Prologue
Malaki ang ngiti ko habang bumababa ng tricycle galing eskuwelahan.
Siguradong matutuwa sila sa balitang dala ko ngayon!
Pumasok ako sa aking kuwarto at agad na nagpalit ng simpleng sando at jersey shorts bago pumunta sa bahay nina inay na nasa likod lamang ng bahay namin.
Agad kong nakita ang tatay ko na nakaupo lamang sa sofa habang nanonood ng balita. Lumapit ako sa kaniya at balak ko pa sana siyang gulatin pero sa kasamaang palad, agad din siyang humarap sa akin na tila kabisado ang presensya ko.
Nakangiti kong ipinakita ang aking report card kay tatay, agad siyang bumaling sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa at pagka mangha sa mga numerong nakita roon.
"Aba! Napakagaling talaga ng apo kong 'to!" sabay gulo ng aking buhok na parang bata.
Napakataas nang nakuha ko ngayon'g 4th grading at sa awa ng Diyos ay wala namang line of 8 kahit papaano. Siguradong makaka akyat ako sa stage ng may honor at medalyang matatanggap.
Naka-ngiti ako'ng tumango kay tatay bilang pag sang ayon.
"Basta ang bilin ko lagi sa iyo, ineng. 'Wag muna mag nobyo at 'yan ang sisira ng buhay mo. Magtapos ka muna dahil panganay ka," halata sa boses nito ang pangaral na talaga namang sinang ayunan ko.
"H'wag kang mag-alala, tatay, wala naman po akong boyfriend. Kuntento na ako sa labing-tatlo kong asawa," natatawa kong sambit at bahagyang kinilig nang maisip ang itsura ng miyembro ng K-POP group na Seventeen.
"Nand'yan na po ba ang inay?" pag babago ko ng topic. Lampas na rin kasi ng alas singko ng hapon.
"Gagabihin daw ang inyong inay kaya hindi ko pa nasusundo sa bayan," sagot ng tatay at tumango na lang ako bilang sagot.
Labandera ang inay sa bayan at ang madalas niyang amo ay mga doctor. Minsan kung walang pasok ay tinutulungan ko siya bilang part time. Kumikita rin ako roon kaya may naidadagdag ako sa baon ko.
Bumalik na ako sa bahay at nadatnan ang aking kapatid na si Azamy na nag c-cellphone at halos umiyak na habang naka titig do'n, lumapit ako sa kaniya dala na rin nang pagtataka.
"Bakit gan'yan ang itsura mo?' tanong ko at sinilip ang kaniyang cellphone.
Dahil pala sa w*****d, tsk.
Hindi man lang niya ako inimikan, pumasok siya sa kuwarto at iniwan ako sa may salas. Hindi kami gano'ng close ni Azamy pero kahit gano'n ay mahal na mahal ko ang kapatid ko'ng 'yon.
Nang umalis si Azamy ay agad ko'ng nakita ang kalat na gamit sa sahig tulad ng mga notebook, lapis at iba't-ibang kulay ng ballpen. Mukhang may gagawin si Azamy at hindi natapos dahil sa pag w*-w*ttpad niya.
Dinampot ko ang lahat ng kalat at inilagay sa may ibabaw ng aming study table.
Dahil sa mga art materials na nakita ko ay biglang may naisip ako'ng mapag li-libangan dahil wala naman kaming takdang aralin ngayon'g araw na 'to.
Pumasok ako sa aking kuwarto upang kunin ang aking bag na ginagamit ko sa pagpasok at bumalik sa salas. Inilabas ko ang ibang mga art materials pa tulad ng mga colored papers at iba pang pang kulay tulad ng mga color pencil.
Sa maliit na bulsa ng aking bag, kinuha ko ang pina develop kong picture kanina sa computer shop.
"Napaka ganda ng ngiti mo rito, Oreus."
Napatitig lamang ako sa itsura ni Oreus at sa guwapo niyang mukha.
Kilala si Oreus sa aming eskuwelahan. May pagka suplado siya minsan lalo na kung wala siya sa mood o hindi niya gusto ang taong kaharap niya.
Isa siya sa matalik ko'ng kaibigan at ilang taon na rin kaming open sa isa't-isa.
