maya maya tumawag si Marlon sa akin.
" Asan ka na ba bride"? Happy happy birthday sayo galing yan sa buong grupo natin sa skul at mga kaibigan natin. Happy wedding day sayo. Nakakainis ka na sana tayo ang ikakasal, sayang hindi pala ikaw maging akin. " biglang huminto siya s pagsasalita kaya alam kung umiiyak na siya. "
' Maraming maraming salamat sayo Marlon . Patawarin mo ako ang alam ko kasi magkaibigan lang naman tayo at walang namamagitan sa atin . Kaya ng makilala ko si Edward di na ako nag alinlangan pa. "Tama ba ako. ?"
" Anyway , Nakasakay na ako ng kotse malapit na kami sa simbahan. Mas masaya sana ako kung nandito kayo lahat na mga kaklase ko at kaibigan. " wika ko. Hindi na sumagot si Marlon sa phone kaya nagulat ako. Pinatay na rin niya ang phone...maya maya pa ay nakarating na rin ako ng simbahan. May nakaabang na pala sa akin sa labas . Binuksan ko ang pinto . Agad naman ako inalalayan ng aking maid of honor papunta sa may pintuan ng simbahan...nakasarado pa ang pinto na para bang may hinihintay pa sila na dumating. Narinig ko ang sabi ng isang babae delay daw ang flight kaya mamaya pa darating ang eroplano . At sa tantya daw baka nasa reception na ang lahat bago darating ang eroplano. Nagtaka ako kung sino pa ang hinihintay nila. Halos lahat na pamilya niya nandito naman, pamilya ko lang ang wala. Maya maya nagbukas na ang pintuan. Nagulat ako sa aking nakita napakaganda sa loob maglalakad ako sa red carpet tapos ang daming gagandang mga roses nasa paligid nito ang saya saya ko sa mga oras na ito. Parà akong nakalutang sa langit. Ganito pala ang mararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Para akong nasa alapaap. Yong excitement na nararamdaman ko ay halos hindi ko maipaliwanag. Pinapapunta na ako sa may pintuan at may nakaabang na sa akin yong tita at tito ni Edward sila ang tumayong parent ko. Habang kami naglalakad papunta ng altar. Nakahawak ako sa kanilang mga braso. Kinakabahan ako na masaya habang dahan dahan sa paglakad papunta ng altar. Nagulat ako ng makita ko sina Marlon , Warren at mga kaklase ko . Lahat ng mga kaibigan ko at si titser nandito din. Tuwang tuwang po ako. May hinahanap ang aking mga mata ang aking mga kapatid ngunit wala sila. Yong saya na aking nararamdaman at bigla napalitan ng lungkot. Pero kahit papaano masaya pa rin ako.
Kinuha na ako ni Edward at inihatid na sa aming trono. Nag umpisa na ang kasal. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman na saya , lungkot, nagkahalo halong emosyon. Lumipas ang kalahating oras natapos na din ang seremonya ng aming kasal.
" Mabuhay ang bagong kasal".
Congratulations Mrs. Brenda and Mr. Edward Santos. May you kiss tbe bride!. Nagpalakpakan ang mga panauhin at kapamilya. Hinalikan ako sa labi ng asawa ko na talaga.
"I love u hon." Bulong ni edward sa akin." I love u too hon. " nakangiti kung sagot.
Congratulations Mr. And Mrs. Santos".Bati sa amin ng aking mga kaibigan. At mga panauhin ni Edward. " Maraming salamat at dumating kayo . Di niyo ba alam na kayo nagpapasaya sa akin ngayon. Salamat nga pala sa inyong pag effort na makarating kayo sa araw ng aking kasal. Malungkot lang ako kasi wala sina inay at mga kapatid ko." Nakangiti kong sabi. " Nakita ko ang lungkot ng mga mata ni Marlon na kahit nakangiti pa siya sa harapan ng marami nararamdaman ko at nakita ang kalungkutan .
