Hindi na nagawa pa ni Izzy na bigyan ng pansin ang may edad nang kasambahay ni Carl sa pag liligpit ng kalat sa sahig, ni hindi niya na nga rin nagawa pang ibaling ang atensyon dito, dahil na rin marahil sa bigat ng atensyong ibinibigay sa kanya ni Seth ngayon.Gustohin niya mang huwag salubungin ang mabibigat nitong mga titig sa kanya ay hindi niya magawa. Lalo at mas nag mukha itong isang mabangis na hayop na handa siyang lapain ano mang oras, higit nang bumaba ang tingin nito’t nakita ang kanyang ayos dahilan upang tila lalo lamang mag apoy ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya.Sh*t!Pabulong siyang napa mura nang noon niya lamang rin napansin ang kanyang ayos. Suot niya ang kulay puti at oversized na t-shirt na hiniram niya pa kay Carl kagabi habang wala siyang suot na pang ibaba bukod sa kulay pula niyang laced underwear.“Did you spend the night here? With Carl?”Nag ngingit-ngit sa galit ang tinig na tanong pa ni Seth nang ilang minuto na ang lumipas ay nanatili pa rin siy
“I killed someone, Isabel. Nakapatay ako, three years ago.”“I killed someone, Isabel. Nakapatay ako, three years ago.”“I killed someone, Isabel. Nakapatay ako, three years ago.”Maka ilang ulit na nag laro sa kanyang isipan ang mag huling salitang sinabi sa kanya ni Seth, ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindnm pa rin mahanap sa sarili ni Izzy ang tamang mga salitang maari niyang sabihin kay Seth.Nakapatay ako… Three years ago…Tila isang echo na muli pang naulit sa likod ng utak ni Izzy ang mga salitang iyon, sa tingin niya pa kahit ang pag kurap at paghinga ay hindi niya magawa dahil sa pagkagulat.Isama pang halos mamutla ang kanyang mga kamay sa pag pilipit sa laylayan ng puting kumot na bahagyang nakabalot sa kanyang katawan.“Say something…”Paos ang tinig at halos pabulong na pakiusap sa kanya ni Seth nang lumipas pa ang ialng sandali ay nanatili pa rin siyang tahimik.Pasimple namang napa lunok si izzy bago nag iwas ng tingin, nakuha niya pang tumikhim ng marahan bago
Hindi na malaman ni Izzy kung ilang oras na nga ba ang itinagal niya sa pag tunganga lamang sa sahig ng silid tulugan ni Carl. Yakap ang kanyang mga tuhod habang tahimik na umiiyak.Ramdam niya ang pag hapdi ng magkabila niyang mga mata maging ang pangangalay ng kanyang likod ngunit hindi niya pa rin magawang kumilos doon at bumangon, umpisahan ang kanyang araw na masyado nang na abala.Dapat ay ngayon ang schedule niya para kunin ang pinagawa niyang passport at asikasuhin ang iba pang papeles na kailangan niya sa pag alis, ngunit heto siya at inuubos ang lakas at oras sa pag iyak sa taong malinaw naman nang hindi karapat-dapat para sa kanyang mga luha.I killed someone, three years ago…Mapait na napa ngiti si Izzy kasabay ng sunod-dunod at pigil na pag iyak nang muling maalala ang mga sinabing iyon ni Seth sa kanya kanina.Nakaka baliw lamang isipin na sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya tungkol kay Seth ay mas nag aalala at apektado pa siya sa huling mga sinabi nito.Mahal kita,
Minsan pang naging mabagal ang takbo ng bawat araw para kay Izzy.Halos tatlong lingo pa lamang ang lumipas mula noong naayos niya ang mga papeles na kailangan niya sa kanyang pag alis ngunit pakiramdam niya ay tila ilang taon na iyon.Hindi niya na susubukan pang itanggi na kasali na sa dahilan kaya ganoon ay dahil na mi-miss niya na si Seth. Miss na miss niya na ito, sa sobra pa ay halos ang binata na rin ang laman ng kanyang mga panaginip.Sandaling naipilig ni Izzy ang kanyang ulo upang kahit paano ay mapigilan niya ang kanyang antok. Pasado alas onse pa lamang ng umaga at halos kakarating niya lang rin galing sa kanyang raket. Sa halip na matulog na at mag pahinga, heto siya at pilit inaayos ang mga papeles na kailangan niya sa pag alis. Kasama ang passport, diploma, pati na rin ang iba pa."Tuloy na ba ang alis mo?"Agad napa tuwid ng upo si Izzy nang marinig ang pamilyar na tinig ng nag salita malapit sa pinto. Napa lingon siya doon saka nag pilit ng ngiti nang mapag sino iyon.