Singkit ang mga mata niya, tipong kapag ngumi-ngiti siya ay nawawala ang mga magaganda niyang mga mata. Mayro'n din siyang manipis na labi, malapad na likod at morenong kulay ng balat dulot na rin nang pagiging varsity sa school.
Swimmer si Oreus at nakaka dagdag 'yon sa charisma at playboy look niya, pero kahit ganoon ay magalang at may respeto siya sa mga babae.
Sinimulan ko na ang pag di-disensyo ng aming picture at balak ko naman itong ilagay sa pader ng aking kuwarto. Ang matitira naman ay ilalagay ko sa photo album na naglalaman din ng iba pang litrato ng iba ko pang mga kaibigan.
May gusto ako kay Oreus, at hanggang doon na lang dapat 'yon.
Kasalukuyan ako'ng nasa ika-sampung baitang sa isang pampublikong paaralan dito sa Bayan ng Pasita. Marami na rin ako'ng naging kaibigan at marami rin ang nagtatangkang ligawan ako. Hindi nga lang sila pinalad dahil wala akong hinayaan kahit isa sa kanila. Bata pa kasi ako at wala pa talaga 'yon sa isip ko.
Nang matapos ako ay binitbit kong muli ang aking bag papasok ng kuwarto 'saka sinimulan ang pagdi-dikit sa pader ng mga litratong inayos ko.
Plain white na pintura lang ang kulay ng pader ng aking kuwarto pero dahil nga sa hilig ko sa arts, napaganda ko naman ito. Nabuhay ang kulay ng aking kuwarto gamit ang mga colored paper, at iba pang mga pwedeng ibang pang disenyo sa kuwarto na nabili ko sa palengke.
Naka-sabit sa pader ang mga diploma ko, mga medals at sa gitna nito ay mga graduation pictures ko. Makikita rin doon ang ibang litrato kasama ang family ko at sa ibabang parte naman noon ay ang pictures namin ng mga kaibigan ko, kasama na roon si Oreus.
Mahilig talaga akong kumuha ng litrato. Sa gano'ng paraan kasi matatandaan natin'g lahat ang mga masasaya at malulungkot alaala na nagdaan sa mga atin'g mga buhay. Ang mga gano'ng bagay ay hindi dapat kinakalimutan, nasaktan man o naging masaya man tayo.
Nang matapos na sa lahat ay humiga na ako sa aking kama at nakitang alas sais na pala. Bumangon na ako at nag tungo sa kusina para mag saing.
Habang naghihintay, kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas ng messenger. Sunod-sunod ang notifications na lumabas sa aking cellphone, ang iba ay galing sa group chat naming magkakaibigan pero isa lang ang nakapagpa saya sa akin doon.
Ang chat ni Oreus.
Oreus Vielle Lorenzano:
Narito ako sa may gate niyo, labas ka.Nagulat ako sa chat niya at tiningnan ko ulit ang oras sa cellphone ko.
Agad nanlaki ang aking mata. Kanina niya pa pala iyong chat at halos 20 minutes na rin ang naka lipas.
Medyo kinakabahan kong tinahak ang daan palabas ng bahay at nakita ko si Oreus na nasa tapat ng aming gate. Nakasandal siya sa poste ng ilaw na malapit doon at patingin-tingin sa kaniyang cellphone.
Dahil na rin sa pagkaka-taranta ay lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na maka punta sa puwesto niya. Bakit kasi ang layo niya?
Akala ko wala na akong maabutan kaya binagalan ko lang ang kilos ko kanina. Malay ko ba na makikita ko pa siya rito?
Kahit hinihingal dahil sa ginawa ko kanina ay nagsalita rin agad ako. "Ahm, Oreus, ano'ng ginagawa mo rito?" pagtatanong ko sa kaniya.
"May gusto lang sana akong sabihin sayo, Saff," seryosong sambit nito at dahan-dahang hinawakan ang kanang kamay ko.
"Bakit pumunta ka pa rito? Pwede mo namang i-chat na lang sa akin, e. Delikado na, Oreus!" halata sa boses ko ang pangaral at pag-aalala sa kaniya.
Natawa siya at maya-maya ay naging seryoso na ulit.
"Saff, I'm leaving. Tommorow to be exact." sambit nito.
Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Bakit siya aalis?
"Ano'ng meron, Oreus? Bakit biglaan?" halata na sa boses ko ang panginginig dahil na rin sa pagpipigil ko na umiyak.