" Maraming salamat sainyong lahat so ngayon dumeretso na tayo sa reception. " wika ni Edward. Pagdating namin sa grand hotel na kung saan doon ang salo salo. At nabigla ako kasi ang dami ng tao doon. Akala ko kunti lang kami pero nagkakamali pala ako. Kaya tuwang tuwa ako. Nang nagstart na ang kainan hindi ko pala alam na may surprise pa pala si Edward sa akin. Habang kami ay kumakain may lumapit kay Edward at may binulong. Tapos tumayo siya at may inihandang limang upuan malapit sa amin. Nagpalagay din siya ng mga pagkain . Kaya sabi ko para kanino yan hon?" Tanong ko kay Edward. " May darating pa na bisita hon , at sigurado ako na magiging kumpleto na ang araw mo." Nakangiting wika nito na para bang kilala ko ang darating na panauhin.
" Ang tagal naman dumating kung sino man yong hinihintay mo hon". Ani ko." " Parating na sila hon baka nandiyan na nga sa lobby." Sagot sa akin ng napaka gwapo kong asawa. " Kumain ka ng marami huwag mong kalimutan may baby na tayo diyan sa tiyan mo." Sabay haplos sa tyan ko. " Busog na daw siya hon kaya di na ako kakain ". Pabiro kung sinabi .
Nang biglang nakita ko sina Inay at mga kapatid ko na paparating. Halos lumundag ako sa tuwa. Di ko malaman kung ano ang aking gagawin. " Napatakbo ako at nigakap kobng mahigpit si Inay at mga kapatid ko. Naiyak ako sa tuwa sa saya . "Hon sila ba ni inay ang hinihintay mo? Tanong ko kay Edward. Nanlaki ang kanyang mga mata na hindi siya makapagsalita na namumutla. "Hon bakit?" Takang tanong ko ulit sa kanya. Pero hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya kay Inay na paparating. Nagulat ako sa aking nasaksihan sa kanila. Nanlaki din ang mga mata ni Inay na parang gulat na gulat at para bang matagal na silang magkakilala.
" Ano ang ibig sabihin nito?" Ikaw ba ang napapangasawa ng anak ko?" Nanginginig na ang boses ni inay. " Opo Elaine Castro. Sagot ni Edward na para bang kinakabahan. Biglang napaluhod si Inay at napahagulhol sa iyak. Gulat na gulat ang lahat na mga panauhin na kanina pa nakamasid at nakikinig sa amin. Tumayo ako at nilapitan ko si Inay at tinanong. " Inay bakit may problema ba. Biglang tumayo si Inay at agad na sumigaw.
" Hindi maari. Anak mo siya!" Si Brenda ang bunga ng ating kapusukan noon. At hindi maaring magiging asawa mo ang sarili mong anak! Sarili mong dugo! Hindiiii!!!! " Nabigla ako sa aking narinig. Nararamdaman ko na lang na unti-unti nang tumutulo ang aking mga luha. " Hindi totoo yan!, Inay ano ba diko maintindihan. Bakit sinasabi niyong ama ko siya ? Di ko maintindihan ! " nanginginig na buo kung katawan na halos mawalan ako ng malay. Samantalang si Edward napaluhod sa sahig at nagtanong pati mga magulang nito.
"Hindi totoo ang sinabi mo! Hindi? yak na sabi ni Marlon. " Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng katotohanan? Bakit ngayon pa? Buntis na ang sarili kong anak at ako ang ama? Ano gagagwin ko mababaliw ako! Diyos ko hu huhuhuhu. " humahagulhol sa iyak si Edward. " Ano ang nangyari? Tanong ko ulit kay Inay.
"Kasalanan lahat ito ng iyong mga magulang lalong lalo na ang mommy mo! Dahil siya ang may pakana ng lahat kung bakit ako nawala sa bahay niyo!"
" Makinig ka Brenda ito na ang tamang oras upang malaman mo ang buo mong pagkatao. " Si Itay mo Tenor ay hindi mo tunay na ama. Dahil anak kita sa pagkadalaga. At ang totoo mong ama ay si EDWARD SANTOS!
