Share

Chapter 82

Dama ko ang lamig ng talim no'n. "Ako ang dapat nagtatanong niyan dahil pinasok mo kami, papaano ka nakapasok?" Kwestyon ko at pilit na tinatagan ang loob. Pinagdasal kong sana ay hindi lumabas si Sierah dahil base sa pagkakaalam ko ay alas tres na ng madaling araw.

"Nasaan si Zai Garcia?" Sa tanong niya ay alam ko na kung sino ang puntirya nito.

"Nakikita mo ba siya sa paligid? Papaano ka nakapasok?" Kwestyon ko at luminga sa buong paligid ngunit nakita ko ang bukas na veranda sa tapat ng sala namin.

"Kung wala kang silbe papatayin na kita—"

Napalingon kami sa pinto ng malakas na para bang dinadamba 'yon, naka-lock 'yon at si Zai lang ang may kakayahan buksan 'yon dahil parehas kaming may room keys at room card.

"Sino 'yan?" Tanong niya sa akin at hinawakan ako sa braso habang nakatutok 'yon sa leeg ko.

"Malay ko, nakikita ko ba?" Sumbat ko.

Nang bumukas 'yon ay ginawa akong hostage ng gagong ito. "Sino ka!" Malakas na sigaw nito at mas idiniin sa leeg ko ang kutsilyo.

Nang makita si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status