"Aakyat pa tayo ng stage, 'di ba?" dugtong ko pa at hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi niya sa akin ngayon.
"Nakita ko na ang tunay kong mga magulang, Saff. Sa Maynila na kami maninirahan at nasa bahay sila ngayon, inaayos ang mga gamit ko," may bahid ng saya ang boses niya na kabaliktaran naman ng nararamdaman ko ngayon.
"Masaya ako para sayo, Oreus." Kahit masakit para sa akin.
"Basta ba 'wag mo akong kakalimutan, e," nakangiti ko namang sambit sa kaniya kahit nahihirapan na akong huminga dahil na rin sa sikip ng d****b ko.
Ngumiti si Oreus sa akin at niyakap ako. "Oo naman, Saff. Bestfriend kita, e."
Ngayon lang niya ako niyakap nang ganito at mukhang ito na rin ang huli.
Crush lang naman 'di ba, Saffira? Bakit ka nasasaktan?
"May gusto rin akong aminin sayo, Saff. Hindi rin ako mapapatahimik nito kung hindi ko aaminin sayo, e," sabay hawak niya sa batok niya.
"Ano 'yon, Oreus?" tipid kong tanong sa kaniya at tiningnan ang mata niya.
"Saffira Ray Vordez, may gusto ako sa'yo," naka yuko nitong sambit.
Napansin kong namumula ang mga tenga niya nanagpapatunay na nahihiya siya. Totoo ba 'to?
"Ha?" naisagot ko na lamang dahil sa pagkabigla.
"Saff, may gusto ako sayo. Kaya sana pagbigyan mo ako sa munti kong hiling sayo," sagot niya at tumango na lamang ako.
"Please, Saff, hintayin mo ako. Babalik ako, babalikan kita. Just don't fall in love with another man, hindi ko kakayanin." malungkot na sambit nito.
"Paalam, Saff. Hintayin mo ako, please," at tuluyan na siyang umalis.
Dahil doon ay tuluyan nang tumulo ang luha ko.
Hihintayin kita, Oreus.
Pinang hawakan ko ang pangako ko kay Oreus pero bakit ganito?
"Saffy, nakita mo ba 'yong post na naka-tag kay Oreus sa I*******m?" sambit ni Rowie, isa sa kaibigan namin ni Oreus.
Nagtataka ako'ng bumaling sa kaniya. "Bakit? Ano'ng meron?" sagot ko sa kaniya.
Hindi naman kasi ako mahilig mag i*******m at tamang f******k or messenger lang ako.
Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng umalis si Oreus at bukas ay graduation na namin.
" Ito oh," sabay abot ni Rowie ng kaniyang cellphone.
Picture iyon ni Oreus. Ang mukha niyang halata ang saya dahil sa nawawala na naman niyang mata, kasama ang isang babae.
Napaka gandang babae. May singkit din itong mga mata at halata ang magandang kutis nito dahil sa sleeveless na suot nito.
Paano kita hihintayin, Oreus, kung nasa pangangalaga ka na naman pala ng iba?
Hindi ko na tinagalan pa ang pagtingin sa litrato at ibinalik na rin kay Rowie ang kan'yang cellphone.
"Okay ka lang ba, Saffy?" pagtatanong ni Rowie, halata sa boses niya ang pag-aalala at pagtataka.
"Oo naman, Rowie. Bakit naman hindi? Masaya pa nga ako para kay Oreus dahil natagpuan na niya ang babaeng para sa kaniya." sagot ko na lamang.
Nakita ko na lamang ang pagtango ni Rowie bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.
"Tama nga naman, Saffy. Grabe 'no? Ang bilis ni Oreus, tapos ang ganda pa noong babae. Bagay na bagay talaga sila," halata pa sa boses ni Rowie ang kilig at paghanga sa litrato na nakita niya.
Ang bilis nga, Oreus. Paano naman ako rito? Ako na pinangakuan mo?
Hindi na lang ako nagsalita pa at tumingin na lamang sa langit.
"Bakit hindi natin siya i-video call? Miss ko na rin si Oreus, e," saka pumindot ng kung ano sa kaniyang cellphone.
Patuloy pa rin akong hindi nagsalita at hinayaan na lamang si Rowie sa gusto niya.
Maya-maya pa ay dumating na si Raki, isa rin sa kaibigan namin. Agad siyang tumabi sa akin at 'saka umakbay.