Araw ng lingo. Abalang nag hahanda si Izzy para sa pagkikita nila ni Carl mamaya.Napilit rin kasi siya ng kanyang best friend na sa halip na lumabas sila at mag gala ay doon na lamang sila sa bahay ng magulang nito mag punta.Kasama na sa pag pilit sa kanya ang mga kapatid nitong sina Andrea at Margaux. Pwede niya rin daw isama ang kanyang best friend na si Pating, imbitado raw ito dahil isa rin naman si Pating sa mga dapat niyang pasalamatan at makasama bago ang alis niya sa susunod na araw.Hindi na rin nagawa pang tumanggi ni Izzy lalo at nasabihan na raw nina Andrea ang nanay ng mga ito maging ang mga katulong na mag handa ng masasarap na pagkain para sa kanila.Dinner ang kanilang ganap sa gabing iyon, isang simpeng kulay puting dress lang rin ang napili niyang suotin, pinaresan niya lamang iyon ng isang kulay silver na hindi kataasang heels.Sandaling sinipat ni Izzy ang sariling repleksyon sa maliit niyang salamin saka napa ngiti nang makita ang itsura."Ikaw si Isabel Vergara
"Are you okay? What's going on?"Halos mag salubong ang kilay na agad na tanong sa kanya ni Carl pag pasok na pag pasok pa lamang nila ni Pating sa sasakyan nito.Kagaya ng napag usapan nila, tumupad nga ito sa sinabi nitong susunduin na lamang sila sa labasan para sabay-sabay na silang mag punta sa bahay ng parents nito."Hey, anong nangyari?"Ulit pang tanong ni Carl nang manatili siyang tahimik, sa pagkakataong ito ay kay Pating na ito nag tanong. Nakita niya pa kung paano siyang tapunan ng tingin ni Pating, tila nag tatanong kung mag saasbi ba ito kay Carl o hindi."Hindi tayo aalis dito hanggang hindi kayo nag sasabi kung anong nangyari.""W-wala naman kasi fafa Carl..."Nakayukong sabi ni Pating na halatang nahihirapan sa pag timbang ng sitwasyon."Hm... If nothing has happened bakit ganyan ang mukha niyo pareho? And Izzy please, you know you can't lie to me... Paano mo pang itatangging walang nangyari eh mukhang kanina ka pang paiyak?"Bakas ang labis na pag aalala sa mukhang p
Hindi man nila kasama si Carl sa pag pasok sa sarili nitong bahay ay mainit pa rin naman ang naging pag tanggap sa kanila ng pamilya nito, lalo na ang nanay nito maging ang dalawang kapatid na sina Margaux at Andrea. Natuwa pa siya at kahit paano ay naging close rin agad ng mga ito si Pating na ngayon ay nakikipag daldalan na sa mga ito tungkol sa make-up."Naku si Carl, ano pa ba ang bibilhin ng lalaking iyon eh kumpleto naman na ang pagkain dito?"Halata ang pangungunsumi sa reaksyon na sabi ng nanay ni Carl, nag pilit naman ng ngito si Izzy sabay inom ng red wine na isinalin ni Andrea para sa kanya kanina."Hindi ko po alam eh, wala rin naman siyang sinabi. Ang sabi lang eh mabilis lang daw siya doon, baka po pabalik na rin."Sabi niya sabay napa ngiwi sa lasa ng iniinom. Hindi na rin siya naka tanggi pa nang muli siyang salinan ni Andrea."Well kung ganoon, ayos lang ba na hintayin na natin na makauwi?""Sino ba ang hihintayin mom?"Biglang tanong ni Margaux habang papalapit kasun
"She's a bad liar..."Hindi naka lampas sa pandinig ni Seth ang mahinang bulong na iyon ni Carl habang matamang naka titig sa pinto kung saan lumabas si Izzy.Mariin niyang nakuyom ang sariling mga kamao saka inis itong tinapunan ng tingin bago sumagot."I know."Sabi niya dahilan upang muling mabalik ang atensyon sa kanya ng kanyang pamangkin.Hindi ko naman talaga siya mahal eh...Hindi ko naman talaga siya mahal eh...Muli pang nag puyos ang damdamin ni Seth nang mula sa likod ng kanyang isipan ay muli niyang narinig ang mga salitang binitiwan ni Izzy kanina.Mariin siyang napapikit nang mag laro sa kanyang isipan ang itsura nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.Fuck!Pabulong niyang pag mumura saka inis na itinapon sa kung saan ang hawak na cell phone. Gumawa iyon ng malakas na tunog nang tumama iyon sa sahig na siya namang ikinagulat nina Carl at Shania na ngayon ay nanatili nang tahimik."Seth..."Rinig niyang tawag sa kanya ng babaeng pilit niyang pinapakisamahan simula n
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard