Anika's POVMARAHAN na ginulo ni Daryl ang buhok ko habang banayad na nakangiti. Ang init na ng mukha ko kanina, pero ngayong nakatingin ako kay Daryl, parang mas lalong nag-init ang mga pisngi ko.Tumayo siya at lumapit sa built-in cabinet. Nagtataka kong sinundan ng tingin si Daryl, may hinahanap siya sa loob at hindi ko alam kung ano."Anong ginagawa mo?"Hindi siya sumagot kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya. Pagbalik niya, may dala na siyang mga damit "Ano iyan?""Damit. Hindi ba halata?"Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam kong damit iyan, pero para saan? B-bakit kinuha mo ang damit ko?""You need to change. Basang-basa na ng pawis ang damit mo."Sandaling nanlaki ang mga mata ko bago nagsalubong ang mga kilay ko. "Kaya ka nandito para diyan, ano? May sakit na nga ako, bastos ka pa rin!"He looked at me with astonishment in his eyes. "Really, Anika? May sakit ka na't lahat, nagagawa mo pa rin akong pag-isipan nang ganyan?"Natatawa siyang lumapit sa akin.Sunod-sunod akong u
Daryl's POVNAPALINGON ako nang makarinig ng katok. Ipinagsawalang bahala ko iyon at tumuloy sa kuwarto ni Anika para kunin ang gamot. Pagkatapos ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan.Wala na si Anika sa loob ng kitchen nang makabalik ako. Nakabukas din ang pintuan ng bahay at naririnig ko ang boses niya na parang may kausap.Sino naman ang bibisita sa kaniya?"Anika?" Lumabas ako at natigilan nang makita si Anika kasama ang isang tao."Daryl!" bulalas niya. Gulat ang makikita sa kaniyang buong mukha.My brows furrowed with the person standing next to her. "Sino iyan?"Bumaba sa kabuuan ng isang babae ang paningin ko. Nakasuot ito ng croptop at shorts. Maputi at maganda ang hubog ng katawan. Ngumiti ito sa akin nang magtagpo ang mga mata namin."D-Daryl, ito nga pala ang kaibigan ko, si Adela. Adela, si Daryl... ""Hi," she said, extending her hand for a shake.I nodded my head at her. "Hey."Nag-shakehands kami, pero nang babawiin ko na ang kamay ko, natigilan ako at napatitig sa na
Anika's POVINIS na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Simula nang makilala ko si Daryl, wala na akong ibang ginawa kundi umiyak nang dahil sa inis. When it comes to making me angry, he never disappoints. I hate him to the core.Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Muntikan ko nang sigawan ang pumasok sa pag-aakalang si Daryl ito. Natigilan ako nang makita si Adela."Hey, papasok na ako, ah?"Kahit wala sa mood ay pinilit kong ngumiti. Actually, hindi nakadagdag ang presensya niya para mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Nakita ko kung paano siya tingnan ni Daryl kanina, at kung gaano kalapot ang titig niya dito.Halatang type niya si Daryl."Ang drama, ah? Parang soap opera." Nakadekuwatro siyang umupo sa tabi ko."My life is toxic. Mula sa tatay, kay mama, at ngayon, sa lalaking minahal ko.""Idagdag na natin ang ex mo."Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at pilit iyon ibinuga para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, pero hindi iyon nangyari. Bawat s
Anika's POVNAGING abala na ako nang makabalik si Sir Isaac sa office kaya nawala na rin sa isip ko ang nangyari sa restaurant. Bumawi ako kaya subsob kaming dalawa sa trabaho. Lalo ngayon na may pinaghahandaan silang malaking proyekto.Nang dumating ang oras ng labasan, hindi pa rin ako umaalis ng opisina. Abala kong hinahanda ang mga papeles na kakailanganin ni Sir Isaac para sa business trip niya. Isa pa, ayaw kong umuwi. Ayokong makita si Daryl."Ang sipag naman ng PA ko."Natigilan ako sa ginagawa at nilingon ang pinto kung saan pumasok si Sir Isaac. Nagpaalam kasi ito kanina at may pinuntahan."Bumabawi lang, sir.""Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo. Kagagaling mo lang sa sakit."Lumapit siya sa mesa ako. May sarili akong work desk dito sa loob mismo ng office niya. Ang gusto niya kasi, nasa malapit lang ako para madali niya akong matatawag."Here, I bought us something to eat." Malaki ang ngiti sa kaniyang labi nang ipakita sa akin ang takeout niya mula sa isang sikat na
Anika's POVTULALA ako habang walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko. My whole life just flashed before my eyes. Buong akala ko ay mamamatay na kami."Are you okay? Anika, are you hurt somewhere? Anika!"Nang yugyugin ni Daryl ang mga balikat ko ay saka lang ako natauhan. Kumawala ang mahihinang hikbi sa mga labi ko habang tumatango sa kaniya."God." Mahigpit akong niyakap ni Daryl.Nang mapansin nitong nakatigil ang sasakyan na kamuntikan nang bumunggo sa amin, mabilis siyang umibis ng sasakyan at galit na nilapitan ang driver."You fucker! You almost got us killed!"Mariin akong pumikit habang naririnig ang galit na boses ni Daryl. Nang lumingon ako, nakita kong nakahandusay na sa daan ang lalaking walang tigil nitong sinusuntok."My wife is pregnant! Do you hear me? Kapag may nangyaring masama sa anak at asawa ko, papatayin kita!"Nagmadali ako sa pagbaba. Kamuntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Natigilan ako nang makita ang dalawang batang bab
Anika's POVI was about to leave but Daryl stopped me. "Anika, please, hear me out."Inis kong binawi ang kamay ko saka siya tinitigan nang masama. Natigilan siya kasabay ng paglamlam ng mga mata niya.Ano na naman ba itong pinaplano niyang gawin? Anong panggagago na naman ang gusto niya? Pagod na akong magmahal at magtiwala sa kaniya, sa huliz lagi lang naman niya akong sinasaktan, inaapak-apakan, at niloloko.Ayoko na. Pagod na pagod na akong umasang mamahalin ng mga taong mahal ko, pero hindi naman ako mahal."Aalis ako."Matagal siyang nawalan ng imik sa sinabi ko. "What? W-what do you mean?""May business trip ang boss ko, isasama niya ako."Balak kong umalis na muna ng bahay at bumalik sa office. Tuluyan akong humakbang at lumapit sa pinto. Kabadong binuksan ko iyon, pero nagmamadali niya akong nilapitan at padabog na isinara ito.Masama ko siyang tiningnan. "Ano ba!""Nagpapatawa ka ba?""Do I look like I'm joking right now!""Fuck!"Napatili ako nang bigla niyang suntukin ang
Daryl's POVHINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng kuwarto ni Anika. I couldn't bring myself to enter her room and see her, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.We almost lost our baby. According to the doctor, mahina ang kapit ng bata at sa susunod na ma-i-stress si Anika, baka tuluyang mawala sa amin ang anak namin."Daryl."Umangat ang paningin ko sa nagsalita. Gumaan ang loob ko nang makita kung sino ito."Darius. Kuya."Tumatango siyang lumapit sa akin at tinapik ako sa braso. "Kumusta si Anika?"I shook my head. "She's fine now, pero nagwawala siya kanina. The doctor needed to calm her down kaya tinurukan siya ng pampatulog."Sabay kaming bumuntonghininga bago humarap sa pinto ng kuwarto ni Anika."Ikaw, kumusta ka?""Takot. Takot na takot." Paulit-ulit akong umiling.Ayaw mawala sa isipan ko ang naluluhang mukha ni Anika habang umaagos ang dugo sa binti niya."Akala ko, mawawala na sa amin ang bata. That child is the only reason left for her to stay with me. Kapa
Anika's POVMASAMA ang pakiramdam ko kinabukasan nang pumasok ako sa opisina. Hindi dahil sa nangyari sa akin noong nagdaang araw, kundi dahil sa puyat.Halos alas-tres na ako nakatulog kanina. Hindi naman puwedeng hindi ako matulog dahil makasasama sa dinadala ko. Kaya kahit maaga ang pasok ko sa trabaho, umidlip pa rin ako kahit dalawang oras lang.Binati ako ng mga kasamahan ko sa trabaho nang dumating ako. Ang secretary ni Sir Isaac na si Melba, agad na lumapit sa akin at kinamusta ako."Anika!"Natigilan kami sa pag-uusap nang pagbukas ko ng pinto ng office ni Sir Isaac, ang nag-aalala nitong mukha ang bumungad sa akin.Bumalik si Melba sa trabaho niya at ako naman ay lumapit sa table ni Sir. Nag-aalala siyang tumayo saka nilapitan ako."Are you okay? Is the baby... okay?" Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. "I heard about what happened. Hindi mo sinabing buntis ka.""I'm sorry, sir." Nagbaba ako ng paningin.Sinadya kong hindi sabihin na buntis ako dahil natatakot akong tangga
Magnus' POV"Good morning, sir!"Nginitian ko ang dalawang babaeng bumati sa akin nang makalabas ako ng elevator. Pinamulahan ang dalawa at kilig na humagikgik nang madaan ko sila."Good morning, Sir Magnus! Do you want your coffee or just a glass of tea?" tanong ng sekretarya ko. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa akin."No, thanks. I'm good, Elsa."Papasok na sana ako sa office ko nang matigilan ako at muli siyang harapin."Give me 10 minutes before you enter my office, okay?"She nodded at me, smiling from ear to ear. I winked at her before going inside my office. Hindi pa ako nakakalapit sa work desk ko nang marinig kong muling bumukas pinto."Magnus!"I turned and a smile formed on my lips when I saw a familiar face. "Darius? Kuya!""Bro!"Agad ko siyang nilapitan at niyakap. It's been what? 2 years since we last saw each other? Mula nang ihatid niya kami rito, iyon na rin ang huling beses na nagkita kami."To be honest, bro, I didn't think you'd survived. Sa lakas nang pagka