"Bakit parang malungkot ka, Saffy? Gusto mo ng ice cream?" sambit niya at inamoy ang buhok ko.
"Okay lang ako, Raki," sagot ko sa kaniya.
Hindi na lamang ako nagpa halatang apektado pa rin sa picture na nakita.
Hinayaan ko na lamang siyang umakbay sa akin dahil sanay na naman ako sa kaniya. He's my friend after all, at normal na rin sa akin 'yon dahil hindi lang naman sa akin gan'yan si Raki.
"Ayon, sumagot din si Oreus!" masiglang sabi ni Rowie at hinampas ang kaniyang kapatid.
"Hoy, kuya! Kung maka-akbay ka kay Saffy, ah, jowa mo?" at siya na ang nag-alis ng pagkaka-akbay sa akin ni Raki.
"Kung magalit ka, ah. Si Saffy nga hindi nagagalit, e. Bakit, nagse-selos ka ba?" at inalis ni Raki ang pag-akbay sa akin tsaka kiniliti si Rowie.
Tumingin ako sa cellphone niya at nakita ang mukha ng isang babae.
"Rowie, 'yong cellphone mo," at tinuro ko naman iyon para makapag focus siya sa ginagawa niya.
Nakangiti ang babae. "Hello, ahm, Rowie?" sagot ng babae sa kabilang linya.
Halos mahulog ang panga ni Rowie sa gulat.
"Umo-order kasi si Vielle ngayon ng pagkain namin and naiwan niya 'yong cellphone niya rito kaya ako na ang sumagot. Nice to meet you!" nakangiting sabi ng babae ng mapansin ang pagtataka sa mukha ni Rowie.
Ngumiti rin si Rowie sa kaniyang kausap. "Ahm, gano'n ba? Sige mamaya na lang siguro kami mag u-usap. Nice too meet you too, bye!" sagot niya.
"Sasabihin ko na lang kay Vielle na tumawag ka. Sige, bye!" at saka namatay ang tawag.
Natahimik kaming tatlo, dala na rin siguro ng gulat at pagka mangha.
Hindi ko alam, naninikip na lalo ang d****b ko.
Nasasaktan, siguro?
Tama bang hintayin pa kita, Oreus?
Tumayo na ako at iniwan na lamang ang magkapatid.
Agad akong sumakay ng tricycle pagka labas ng school at sinabi ang address para maka-uwi na.
Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako kung sino ang nasa tapat ng gate namin at parang may hinihintay.
Isang lalaki na halos kasing tangkad din ni Oreus pero may maputi naman itong kulay ng balat.
"Ano po ang kailangan, nila?" tanong ko at tumingin sa lalaki.
Ngumiti ito sa akin at napatitig ako sa kaniyang mukha.
"Ikaw ba si Saffira?" pagtatanong nito sa akin at halata ang pag o-obserba niya sa akin.
"Oo, bakit? Ano'ng kailangan mo?" taas kilay kong sagot sa kaniya at gulat ko na lamang nang yakapin niya ako.
Kumalas siya sa pagkakayak niya sa akin. "Saffy!! Ako 'to, si Remus!" masayang sambit nito at pinang-gigilan naman ang pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko at agad din niyakap si Remus.
Isa si Remus sa kababata ko, pero sa kasamaang palad ay nagkahiwalay din kami dahil umalis siya rito at lumipat na sa kabilang bayan nang mag grade 7 kami.
"Ay, iba na talaga ang umaalis! Ang pogi mo na, ah?" sabay kurot ko sa tagiliran niya.
"Ikaw talaga ang una kong pinuntahan pag balik namin dito. Kinabahan pa nga ako kanina kasi akala ko lumipat na kayo ng bahay!" sambit nito.
"Atsaka, ano ka ba naman, Saffy! Matagal na akong pogi 'no? Guwapo pa nga, e," sabay pa-cute at pogi pose nito.
Napa-iling na lang ako at marahang napatawa sa sinabi niya.
Nag-usap kami ni Remus at napansin ko na mas matangkad na talaga siya sa akin ngayon.
Nag kuwento lamang siya ng tungkol sa naging past life niya roon sa dating tini-tirahan at dating eskuwelahan niya.
Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa akin at babalik na lamang daw siya bukas.