" Katulong ako dati ng mga magulang ni Edward . Dahil sa kahirapan ng buhay namin noon nagsapalaran ako sa Maynila at sa kanila ako nakapasok. Dahil sa mabait si Edward naging magkaibigan kami sa loob ng ilang buwan at ng di nagtagal nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa may nangyari sa amin. Minahal namin ang isat isa ngunit ng malaman ng mga magulang ni Edward na may relasyon kami. Agad nila kami pinaghiwalay. Pinalayas po ako ng kanyang mga magulang. Lalong lalo na ang kanyang ina ng malaman niyang buntis ako. At yan ay hindi alam ni Edward at nang kanyang ama. Dalawang buwan ka na noon sa aking sinapupunan. Umuwi ako ng probinsiya at di na komontak pa sa kanila. At ikaw ang bunga ng aming pagmamahalan noon". Umiiyak na paliwanag sa amin lahat ng aking Ina. Sana mapatawad mo ako kung bakit inilihim ko sayo ang lahat sa pagkatao mo. Kaya lagi kami nag aaway ng Itay Tenor mo dahil bago ako umalis ng probinsiya ay may relasyon kami. Hindi ako naging totoo sa kanya. At ang gusto niya noon na sabihin sayo ang lahat ng katotohan. Kaso ayaw ko. Dahil takot akong mawala ka sa akin o baka magalit ka sa akin. O baka hanapin mo ang totoo mong ama at mas piliin mo ang sarili mong ama dahil may pera ito at kaya ka niyang pag aralin. Kaya hindi ko sinabi sayo ang katotohana. Patawarin mo ako anak!" Humahagulhol na paliwanag ng Inay.
" Hindi ! Hindi ko matatanggap ito. Paano ko tatanggapin sa aking sarili. Ama ko asawa ko ama ng anak ko! Anak ko kapatid ko?! Hindi hu hu hu!. Halos mabaliw ako sa aking nalaman. Hindi ko matanggap at nakakapanggilas na sarili mong ama . Mababaliw ako!
TUMAKBO PALABAS NG HOTEL SI BRENDA HINABOL SIYA NG KANYANG INA AT MGA KAPATID. PERO AYAW ITO PATIGIL . KAYA HINAYAAN NA LAMANG MUNA NILA MAG ISA ITO SA LABAS. SAMANTALANG SI EDWARD HALOS MAGPAKAMATAY SA KANYANG NALAMAN. PATI ANG KANYANG MGA MAGULANG AY SISING SISI RIN SA KANILANG GINAWA NOON. NATULALA ANG MGA BISITA SA KANILANG MALA DRAMA NA TAGPO SA ARAW MISMO NG KASAL. HALOS HINDI SILA MAKAPANIWALA SA MGA NANGYAYARING TAGPO. LAHAT UMIYAK LAHAT NAGSITAYUAN ANG KANILANG MGA BALAHIBO SA BALAT HALOS HINDI SILA MAKAPANIWALA.
NATAHIMIK DIN SILA NI MARLON NA HINDI MAKAPAGSALITA LAHAT. HALOS NAGING BATO SILA SA KANILANG KINA UUPUAN.
" Elaine patawarin mo kami. Kung hindi ka namin pinalayas noon hindi ito mangyayari ngayon. Wala na tayo magagawa pa. Kailangan natin alalayan si Brenda apo ko ." Umiiyak na sabi ng ina ni edward habang kinakausap si inay. " paano na ngayon ito. Hindi matatanggap ni Brenda na ang kanyang sariling ama ang kanyang asawa. Tanong ni inay sa ina ni edward na tatay ko pala. Hindi makasagot ang ina ni edward.
" Maraming salamat sainyong lahat bigyan muna natin ng pahinga mga bagong kasal. Napakahalagang panahon ito na halos tayo lahat at nagulat. Sana kung anuman ang inyong narinig at nalaman mismo . Pakiusap ko po sainyong lahat. Huwag na po natin ipagkalat hanggat maari." Sabi ng ama ni edward.