Magda's POVMARAHAN akong nagpahid ng face powder sa mukha ko para itago ang pasa na nakuha ko mula kay Enrico. Nang puntahan niya ako sa condo unit ni Daryl ay halos patayin na niya ako sa bugbog. Kung hindi pa siya napigilan ng mga tauhan niya.Huminga ako nang malalim. Matapos kulayan ng pula ang mga labi ko ay tumayo na ako at dinampot ang maliit na maleta kung saan nakasilid ang mga inimpake kong gamit."What is the meaning of this?"Huminto ako sa pagkilos nang marinig ang malalim na boses ni Enrico. Marahan ko siyang nilingon at nakita ang madilim pero nag-aalala niyang mukha."Aalis na ako."Nagmamadali niya akong nilapitan at isang sampal ang ibinigay sa akin. Napaatras ako sa lakas no'n, pero pinilit kong hindi matumba at saka matapang na sinalubong ang mata niya."Anong pinag-usapan n'yo ni Daryl no'ng araw na iyon? Na sasama ka na sa kaniya at iiwan ako?! Idiot! Walang pera ang anak ko! Wala kang mahihita sa kaniya!""Pumunta ako kay Daryl dahil gusto kong humingi ng tulon
Anika's POV"Ma?"Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako."Hanggang ngayon... hanggang ngayon pala... ""Anika, hindi. Walang ibig sabihin ito." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Mama tried to hold my hand but I refused. Umiwas ako sa kaniya na parang may pandidiri."I hate you! Hanggang sa kahuli-hulian, pinatunayan mo sa akin na hindi kita dapat ituring na magulang!"Mabilis na namasa ang gilid ng mga mata niya. "Anika, you don't understand.""Hindi mo na nga ako mabigyan ng kompletong pamilya, pati sarili kong pamilya, pilit mo pang sinisira! What did I do to deserve this? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!""Anika?"Natigilan kami at napalingon sa gawi ni Daryl. Gising na ito pero parang nahihirapan sa pagbangon dahil sa kalasingan.Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko sila nang masama bago patakbong umalis. Narinig ko pa ang boses ni Daryl na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon pa.***Da
Anika's POV"Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?"Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Adela na halata ang gulat sa mukha nang makita ang ginagawa ko."Aalis na.""Aalis? Bakit ka aalis?"Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Hiwalay na kami ni Daryl. Puwede ka nang lumipat dito kung gusto mo."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Mabilis niya akong nilapitan, pero ibinaling ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit."Ano? Ano naman ang ibig mong sabihin do'n, ha? At saka, saan ka pupunta? Buntis ka pero aalis ka dito? Saan ka titira?""May business trip ang boss ko na kailangan kong samahan. Isa pa, hinanapan na niya ako ng apartment na malilipatan.""Ang boss mo?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit ka niya kailangan hanapan ng malilipatan? May bahay ka naman.""This is not mine, Adela." Muli ko siyang binalingan. "Sa boyfriend mo ito.""Wait a minute, bakla! Galit ka ba sa akin?"Matalim ang mga matang tiningnan ko s
Anika's POV"Po?" iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang ire-react sa kaniya. Is he... for real?Tumayo siya at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. "I need to find a woman to marry, Anika.""Bakit? Naguguluhan po ako. Bakit naghahanap kayo ng babaeng pakakasalan? At ako... bakit ako? Alam n'yo naman po ang gulo ng buhay ko.""My father wants me to marry the daughter of his business partner. I don't want to marry her."Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. To be honest, I've never seen him this serious before."Pero assistant n'yo lang ho ako, Sir Isaac.""Yes, but I like you."Muli akong natigilan sa mga narinig. Pinag-initan ako ng mukha. "Sir Isaac, paano n'yo naman po ako magugustuhan? May sabit na po ako. Hindi pa ako hiwalay sa asawa at buntis pa ako. Puwede kayong maghanap ng dalaga at walang sabit.""Yeah, I know, but I don't like them, Anika. Mapili ako sa babae, ayaw kong basta magpakasal lalo sa hindi ko kilala.""Bakit n'yo po ako gusto?"Nagkibit