Bitbit ang ngiting ibinigay sa akin ni Remus, ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay namin at dumiretso papasok ng aking kuwarto.
Nakakapagod.
Kinuha ko ang aking cellphone at balak sanang mag kuwento kay Oreus ng buong nangyari sa maghapon ko pero hindi ko na itinuloy.
Saff, hayaan mo na si Oreus. May bago na nga agad siya, e.
Agad akong napatingin sa pader kung saan naka dikit ang mga pictures namin.
Naalala ko na naman ang lahat ng mga pinagsamahan namin ni Oreus at bumalik din ang mga masasakit na nangyari kanina.
Phase 1 "Saffy, pinapa-tawag ka ni Sir Ralph," sambit ni Cyd, isa sa mga kaklase ko. Wala na akong naging balita kay Oreus, magmula noong nagka usap si Rowie at 'yong babae. "Samahan na kita, Saffy?" sambit ni Remus nang mapansin na mag-isa lang akong pupunta sa faculty na nasa kabilang building pa. Tumango na lamang ako bilang sagot kay Remus at hindi na lamang ako nagsalita pa. Magmula nang pumunta si Remus noong una siyang nagpunta sa bahay ay araw-araw na rin niya akong dinadalaw. Mahilig rin si Remus na kumuha ng mga litrato, kaya noong graduation ay isa siya sa nag pi-picture sa akin.
Phase 2 Tahimik ko lamang na tinitingnan ang mga litrato na nakadikit sa pader ng kwarto. Mga masasayang litrato na sana ay maulit pa, mga panahon na kumpleto pa kami at masaya. Agad akong nag bihis ng simpleng printed t-shirt at maong shorts bago lumabas ng bahay. Pupunta na lamang ako kina Jonamie ngayon, isa sa mga pinsan ko. Isa si Jonamie sa mga kinu-kuwentuhan ko tuwing masaya o malungkot ako. Sa kasamaang palad, isa si Jonamie sa hindi pinalad na makita kung gaano kaganda ang mundo. Bulag si Jonamie at iniwan ng kaniyang magulang kina inay at tatay. Ang kaniyang nanay na si Tita Ade ay nakapangasawa na ng kapwa OFW sa ibang bansa at pinapadalahan
Phase 3 Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng ipakilala si Morpheus bilang kaklase namin at ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap o nag papansinan man lang. As if may balak akong kausapin siya. Naging sikat si Morpheus sa mga babae rito at nakilala rin siya ng iba dahil sa kapatid ito ni Oreus na sikat naman noong Junior High School kami. Hindi rin kasi ma ita-tanggi na may angking ka-g'wapohan din naman siya at balita ko ay honor din ito sa dati nitong school. May ilan din na nagtatanong sa akin kung may gusto o nanliligaw ba raw si Morpheus sa akin dahil napapansin din 'ata nila ang pangungulit at pagpapansin nito sa akin. Isa na rin sa nagtanong sa akin no'ng nakaraan si Polly, siguro ay ipina-patanong ng mga kaibigan niya na may gusto kay Morpheus. Kaya naman siguro ako kinukulit ng lalaki na 'yon dahil wala siyang mapag trip-an.