NAG UWIAN NA ANG MGA BISITA . NAKALUHOD PA RIN SA SAHIG AI EDWARD AT PATULOY PA RIN ITONG UMIIYAK. SINISISI NIYA RIN ANG KANYANG SARILI. KINAUSAP SIYA NG KANYANG AMA NA MAGPAHINGA MUNA SA BAHAY NILA UPANG MAPAG ISIPAN KUNG ANUMAN ANG DAPAT SOLUSYON SA MALAKING PROBLEMA NGAYON. SAMANTALANG SI ALING ELAINE AT ANG MGA KAPATID NI BRENDA AT ISINAMA NINA MARLON SA HOTEL KUNG SAAN SILA NAG STAY. KINUHAAN NI MARLON NG SARILING MGA KWARTO ANG MAG IINA. AT ANG AMA NI EDWARD ANG NAGSAGOT LAHAT SA MGA GASTUSIN. PATULOY NILANG HINAHANAP SI BRENDA NGUNIT HINDI NILA ITO MAHANAP.
SAMANTALANG SI BRENDA
" Kailangan kong lisanin ang kalbaryong lugar na ito. Kailanman ay hindi niyo na ako makikita. Hinding hindi ko matatanggap sarili kong ama, naging asawa ko. Ama ko ang tatay ng magiging anak ko. Anak ko kapatid ko. Ama niya lolo niya. Nakakabaliw isipin". Hindi ko kaya huhuhu . Hindi na ako magpapakita pa sainyong lahat kailangan kong talikuran ang MADILIM KUNG KAHAPON.
Kung buhay lang sana si itay hindi ito mangyayari. Alam kong yong madalas nila ng pag aaway ng inay ay yon ang gusto niya sana ipaalam sa akin. Itay kailangan kita ngaun. Kahit na hindi kita tunay na ama pero mas pinahalagahan mo ako at ipinakita mong mahal mo ako at mahalaga. Ngayon nangyari na ang lahat ano pa gagawin ko magpakamatay na lang ba ako?; hindi ko kaya."
Nag iisa akong pumunta ng airport at sumakay patungong Davao city. Doon magsisimula ako ng panibagong buhay. Kailanman ay hindi ko na sila kokontakin.
HINANAP NINA EDWARD SI BRENDA SA BUONG MAYNILA PATI NA SA PROBINSIYA NITO SA QUEZON PERO HINDI NILA ITO MAHANAP. BUMALIK NA RIN NG QUEZON ANG INA AT MGA KAPATID NI BRENDA AT MGA KAIBIGAN. HALOS HINDI RIN MAPAKALI SA MARLON. TUMUTULONG DIN SIYA SA PAGHAHANAP KAY BRENDA. NGUNIT ZERO PA RIN ANG KANILANG PAGHAHANAP. GINAWA NA LAHAT NG MGA MAGULANG NI EDWARD ANG LAHAT. MAGING SA T.V. SA RADYOBSA SOSYAL MEDIA NANAWAGAN SILA NGUNIT WALA MAKAPAGTURO SA
KANILA KUNG NASAAN SI BRENDA. SOBRANG PAGSISISI ANG NARARAMDAMAN NG INA NI BRENDA KUNG NANIWALA LAMANG SIYA NOON SA KANYANG ASAWA NA DAPAT IPINAGTAPAT NA KAY BRENDA ANG TUNAY NA PAGKATAO NITO SANA HINDI PA ITO NANGYARI. NGUNIT WALA NG MAGAGAWA PA.
" Mag lilimang buwan na ang pinagbubuntis ko. Magpakabait ka anak ha . Hayaan mo darating din ang tamang oras at panahon na maghilum ang sugat na ginawa nila. Pero sa ngayon mananahimik muna tayo upang talikuran natin ang mapait na kahapon. Mamahalin kita anak anuman ang mangyari." Bulong ko sa aking sarili habang nakahiga na sa maliit kung kwartong nirerentahan .