Anika's POV"Gawin mo kung anong gusto mo. Wala akong pakialam."Nanginginig ang mga tuhod na iniwan ko si Daryl at bumalik sa mall. Malapad na ngiti mula kay Adela ang sumalubong sa akin.Never in my life na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan kong si Adela. Isa siya sa kakaunting taong natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako noon. But now, I don't know. Nasasaktan ang puso ko kaya nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.Pumasok kami sa isang restaurant at kumain na muna. Kahit gusto ko nang umuwi ay nagpaunlak na lang ako. Ayaw kong isipin nila na sobrang affected ako sa dalawa."Here, try this," nakangiting sabi ni Adela at akmang susubuan si Daryl."No, it's okay," nakangiti rin nitong tanggi."Ano ka ba? Sige na. Masarap ito, parang ako."Sandaling natigilan si Daryl at tumingin sa akin. Nang makita niyang sa kanila nakatuon ang atensyon ko, titig na titig siya sa akin nang tanggapin niya ang isinusubo ni Adela.Umiwas ako ng tingin habang sunod-sunod sa paglunok. Bakit ba ako nag
Anika's POV"Ma'am! Kain po muna kayo? Nagluto ako ng sinangag at tuyo!"Tipid akong ngumiti sa katulong habang umiiling. "Hindi na. Wala akong gana, e.""Pero ma'am, hindi makabubuti sa bata ang hindi n'yo pagkain. Sige kayo, baka ipanganak n'yong malnourished ang baby n'yo.""Salamat, pero baka sa office na lang ako kumain."Sumakay ako sa taxing naghihintay sa akin sa labas. Pinaalis ko na ang driver na iniwan ni Daryl dahil hindi ako sanay na may naghihintay at nagsusundo sa akin.Pagdating ko sa office, hindi agad ako pumasok at sa halip, dumiretso sa pinakamalapit na restaurant. Gutom naman talaga ako pero ayaw ko lang kumain sa bahay dahil si Daryl na naman ang maaalala ko. Silang dalawa ni Adela.Kumuyom ang mga kamay ko habang nakaupo sa mesang malapit sa bintana at nakatanaw sa labas. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na hindi siya susuko, pero matapos halos mawala ang anak namin, nakikipagkita na agad siya sa ibang babae."Malandi," hindi ko mapigilang ibulong.Napukaw lang
Anika's POVMASAMA ang pakiramdam ko kinabukasan nang pumasok ako sa opisina. Hindi dahil sa nangyari sa akin noong nagdaang araw, kundi dahil sa puyat.Halos alas-tres na ako nakatulog kanina. Hindi naman puwedeng hindi ako matulog dahil makasasama sa dinadala ko. Kaya kahit maaga ang pasok ko sa trabaho, umidlip pa rin ako kahit dalawang oras lang.Binati ako ng mga kasamahan ko sa trabaho nang dumating ako. Ang secretary ni Sir Isaac na si Melba, agad na lumapit sa akin at kinamusta ako."Anika!"Natigilan kami sa pag-uusap nang pagbukas ko ng pinto ng office ni Sir Isaac, ang nag-aalala nitong mukha ang bumungad sa akin.Bumalik si Melba sa trabaho niya at ako naman ay lumapit sa table ni Sir. Nag-aalala siyang tumayo saka nilapitan ako."Are you okay? Is the baby... okay?" Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. "I heard about what happened. Hindi mo sinabing buntis ka.""I'm sorry, sir." Nagbaba ako ng paningin.Sinadya kong hindi sabihin na buntis ako dahil natatakot akong tangga
Daryl's POVHINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng kuwarto ni Anika. I couldn't bring myself to enter her room and see her, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.We almost lost our baby. According to the doctor, mahina ang kapit ng bata at sa susunod na ma-i-stress si Anika, baka tuluyang mawala sa amin ang anak namin."Daryl."Umangat ang paningin ko sa nagsalita. Gumaan ang loob ko nang makita kung sino ito."Darius. Kuya."Tumatango siyang lumapit sa akin at tinapik ako sa braso. "Kumusta si Anika?"I shook my head. "She's fine now, pero nagwawala siya kanina. The doctor needed to calm her down kaya tinurukan siya ng pampatulog."Sabay kaming bumuntonghininga bago humarap sa pinto ng kuwarto ni Anika."Ikaw, kumusta ka?""Takot. Takot na takot." Paulit-ulit akong umiling.Ayaw mawala sa isipan ko ang naluluhang mukha ni Anika habang umaagos ang dugo sa binti niya."Akala ko, mawawala na sa amin ang bata. That child is the only reason left for her to stay with me. Kapa