Phase 4 Sa bawat oras na lumilipas, masasabi mo talaga na napaka bilis ng araw dahil na rin sa iba't-ibang nangyayari sa ating buhay. Parang kahapon lang ay bata ka pa na nasasaktan at iiyak lamang sa tuwing papagalitan ka ng magulang mo sa mga mali'ng bagay na nagagawa mo. Ngayon, nasasaktan ka dahil alam mo na nga'ng mali, sumusugal ka pa. Tulad ng pagsugal ko sa nararamdaman ko at pag-asa kay Oreus, na pagdating ng tamang panahon ay ako pa rin ang mamahalin at hahanap-hanapin niya. Pero nagkamali na ako dahil walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay lalo na at napaka layo niya sa akin. Halos hindi ko rin naisip na kaya akong ipagpalit ni Oreus ng gano'n na lamang. Na kaya n'yang ipagpalit ang matagal naming samahan para sa babae'ng bago niyang minamahal. Kung tutuusin, kaya ko naman tangga
Phase 5 Agad namin'g tinahak ni Morpheus ang daan papunta sa kabilang building kung nasaan ang Guidance Office kasama si Kuya Jerome, ang pinsan ni Remus na President ng SSG. Hindi kami gano'ng ka-close dahil matagal din nawala si Remus at hindi naman kami nakakapag bonding na tulad noon. Grade 12 student na siya at STEM ang strand niya. "Bakit daw ako pinapatawag, Kuya Jerome?" nahihiya kong tanong sa kaniya. "May isang kaklase niyo ang pumunta kanina sa Guidance Office at nagsumbong na bi-nully mo raw siya. Kasama niya ang President niyo na si Jade. Nagpa pa-print nga lang ako ng mga reports doon, e. Naki suyo lang si Mrs. Capacio." Hinawakan ni Morpheus ang kamay ko na parang expected na niya ang mangyayari ngayon. Kinakabahan ako, wala naman akong ginawang masama pero sobra-sobra ang kabog ngayon ng d****b ko. First time lang itong mangyayari sa akn dahil
Phase 6 Days had passed ang Morpheus keep bugging me. Wala kaming pasok ngayon'g Friday since may seminar raw ang mga teacher namin. Marami sa mga kaklase ko ang natuwa at gano'n din naman ako ang masaklap, pati si mama kasama ro'n kaya hindi siya makakapag pahinga. Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita na nag text na naman siya sa akin. No'ng una talaga ay laking gulat ko nang malaman niya ang number ko at ang tanging isinagot niya lang sa akin ay, "I just used my connections," na talaga namang kinainis ko ng sobra dahil sa kayabangan niya. Mukhang kay Remus niya nakuha ang number ko dahil magmula nang mapunta ako sa guidance ay biglang naging close silang dalawa. Nagulat na lang din ako nang malaman ko na close rin pala si Raize at Morpheus, hindi kasi halata 'pag nasa school dahil ang madalas lang naman na nakikita kong kasama ni Raize ay ang mga kaibigan niya tulad ni Cyd at Polly.
Phase 7 Hindi inalis ni Morpheus ang pagkakayakap niya sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa'ng pinipigilan. Si Morpheus naman ay hinahagod na rin ang likod ko, kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinahiran ang mga luha na tumulo sa mga mata ko. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Remus kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng ibig sabihin nito, Saffira?" pagtatanong niya at nakita ko'ng kasama niya si Raize na nasa likod lamang niya. Hinahagod nito ang likod ni Remus na parang pinapakalma ito. "Kailan pa, Saffira? Bawal ka pa'ng mag boyfriend sabi ni tito 'di ba? Eh ano 'tong ginagawa niyo ni Morpheus, ha?!" at hinila na niya ako palayo kay Morpheus. Nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak ni Remus kaya pilit ko rin'g inaalis ang kamay niya sa braso ko. Lumapit sa akin si Raize. "Remus, nasasaktan si Saffy. Bitawan mo nga
Phase 8 Tahimik lamang ako habang naglalakad kami papunta kina Morpheus. Magkaka barangay lang kami pero dahil nga hindi naman ako gano'ng gumagala ay agad akong napagod. Nakapunta na ako once sa bahay nina Tita Minerva, no'ng time na narito pa si Oreus at hindi ko rin naman in-expect na makakabalik pa ako rito. Ang kaibahan nga lang ay si Morpheus na ang kasama ko at hindi na si Oreus. Tahimik ang bahay nila nang makarating kami at mukhang wala rin sina Tita Minerva sa loob dahil noong unang beses ko'ng pumunta rito ay agad niya akong sinalubong.. I wonder where is Tita right now. Nagsimula nang magtanong si Raize at mukhang nagtataka rin. "Wala ba'ng tao rito ngayon, Stanley?" agad akong napabaling kay Raize dahil sa sinabi niya. Mukhang napansin ni Raize ang bigla kong pagtingin sa kaniya kaya agad din siyang nagsalita. "I mean, Morpheus pala. Mas gusto ko k
PHASE 14Nang makauwi si Morpheus ay dumiretso naman ako ng aking kuwarto. Ginawa ko na ang lahat para hindi na niya ako iwan dahil mahal na mahal ko siya at h'wag niya sana 'yong sirain pa.Habang naghahanda para sa pagtulog ay may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Lumapit ako roon at bumungad sa akin si mama kaya binuksan ko 'yon ng malaki para papasukin siya.Umupo si mama sa kama ko at mapanuri ako'ng tinitigan. "Bakit daw nagpunta rito si Morpheus?' pagtatanong niya sa akin at mukhang sinabi 'yon ni Azamy sa kaniya.Umubo muna ako bago nagsalita. "Ah, may sinabi lang po siya sa akin." sagot ko dahil 'yon naman ang totoo.Bago umalis si Morpheus ay niyaya niya ako na pumunta sa pasyalan sa kabilang bayan. Fiesta 'ata roon at sinabi raw ni Tita Minerva na isama ako.Tumikhim si mama na ikina-kaba ko. "Sobrang importante na kailangan ka pa talagang puntahan dito? Hindi ba puwedeng i-chat o i--text n
PHASE 13I remained silent, again..Well, all I can do is to trust him. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil alam kong hindi ko siya mamahalin kung hindi ako nagtitiwala sa kaniya.“Saff, are you okay?” pagtatanong sa akin ni Morpheus sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon at kung minsan ay lutang ako dahil iniisip ko ‘yong narinig ko sa usapan nila.“Morpheus, sino ang tumawag sa’yo?” out of the blue ko’ng tanong. I can’t help it, okay? Pakiramdam ko, hindi ako makakatulog ngayong gabi kung hindi ko itatanong sa kaniya kahit ‘yon lang.“Sabi na nga ba, iniisip niya ‘yon. It’s not that necessary, don’t think of it that much.” Sagot nya sa akin.Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sino ang itinatanong ko Morpheus pero bakit ganiyan ang sagot mo?“So, sino nga?” pangungulit ko pa sa kaniya
PHASE 12Nagsimula na ang klase namin at si Morpheus ay hindi man lang nagpaliwanag kng bakit sabay sila ni Raize na pumasok ng classroom. Ayaw ko naman magtanong kahit 'di na ako mapakali rito. Baka naman kasi coincidence lang kaya hindi sya nag-abala pa na sabihin pa sa akin..Kung sabagay, si Raize at Remus na. Wala na ako'ng dapat ipag-alalala. Kung may iniisip ako ngayon, 'yon ay ayaw ko na mag mukha akong kawawa sa harap ng ibang tao. Na ang alam ng lahat ay nililigawan niya ako, tapos makikita naman sila ng iba na magkasama. Maybe, I should trust him.Natapos ang klase namin at vacant na ulit kami. Chi-neck ko ang cellphone ko at nakita na may reply na si Rowie sa text ko.From: Rowie,Ako na lang pupunta d'yan ngayon. Wala kaming second subject, eh.Dahil doon ay lumabas na ako sa corridor at nakita ko naman si Rowie na pabab
PHASE 11 Ilang araw na ang nakalipas magmula ng hayaan ko na manligaw sa akin si Morpheus. Ang bawat araw na 'yon ay napakasaya at alam ko na wala na akong hihilingin pa dahil sa ipinaparamdam niya sa akin.Na ako lang ang mundo niya at hindi niya kaya kapag nawala ako.Mga pakiramdam na hindi nagawa sa akin ni Oreus noon. Alam ko na masama na pag kumaparahin silang dalawa, pero hindi ko mapigilan.Magmula rin noon ay wala ng ibang makalapit sa akin para bully-hin ako, kahit sina Monica at Jade pa. I felt bad kapag naaalala ko na kahit sa panaginip ko ay sinaktan ako ni Raize.Kahit simpleng pagtatama lang ng tingin namin ay hindi ako makatagal dala na rin ng naranasan ko sa panaginip ko. Panaginip na akala ko totoo, na bumalik na siya at iniligtas niya ako.Maybe that is the only sign saying that I must forget him. Na hin
Phase 10 Pagmulat ko ng aking mata ay ang pamilyar na amoy ang pumuno sa ilong ko. Ang amoy ng aking kuwarto Kahit sumasakit ang aking ulo ay bumangon ako at bahagyang nataranta nang maaala ang nangyari sa akin. Agad akong bumangon at tumingin sa salamin para tingnan ang aking mukha. Walang kahit anong galos. Marahan ko'ng hinawakan ang aking ulo dahil sa sakit. Nakakapagtaka na wala ako'ng kahit ano'ng galos matapos ang ginawa sa akin ni Raize. Sinuri ko rin ang aking mga braso at binti kung may sugat o gasgas pero wala rin.\ How come? Gumaling agad-agad? Natigilan ako sa pagsusuri ng aking katawan nang maalala ang isa pa'ng nangyari kagabi. Ang pagdating ni Oreus. Kahit na medyo nanakit ang aking ulo ay dahan-dahan ko'ng ki
Phase 9 Ilang araw na rin ang nakalipas mag mula nang nangyari ang insidenteng 'yon sa bahay nina Morpheus at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkaka usap ni Remus. Kahit naman kasi gano'n ang nangyari ay hindi pa rin noon maalis ang pagtitiwala ko sa kaniya. Matagal ang pinagsamahan namin at kaya ko siyang tanggapin ulit kahit may nagawa siyang kasalanan sa akin. Siguro ay sobra lang siyang nasaktan dahil hindi ko nasuklian ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko rin siya masisisi, siguro nga ay hindi rin ako naging ma-ingat sa mga pakikitungo ko sa kaniya. Kaya gano'n na lang ang galit niya sa akin ay dahil umasa siya na gano'n din ang nararamdaman ko para sa kaniya. Magmula rin nang mangyari 'yon ay mas naging malapit sa akin si Morpheus. Kung dati sa likod siya naka upo dahil sinabihan ko siya na iwasan niya ako, ngayon naman ay mukhang wala na siyang pakielam kung ipagtabuyan ko pa siya. L
Phase 8 Tahimik lamang ako habang naglalakad kami papunta kina Morpheus. Magkaka barangay lang kami pero dahil nga hindi naman ako gano'ng gumagala ay agad akong napagod. Nakapunta na ako once sa bahay nina Tita Minerva, no'ng time na narito pa si Oreus at hindi ko rin naman in-expect na makakabalik pa ako rito. Ang kaibahan nga lang ay si Morpheus na ang kasama ko at hindi na si Oreus. Tahimik ang bahay nila nang makarating kami at mukhang wala rin sina Tita Minerva sa loob dahil noong unang beses ko'ng pumunta rito ay agad niya akong sinalubong.. I wonder where is Tita right now. Nagsimula nang magtanong si Raize at mukhang nagtataka rin. "Wala ba'ng tao rito ngayon, Stanley?" agad akong napabaling kay Raize dahil sa sinabi niya. Mukhang napansin ni Raize ang bigla kong pagtingin sa kaniya kaya agad din siyang nagsalita. "I mean, Morpheus pala. Mas gusto ko k
Phase 7 Hindi inalis ni Morpheus ang pagkakayakap niya sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa'ng pinipigilan. Si Morpheus naman ay hinahagod na rin ang likod ko, kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinahiran ang mga luha na tumulo sa mga mata ko. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Remus kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng ibig sabihin nito, Saffira?" pagtatanong niya at nakita ko'ng kasama niya si Raize na nasa likod lamang niya. Hinahagod nito ang likod ni Remus na parang pinapakalma ito. "Kailan pa, Saffira? Bawal ka pa'ng mag boyfriend sabi ni tito 'di ba? Eh ano 'tong ginagawa niyo ni Morpheus, ha?!" at hinila na niya ako palayo kay Morpheus. Nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak ni Remus kaya pilit ko rin'g inaalis ang kamay niya sa braso ko. Lumapit sa akin si Raize. "Remus, nasasaktan si Saffy. Bitawan mo nga
Phase 6 Days had passed ang Morpheus keep bugging me. Wala kaming pasok ngayon'g Friday since may seminar raw ang mga teacher namin. Marami sa mga kaklase ko ang natuwa at gano'n din naman ako ang masaklap, pati si mama kasama ro'n kaya hindi siya makakapag pahinga. Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita na nag text na naman siya sa akin. No'ng una talaga ay laking gulat ko nang malaman niya ang number ko at ang tanging isinagot niya lang sa akin ay, "I just used my connections," na talaga namang kinainis ko ng sobra dahil sa kayabangan niya. Mukhang kay Remus niya nakuha ang number ko dahil magmula nang mapunta ako sa guidance ay biglang naging close silang dalawa. Nagulat na lang din ako nang malaman ko na close rin pala si Raize at Morpheus, hindi kasi halata 'pag nasa school dahil ang madalas lang naman na nakikita kong kasama ni Raize ay ang mga kaibigan niya tulad ni Cyd at Polly.